Ficool

Chapter 3 - CHAPTER 3

(Monday Morning.)

Pagpasok ni Keziya, agad niyang naramdaman ang bigat.

Simula nang sabihin ni Alex na "friendship over na tayo," parang may nabasag sa loob niya.

Wala siya lagi sa sarili—tulala, tuliro, at laging nag-iisip ng masama tungkol sa sarili niya.

At mas masakit… kahit sa school, hindi na siya pinapansin ni Alex.

Busy ito sa bago niyang girlfriend.

Tanging sina Dave, Clinton, Clark, Joshua, at Kevin—mga tropa ni Alex na matagal na ring hindi nito nasasamahan—ang kumukumusta kay Kiya.

( Tambayan Area)

Nagpahinga muna si Kiya sa tambayan. Pero kahit anong gawin niya, hindi mawala sa isip ang sakit.

Napansin siya ng mga kaibigan.

"Uy Kiya? Dito ka pala. Kamusta ka na?" tanong ni Dave.

Ngumiti lang si Kiya nang pilit.

"Okay lang ako."

Pero kita sa mukha niya—hindi.

Napakunot-noo si Dave.

"Uy… bakit parang namumutla ka? Wala kang sigla."

"Ah, wala. Siguro stress lang sa activities at projects. Malapit na matapos ang school year… next year, Senior High na tayo."

Ngumisi si Clinton.

"Ay naks! Iba talaga Kiya namin—matalino na, masipag pa. Swerte ng magiging boyfriend mo balang araw."

Nagkatawanan sila. Sandaling gumaan ang pakiramdam ni Kiya.

( Usapan Tungkol kay Alex)

Nang tumigil ang tawanan, biglang nagsalita si Dave.

"Kiya… kamusta kayo ni Alex? Alam mo, hayaan mo na siya. Simula nung naging sila ni Ashley, halos di na rin niya kami sinasamahan. Iba na talaga."

Natulala si Kiya.

"Hayaan niyo na siya… wala na rin akong pakialam. Tsaka… nag–friendship over na kami."

Nagulat silang lahat.

"WHAT?!" halos sabay-sabay nila Clark at Dave.

"Paano nangyari?!"

Huminga si Kiya nang malalim…

At ikinuwento lahat—mula sa mall, hanggang sa mga sinabi sa kanya ni Alex.

Pagkatapos ng kuwento—

"OH MY GOD. What the—?!" gulat ni Dave.

"As in sinabi niya yun? Dahil lang sa nakita mo sa mall?" singit ni Clinton.

Nag-iba ang mood nila. Kita sa mukha nilang galit, lungkot, at pagkadismaya.

"Sabi ko na eh… may something talaga sa Ashley na 'yun." bulong ni Joshua.

Kiya tried to smile.

"Hayaan niyo na. Wala na akong magagawa… siya na nagsabi na over na kami."

Uminit ang ulo ng tropa.

"Kiya, kakausapin namin si Alex. Hindi tama to." mariing sabi ni Dave.

Alam ni Kiya na wala nang makakapigil sa kanila.

(SA LOOB NG ROOM)

Walang klase noon dahil may emergency ang teacher.

Perfect timing para harapin nila Alex.

Clark: "Pare, totoo ba? Nag-FO kayo ni Kiya? Dahil lang sa sinabi niya sa mall?"

Nagdilim ang mukha ni Alex.

"Oo. Kasi gumagawa siya ng kwento kay Ashley. Alam ko namang matagal na niya akong gusto—kaya siya nagseselos."

Nanigas ang grupo. Hindi makapaniwala.

Pero si Alex… tuloy pa.

"Sa totoo lang, hindi ko naman talaga magugustuhan si Kiya. Tingnan niyo? Mataba, baduy… Kaibigan lang turing ko sa kanya. Never ko siyang nagustuhan."

Napasinghap si Clark.

Hindi makapaniwala sa narinig.

Clark: "Pre—"

Pero pinutol siya ni Alex.

"Tigilan niyo ako. Huwag kayo maniwala kay Kiya. Pa-victim lang yun."

At doon na… pumutok ang lahat.

Nagbago ang tingin ni Clark.

Galit.

Sobrang galit.

Alex: "Ano Clark? Susuntukin mo ko? Sige—subukan mo."

At nangyari nga—

Nagsuntukan sila.

Pagkatapos ng sigawan at komosyon:

Alex: "Ayoko na sa inyo. Simula ngayon, tapos na 'to. Mas kinakampihan niyo pa yung babaeng inggitera na yun."

Clark: "Hayaan mo Alex. Ayaw rin namin sayo. Nag-iba ka. Hindi ka na yung dati naming kaibigan."

Dave: "Para kang asong baliw kay Ashley. Darating din araw… kawawa ka rin."

Iniwan nila si Alex—at kinuha si Kiya.

(SA TAMBAYAN)

Nakaupo si Kiya, malungkot.

"Guys, sabi ko na eh. Nadamay pa kayo."

Clark: "Walang nadamay. Ginawa namin ang tama."

Joshua: "Kung ayaw niya sa atin, bahala siya."

Dave: "Simula ngayon, tayo-tayo na lang."

Dave: "Dinner tayo mamaya? Bonding?"

"G! Saan?"

"Ikaw Kiya? Sama ka?"

Hindi pa man sumasagot si Kiya—

Kevin: "Sasama yan. Diba, Kiya?" (with a teasing smile)

Napatawa si Kiya.

"Oo na… sasama ako. Sa bahay nalang natin gawin."

(APARTMENT NI KIYA)

Pag-uwi niya, naligo, nagbihis, at lumabas para mamili ng pagkain.

Ang dami niyang binili—ayaw niyang magkulang.

Tumunog ang phone:

Dave: "Kiya, saan ka? Dito kami sa labas ng apartment mo."

Kiya: "Papauwi na rin. Bili lang ako food."

Dave: "Sige. Ingat."

Nang dumating si Kiya, nagulat ang tropa sa laki ng apartment.

"Ikaw lang dito? Hindi ka natatakot?"

"Hindi naman. Sanay na."

Habang tumitingin-tingin si Clark, napansin niya ang picture frame.

Clark: "Kiya… ito ba parents mo?"

Kiya: "…Yes. Mom and Dad—ay! Mama at papa pala—"

Tumigil sila.

"Mom and Dad??? Diba pang mayaman yun?"

Hindi na makaiwas si Kiya.

Kaya sinabi na niya ang totoo.

( The Reveal )

Kiya:

"Guys… amin talaga tong apartment. Sinabi ko lang na kay tita.

Yung parents ko nasa U.S. Doon sila nakatira.

Ako lang ang only child."

Nagulat ang lahat.

Dave: "Kaya pala… pero bakit dito ka nag-aral?"

Kiya: "Kasi… dito ko nakilala si Alex. Naging best friend ko siya mula pagkabata . Kaya mas pinili kong dito mag-stay."

Tumahimik ang lahat.

Clinton: "Kiya… ibig sabihin… mayaman talaga kayo?"

Kiya:

"Ah… sakto lang.

May mga business lang sa ibang lugar…

Yung jewelry shop sa mall? Sa amin yun.

Yung private school sa kabilang barangay?

Pagmamay-ari rin namin."

Kevin: "OMG. Kiya!! Huwag mo na ituloy—nahihilo kami sa yaman mo."

Nagtawanan silang lahat.

(DINNER, GAMES, LAUGHTER)

Nag-luto sila. Kumain.

Naglaro ng UNO cards.

At sa unang gabi matapos ang matinding heartbreak…

Tunay na masaya ang tawa ni Kiya.

( 10:00 PM – Uwian na)

"Bye Kiya, ingat! Baka may multo dyan!" biro ni Dave.

"Sana nga, malay mo magka-crush sakin." balik-biro ni Kiya.

Nagtawanan sila at umalis.

Tahimik ang apartment.

Habang humihiga si Kiya, gumaan ang puso niya…

Pero bago siya makatulog—

Sumagi muli sa isip niya si Alex.

"Tigil na, Kiya… hayaan mo na siya…" bulong niya sa sarili.

At doon…

tuluyan siyang nakatulog.

More Chapters