Ficool

Chapter 2 - PROLOGUE

It was twenty-second of July... the day that you caught my eyes...

"Huh?"

Agad na napatigil sa pagkanta si Ren nang mapansin nito ang isang lalaki na nakaupo sa right column ng church pews at tila ba'y bago lang ito sa kanilang church. Nakatingin lang ang lalaki sa kaniya na tila ba'y isang bata na kumikinang ang mga mata na akala mo ay ngayon nakakita ng isang tao na katulad niya. The new guy has this ocean blue eyes, bushy eyebrows, imperial nose, kissable lips, sharp jawline, and long, wavy, black hair just like an abyss that suits him so much. He's just about his age, sweet sixteen, very young but he tends to look older than his age. He's so gorgeous for a guy that could capture your heart and soul.

You were so pretty, I can't deny...

"Hey! Why aren't you singing?" pabulong na pagsaway ng isang lalaki na katabi ni Ren dahilan para magising agad ang kaniyang diwa atsaka niya napagtanto na nakatingin pala sa kaniya ang ibang tao sa church dahil siya lang ang hindi kumakanta. "Stop spacing out! Sing!"

"R-Right!" tugon naman ng binata at agad din nitong inilipat sa susunod na pahina ang kaniyang hawak-hawak na booklet para makasabay sa iba. "...Deliver us from every evil, let us not be led astray."

You look like a dream, almost seems so real.

As the man who keeps staring at Ren, he can't help but to feel more fascinated. He can't believe that this church he used to curse out because of lies, there was this angel from the sky. He has dark brown eyes, not-so-bushy eyebrows, a very cute pointy nose, and curly hair that's been dyed with ginger color. He looks like an orange that can be sour and sweet at the same time. Their choir robes suit him well and that makes him look so divine.

You're so divine, I want you mine...

"Uhm... Excuse me?"

"H-Huh?!" nagising naman agad ang diwa ng lalaki nang marinig niya ang isang napakalambing na boses dahilan para agad siyang mapatingin dito. "Yes, sister?"

"The mass was already over," wika naman ni sister dahilan para agad na mapatingin sa paligid ang lalaki at laking gulat niya na wala na palang tao sa loob. "You're the only one left here."

"Yeah, right!" he replied as he got up and gave a smile to the nun that made her a little confused. "I'm sorry, sister! Maybe, I should go."

"As you should, young man."

Nagmadali nang maglakad ang lalaki palabas ng church habang hiyang-hiya ito. Hindi siya makapaniwala na sa sobra niyang pag-iisip ay hindi niya na namalayan na siya na lang pala ang matitira sa loob ng simbahan. He despises churches a lot, he can't stand the hypocrisy of those people who keep praying for their sins and still repeat it. He once despised everything associated with the divine, but the moment that he saw him... it was the first time it made him stay.

It brought back his faith... I can't believe it.

Pagkalabas na pagkalabas ng lalaki sa church ay saktong papasok na rin sana si Ren sa loob upang makapaglinis ng altar. Agad na napahinto sa paglalakad si Ren dahil sa gulat, habang ang lalaki naman ay tuloy-tuloy lang sa paglalakad, dahilan para hindi na nito mapansin ang binata na nasa gilid lang ng entrance habang may dala-dala itong timba. Namukhaan naman ito ni Ren dahil ito yung binata na kanina pa nakatitig sa kaniya habang kumakanta. Hindi niya na ito ginambala pa at sa halip ay pinanood niya na lang ito habang naglalakad paalis ng church kahit muntikan niya na itong mabangga.

"Hm... maybe he has a lot of problem..." pabulong na komento ni Ren habang nakanguso ito at laking gulat niya naman nang kaniyang masaksihan kung paano hinawi ng binata ang mahaba nitong buhok.

But, I admit, he's pretty.

"I didn't even got his name," muling pagbulong ni Ren kasabay ng kaniyang paghaplos sa kaniyang leeg. "Maybe... Only time will tell us that we're meant, if it would let us meet again."

I think... I'll see you again... Ocean.

More Chapters