Poookkkkkk!
Agad namang nakatikim ng malakas na batok si Orville mula sa kaniyang master na si Lord Leland.
"Aray ko naman Master. Bakit mo naman ako binatukan ha?! Masama bang magtanong?!" Sambit ni Orville habang sapo-sapo pa nito ang kaniyang ulo. Masakit talaga ang pagkakabatok nito at may enerhiya pang kumawala rito kaya masakit talaga. Kung ibang tao o nilalang ang gumawa sa kaniya nito ay baka kitlan niya ng buhay ito o turyan ng leksyon ngunit hindi niya iyon magagawa sa master niya dahil hindi niya rin mabilang kung ilang batok na ba ang natamo niya mula rito.
"Huwag ka kasing magulo diyan. Kita mo ngang sinusuri ko ang lagay ng binatang ito tapos ikaw naman ay parang ewan diyan." Sambit ni Lord Leland na may iritasyon sa kaniyang dating disipulo.
"Para sabihin ko sayo ay napakapuro ng Moon Qi nito maging ng kaniyang Spiritual Qi kaya nag-aaway ito sa loob ng binata ngunit ang Element of Darkness ay napakaagresibo rin. Susubukan kong i-dispel muna ang Darkness element upang bumuti ang lagay ng bata kahit papano sa mga pinsala nito sa katawan. Ngunit nakakamangha ang katawan nito na animo'y kasingtibay ng diyamante. Sa halip na mawasak o mabulok ito ay hindi ito nangyari na talaga namang nakakamangha." Sambit ni Lord Leland habang palaisipan pa rin ito sa kaniya. Kailan pa naging kasingtibay ng diyamante ang katawan nilang mga tao?! Kung sussuriing mabuti ay walang ganoong klaseng Physique sa mundong ito.
Mabilis na nagpalabas ng kakaibang enerhiya sa kamay si Lord Leland at makikita ang kulay berde na enerhiya mula rito. Mabilis nitong pinunterya ang kaniyang enerhiya papunta sa Darkness Element na kung saan ay mabilis niya itong pinupuksa. Mistula kasi itong lason o kamandag and Darkness Element at epekto nito ay ang pagkawala ng malay ng mabibiktima nito dahil kapag kumapit ito sa balat ng isang nilalang ay unti-unting pumapasok ito sa katawan ng biktima. Namangha din si Lord Leland sa Darkness Element dahil lumalaban ito ngunit ano ang magagawa nito sa kakayahan ni Lord Leland.
Mabilis ring natapos ang pagpuksa niya sa elemento ng kadiliman. Habang nakatingin o nakatunghay lamang si Orville sa panggamot ng kaniyang Master.
"Sa wakas ay napuksa ko na ang Elemento ng kadiliman. Maya-maya lamang ay magigising na ang binatang ito." Sambit ni Lord Leland kay Orville.
"Ganon lang kadali master?!" Sambit ni Orville habang halatang nagulat ito.
"Yan nga rin ang ipinagtataka ko eh. Ganito kasi yun, Mistulang naging nemesis ng mga enerhiyang nasa katawan ng binata ang elemento ng kadiliman na may kasamang kakaibang lason. Mabuti na lamang at naagapan kaya ganon na lamang nagkagulo ang ibang enerhiya nito sa katawan. Masasabi kong kahit ikaw ay mahihirapan sa pagpuksa ng elemento ng kadiliman at ang kamandag na humahalo rito na talaga namang layunin talaga nitong patayin ang binatang ito habang wala itong malay. Kung pakikialaman mo ang moon Qi ay siguradong mamamatay ang binatang ito sapagkat ito lamang ang pumipigil na makarating ang darkness element sa dantian upang mabasura ang lahat ng achievements nito sa Cultivation." Sambit ni Lord Leland habang makikita ang inis nito sa kaniyang nalalaman.
"Talagang napakapangahas ng taktika ng kung sinumang gumawa sa kanya nito. Ang ganitong klaseng nilalang ay nararapat na makulong o mamatay ng napakasalimuot din sa pamamagitan ng brutal na pamamaraan dahil kung ako ang gumamot nito at napatay ko pala ng hindi sinasadya ang binatang ito ay magiging heart demons ko pa ito at hindi ako aangat sa aking Cultivation." Halos manginig sa galit si Orville sa kaniyang nalaman dahil sa pangyayaring ito. Parang nakulangan pa nga siya sa pagsasabi na viscous na termino dahil hindi lamang ito ang buhay ng bata ang mawawala kundi maging ang pag-usig ng konsensya niya na siyang mamumuo na heart demons ay napakalakas. Kung mangyayari talaga ito ay mawawalan na siya ng kakayahang makaangat pa sa kaniyang Cultivation Level sa hinaharap. Bilang isang Martial Artists ay isa itong napakasakit na pangyayari sa buhay niya.
"Sinabi mo pa. Pero wag kang magpadalos-dalos Orville. Isa ka na ngayong opisyales ng West Wing na nasa pangangalaga ko. Mas mabuting wag ka ng makialam sa outside forces dahil hindi na iyon sakop ng aking kakayahan. Mas mabuting ang direktang problema mo na lamang ang asikasuhin mo at hindi ito." Seryosong sambit ni Lord Leland habang makikita ang labis nitonv kungkutan. Masyado na ring naiipit si Orville sa mga pangyayari lalo na sa problema nito sa kaniyang teritoryo. Mas mabuting hindi na nito problemahin ang problemang may kinalaman sa binatang ito.
"Opo Master. Pero hindi ka ba tatanggap ng bagong disipulo?! Parang matagal ka ng hindi tumatanggap ng disipulo ah." Sambit ni Orville sa kaniyang dating master na si Lord Leland. Hindi din nito maunawaan kung bakit wala na itogn tinatanggap na disipulo.
"Gusto mong mabatukan ulit Orville? Diba sinabi ko na sa inyo noon na hindi na ako tatanggap ng disipulo sapagkat matanda na akong lubos para doon. Pero pwede pa rin akong magbigay ng leksyon o lectures sa mga kabataan ngunit tanging ang pagpapahaba na lamang ng aking buhay ang maaari kong gawin. Plano kong humanap ng karapat-dapat na pumalit ng aking pwesto sa susunod kung sakaling pumanaw ako." Seryosong sambit ni Lord Leland. Nasa bingit na siya ng katapusan ng kaniyang buhay at wala na siyang layunin pa sa mundong ito kundi ang mag-iwan ng kanyang mga salita at mga principles.
"Ano ka ba Master, wag ka namang magbiro ng ganyan. Malakas ka pa sa isang daang kabayo eh. Pero alam mo namang buhay sa aking puso't isipan ang iyong mga tinuro sa akin kahit na puro basag-ulo lang ang alam ko noon pero kayo ang naging inspirasyon ko para tumino at magpalakas pa." Sambit ni Orville habang nakangiti ngunit mayroon ding lungkot. Hindi man nito sabihin ngunit alam niyang may himig pamamaalam na ang kaniyang Master. Mahigit limang daan na ang edad nito at ilang daang taon na lamang ang natitira rito para mamaalam na ito sa mundong ito.
"Hayst, mapagbiro ka pa rin Orville. Noon ay uhuging bata ka lamang at madalas nakikipagbasag ulo ka sa kaedaran ngunit alam mong natutuwa ako sapagkat halos nakikita ko kayong naging matagumpay rin katulad ko."sambit ng kaniyang Master Leland habang makikita ang kasiyahan.
"Ang drama na natin. Kailangan ko ng umalis dahil nagcu-cultivate pa ko. Sambit ni Lord Leland habang mabilis itong lumakad palabas ng silid.
"Hintayin mo ko Master huhu..." Sambit ni Orville habang mabilis itong sumunod sa kaniyang Master habang ang binatang si Van Grego ay mahimbing na natutulog habang ang Moon Qi sa paligid nito ay napakarami at pumapasok sa acupoints ng bintang si Van Grego.
...
"Sigurado ka bang ganito na lamang ang bills ng binatang ito Head Healer?!" Sambit ni Eric habang nanlalaki ang mata nitong nakatingin sa dalagang Head Healer. Yun nga lang ay halos mag-30 na ata ito ngunit batang-bata pa ito tingnan. Nakita kasi ni Eric na isang daang pilak lamang ito na iba sa inaasahan nitong presyo.
"Yan lang kasi ang ordinaryong bill para sa mga pasyente rito at hindi rin naman nagtagal si Lord Leland. Mabuti ngang siya ang gumamot kasi libre iyon pero yung Orville na yun ay siguradong malaki talaga ang presyo nito sa panggagamot.
Agad nilang napansin ang papalapit na pigura na walang iba kundi si Kai.
"Ano na ang lagay ni Van Grego Head Healer?!" Kasuwal na tanong ni Kai habang makikita ang labis na pagtataka.
"Normal na ang ayos ng pasyente at dumating dito sa bahay-paggamutan si Orville kasama si Lord Leland. Isang daang pilak lamang ang presyong aking hinihinging bayad sapagkat hindi naman nagpapabayad si Lord Leland." Sagot ng Head Healer habang nakatingin ito ng direkta kay Kai
Mistula namang nagulat si Kai habang makahulugan naman siyang tiningnan ng Head Healer.
"Ahh ehh ganon ba?! Sige babayaran ko na." Sambit ni Kai at mabilis na pinalitaw ang isang daang pilak na nasa isang maliit na interspatial pouch.
Agad namang in-inspeksyon ng Head Healer ang Interspatial Pouch at mabilis naman itong napangiti.
"Maaari ng magising ang binatang iyon anumang oras. Pwede na rin kayong umalis pagkatapos niyon." Sambit ng Head Healer at mabilis na lumakad palayo.
...
Naalimpungatan si Van Grego at nagmulat ito ng kaniyang mata. Nakita niya ang dalawang pares ng mata na nakatingin sa kaniya.
"Sino kayo?! Bakit ako naririto sa hindi pamilyar na silid?!" Nagtatakang pagkakasabi ni Van Grego habang makikita ang kalituhan sa mukha nito.
"Kumalma ka binata. Wala kaming ginawang masama sa iyo. Narito ka ngayon sa Central Region dahil malala ang lagay mo noong nakaraang araw." Sambit ni Eric habang makikitang nataranta ito dahil baka mang-amok ito.
"Hindi mo ba alam na napakadelikado ng ginawa mo?! Talagang nilabanan mo ang tusong si Jinron na isang 5-star Martial Ancestor Realm. Alam mong nasa bingit ka na ng kamatayan pero di ka pa tumakas." Sambit ni Kai habang may iritasyon sa mukha nito. Hindi niya aakalaing may pagkatanga rin ang binatang ito. Hindi biro ang ginawa nito sapagkat ang Martial Emperor Realm at ang Martial Ancestor Realm ay isang malaking large boundary ang naghihiwalay sa kanila. Hindi lang kasi simpleng agwat lang to ng lakas kundi lahat-lahat lalo na sa enerhiyang kayang ilabas ng iyong katawan idagdag pang ang Martial Ancestor Realm ay kilala sa kanilang pambihirang depensa at opensa sa pakikipaglaban. Yung tipong sila talaga ang mga tinagurian at maikukumpara sa defense at offense na martial artists. Yung tipong sila yung tangke ng grupo.
"Sinong Jinron? Siya ba yung nakalaban kong balot na balot amg katawan jito ng itim na kasuotan? Sa tingin mo ay makakatakas ako sa bagsik ng Martial Ancestor Realm Expert na iyon?! Hindi ko alam na sinusundan niya pala ako sa aking daang tinatahak at kinorner niya ako sa Red Yang Canyon para wala akong mapagpipilian lalo na ang umatras sapagkat lumubog na ang aking mga tinatapakang tipak ng bato dahil na rin sa paghahagis niya ng mga bato mula sa mataas na bahagi ng Canyon. Sabihin mo nga kung ikaw ang nasa sitwasyon ko ha?!" Malakas na pagkakasabi ni Van Grego habang hindi mapigilang makaramdam ng inis at iritasyon. Yung iba kasing mga tao o mga nilalang ay gawain talagang manghusga lalo na at hindi nila alam ang sitwasyong nararanasan niya at kung paano siya naghirap ay hinuhusgahan agad natin not knowing na wala naman silang ginagawang masama. Yung tipong ikaw na nga yung naagrabyado pero ikaw pa yung magmumukhang kontrabida at may kasalanan.
Agad namang tiningnan ni Eric si Kai ng masama. Siguro ay nababahala at stress din ito sa mga nangyari. Biruin mo ba naman na muntikan ng sumabog ang one-fourth ng mundong ito dahil sa binatang ito kaya ganon na lamang siguro ang pinagsasabi nito.
"Hindi ganon ang gustong sabihin ni Kai, binata. Akong si Eric ay saksi na hindi niya rin kinakampihan ang suwail na anak ni Lorenzo Fivel kahit na magkaibigan ang tribo nila at magkalapit ang dugo nila. Kasalanan rin ni Kai kung bakit naging ganito na lamang ang sinasabi nito dahil kapag namatay ka ay sasabog at mabubura sa mapa ang Western Region kaya dinala ka niya rito upang ipagamot dahil wala ring silbi kung andun siya hahanap sa mga karatig kontinenteng walang kasiguraduhan kung gagaling ka kaya dito ka niya dinala. Hindi namin intensyon na makialam at ang paghuli lamang sa tusong si Jinron ang layunin niya roon at siya ang nagligtas sa iyo." Sambit ni Eric habang makikita ang sinseridad nito sa kaniyang mukha.
"Maraming Salamat sa inyo lalo na sa inyong dalawa ni K-kai at Kuya E-eric dahil hindi ko alam ang buong pangyayari pagkatapos kaya ganon na lamang ang aking nasabi. Bakit kasi mayroong pagala-galang kriminal sa iba't-ibang rehiyon. Sana hindi na mangyari ang ganon kasi doon ko talaga narasanan kung gaano labanan ang tunay na ekspertong nagmula sa Central Region pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit siya nakipagsabwatan sa Hybrid Cultivators?!" Sambit ni Van Grego habang hindi nito maipagkakailang hindi niya binaggit na may kaaway siya o alitan sa mga Hybrids lalo na sa Vampiric Bat Powerhouse na magkapatid na sina Shiro at Shiba.
Natahimik na lamang sina Eric at Kai dahil sa narinig nito. Hindi kasi nila alam ang sasabihin patungkol sa kalagayan ng Central Region. Yung tipong nagdadalawang-isip sila kung paano nakakatakot ang katotohanan sa likod ng napakalawak na lugar na ito. Mga nilalang na hindi mo aakalaing nag-eexist o mga bagay na mahirap ipaliwanag sa simpleng salita lamang.
