Ficool

Chapter 8 - Chapter 7: The Coffee Talk Aftermath

 

Arch. Jace Arvin POV

 

Pagkatapos ng presentation at biglaang offer ni Atty. Christian, halos hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi araw-araw may ganitong oportunidad — at hindi rin araw-araw may makakatrabaho kang kagaya ni Sophia Yoo.

 

Ngayon, nasa Supply Chain and Procurement Meeting Room na kami. Tahimik, pero ramdam mo ‘yung energy ng team kahit papaano. May kape si Sophia sa harap niya, habang ako naman ay nakaupo sa tapat, nagche-check ng notes sa tablet.

 

“Grabe ‘yung sinabi ni Atty. Christian kanina, ‘no?” sabi ko, habang hindi inaalis ang tingin sa screen.

 

Tumango si Sophia, “Oo nga eh. Hindi ko inexpect na mapapansin tayo agad. Parang ang bilis ng mga pangyayari.”

 

Ngumiti ako, sabay tingin sa kanya. “Deserved mo kasi, Sophia. You’re good at what you do.”

 

Napataas lang siya ng kilay, halatang nagpipigil ng ngiti.

 

Sir Arvic POV

 

Pagpasok ko sa meeting room, una kong napansin — parehong focused sina Jace at Sophia.

Pero kung titingnan mong mabuti, parang may “something” sa atmosphere. Hindi ko alam kung kape o kilig ‘yung amoy.

 

“Good afternoon, team,” bati ko, sabay upo. “Narinig ko ‘yung offer ni Atty. Christian sa inyo kanina.”

 

Pareho silang napatingin, halatang kabado. “Sir,” unang sabi ni Jace, “we’re open to it po, pero of course, depende sa management approval.”

 

Tumango ako. “Good answer. Alam nyo, noong una, nagdadalawang isip ako. Kasi siyempre, extra workload ‘yan, and baka maapektuhan ‘yung main projects natin dito.”

Tahimik lang sila. Nakatungo si Sophia, habang si Jace naman ay attentive, pero kalmado.

 

 

Huminga ako nang malalim bago ngumiti. “But you two have proven yourselves. Kaya kung may go signal si Ma’am Carmelle, I’ll allow it. Magandang exposure ‘yan — and I trust you both.”

 

Napatingin sila sa isa’t isa, sabay ngumiti. “Thank you, sir,” sabay nilang sabi.

Napailing ako, pero nakangiti. “Sabay pa rin magsalita. Alam nyo, baka hindi lang project ang mabuo niyong dalawa.”

 

“Sir!” sabay nilang reklamo, pero halata sa mukha nilang parehong nahiya.

 

Tumawa lang ako. “Relax. Joke lang. But seriously, good job. Just keep everything professional, okay?”

 

“Yes po, sir,” sabay nilang sagot ulit. In-sync, gaya ng dati.

 

Vincey POV

 

Pagkaalis ni Sir Arvic, agad akong lumapit kina Sophia at Jace. “Oh my gosh, spill the tea!” bulong ko, habang hinihila si Sophia palapit. “Totoo ba ‘yung narinig ko? Si Atty. Christian mismo ang nag-offer?!”

 

“Uy, huwag maingay,” sabi ni Sophia, pero halatang excited.

 

“Grabe ka! Hindi mo man lang sinabi agad! Alam mo bang big deal ‘yun?! Personal projects ni Atty. Christian, girl! That’s prestige!”

 

Ngumisi ako, sabay tingin kay Jace. “At ikaw naman, Architect, ‘wag kang magpa-cool diyan. Alam kong proud ka rin.”

 

Ngumiti lang siya, ‘yung tipong tahimik pero confident. “Of course, proud ako. Team effort ‘to.”

 

“Tsk. Team effort daw,” sabi ko, sabay turo sa kanilang dalawa. “Team or tandem?”

Nagkatinginan lang sila ni Sophia, tapos parehong natawa.

 

“Vincey,” sabi ni Sophia, “trabaho muna, bago chika.”

 

“Fine!” sabi ko, sabay upo. “Pero sis, I’m telling you… this is just the beginning. Coffee today, site visit tomorrow — and who knows, love story soon!”

 

Napailing lang si Sophia, pero ‘yung ngiti niya hindi maitago. At ako? Well, I can smell something brewing — and it’s not just the coffee.

 

Engr. Anthony POV

 

Matapos ang coffee session at bonding moments nila Sophia at Jace, hindi ko mapigilan ang sarili kong maging proud. Ang dalawa, baguhan sa malaking responsibility na ibinigay sa kanila, pero ramdam mo na may professionalism at competence na ang level.

 

“Galing ng dalawang ‘to,” sabi ko sa sarili ko habang pinagmamasdan sila mula sa gilid ng conference room. Hindi lang ‘yung technical skill ang nakikita mo — kundi ‘yung paraan nila mag-coordinate, magtanong, at magpaliwanag ng maayos. Nakaka-impress.

 

Napatingin ako kay Carmelle at ngumiti. “Ma’am, pwede ba nating ng Starbucks ang buong procurement team? Para sa effort nila ngayon?” Ngumiti siya, alam kong parehong proud kami sa dalawa.

 

Ma’am Carmelle POV

 

Grabe. Alam kong deserving ang team na ito — pero today, special ang dalawang batang ‘to. Sophia at Jace, parehong Crestwood alumni, parehong may galing at determination.

 

“Alright,” sabi ko sa sarili ko, “ito ang pagkakataon para maipakita kong proud ako sa kanila.” Tumingin ako kay Engr. Anthony, “Sige, ipag-Starbucks na natin sila. Pero this time, focus ang buong procurement team — kasama sina Sophia at Jace. Para ma-feel nila ang appreciation natin.”

 

Habang naglalakad kami palabas ng conference room, napatingin ako sa dalawa.

Napansin kong medyo awkward pa rin sila sa isa’t isa, pero halatang may chemistry.

Ngumiti ako nang bahagya. “Good. Tama ang timing. Kahit konti, recognition goes a long way — lalo na sa mga batang ganito ka-passionate.”

 

Sophia POV

 

Habang naglalakad kami palabas ng meeting room, ramdam ko pa rin ‘yung excitement sa dibdib ko. Hindi lang dahil sa offer ni Atty. Christian, kundi dahil may confidence na ako ngayon na kahit may pressure, kaya naming dalawa ni Jace.

 

Ngumiti si Jace sa akin, halos marinig ko ang thought niya sa mga mata niya.

“Coffee break?” tanong niya, sabay kindat.

 

Napangiti ako. “Sure, pero this time, libre ni Ma’am Carmelle at Engr. Anthony,” biro ko. Tumawa siya, “Starbucks Tagaytay daw. Sa akin ka na sumakay mamaya.”

 

At sa simpleng bonding na iyon, ramdam ko — hindi lang project plan ang nabuo namin, kundi may unspoken connection na unti-unti nang lumalalim.

More Chapters