Ficool

Chapter 8 - Part VIII

Pag-alis ni Daniel, parang ibang bahay na ang tinitirhan ko. Sa unang pagkakataon matapos ang ilang buwan, nagkaroon ng totoong katahimikan. Hindi 'yung mabigat na uri ng katahimikan na puno ng sikreto. Walang yabag sa pasilyo. Walang pinto na biglang binubuksan at sinasara nang malakas. Walang kailangang magpanggap. Para kaming mga multo ni Anna, gumagalaw nang dahan-dahan sa paligid, maingat na huwag maistorbo ang mga alaala niya.

Pero alam ko, ang ganitong kapayapaan, hindi ito tumatagal. Lalo na kung ang bagyo, hindi pa talaga natutuyo. At si Daniel… siya mismo ang bagyong ayaw mamatay nang tahimik.

Nagsimula ito sa mga tawag. Mga numerong hindi kilala sa random na oras. Tuwing sasagutin ko, katahimikan lang ang naririnig ko sa kabilang linya. Walang salita. Wala. Hanggang sa dumating ang mga mensahe. Mula kay Daniel.

"Akala mo panalo ka, Claire?"

"Kinuha mo lahat sa akin."

"Pagsisisihan mo 'to."

"Kung hindi ko makuha ang buhay na inagaw mo, sisiguraduhin kong hindi ka rin mapapanatag sa iyo."

Noong una, dinelete ko lang. Ayokong hayaang bumalik sa utak ko ang boses niya. Pero pagdating ng ikatlong araw, si Angela, ang abogada ko, halos pasigaw na nagsalita habang nagkakape kami.

"Claire, hindi na 'to biro. He's unstable. Kailangan mong mag-file ng restraining order. Ngayon din."

"I already documented everything," sagot ko. "Pero gusto kong mahuli siya sa sarili niyang galaw. Isang pagkakamali lang ang kailangan ko."

"Claire," sabi niya, seryoso. "Don't play with fire."

Ngumiti lang ako nang mapait. "Minsan, kailangan mong hayaan masunog ang apoy para tuluyang mamatay."

Gabi na noon nang datnan ko si Anna sa may bintana, tahimik na nagtatupi ng mga damit ng baby niya. May mahika sa eksenang 'yon, ang payapa pagmasdan. Nakalimutan ko na pala kung ano ang pakiramdam ng ganitong uri ng kapayapaan sa bahay.

"Maaga ka palang nagtatahi?" tanong ko.

Ngumiti siya, mahina. "Opo, Ma'am. Para hindi ako masyadong nag-iisip. Gusto kong paglabas ng anak ko, payapa na ang paligid."

Umupo ako sa tapat niya. "Deserve mo 'yon, Anna."

Tahimik siya sandali, saka nagsalita.

"Ma'am... kapag nanganak na po ako, aalis na ako. Ayokong magdulot pa ng gulo sa inyo."

Umiling ako. "Hindi ikaw ang gulo, Anna. Pareho lang tayong naloko."

Tumungo siya, nanginginig ang boses. "Pero hindi ko pwedeng manatili rito habang buhay."

"Manatili ka hangga't gusto mo," sabi ko. "Hindi mo ako kailangang suklian. Pero dapat mong suklian ang sarili mo ng bagong simula."

Ngumiti siya, sincere at totoong ngiti. At doon ko napagtanto kung gaano pa siya kabata, masyado pang bata para sa ganitong sakit.

Dalawang gabi lang ang lumipas bago bumalik ang bagyo. Hindi sa labas kundi sa loob mismo ng bahay. Alas dose na ng gabi. Tahimik ang kapaligiran. Akala ko payapa at mahimbing ang tulog namin nang gabing 'yun, hanggang sa may narinig akong tunog. Isang kaluskos. Parang bintanang binuksan nang marahan. Tumigil ang hininga ko. Hinawakan ko ang cellphone ko at binuksan ang security app. At nakita ko siya. Si Daniel. Lasing at gusot ang buhok, nanlilisik ang mga mata. Naglalakad sa kusina, nagbubulong-bulong.

"She thinks she's smarter than me… she thinks she can take everything…"

Pinindot ko ang record. Naglakad siya papunta sa opisina, doon sa kwartong tinago niya ang safe noon. Binuksan niya ang panel, pero wala na ang laman.

"Nasaan?!" sigaw niya. "NASAAAN?!"

Binuksan ko ang ilaw. Nasa pintuan ako, hawak ang phone.

"'Ito ba hinahanap mo?" tanong ko, taas-kamay kong ipinakita ang maliit na flash drive.

Napatigil siya. "Claire…"

"Iniwan mo 'to sa safe mo," sabi ko, kalmado. "Lahat ng peke mong dokumento, mga pirma, mga transfer files. Dapat mas maingat ka sa password."

Nanginig ang panga niya. "Hindi mo puwedeng gamitin 'yan laban sa akin. Masisira tayong dalawa!"

"Hindi," sagot ko. "Ikaw lang."

Lumapit siya ng isang hakbang, desperado. "Ginawa ko 'to para sa atin! Para sa future natin!"Napatawa ako, mapait. "'Yung future na nilagyan mo ng kabit, kasinungalingan, at pekeng pirma? 'Yun ba ang sinasabi mong para sa atin?"

Nanginig ang kamay niya, parang ngayon lang niya napansin na hindi na ako 'yung babaeng dati niyang minamanipula.

"Wala kang kwenta," singhal niya. "Hindi mo man lang ako mabigyan ng anak! Kailangan kong gumawa ng sarili kong paraan!"

Naramdaman kong kumirot ang dibdib ko pero hindi dahil sa sakit kundi sa awa.

"Hindi mo ginusto ang pamilya, Daniel. Gusto mo lang ng kontrol. At ngayon, lahat ng inangkin mo, nawala na."

Nagsimangot siya. "Tingnan natin."

Bigla siyang sumugod. Nabitawan ko ang phone, pero bago pa man ito tumama sa sahig, naipindot ko na ang send. Automatic, nag-stream nang live ang video sa private server ni Angela, gaya ng plano. Hinawakan niya ang pulso ko, mahigpit, napaimpit ako sa sakit. Pero tumingin lang ako sa mata niya.

"D-daniel," sabi ko. "Naka-record ka."

Napahinto siya. "Ano?"

Sa gilid ng kisame, kumikislap ang pulang ilaw ng camera. Nang mapansin niya, namutla siya. Sabay narinig namin ang ugong ng kotse sa labas. Mga ilaw ng police car, sumisilip sa bintana. Pumasok ang dalawang pulis.

"Mr. Moore," mariin ang tono. "You're under arrest for trespassing, fraud, and attempted assault."

Tiningnan niya ako, parang hindi makapaniwala. "Sinet-up mo ako."

Tumingin ako pabalik, walang emosyon. "Hindi. Ikaw ang nag-set up sa sarili mo. Ako lang ang tumigil sa pagbulag-bulagan."

Dinala nila siya palabas, nakaposas, galit na galit. Sumisigaw pa habang binababa ng pulis.

"Pagsisisihan mo 'to, Claire! Sisirain kita!"

Pero ang tanging nasira niya ay ang huling hibla ng awa ko. At nang sumara ang pinto, ang katahimikan na sumunod… hindi na nakakatakot. Ito na ang tunog ng kalayaan.

Lumipas ang mga linggo. Mabilis ang kaso ni Daniel, lahat ng ebidensya malinaw. Ang mga pirma, ang pera, ang recordings. Si Angela ang humawak ng legal na laban, habang ako naman, unti-unting binubuo ang lahat ng sinira niya, ang negosyo, ang bahay, pati ako.

Si Anna, kahit pagod, laging nandiyan. Lumalaki na ang tiyan niya, pero hindi nawawala ang lungkot sa mga mata. Isang hapon, habang magkasama kaming nakaupo sa garden, sinabi niya, "Ma'am… gusto ko pong ipangalan sa inyo ang baby ko."

Napatigil ako. "Ha? Sa akin?"

Ngumiti siya, mahinhin. "Kung babae po, Clara. Malapit sa pangalan niyo."

May kung anong mainit na kumirot sa dibdib ko. "Bakit?" tanong ko.

"Dahil niligtas niyo po kami," sagot niya. "Binigyan niyo kami ng lakas at bagong simula."

Hindi ako agad nakasagot. Ang babaeng dating basag at takot, unti-unti nang nagigising. Siguro, ganito talaga ang healing, hindi paglimot sa apoy, kundi ang pagtutong magtanim sa abo.Isang buwan ang lumipas, nakatanggap ako ng sulat mula sa abogado ni Daniel. Maikli lang. Humihingi ng settlement. Gusto ulit ng pera. Napatawa lang ako, saka iniabot kay Angela.

"File mo sa 'unimportant.'"

Ngumiti siya. "So... tapos na talaga?"

"Tapos na," sabi ko, sabay tanaw sa labas. "Sinira niya sarili niya, hindi ako."

Gabi ng malakas na ulan, biglang sumigaw si Anna. Manganganak na siya. Nagmamadali akong tumawag ng ambulansya at dinala sya sa hospital. Mabilis ang lahat, halos hindi ko namalayan. Hindi ko sya iniwan. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang nilalabanan ang sakit mailabas lang ng ligtas ang baby. At nang marinig ko ang unang iyak ng sanggol, malakas, buo, buhay… parang tumigil ang mundo.

"She's here," bulong ni Anna, maputla pero masaya. "Si Clara."

Tiningnan ko ang munting sanggol, inosente, walang bahid ng kasalanan ng mga magulang. Hinawakan ko ang maliit niyang kamay at bumulong, "Welcome to a better world, little one."Ngumiti si Anna, pagod pero kuntento. "Mapalad siya. Lalaking alam kung gaano kalakas ang mga babae."

Ngumiti ako pabalik. "Gaya mo."

Kinabukasan, habang sumisikat ang araw, nakatayo ako sa bintana, hawak ang kape. Pinapanood ko ang liwanag na unti-unting bumabalot sa hardin. Tahimik ang paligid pero ngayon, hindi na mabigat ang katahimikan.

Sa unang pagkakataon, hindi ako naghihintay ng kahit sino. Wala na akong hinihintay na bumalik. Ako na mismo ang tahanan. At si Daniel… ang boses na dati kong kinapitan ay wala na. Ang natira na lang ay katahimikan. Pero ngayon, ang katahimikang ito… ay kapayapaan. 

More Chapters