After graduation, masaya naman si Kiya—pero ang ngiti niyang iyon, unti-unting napalitan ng bigat sa dibdib. Sa bawat gabi na nagdaan, hindi siya makatulog. Tulala lang siya sa kisame, iniisip ang tanong na paulit-ulit na pumipiga sa puso niya:
"Dito pa ba ako? Kayang ko pa bang tiisin na makita siya araw-araw… kasama si Ashley?"
Hindi niya alam kung magta-transfer siya… kung sasama ba siya sa U.S.
O kung mananatili siya sa school na punô ng alaala nilang dalawa ni Alex.
Ang masakit?
Kahit ilang beses siyang masaktan, isang parte ng puso niya ang ayaw bumitaw… dahil doon niya unang minahal si Alex.
Pero isang gabi, habang nilalamig ang mga kamay niya at mabigat ang dibdib niya, napapikit si Kiya… at huminga nang malalim.
That night, she finally accepted the truth: Hindi lahat ng taong mahal mo, mananatili sa'yo.
At doon na niya na-decision'an — aalis siya.
Doon magsisimula ang bagong buhay niya.
( THE DECISION)
Kinabukasan, habang nakaupo ang parents niya sa sala, malumanay na lumapit si Kiya. Halata ang kaba sa boses at nangingining pa ang kamay.
"Mom, Dad… can I transfer to another school?" she said in English, barely above a whisper.
Nagtaka ang parents niya.
Her dad looked at her gently.
"Sure, baby. Sasama ka ba sa amin ni Mommy sa U.S.?"
Umiling si Kiya.
"Dad… I want sana to transfer to another school here in the Philippines.
Gusto ko po dito ako magtapos ng senior high.
Pag-college… babalik na lang ako sa U.S."
Habang sinasabi niya iyon, hindi niya mapigilang mapatingin sa sahig—dahil baka makita sa mukha niya ang tunay na dahilan… si Alex.
Nagkatinginan ang mag-asawa, both worried and confused… pero hindi nila pinilit. Her dad smiled softly.
"Okay, baby. But can you tell us why? Ayaw mo na ba sa school mo ngayon?"
Sinuong ni Kiya ang maliit na ngiti.
"Dad… I just want somewhere far. Gusto ko rin po ma-experience sa ibang school… kaya gusto ko pong mag-transfer."
Hindi siya nagsinungaling. Pero hindi niya rin sinabi ang buong katotohanan.
Her mom walked closer and held her cheeks gently.
"My girl… if that's what you want.
And perfect timing, may pinapatayo kaming hotel ng Daddy mo sa Diliman, QC.
There's a private school nearby. Maganda doon."
Nanlaki ang mata ni Kiya.
"Really, Mom?
O-okay po… gusto ko."
Niyakap niya parents niya nang mahigpit—parang doon niya binuhos lahat ng sakit, lahat ng bigat, at lahat ng takot niyang iwan ang mundong matagal niyang kinapitan.
THE GOODBYE MESSAGE
Pagbalik niya sa kwarto, hindi pa man siya nauupo ay bumagsak agad ang luha niya.
Pero pinunasan niya ito… at binuksan ang GC nila ng tropa.
Kiya:
"Guys, good evening… may sasabihin ako."
Nag-reply agad si Clinton.
"Ano 'yon, Kiya?"
Kiya's hands trembled as she typed:
"Guys… lilipat na ako ng school."
At doon nag-sunod sunod ang messages:
Clinton:
"WHAT?! Kiyaaaa?? Fr? Iiwan mo kami?"
Dave:
"Ang sad naman… ang tagal natin di magkikita."
Joshua:
"Wala na bang ibang way para dito ka pa rin?"
Kevin:
"Grabe naman to, biglaan…"
Huminga nang malalim si Kiya bago nag-type ulit.
"Guys… si Mom and Dad kasi may tinayo na hotel sa QC.
Gusto nila doon ako mag-stay."
At kahit nagsisinungaling siya… hindi niya kayang sabihin ang totoo.
Dahil ayaw niyang isipin nila na umaalis siya dahil nasaktan siya.
Dave:
"Sobrang sad nito pero… good luck, Kiya."
Clinton:
"Pero mamimiss ka namin, bruha ka."
Tumawa sila kahit papaano. Pero ramdam pa rin ang bigat.
LAST OUTING
Kiya: "Guys, outing tayo bukas. Last bonding natin bago ako umalis."
Nag-ingay ang GC — "G!", "Saan?", "Tara!", "Go!"
At kinabukasan, maaga siyang nagising.
Humiram ng kotse kay Dad — isang exclusive car na bihira niyang gamitin.
Nang makita iyon ng tropa…
"PUT—KIYA?! Kotse to ng mayaman!!!"
"Halaaa sheeesh!"
Tawa lang si Kiya pero deep inside… masaya siyang napasaya sila.
Pagdating nila sa beach, tumatakbo pa ang boys pa-harbor, parang mga batang ngayon lang nakalabas.
Kumain sila, nag-picture, nagvideo, nagtawanan.
At nang unti-unting lumubog ang araw, napahinto si Kiya.
Sunset.
Their sunset.
The same view na lagi nilang pinapanuod ni Alex… noon.
At doon, biglang umalon ang lungkot sa puso niya, pero pilit niyang tinago.
THE MORNING GOODBYE
Kinabukasan, may malalakas na sigaw sa labas:
"Kiyaaaa! Kiyaaaa!"
Pagbukas niya ng pinto, halos mapahagulgol siya.
Nandoon sila—kompleto—pero may lungkot sa mga mata.
Kevin stepped forward.
"Kiya… gusto lang namin mag-thank you.
Thanks sa kabaitan mo.
Thanks sa pagiging tunay na kaibigan."
Napaluha silang lahat.
Pero gaya ng dati, nagbiro si Dave:
"Oy, iyakan agad? Pwede naman video call pag namiss niyo ako!"
Nagtawanan sila kahit nangingilid pa ang luha.
Kiya:
"Guys… before kami umalis, may gift ako sa inyo."
Ipinaupo niya sila at binigyan ng tig-isang gift bag.
Pagbukas nila…
"KIYAAAA?!!!
18K GOLD—TOTO—TOOO??!"
Natawa si Kiya.
"Oo, sa inyo 'yan.
Pero 'wag niyong ibebenta ha. Sasapakin ko kayo."
Nagtawanan sila.
At isa-isang kinabit ni Kiya ang necklace sa leeg nila — parang sinelyuhan niya ang friendship nila.
Thank you kiya, and thank you din po Maam, Sir, saad ng kaibigan ni kiya.
Her parents joined them.
"Don't call us Ma'am and Sir," sabi ng mom niya.
"Call us Tito and Tita."
Nanlaki ang mata ng tropa.
"O-opo… Tito, Tita."
Nagtawanan ulit silang lahat.
At sa gitna ng tawanan, yakapan, at luha…
Doon naramdaman ni Kiya na hindi siya nag-iisa.
Na kahit gaano kasakit naiwan… may mga taong tunay na para sa kanya.
