Agad na pumunta si Orville sa teritoryo na kinaroroonan ng kaniyang dating Master na isa sa 12 Supreme Lords na si Lord Leland. Hindi kasi maipagkakailang isa siya sa masuwerteng nilalang na naturuan ng isang magiting na Supreme Lord sa kasaysayan. Noon ay pangarap niya lamang maging disipulo nito ngunit natupad iyon sa kaniyang pagsusumikap. Hindi niya aakalaing darating ang araw na hihingi siya rito ng tulong. Nakatira siya sa isang napakagandang lugar ng Alliance kung saan ay isang napakalawak na teritoryong kasing lawak ng iyong maabot ng iyong mata.
Gamit ang kaniyang Flying Sword ay mabilis siyang pumunta sa mismong teritoryong kinaroroonan ng kaniyang Master. Limang minuto din siyang lumipad papunta sa bahay nitong napakaluma ngunit napakatibay ang estraktura nito kung saan ay makikitang halos masasabi mong isa itong vintage house maging ang gate nito ay masasabi mong ganoon din ngunit sa ere pa lamang ay makikita mo na punong-puno ng mga halaman kagaya ng mga medicinal plants, bulaklak, mahiwagang mga puno at iba pa. Mayroon ding nakatanim na dragon Veins na siyang masasabi mong angkop ang lugar na ito para maging isang Cultivation Place ngunit kapansin-pansin na halos wala itong katabing mga kabahayan at napakalawak ng teritoryong sakop nito. Nang makalapit na si Orville sa naasabing bahay ng kaniyang Master na si Lord Leland ay saka lamang niya napansin na masigasog na nagcu-cultivate ang kaniyang Master malapit sa Dragon Vein at kapansin-pansin na napakalakas ng enerhiya nitong inilalabas. Puro at napakaganda sa mata lalo pa't kulay pula ang enerhiyang nakapalibot at nagmumula sa katawan nito partikular na sa dantian nito.
"Nakakamangha talaga ang kapangyarihan at kakayahang meron si Master Leland. Hindi ko aakalaing mayroon ganitong klaseng Qi." Sambit ni Orville sa kaniyang sarili. Alam niya kung ano ito at walang iba kundi ang Moon Qi. Hindi nito aakalaing mayroong klaseng Qi na lubos na makapangyarihan sa ganitong degree. Yun nga lang ay hindi pa rin ito maikukumpara sa Heaven and Earth Qi o ang Essence Energy na napakarami at natural namumuo sa kapaligirang mayaman sa enerhiya na siyang bumubuhay sa mga pananim at sa mga nilalang na naninirahan sa mundong ito. Ang Moon Qi ay makapangyarihang enerhiya niya ngunit ang malaking setback nito ay kung gaano karaming enerhiya ang makukuha mo sa buwan. Mayroong variations sapagkat ang buwan ay mayroong mga phasing kada dumadating ang gabi at yun ay ang half Moon, Full Moon, first Quarter, Waning Crescent, Waxing Gibbous, New Moon at iba pa pero ang may pinakamalakas na Moon Qi ay ang New Moon at Full na siyang una at huling phasing ayon na rin sa kaniyang Master Leland.
"Isang araw mula ngayon ay Full Moon na at ang Moon Qi na maaaring mailabas galing sa buwan ay siguradong napakalakas kaya mali ang impormasyong naibigay nila. Siguradong nanganganib ang East Wing sa mga oras na ito." Sambit ni Orville sa kaniyang isipan. Tunay na kailangan niyang komprontahin ang kaniyang Master Leland.
Nagtaka naman si Orville ng mapansing may tumitingin sa kaniyang gawi at nakita niya lamang ang kaniyang Master Leland na tumitingin sa kaniya. Wala na rin ang nakakalat nitong enerhiya at makikita ang napakaputo nitong mahabang buhok at balbas dahil sa katandaan.
"Hmmm... Bakit ka napunta sa aking teritoryo ha Orville?! Alam mo bang bawal akong istorbuhin lalo na paggabi?! Nakikita mo kung ano ang maaaring epekto nito sa akin na naghahanap ng isang Enlightenment?!" Sambit ni Lord Leland sa dati nitong disipulo na si Orville.
"Ngunit Master, hindi ko po nais kayong isturbuhin sa inyong pagcucultivate at paghahanap ng insights lalo na ng Enlightenment ngunit ang East Wing ay nakaharap ngayon sa ibayong panganib." Sambit ni Orville habang mababakas ang labis na pagkabahala lalo na sa kaniyang nalamang mensahe kani-kanina lamang.
"Hmmmp! Ano'ng pinagsasabi mo ha?! Ibayong panganib sa West Wing?! Bakit, may sumalakay bang ulit na mga malalakas na Martial Beasts at iba pang uri ng halimaw roon?!" Patanong na pagkakasabi ni Lord Leland dahil ito lamang ang naiisip nito ngunit mayroon namang pambihirang Walls at Array Formation ang nailagay roon upang magsilbing harang sa Desolate Burial Forest na isang Forbidden Areas ng Central Region lalo na sa East Wing. Naaalala niyang sa susunod pang mga buwan ang maaaring pagkaroon ng Beast Hoarde kaya nagtataka siya sa sinabi ng kaniyang dating disipulo na si Orville.
"Hindi po Master, ayon sa nakasaad sa mensahe ay mayroong dinalang misteryosong binata sa Vermillion Healers Guild kung saan ay napakagulo ng enerhiyang nasa katawan nito. Ang pinakamalakas at pinakamagulong Qi nito ay ang Moon Qi na siyang hindi ako makapaniwala ngunit nakalagay ang mensaheng ito sa selyadong kulay pulang Talisman at may tatak ng logo ng Vermillion Healers Guild. Siguradong may ideya po kayo tungkol dito hindi ba?!" Sambit ni Orville.
Halos nagulat naman si Lord Leland dito. Hindi niya kasi alam ngunit bigla itong naging interesado.
"Moon Qi Gatherer? Hmmm... Saan niya kaya natagpuan iyon?! Interesante!" Sambit ni Lord Leland habang makikita ang kakaibang kislap sa mata nito.
"Pero Master, malaking problema po at kinakailangan po ang inyong tulong dahil nag-aagaw buhay po ang binata. Kung ako ang gagamot ay siguradong mamamatay lamang ang binata." Sambit ni Orville na makikita ang sobrang pagkakabahala nito.
"Huh?! Paanong nangyari iyon eh ang isang Moon Qi Gatherer ay isa sa malalakas na indibiduwal na Martial Artists at sabayan pa ng mga abilidad nitong kahit simple lamang ay hindi maaaring matalo lamang ito ng basta-basta o mapinsala man lang." Sambit ni Lord Leland habang nangunot ang kaniyang noo. Sino ba naman ang tanga para labanan ang Moon Qi Cultivators?!
"Master, yun na nga ang problema dahil baguhan pa lamang ang binatang iyon ng makuha ang abilidad ng kakayahang maka-cultivate ng Moon Qi. Madaming pinsala ang natamo ng katawan nito at bago lamang itong nagbreakthrough sa lebel na Martial Ancestor Realm. Wala pa rin malay ang binata at patuloy pa rin sa pagsagap ang katawan nito ng Moon Qi na siyang nagpapalala sa sitwasyon nito at marami oang enerhiya ang nasa katawan ng binata na animo'y naglalaban-laban. Bukas ay Full Moon na po Master at siguradong mas lalala ang sitwasyon nito." Sambit ni Orville habang mababakas sa kaniyang mukha ang labis na pangamba.
"Hmmm... Kailangan na nga nating umalis ngayon din sapagkat kung bukas pa ay mahihirapan na rin tayo dahil kahit umaga ay grabe ang enerhiyang nagmumula sa buwan ngunit hindi lamang ito nakikita ng iba. Kapag tulog lalo na ang mga walang malay ay doon aatake ang enerhiyang nagmumula sa buwan lalo na kapag baguhan pa lamang." Sambit ni Lord Leland habang makikita ang sobrang pagkabahala rin dito.
Napatango na lamang si Orville tanda ng pagsang-ayon habang mabilis itong lumipad gamit ang kaniyang pagmamay-ari na Flying Sword na iba kumpara sa iba lalo na sa Blue Crane Legion at sinundan naman siya ng kaniyang Master na si Lord Leland na lumilipad ito sa ere tandang mayroon na itong kakayahang lumipad.
Mabilis nilang tinungo ang direksyon papunta sa Vermillion Healers Guild.
...
Kahit napakabilis nila ni Orville at ni Lord Leland ay inabot pa rin sila ng isang oras para makapunta sa Vermillion Healers Guild kung saan ay nakita nilang hinihintay sila sa labas ng nasabing Guild ng paggamutan.
"Isang karangalan ang inyong pagpunta. Hindi ko aakalain Ginoong Orville na kasama mo ang kagalang-galang na si Lord Leland." Halatang gulat ang Head Healer sa pagkakataong ito sapagkat hindi lamang si Ginoong Orville ang pumunta pero ang kagalang-galang na si Lord Leland. Isa itong nakakamanghang pangyayari ngunit dapat ay panatilihin niya pa rin ang kaniyang pagiging propesyunal dahil sa trabaho siya sa kasalukuyan.
"Hindi ko aakalaing hinihintay mo aking pagdating Head Healer. Isa rin itong karangalan para sa akin lalo na sa aking Master." Sambit ni Orville habang makikita ang sobrang kagalakan.
"Drop the formality at mamaya na kayo magkamustahan. Ano ang lagay ngayon ng pasyente?!" Seryosong wika ni Lord Leland habang makikita ang inip sa boses nito.
"Uhm Lord Leland, yun na nga po ang nakakabahala sapagkat hindi na umuubra ang paunang lunas at ang pag-stabilized namin sa mga magugulong enerhiya sa katawan ng binata ay hindi na rin umeepekto sa kanya." Nangangambang sambit ng Head Healer habang nakayuko.
"Mabuti at pinuntahan ako ni Orville at ipinaalam agad ang sitwasyong ito. Pasalamat na rin ako dahil hindi mo sila pinalipat sa ibang paggamutan." Sambit ni Lord Leland habang makikita ang ngiti sa kulubot nitong mukha.
"Wala pong problema iyon Lord Leland. Karangalan po namin na kayo'y pumunta sa aming Vermillion Healers Guild." Sambit ng Head Healer at mabilis na nagbigay-galang rito.
"Saan na ang pasyente binata na sinasabi mo?! Pwede bang mauna at ituro mo sa amin ang daan?! Gagawin ko ang aking makakaya upang magamot ito." Sambit ni Lord Leland habang makikita ang determinasyon nito sa kaniyang pagmumukha.
"Masusunod po Lord Leland. Dito po ang daan..." Sambit ng Head Healer habang mabilis na lumakad papasok sa loob ng Vermillion Healers Guild na siyang pinagtatrabahuan niya. Mabilis ang hakbang ang kaniyang ginawa maging sina Orville at Lord Leland ay sumunod na rin sa likuran nito.
Ilang liko-likong pasilyo pa ang tinahak nila hanggang sa tumigil sila sa isang pintuan na ordinaryo lamang ang disenyo ngunit masasabi mong disente naman ito.
"Andito po ang pasyenteng dinala rito Lord Leland at Ginoong Orville. Pasensya po pero meron muna akong aasikasuhin." Napakgat labi pa ang Head Healer. Masasabi niyang matagal na siya ritong nagtatrabaho at alam niyang marami rin siyang aasikasuhin dahil isa siyang Head Healer. May tiwala naman siya sa kakayahan ng dalawang pambihirang indibiduwal sa kaniyang harapan ngayon kaya tingin niya ay wala siyang dapat ipangamba.
"Naiintindihan namin. Naalala ko pa noong hindi ka pa isang Head Healer dito at baguhan pa lamang ngunit grabeng pagtataranta na yung ginagawa mo pero ngayon ay ang laki na ng pinagbago at ipinaghusay mo parang madadaig mo na ata itong disipulo kong si Orville." Sambit ni Lord Leland habang pabiro nitong sinasabi ang alaalang nakita niya noon. Ngunit natutuwa siya sapagkat isa ng napagkakamalang manggagamot ang babaeng halos kaedad lamang ng kaniyang disipulo.
Bahagya namang namula sina Orville at ang magandang dalagang Head Healer.
"H-hindi naman po Lord Leland... Mas magaling pa po ang inyong disipulong si Orville kumpara sa akin lalo pa't ikaw ang kaniyang Master na tagapagturo niya." tapat na pagkakasabi ng magandang Head Healer.
"Tama na nga yan Master, alam mong may trabaho pa itong Head Healer eh ini-istorbo mo pa." Medyo namumulang sambit ni Orville habang mabilis nitong binuksan ang pintuan ng pasyenteng gagamutin nila at mabilis na pumasok.
"Hahaha... oo nga noh. O siya, mauna na ako iha ha. Galingan mo ha." Sambit ni Lord Leland habang mabilis na ring pumasok sa nakawang na konti na pintuan ng pasyenteng gagamutin nila.
"Kayo din po Lord Leland. Sana po ay magamot na po ng tuluyan ang binatang iyan." Sambit ng dalagang Head Healer habang mabilis na rin itong umalis upang asikasuhin ang iba pang mga pasyente.
...
"Hindi maaari ito?! Bakit ganito na lamang kagrabe ang Moon Qi sa katawan nito?! Napakapuro ngunit napakarahas. Ngunit bakit napakarahas din ng Elemento ng darkness na puminsala sa katawan bago pa ito mawalan ng malay ay nagbreakthrough pa ito ng kusa. Isa lamang ang alam kong nagtataglay ng ganitong kalakas na Elemento ng Darkness/ kadiliman sa East Wing na aking pinamumunuan, Ang Black Raven Tribe!" Malungkot na saad ni Lord Leland habang makikita ang pait sa tono ng boses nito. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang ganito kalupit ang nangyari sa binatang ito.
"Spiritual Qi?! Hindi ito maaari?! Hindi kaya----?!" Gulat na gulat na sambit ni Lord Leland na hindi nito mapigilang maibulalas. Hindi lang kasi ito ordinaryong Spiritual Qi dahil nagtataglay ito ng pambihirang konsepto.
"Hmmm... Bakit parang ngayon lamang kayo nakakita ng Spiritual Qi master at parang gulat na gulat kayo?!" Nagtatakang sambit ni Orville habang nangungot pa ang noo nito. Parang nakikita niyang nasisiraan na ng bait ang kaniyang Master. Ang tanda na kasi nito at hindi bagay ang pagiging magugulatin nito. Hindi niya alam kung matatawa siya rito o hindi sapagkat ngayon na lamang niya nakitang nagkaganito ang kaniyang Master Leland.
