Ficool

Chapter 27 - Sakit Sa Pwet

Nagsimula sa iyong mga mata hanggang sa nahulog sa paghanga; hindi ko inaasahang ganiyan pala kalakas ang tama mo sa akin,

Hindi ko sinasadya trip lang naman talaga sa Umpisa, ngunit hindi namalayang pinapangarap Na kita; maka-usap, mahawakan ang iyong kamay, at matitigan sa malapitan,

Ginagawang lahat para mapansin ang aking Presensya hanggang sa wala paring napala

Hindi ko mawari, ba't ba kung sinong hirap abutin ay siyang pilit Kinakamit,

pero talagang ang katotohanan ay Sadyang malabo,

Sa'yong paningin ako'y napakalayo,

Malayong magkatagpo,

Dahil sa tuwing ako'y papalit ika'y lumalayo,

Ngunit puso ko'y nagsusumamo pangalan mo ay Isinigaw;

Sa kalawaka'y pag-asa'y aking hinihiyaw

Sa umpisa ako mag-uumpisa alam kong puso'y Padalos-dalos sinta

Isipan ko'y nag-uulap no'ng una kang makita

Puso ko'y masyadong kampanti ngayon ako'y Nag-sisisi

Maaari ngang hindi mo ako ramdam...

Pero mali bang masaktan sa taong walang Kaalam-alam ngunit sa lihim ay patuloy mong Ipinaglalaban?

Oo nagmukha akong tanga ngunit paano mo ako Madarama kung may napupusuan kang iba,

Pero sayang...nais ko lang naman sayo'y Ipadama ang tunay na pag-ibig na hinahanap-Hanap ng iba...

Kaya't hanggang sa nagsimula sa iyong Mapupungay na mga mata-Patungo sa'king puso: Hanggang sa iniibig na kita,

Sarili ay hindi ko mawari ngunit ni minsa'y hindi maipagkait ang mala anghel mong ganda;

Mga mata mo'y sing ningning ng bituin at tila ba Merong mahika,

Subalit, langit at kasalukuya'y hirap Pagharapin;

Pakpak sayo, at kamay sa akin,

Tanaw lang kita sa malayo,

Oo sa malayo,

Oh sinta suot-suot mo ang kalangitan; Nagmumukha kang malapit sa aking mga mata,

Kay sadyang hirap lang labanan ng isip ang Puso kapag ito'y nangangarap na,

Ayaw kong mangarap ng hindi maaari,

Ngunit paano ba ito ihinto ng puso'y hindi Magdurugo?

Mapait mang isipin na kahit anong pilit kong Pilitin na iyong mukha'y maglaho na sa akin;

Ngunit sinta'y hirap ng kaligtaan ang bagay na kasalukuyan mo nang ipinapanalangin,

Hindi ko mawari kung ang lahat ba ay may hangganan?

Kahit alam kong sa simula'y hindi maaari at masasaktan lamang sa nararamdaman,

Sabihin mong paano ko maaalis ang iyong maamong mukha na nakasalamin sa aking isipan?

Ang umpisa ay gusto ko ng wakasan...

Ngunit tila hanggang sa wakas ay nagpapatuloy pa rin sa Kasalukuyan, at kung saan ang wakas ay aking sisimulan.

More Chapters