(The Night Event & The Moving-Up Ceremony)
Kinabukasan, maaga pa lamang ay gising na si Kiya para pumasok. Pagdating niya sa school, una siyang nakita ni Ashley at ng mga kaibigan nito.
"Hay naku, aga-aga sinisira na naman ang araw ko," sabi ni Ashley, sabay taas-noo. "Pano kasi? Sakit talaga sa mata ng suot niya. Kahit mag-ayos, di magawa."
Naririnig iyon ni Kiya ngunit nanahimik siya.
Biglang may sumabat mula sa likod.
"At least may laman ang utak niya," sabi ni Dave. "Ikaw? Make-up at paghabol sa lalaki lang alam mo."
Nagulat si Ashley, pati mga kasamahan niya.
Napatawa nang bahagya si Kiya.
Hindi nakapagsalita si Ashley at halatang nagngingitngit sa galit.
Dumating naman si Alex. Agad nagpa-cute si Ashley.
"Baby, oh… sinisiraan na naman nila ako," sabi nitong pa-victim.
Ngunit walang pake si Alex sa drama niya.
"Hayaan mo sila. Tara na sa canteen. Ano gusto mo? Cake?" sagot pa nito — hindi man lang binati o tiningnan sina Kiya at Dave.
(Sa Classroom)
Maingay ang buong klase nang biglang dumating ang kanilang teacher.
"Everyone, please sit. May announcement ako. Magkakaroon tayo ng night event para sa Grade 10 moving-up. I need your cooperation. Ang theme natin ay formal suit."
Nagtilian ang grupo ni Ashley.
"Wow talaga, ma'am! Kailan po?" tanong nila.
"This coming Monday," sagot ng teacher. "And we will have games, so please be prepared."
Masaya ang lahat — maliban kay Kiya na tila may kirot sa puso.
Pakiramdam niya, pagtatawanan lang siya dahil mataba siya at hindi marunong mag-ayos.
Napansin iyon ni Dave.
"Uy, Kiya bakit sad ka na naman? Wag mo na kasing isipin si Alex."
Nagulat si Kiya at nagdeny agad.
"Uy, hindi ah. Iniisip ko lang… parang di ako bagay sa night event. Tingnan niyo naman ako, mataba ako, baduy. Kaya hindi ako sasali."
"Ano ka ba, Kiya," sabi ni Joshua. "Magta-tampo kami pag hindi ka sumama."
Napangiti si Kiya. "Oo na… try ko."
"Anong try? G ka na," sabay ngiti ng lahat.
(Night Event)
Dumating ang araw. Magaganda ang mga estudyante — lahat naka-formal attire.
"Tingnan natin mamaya anong suot ni Kiya," tawa ni Ashley.
"Hay naku, di kaya nun. Baduy yun," dagdag pa ng isa.
(Group Chat)
Dave: Kiya, where na? Dito na kami.
Kiya: Here pa ako sa apartment… di ko knows if pupunta ako.
Dave: Pupunta ka. Susunduin ka namin.
Sinundo nila Dave.
Pagbukas ng pinto, natulala si Dave.
"Wow… Kiya? Ikaw ba yan? Ang ganda mo pala kapag naka-ayos."
"Ay naku, wag mo ako bolahin, kururin kita diya," natawa si Kiya.
Joshua naman ang sumunod.
"You're amazing, Kiya. Kahit chubby ka, you're so cute. Yung eyes mo… yung dimples…"
Nag-blush si Kiya.
"Ginagawa niyo lang 'to para sumama ako."
"Hindi, totoo," sagot ni Dave. "You're glowing talaga."
(Sa School)
Pagdating nila, nagulat ang ibang kaibigan ni Kiya.
"Wow Kiya, ang ganda mo! Mas maganda ka pala pag naka-ayos. Pero maganda ka naman talaga kahit simple ka," sabi ni Clinton. "Hindi kagaya ng iba diyan — ubos na ang powder sa mukha pero mukha pa ring paa ng kabayo."
Nagtawanan sila. Halos pumutok sa inis si Ashley.
Sa gilid, may nagbubulungan na mga babae.
"Uy, hindi ba gawa yan ng sikat na designer sa abroad? Nasa million yan…"
"Tingnan ko nga," sabi ng isa. Nang makita niya online, "Hala, totoo! Million nga!"
Narinig iyon ni Ashley.
"Fake yan! Saan naman siya kukuha ng pambili? Nakikitira lang yan sa tita niya!"
Sa group nila Kiya, tinanong siya ni Dave.
"Ang ganda ng cocktail dress mo."
Napakamot si Kiya.
"Wag kayo maingay… binili 'to nina mom and dad sa sikat na designer sa U.S."
Halos manlaki ang mata ni Kevin.
"Totoo? Nasa million talaga 'yan!"
Nginitian lang sila ni Kiya.
Masaya ang buong gabi. Doon niya naramdaman na unti-unti nang nawawala si Alex sa puso niya.
(Two Months Later — Moving Up Week)
Isang linggo na lang at moving up day.
"Good morning everyone," sabi ng teacher. "Si Zekiya Aldeverre ang nakakuha ng pinakamataas na marka — 99%. She is our valedictorian."
Nagpalakpakan ang mga kaibigan niya.
Busy si Kiya sa practice, sa kanta, at sa pagsusulat ng speech. Lahat halos tinutulungan niya.
(Graduation Day)
Simple ang suot niya — bagong uniform, mamahaling tela, ponytail, makeup, jewelry.
"Wow Kiya, ang ganda mo!" sabi ni Dave.
"Uy, ako lang 'to," tawa ni Kiya.
Nakita niya si Ashley at Alex. Wala na siyang pakiramdam — parang wala lang.
Dumating ang Parents ni Kiya
Kiya: "Mom, Dad, these are my friends…"
Dad: "Nice to meet you, boys. Thank you for being good friends to our daughter."
Hindi halos makapagsalita ang mga kaibigan niya.
Clinton: "Kiya… mom and dad mo ba sila? Parang gusto ko silang tawaging ate at kuya, ang bata pa tingnan!"
Nagtawanan ang lahat.
(Inspirational Message ni Kiya)
Tumayo si Kiya sa harap, huminga nang malalim, at nagsimula.
"Good morning to everyone — to our teachers, parents, friends, and to my fellow students.
Today is a special moment, not only because we are moving up, but because we survived everything that brought us here.
When I first came to this school, I felt invisible. I wasn't the prettiest, I wasn't the most confident, and I definitely wasn't the girl people expected to shine. But life has a way of surprising us… because sometimes the quietest battles create the strongest hearts.
I want to thank my friends — for seeing me, for accepting me, and for making me feel that I am enough.
To my teachers, thank you for believing in me even when I doubted myself.
And to my parents… Mom, Dad… thank you for loving me beyond what I thought I deserved.
( napatingin sila nung narinig nilang sinabi ni kiya na Mom and Dad)
There were days when I felt like giving up. Days when people laughed behind my back. Days when I felt too big, too plain, too different. Days when I thought… maybe I'm not worth looking at.
But I learned something:
Your value is not measured by how people see you, but by how you choose to see yourself.
To everyone here — you don't have to be perfect to be deserving.
You don't have to shine the way others tell you to.
You just have to keep going.
And when things get heavy… remember this:
You survived every bad day you thought would break you.
Today is not the end. This is just the beginning — a new chapter waiting for the strongest version of you.
Congratulations to all of us… and thank you."
Pagkatapos niya magsalita, nagpalakpakan ang buong gym.
Halos naiiyak ang MC.
"Grabe talaga… sana lahat ng estudyante ay may puso tulad mo. Thank you, Zekiya Aldeverre."
Pagkatapos ng Moving Up
Nag-enjoy ang lahat. Niyakap ni Kiya ang mga kaibigan niya.
"Bye guys… happy moving up. Good luck sa atin sa senior high."
"Bye Kiya! Bonding tayo pag may time!"
At doon natapos ang araw niya — mas magaan, mas buo, at mas malakas.
