Ficool

Chapter 3 - CHAPTER 01

{"Ladies and gentlemen, welcome to John F. Kennedy International Airport. Local time is 6:45 AM and the temperature is 20 degrees Celsius."}

Nang marinig na ni Ren ang huling announcement sa eroplano ay agad niya nang isinara ang magazine na kanina niya pa binabasa. Napatingin naman ang ginoo sa labas ng bintana atsaka niya nakita ang napakagandang view ng airport habang sila ay naghahanda sa paglapag ng kanilang eroplano sa paliparan. Hindi na naiwasan pa ni Ren na mapangiti, ilang taon din ang lumipas bago siya makabalik sa bansang ito, nakakasabik namang mamasyal ulit. Ngunit agad ding nagambala ang kaniyang saya nang bigla na lang tumunog ang kaniyang cell phone dahil sa natanggap nitong message. Agad niya na rin itong tinignan atsaka binasa ang natanggap nitong message na galing pala sa kaniyang kasintahan, si Damien.

FROM : Damien Xiao

: Enjoy your trip—di mo ko sinama porket nasa Pilipinas ako? (-_-)

Nagtatampo ba siya?

: Just kidding, alam ko naman trabaho iyang ipinunta mo, but don't forget to enjoy the city, okay? I heard that they have a lot of tourist spots there, so go pay a visit. Wag mo lang kakalimutan ang pasalubong ko ha—ugh, cringe.

Tingnan mo to, ang corny... Hahahahaha!

: Oh... by the way... Use this opportunity to atleast have a conversation with him, okay? I don't mind. I just want you to live a peaceful life without those feelings that keep messing your mind. It's your time to let it all go, let's move forward together with a happy heart.

: Let's meet at your place in Japan next summer, okay? I'm wishing you all luck in New York.

: I love you... always...

Napangiti muli si Ren nang mabasa nito ang mensahe na kaniyang natanggap mula kay Damien. Kahit hindi halata sa itsura ng kaniyang kasintahan ay napaka-sweet talaga nito pagdating sa kaniya kaya labis nitong ipinagpapasalamat na nakilala niya ito sa Japan nung mga panahong naliligaw siya ng landas sa kaniyang buhay. Paano na lang kung hindi niya ito nakilala? Baka hanggang ngayon ay siya pa rin ang iniisip nito, baka nabaliw na ako.

I love you too, he thought to himself. Ibinalik niya na rin ang kaniyang cellphone sa bulsa ng kaniyang jacket atsaka siya napatingin muli sa labas ng bintana. Malapit na silang bumaba at ilang oras lang ay makakatapak na ito muli sa bansang kaniyang minsan na ring minahal.

"On behalf of Japan Airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you onboard again shortly. Have a nice day."

Katulad ng kaniyang laging kinukwento noon ay dito niya na sa New York sinulit ang kaniyang kabataan noong siya ay thirteen-year-old hanggang sa tumuntong siya ng sixteen. Kasama niya pa noon ang kaniyang mga magulang sa iisang bahay na naka-locate sa Upper Manhattan. Ang kaniyang ina ay half Filipina at half Japanese habang ang kaniyang ama naman ay isang pure American at miyembro pa ito ng US Army kaya napakahigpit sa kanilang tahanan noon. Nagpalipat-lipat sila ng bahay, at maging bansa ay hindi napalagpas, dahil sa trabaho ng kaniyang ama kaya hindi maipagkakaila na marami nang alam na iba't ibang kultura at lingwahe si Ren. Ngunit, hindi naging madali ang lahat nang siya ay palayasin sa kanilang tahanan dahil sa hindi nito katanggap-tanggap na pagmamahal.

It's been so long, New York.

"Welcome to New York City, Sir!"

"Aye! You look Asian!"

Well, I am...

"Woah! He's handsome!"

"Welcome to New York City!"

Yeah, it's nice to be back, he thought to himself once again. Napangiti naman ang ginoo habang binabati siya ng mga tao na para bang kilala siya ng mga ito. Wala pa ring pagbabago, napakarami nang mga tao kahit na ganito kaaga at napaka-friendly pa rin ng mga ito, how nostalgic. Naglakad na ang ginoo palabas ng airport atsaka siya huminto upang makapagtawag ng taxi na papunta sana sa Manhattan. Tumingin muna si Ren sa kaliwa't kanan at sakto namang may isang taxi na paparaan na sa kaniyang harapan kaya agad niya itong sinenyasahan para malaman ng driver na nais niyang sumakay. Nang huminto na ang taxi sa kaniyang harapan ay agad niya naman hinawakan ang knob nito sa may backseat, ngunit nang bubuksan niya na sana ang pinto ay agad na bumaba ang bintana nito atsaka bumungad sa kaniya ang isang pamilyar na mukha. Nakaupo ang taong ito sa left side ng backseat, napakunot ang noo ni Ren dahil hindi niya inaasahan na makikita niya pa ang lalaking ito, at nginitian naman siya ng ginoo na nakadungaw sa bintana na para bang nang-aasar pa ito.

"Hey! Long time no see, Ren!" he greeted him with a smile. "Welcome to New York!"

"Ethan?" Ren called the man's name with that irritated expression on his face. It was a joke, of course, they were childhood friends anyway. "Is that you?"

"In the flesh!" komento naman ni Ethan dahilan para mapangiti na sa tuwa si Ren. "Going to Manhattan?"

"Yeah..." tugon naman ni Ren at onti-onti na namang napapakunot ang kaniyang noo. "How did you know?"

"Well, I knew you well. Manhattan was the only place you consider hell," Ethan looked at the driver of the taxi and said, "I will take this guy with me to Manhattan, just give me an extra charge, okay?"

"Yes, Sir!" sagot naman ng driver.

"Cool!" komento naman ni Ethan atsaka ito muling humarap kay Ren. "Hop in! I will treat you to a ride to Manhattan."

"Oh, perfect, thank you so much."

Hindi na nagdalawang isip si Ren na buksan ang pinto ng backseat atsaka niya ipinasok sa loob ang kaniyang maliit na bagahe, at agad na rin siyang pumasok sa loob kasabay ng kaniyang pagsara ng pinto. Nagsimula nang magmaneho ang driver paalis ng airport, hindi na maiwasan ni Ren na mapatingin muli sa labas ng bintana upang mapagmasdan ang paligid ng city habang sila ay bumabyahe papunta sa Manhattan. It seems like the city didn't change at all. It still gives him the same vibe that he felt when he's with him.

"Hey... Uhm... Ren?"

"Hm?"

"I was wondering... Uh... How's your life in Japan?" Pagtatanong naman ni Ethan dahilan para mapalingon naman sa kaniya si Ren na tila'y nagtataka pa ito. "I heard from the... gang... that you're finally living a very peaceful life with your... uhm... new... lover."

How did they know? I lost track of them.

"Oh... yeah, that's true," tugon naman ni Ren na para bang hindi na ito nakakailang sa kaniya. "I'm happier than ever."

"Really? I'm glad to hear that," natutuwang komento naman ni Ethan kasabay ng kaniyang pagtingin muli sa binata ng kaniyang pinto. "He would also be glad when he hears about it."

Him... Bigla na lang nakaramdam si Ren ng kakaibang kirot sa kaniyang puso nang marinig nito ang huling isinambit ni Ethan, dahilan para mapatulala na lang ito sa ginoo, na tila ba'y sumagi muli sa kaniyang isipan ang mga masasayang alaala na kasama siya, ang dati niyang kasintahan. It was almost like a fairy tale, you wouldn't imagine that it would end like it was nothing... It was so painful that I almost couldn't think straight like I used to.

No, don't mess this up, Ren.

Napailing na lang si Ren upang magising ang kaniyang diwa atsaka siya muling napatingin sa kaniyang bintana. Makalipas ang kalahating oras ng byahe ay nakarating na rin sila sa wakas sa Manhattan. Katulad pa rin nung huli niya itong nakita, matataas na mga building, crowds, mabibilis na kotse, at napaka-busy na street. I used to love this place, he thought as he looked around. Binayaran na ni Ethan ang kanilang travel fee atsaka sila bumaba sa taxi. Nang makuha na ni Ren ang kaniyang bagahe sa loob ng taxi ay agad niya namang isinara ang pinto at nagmaneho na muli ang driver paalis.

"So, are you staying in a hotel around here?" pagtatanong naman ni Ethan dahilan para mapatingin agad sa kaniya si Ren atsaka ito umiling bilang tugon. "Eh?! Why—Oh! You rented an apartment! I see, I see... I will drop you there just lead our way—"

"No, I'm not renting either," at nang sasagot pa sana si Ethan ay pinangunahan na ito agad ni Ren. "I didn't own any house."

"Then where are you staying?" pagtatanong naman muli ni Ethan na para bang bata na paiyak na dahil wala man lang tumama sa mga sinabi niya.

"Well, to a place that I consider home?" tugon naman ni Ren kasabay ng pagtingin nito sa isang lumang four-story apartment building kung saan ay nakatayo na sila sa tapat nito ngayon. It was so small that only six families could live here. Napatingin naman dito si Ethan at naiintindihan niya na ngayon kung bakit kanina pa sila hindi umaalis sa pwestong ito. "I'm sorry, Ethan."

"No, It's fine, I understand," wika naman ni Ethan atsaka ito napatingin muli kay Ren. "Well, this building was totally abandoned, but it's still functional. So... Uhm... I will leave you here for a while because I no longer live here... I moved out with my family, I'm married."

Wow... Everything is truly changing.

"So... is he still—" magtatanong pa sana si Ren ngunit agad namang sumingit si Ethan upang masagot na ang kaniyang nais na itanong.

"No, he just disappeared three years ago, he didn't say anything and he just left everything, he just left us here. He didn't leave any traces this time, I guess he would never come back."

Ohhh... Is that so?

"I see..." pagbulong namna ni Ren na para bang dismayado pa ito.

"Alright, I will see you again... maybe later or sooner?" wika naman ni Ethan kasabay ng pagtalikod nito atsaka na ito nagsimulang maglakad papalayo. "Goodbye, enjoy your stay."

"Yeah, see you..." tugon naman ni Ren kasabay din ng pagngiti nito sa ginoo. "Be careful on your way."

Kumaway na lang si Ethan bilang huling pagpapaalam nito, at nang tuluyan na itong mawala sa paningin ni Ren ay napatingin na ito muli sa lumang apartment na dati niyang tirahan noon mula nung mapalayas siya sa kaniyang pamilya. Napakaluma na ng itsura nito na para bang sampung taon na itong inabandona. Naglakad na ang ginoo pataas ng hagdanan papunta sa may entrance, at mula rito ay nakita niya ang dating floor mat na nagsasabing Welcome! sa mga nais bumisita. Agad niya naman itong inangat bilang dating gawi at laking gulat niya nang makita ang susi ng main entrance. Agad niya rin itong kinuha upang mabuksan ang pinto atsaka siya pumasok habang dala-dala ang kaniyang bagahe sa loob. Nagtungo agad si Ren sa fourth floor ng building kung saan makikita ang dati nilang apartment, at nang makarating na siya rito ay agad siyang nagtungo sa apartment 401 na agad niya rin namang nakita.

Damn... This is it...

Agad na kinapa ni Ren ang kaniyang wallet mula sa bulsa ng kaniyang suot na pantalon atsaka niya ito kinuha. Mabilis niyang kinuha mula rito ang itinatago-tago niyang duplicate key noon pa man, atsaka niya ito ginamit pang-unlock ng pinto. At laking gulat niya naman na nagbukas pa ito dahilan para sumalubong sa kaniya ang isang pamilyar na amoy. The familiar smell of him... he missed it so much. Tuluyan niya nang binuksan ang pinto at bumungad na sa kaniya ang wala pa ring pagbabago na ayos ng kanilang apartment na tinuluyan nila. Napakaliit lang ng apartment na ito at kasya lang rito ang pangtatluhang pamilya kaya ayos na ito para sa kanila.

Oh... this feeling again...

Hindi niya na maiwasan na maalala muli ang dating kasintahan nito na naghuhugas ng pinggan sa kanilang maliit na kitchen counter na may maliit na bintana kung saan tanaw mo ang rooftop ng kapitbahay. Tandang-tanda niya rin kung paano ito maglinis ng sahig, maupo sa couch habang nagbabasa ng newspaper, nakahiga sa kama habang nanonood ng TV, at higit sa lahat ay kung paano ito dumungaw sa kaisa-isa nilang malaking bintana na nasa tabi lang ng kanilang kama habang pinapanood ang paglubog ng araw. That ocean blue eyes, black hair, white skin, that skinny body of him, and the smell of cigarette smoke that was always chasing him, he remembers them all. The smell of strawberries... he remembered its taste... they always taste like you.

"Good morning!" Buong akala niya ay nakalimutan niya na ang boses nito, ngunit laking gulat niya nang marinig niya ito nang napakalinaw sa kaniyang isipan... that husky voice while greeting him. "How rude of you, greet me too..."

"Yeah... Good Morning... Skye..."

Hindi na naiwasan ni Ren na mapangiti habang inaalala ang lahat, atsaka ito naglakad papalapit sa kanilang king sized bed na katapat lang din mismo ng pinto na ito. Agad siyang naupo rito kasabay ng kaniyang paglagay sa gilid ng kaniyang bagahe, atsaka siya tuluyang nahiga rito upang makapagpahinga para mapawi ang pagod dahil sa byahe. Habang nakatitig ang ginoo sa kisame ay napansin niya namang mainit pa rin ang higaan na ito katulad ng lagi niyang gusto. Ngunit, habang siya ay nakatulala sa kisame ay hindi niya namang maiwasan na maisip muli ang sinabi ni Ethan kanina bago siya iwan nito.

"So, you're still using this apartment after you left me alone in Japan ten years ago?" Pagbulong naman ni Ren kasabay ng kaniyang pagpikit at pagbuntong hininga nito. "Haa... You're still the worst."

But, I'm still hoping... where are you now—

"Hey! Hey! HEY! REN! WAKE UP!"

Ugh! Sino ba yon?! Nakakainis! Pakiramdam ni Ren ay may tumatawag sa kaniya habang siya ay patuloy na inaalog nito upang magising. Napakunot na ang noo ng ginoo dahil sa inis atsaka niya itinulak paalis sa kaniyang braso ang kamay ng taong gumigising sa kaniya ngayon. Ano ba kasi ang kailangan nito at bakit hindi na lang sabihin nang diretso? Agad niyang kinuha ang katabi niyang unan atsaka niya rin itong itinakip sa kaniyang ulo upang hindi niya na marinig ang boses ng taong ito. Nakakairita! Kita namang pagod yung tao!

"What the—wake up! It's lunch time!"

"Five... more minutes..." Inaantok pang tono ni Ren habang mas tinutuon niya pa sa kaniyang ulo ang unan. I wanna sleep more.

"Goddamn! I said! WAKE UP!"

Hinatak na ng lalaki ang unan na nakatakip sa ulo ni Ren atsaka niya ito hinagis sa kanang bahagi ng higaan. Inimulat na rin ni Ren sa wakas ang kaniyang mata habang ito ay nakasimangot at agad din niyang hinarap ang lalaki na kanina pa siya iniinis. Ngunit, agad ding napawi ang kaniyang pagkainis nang bumungad sa kaniya ang isang napakapamilyar na mukha ng isang lalaki na mas nakakatakot pa ang itsura pag galit na. That annoyed face of him, he's breathing so heavily, his fist was ready to punch him for not waking up the second he said it, it looks so unrealistic.

"Skye?"

More Chapters