"Skye?"
Hindi makapaniwala si Ren na kung sino pa ang hindi niya inaasahan na makikita ngayon ay siya pa pala ang gigising sa kaniya mula sa pagtulog habang ito ay nakapatong pa sa kaniyang katawan. Dahan-dahan na bumangon nang bahagya ang ginoo habang tinititigan pa rin ang mukha ng kaniyang dating kasintahan atsaka niya hinaplos ang mukha nito para makasigurado. That soft and delicate skin of him, his eyes, nose, and lips, they all still look the same as before. This brought him back to the same question that he's been asking himself, Ano na nga bang gagawin ko pag nangyari iyon? Anong na nga ba ang kaniyang gagawin pag nakita niya na ito muli?
"Am I dreaming?" pabulong na pagtatanong naman ni Ren na para bang nananaginip pa rin ito. "You didn't grow up a little?"
"No," Skye said nonchalantly.
"Ah... Sumagot pa nga," komento naman ni Ren kasabay ng pagngiwi nito na para bang hindi pa rin nito sineseryoso ang kaniyang kausap ngayon. Napailing-iling naman ang ginoo na akala mo ay lasing na ginigising ang sarili "Ha... Hahahaha... Hindi lang ata ako nakainom ng gamot."
"What are you saying?" may diin na komento naman ni Skye na para bang naiinis na ito dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi ng dating nobyo nito at hindi na ito nagdalawang isip na sampalin si Ren dahilan para magulat naman ito. "This is not a dream!"
"Ah!" natigilan naman si Ren dahil sa gulat atsaka niya napagtanto na totoo nga ang lahat nang ito. Dahan-dahan naman siyang napalingon muli kay Skye habang nanlilisik ang mga nito dahil sa galit. "YOU. PIECE. OF SHIT!"
"W-Woah! Why are you so mad?!"
Agad na umalis si Skye mula sa pagkakapatong nito sa ibabaw ni Ren nang makita niya na galit na galit na ang ginoong ito. Agad din namang tumakbo sa sulok ng kanilang apartment ang lalaking ito na siyang pagbangon naman ni Ren mula sa pagkakahiga nito sa kama atsaka nito hinabol ang dating kasintahan para makaganti dahil sa galit. Just like the old times, they were like cats and dogs, they make this apartment loud and chaotic.
"Why am I so mad? WHY?! You really have the gut to ask me that?!" galit na galit na pagtatanong ni Ren habang hinahabol nito si Skye. Ngunit, sa hindi maipagkakaila na taglay na bilis ng ginoo ay hindi niya ito magawang maabutan kahit napakaliit lang ng kanilang apartment. Nakaabot na sila sa kanilang kitchen counter na katabi lang mismo ng kanilang kama, dahilan para agad na makahablot ng takip ng fryer pan si Skye bilang panangga kay Ren. "O-Oh! Do you think that fucking lid can save you?! DO YOU THINK?! FUCKING DEVIL!"
"Okay! Okay! Ren! Stop! I get it! Please! Stop!" pakiusap naman ni Skye na siyang onti-onti namang pagkalma ni Ren nang marinig ito. Now, he's saying please... with that tone... "Let me explain, please... I'm begging you... I wanted to talk..."
Here we go again... him and his begging...
"Did you know how hard it was to live without you?" may diin na pagtatanong ni Ren na para bang pinipigilan nito ang kaniyang sarili na maluha habang inilalabas ang saloobin nito. "I... I have no idea how to survive while living in Japan all alone. You just left me there without telling me, not a single word reached me. I have to look for you in every street of Hokkaido just to have some answers."
"I know it was hard for you..." mahinahong pagtugon naman ni Skye kasabay ng kaniyang paglapag sa counter ng kaniyang hawak-hawak na takip ng fryer. Dahan-dahan din siyang lumapit kay Ren upang ito ay mabigyan ng isang mainit na yakap kasabay ng paghimas-himas nito sa likod ng ginoo para mapakalma ito. "I'm sorry... I just don't have any choice... I'm just trying to protect you. You know what kind of life that we have before. It was so miserable, I needed to buy some time..." Pagpapaliwanag pa ni Skye atsaka siya kumalas mula sa pagkakayakap upang matignan ang dating kasintahan nang diretso sa mga mata nito. "So, that's why... I left you in Japan because that's the only place I knew you were safe. I'm sorry, okay? Please forgive me."
The most unreasonable reason that I ever heard... Hindi inaasahan ni Ren na hahalikan siya nito sa noo para lamang masabi nito na sincere siya sa mga paliwanag nito, at hindi naman ito pinagdududahan ng ginoo, sa halip ay niyakap niya pa ito muli nang mahigpit kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman nito ngayon. But, I guess... I was a fool...
How childish, Skye thought to himself. Hinayaan niya lang itong umiyak nang umiyak sa kaniyang bisig habang hinihimas-himas niya pa rin ang likod nito. Naiintindihan niya ang galit na nararamdaman ng ginoo at inaako niya naman iyon. Alam niya naman na darating ang araw na ito kaya handa siyang saluhin lahat ng mga ibabato nito... maging ano pa yan... para sa ikakagaan ng kaniyang loob. Kahit kapalit man ang kaniyang buhay para lamang sumaya si Ren, ibibigay niya ito na walang pag-aalinlangan, mapatawad lamang siya nito.
"I... I thought you were gone..." mahinang wika naman ni Ren habang humihikbi pa rin ito. I know that this is wrong... but I think... This was the kind of comfort that I've been looking for. "I thought you left New York for good."
"Well, I was..." malambing na tugon naman ni Skye habang bahagya itong nakangiti. "But, it feels like I forgot something to bring with me when I was about to step out from New York... So, I came back to find it."
"Ugh, you're such a liar," naiinis na komento naman ni Ren dahil alam niyang lagi niya itong palusot, noon pa man, lalo na sa tuwing nagkakaroon sila ng hindi pagkakaintindihan. Kumalas na mula sa pagkakayakap si Ren atsaka ito muling naupo sa kanilang kama habang pinupunasan nito ang kaniyang luha. "You have a sharp memory, you can't trick me."
"Okay, I'm lying," but I did trick you. Napangiti na lang ang ginoo nang makita nito na kalmado na si Ren kaya itinuon na lang nito ang kaniyang pansin sa kitchen counter atsaka siya nagsimula nang magtimpla ng kape para sa kanilang dalawa upang pagsaluhan. "But, I'm so glad that you came back." Agad na nagbuhos ng maligamgam na tubig sa dalawang cup ang ginoo na siyang naamoy naman ni Ren ang pamilyar na aromang ito. "I was about to go crazy like what if you saw me dead and rotting in the street?"
"You will never gonna die," seryosong komento naman ni Ren habang inaayos nito ang kaniyang buhok. Napangiti naman si Skye nang marinig ito kasabay ng kaniyang pagkuha sa dalawang cup atsaka niya ito iniabot sa ginoo. "You're still drinking this kind of coffee?"
"Of course, it's my blood."
Tinanggap naman ni Ren ang itinimpla nitong kape na siyang pag-upo rin ni Skye sa kama na isang metro lang ang distansya nito mula sa kaniya para makapag-usap pa sila nang masinsinan na walang nasasaktan. Hindi na maiwasan ni Ren na mapatitig sa ginoo habang siya ay humihigop ng kape mula sa kaniyang baso, atsaka niya lang napagtanto na napakalayo na ng kanilang agwat sa isa' isa. Unlike before, they used to have a morning coffee while cuddling, it's too casual now.
"Ano... Skye, doush—"
"You're already good at speaking Japanese," mabilis na komento naman ni Skye nang mapansin nito ang pagbago ng lingwahe ni Ren. "And also, Filipino! You can now talk just like your mom."
"I'm good at speaking nihongo because I'm living in Japan and I'm so used to talk in Tagalog because my boyfriend was a Filipino citizen," Pangangatwiran naman ni Ren habang ipinapakita nito na kalmado na siya at hindi na nagagalit. "My English? Oh, I practiced it so that I could curse you out when I see you again!"
"Hahahahaha! Like fuck you, Kye! Curse you to death! You know that it won't work," pang-aasar pa ni Skye habang napapabungisngis pa ito. "Sounds like you're enchanting a spell—Kye be gone!"
"How many times do I have to tell you? Your name was pronounced as sky and not K-A-Y-E," Pagpuna naman ni Ren sa ginoo habang bahagya itong nakasimangot. "You despise the sky so much."
"But, it doesn't sound right with my full real name," pangangatwiran naman ni Skye. "Besides, only the syndicates can call me Kye John, and you're the only person who can call me Skye."
"...and I will be the only one who can call you Cos just like the universe." Agad na natigilan si Ren nang sumagi muli sa kaniyang isipan ang sinabi ni Skye nung una silang magkakilala matagal na panahon nang nakalilipas. Hindi siya makapaniwala na tandang-tanda niya pa pala kung paano sila nagkapaliwanagan patungkol sa kanilang kakaibang pangalan bago pa man sila magkasundo sa itatawag nila sa isa't isa. Parang kahapon lang ang lahat.
"Skye Leonard Johnjenkin..." pagbanggit naman ni Ren sa buong pangalan ni Skye habang bahagya itong nakangiti. "Whatta complicated name."
"Oh yeah? What does Ren Cosmos Chavez sound like?" pang-aasar naman ni Skye kasabay ng bahagyang paghampas nito sa braso ni Ren. "Does it sound like a magic spell?"
"Ugh, shut up, you're so annoying," pagsaway agad ni Ren habang nakasimangot na parang bata.
"Hahahahaha!" Hindi na naiwasan pa ni Skye na matawa nang makita nito kung gaano kabilis magbago ang mood ni Ren. "You've changed, Cos."
"And you still haven't..." Ren whispered as he took another sip from his cup. Bumulong pa ito muli sa ibang lingwahe at hinayaan lang ito ni Skye kahit hindi niya na ito maintindihan. "Lakas mang-asar ampota."
"You learned a lot from your boyfriend, I guess," malambing na wika naman ni Skye habang pinagmamasdan si Ren. Hindi pa rin kumukupas ang mala-anghel na itsura nito, parang hindi rin ito tumatanda. "You can now wipe your tears and fix your hair after you cried."
Hindi inaasahan ni Ren na maririnig niya ito mula mismo kay Skye atsaka niya lang napagtanto na napakalayo niya na sa taong nakilala ng kanyang dating kasintahan noon... ang taong labis niyang minahal... ang taong may-ari ng kaniyang puso... at higit sa lahat ay ito ang taong paborito niyang paglaruan at saktan dahil alam niyang sa kaniya pa rin ito babalik kahit talikuran na siya ng mundo.
"Of course, he taught me..." I have to learn alone.
"I'm so glad to hear that," komento ni Skye habang nakangiti ito na para bang bata. Maya-maya lang ay bigla itong tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo sa kama atsaka ito nag-unat. "Well! Let's go for a walk around Manhattan? It's been a long time. I will tell you everything that happened here while you were away."
Everything... that I wanted to hear...
"Sure... I would like to listen."
•┈┈┈•┈┈┈•┈┈┈•
"Hotdogs?"
"Thanks," pasasalamat naman ni Ren kasabay ng kaniyang pagtanggap sa hotdog sandwich na binigay ni Skye. Agad na tinignan ng ginoo ang hotdog at agad na nawala ang kaniyang ngiti nang makita nito na napakaraming mustard pala ang inilagay ng lalaking ito para lamang siya ay asarin. Agad din siyang napatingin kay Skye at nakita niya itong nagpipigil ng tawa, ngunit isinawalang bahala niya naman ito para ipakita na hindi siya nakikipagbiruan. "Tsk!"
"No!" mabilis na pinigilan ni Skye ang ginoo nang makita niya na kakagat na sana ito. Agad niyang kinuha ang hotdog sandwich ni Ren at pinalitan ito ng bago na konti lang ang mustard sa ibabaw nito. "You can't eat too much mustard—You will hate me forever if I do that again."
"Well, I might," Ren said as he took a bite. "Hm! God, I miss New York!"
"Tired of sushi?" komento naman ni Skye kasabay ng pag-upo nito sa tabi ni Ren upang masamahan ito.
"Tired of ramen," pagwawasto naman ni Ren kasabay ng pagkagat muli sa sandwich. "Ugh~ I think I'm about to puke while thinking about ramen."
Napangiti na lang si Skye habang pinapanood si Ren na kumakain ng sandwich. Kasalukuyan silang nasa Time Square habang nakaupo sa red step. Hindi aakalain ni Skye na makakaupo siya muli sa area na ito habang kasama ang dating kasintahan. Pinagmamasdan lang nila ang mga tao na nagsasaya na para bang ito na ang pinakamasayang araw sa kanilang buhay. He used to judge them so bitterly, but now, look at him. Wala pa ring ipinagbago, it's still the same american dream.
"Oh! Remember running around this area? Like when the syndicates were chasing after us?" pagpapaalala naman ni Skye habang nagtuturo sa paligid. "Then we're gonna climb up to this hotel, I think it was that Hotel 46, until we reach its rooftop—"
"Oh, yeah, I remember that night!" komento naman agad ni Ren habang bumubungisngis pa nang maalala nito ang tinutukoy ni Skye. "You were like, Ren, I just wanted to kiss you—but those syndicates were after us, and we saw this random emergency ladder of a hotel so we climbed up together. Then when we reached the top, you suddenly... uhm... ahhh..."
What am I saying?
"Kiss you?"
Natigilan si Ren nang mapagtanto niya kung gaano siya kasaya habang ikinukwento ang nangyari nung gabing iyon. It was their first passionate kiss together. The adrenaline, the eagerness, the heat... oh to feel those things again. He can still remember it clearly, like the way he immediately pins him against the wall and he hits his head a little harder. But, Skye carefully caressed his head to massage it to ease the pain as he kissed him so deep. Agad na napailing si Ren nang matandaan ang bawat detalye ng araw na iyon kasabay ng kaniyang pagyuko dahil sa hiya.
Think about Damien, Think about Damien!
Napatitig lang si Skye kay Ren at kitang-kita niya kung gaano na ito nahihiya para sa sarili niya. Parang pinipilit na nitong kalimutan lahat ng kanilang pinagsamahan noon. Atsaka niya lang napagtanto na maling-mali pala na pinaalala niya pa ang nangyari noong gabi na iyon. After what he did? When he's already committed to someone? When it's too late? How could you, Skye?
"Forget it, it's embarrassing," seryosong wika naman ni Skye kasabay ng kaniyang pagtingin sa mga naglalakihang building ng city. "School rooftops in Japan look more romantic than here."
Right... It's more romantic... romantic to die...
"It's more full of love there than here."
Nonsense w̶i̶t̶h̶o̶u̶t̶ y̶o̶u̶...
❀