Ficool

Istorbo

F2MorrowNeverComes
7
chs / week
The average realized release rate over the past 30 days is 7 chs / week.
--
NOT RATINGS
123
Views
Synopsis
Mga collection ng horror short stories. Minsan may mga bagay talaga sa mundo na kahit tayo hindi natin maipaliwanag dahil kadalasan sa mga ito ay kababalaghan. Eto ang mga "ISTORBO" sa ating mga kaisipan at kamalayan.
VIEW MORE

Chapter 1 - Studio Apartment Part 1

Ako si Ernesto, galing ako sa probinsya sa Mindanao na nakikipagsapalaran dito sa Manila para kumita. Kulang na kulang talaga sa pamilya namin yung kinikita sa probinsya para ipambuhay sa pamilya namin. Iniwan ko ang asawa ko sa probinsya para may magbantay sa tatlo naming anak. Dun ko muna sila pinag-aral dahil mas makananay yung mga anak ko kesa sa makatatay kaya wala naman ako alalahanin. May kabuhayan naman kami dun na nagbebenta kami ng mga pananim na gulay sa mga suki namin dun. Kaya lang kahit sa probinsya ay ramdam namin ang pagtaas ng mga bilihin para sa pamilya namin at mga serbisyo na kelangan bayaran sa paaralan. Nung una ay kaya pa dahil isa pa lang ang aming anak ngunit nag iba ang kalagayan namin nung nanganak si misis ng kambal kaya tatlo na agad ang aming mga anak.

 Eto yung una kong pagkakataon na magtrabaho sa Manila. Kabado pa at di alam kung may patutunguhan ba to. Buti na lang at meron akong kaibigan na si Rene na nauna ng dalawang taon sa Manila na dating taga sa amin din sa probinsya at kababata ko rin kaya madali akong natanggap sa pagawaan ng sapatos sa pinapasukan namin pareho. Nung unang buwan ay nakatira pa ako sa kanila at oo mas malaki nga ang kita dito kumpara sa probinsya. Yung kalahati ng sahod ko ay pinadala ko sa misis ko at kita sa mukha nya ang saya nung mag ka video call kame. Yung kalahati ay sobrang sapat na para mabuhay ako ng isang buwan sa Manila na sa totoo lang parang sobra nga ito. Nagbago ang lahat nung may dumating pa na mga kamag-anak si kaibigang Rene sa bahay nila. Medyo nasikipan ako at ako na ang nag boluntaryo na umalis sa bahay nila para maghanap ng bagong matutuluyan. Mabait naman ang kaibigan ko at nagsabi sya ng pwede kong malipatan na studio apartment for rent na malapit lang rin naman sa site ng trabaho namin kaya di ganun kahassle at sobrang mura lang raw ang upa. Sumang-ayon ako at agad agad ay lumipat na ako sa sinabi ni Rene na studio apartment.

 Parang isang bahay sya na up and down. Sa ground floor ay may tatlong studio apartment na magkakatabi. May mga naka label na A, B, C ang kwarto at sa second floor naman ay nandun ang D, E, F. Dun ako sa hanay ng D, E, F sabi ng may-ari sa letter F. Parang maliit lang na kwarto na may higaan at maliit na kusina at CR para sa isa o dalawang tao lang ang kwarto na ito at pag labas mo ng kwarto ay terrace na agad. Yung hagdanan din pababa sa ground floor ay simple lang. Sumapit na ang gabi, 7pm, nag aayos na ko ng gamit nang mapansin ko na parang may maliit na butas sa pader. Nakakapagtaka lang bakit may butas ang pader gayong sementado naman ang mga kwarto at parang makakapal ang mga pader. Ewan ko kung ano ang nasa isip ko na imbis saraduhan ang butas ay na curious talaga ako para sumilip. Alam kong mali ito pero may kung anong magaling ang sumapi sa kin at di ko napigilan ang sarili ko. Nang pagsilip ko sa butas ay may nakita ako na babaeng nakatalikod at nakatayo dun sa bandang kusina. Mukhang normal lang naman ang suot nya. Naka short na maong na hindi kahabaan pero di rin masyadong maikli basta di lalampas sa tuhod. Naka white shirt sya na mahaba ang itim na buhok na nakalugay. Mukhang busy lang sya sa niluluto nya at mukhang nagtatadtad lang ng mga mga pang sangkap sa luto nya. Di ko lang sigurado kung ano yung mga tinatadtad nya. 10 minutes ata ang hinintay ko at ganun pa rin ang pustura ng babae kaya na buryo na ako dahil di ko man lang makita ang mukha nya kaya tumigil na ko sumilip sa butas at naging busy na lang sa kwarto ko.

 Nanuod ako ng dalawang episodes ng paborito kong action series sa cellphone pang tanggal ng stress sa araw at araw-araw ko naman inaabangan bagong episode neto at sinabayan ko na rin ng masarap na pagkain na binili ko sa paborito kong fast food. Isang oras ang nakalipas at tumusok na naman ang kuryosidad ko kung anong itsura ni ate sa kabilang kwarto. Tumingin ako sa butas at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Ganun pa rin ang pwesto at ginagawa nya simula pa kanina. Nasa kusina pa rin sya at nagtatadtad ng kung ano. Nakakapagtaka dahil isang oras na ang nakalipas pero nandun pa rin sya sa ginagawa nya. Bakit hindi sya umaalis sa pwesto nya kahit isang oras na ang nakalipas?

 Pagkatapos ng limang minuto, nagulat ako dahil huminto sya sa pagtatadtad at dahan-dahang lumingon. Maganda ang mukha nya ngunit pulang-pula ang mga mata. Hindi lang sya basta lumingon dahil nag 360 degrees ang ikot ng ulo nya na impossibleng gawin ng isang normal na tao. At yung lingon nya ay sa direksyon ng butas kung saan ako nakatingin. Alam ba nyang kanina pa ako nakatingin sa kanya? Bigla ako kinilabutan sa nakita dahil parang zombie na naglalakad yung babaeng pero ang nakaharap sa lakad nya ay ang likod kaya parang paurong siya lumakad papunta sa direksyon ng butas kung saan ako nakatingin!