Kasalukuyang nasa daanan papunta ng paggamutan si Kai kasama si Eric na siyang Senior Brother niya. Nagkahiwa-hiwalay kasi ang landas nila ng sampong kawal na bumalik na sa White Raven Tribe habang ang apat na miyembro ng Blue Crane Legion ay bumalik na rin sa kanilang teritoryo. Tanging si Eric lamang ang sumama kay Kai upang dalhin sa isang paggamutan na isang uri ng Healers' Guilds. Ito ay ang Vermillion Healers Guild.
Hindi nila alam kung ano ang gagawin sapagkat umiinit ng umiinit ang katawan ng binatang si Van Grego na animo'y kasing init ng lava na inilalabas ng bulkan. Masasabing isa rin itong senyales na hindi pa stable ang lagay ng binata.
"Mukhang malala ang lagay ng batang iyan. Mas mabuting ako na lamang ang dadala sa kaniya at sumakay ka na rin sa aking Flying Sword." Sambit ni Eric kay Kai dahil nakikita niyang nahihirapan itong bitbitin ang binatang si Van Grego. Gumagamit lamang siya ng movement technique upang masundan ang yapak ng binatang si Kai.
"Oo nga eh... Mukhang hindi na tumatalab ang aking paunang lunas sa kanya. Hindi ko na alam ang gagawin ko Senior Brother." Sambit ni Kai habang makikita ang kawalan nito ng pag-asa.
Nagulat naman si Eric dahil sa naging tugon ni Kai at kung paano ito mesyo nalungkot at naalarma.
"Ano ka ba?! Baka simpleng kaso lamang ito ng pagkagulo-gulong enerhiya sa katawan ng binatang iyan ni Van Grego. Masyado mo namang pinoproblema iyon." Sambit ni Eric at mabilis nitong binitbit ang walang malay na si Van Grego sa balikat nito.
Nagulat din siya na sobrang init nga ng buong katawan ng binata. Kung normal na roba lamang ang kanilang suot ay siguradong sunog na ito.
"Ano bang klaseng binatang ito?! Bakit napakainit nito na sampong beses kumpara sa normal na temperatura?!" Gulat na bulalas ni Eric. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat eh alam naman niyang magulo ang enerhiya sa loob ng dantian ng binata ngunit ang nakakapangilabot rito ay buong katawan nito na animo'y parang may nag-aaway na mga enerhiya.
"Sabi ko naman sa iyo eh kaya ako na lamang ang magdadala sa kaniya at ikaw na ang kokontrol ng Flying Sword mo baka mahulog pa tayo o madisgrasya kapag may pagbabago namang mangyayari sa katawan nito at kailangan na nating magmadali." Seryosong sambit ni Kai habang mabilis niyang kinuha si Van Grego upang siya na pumasan rito.
"Whoosh!"
Bigla na lamang hinagis ni Eric ang kaniyang espada sa ere at bigla itong lumiwanag. Mistulang lumutang at lumaki ang anyo ng espada nito.
Agad na ring tumalon ng mataas si Eric at sumunod naman si Kai sa pamamagitan rin ng pagtalon ng mataas akay-akay ang binatang bitbit nito na animo'y sako. Hindi maaaring sa likod niya ilagay ang binata sapagkat baka magkaroon pa ng komplikasyon ito.
"Bilisan na natin baka mahuli pa ang lahat at baka mas lumala pa ang lagay nito." Sambit ni Kai habang ang tinutukoy nito ay si Van Grego. Matagal na rin itong walang malay kaya isang masamang senyales ito.
Agad na tumango si Eric habang mabilis nitong kinontrol ang kaniyang sariling flying sword papunta sa direksyon kung saan naroroon ang Vermillion Healers Guild na soyang pinagkakatiwalaan ng kanilang pagamutan.
...
"Masama ito, ano'ng nangyari sa binatang ito?! Ang kaniyang enerhiya sa loob ng kaniyang dantian ay napakagulo at napakarahas na siyang hindi namin malaman kung paano i-stabilized ito. Isa pa ay nalaman naming bagong breakthrough lang ito ngunit ang pasyente ay nagtamo ng sugat mula sa isang hindi malamang nakalaban o nasagupa nito na may elemento ng kadiliman/darkness. Isa pa rito ay mayroon pang dalawang Qi ang naghahalo sa katawan nito liban sa astral energy at essence energy nito. Yun ay ang pambihirang Moon Qi at Spiritual Qi. Nagmistulang tangke ng enerhiya ang loob ng dantian nito. Gagawin namin ang aming buong makakaya ngunit ang tuluyang pagpapagaling rito ay hindi namin magagawa. Pasensya na." Malungkot na saad ng Head Healer habang makikitang namamawis pa ito. Halatang nahihirapan din ito sa sitwasyong ngayon lamang niya nasaksihan. Pagkarami-raming Qi sa loob ng katawan ng binatang ito ay kahit sinong mang gagamot rito ay talagang mahihirapan ang mga ito. Isa silang Healer at tanging paglapat lamang ng lunas kagaya ng gamot, enerhiya nila sa supplemento ngunit hindi sakop nila ang mag-stabilize ng mga Qi na ang babagsik at nagbabanggaan sa loob ng katawan ng binatang si Van Grego kaya ganon na lamang ang naging resulta ng kanilang pagsusuri at panggagamot.
"So sinasabi niyo na walang pag-asang magamot ang pasyente ninyong ito?! Baka may paraan pa po." Pagsusumamo ni Kai habang nakatingin sa mata ng Head Healer.
"Ano pa ba ang magagawa namin eh nasa Red Alert ang kaso na ito. Siguradong alam mo na rin ang magiging resulta kapag hindi nagamot kaagad at hindi mag-stabilize ang enerhiya nito sa katawan lalo na ang Spiritual Qi nito at ang Moon Qi nito na isang pambihirang enerhiya sa katawan. Kapag tulog pa ito ang binatang hanggang ilang buwan o taon ay mapupuno na ang katawan nito ng Moon Qi galing sa buwan at mistulang maiipon sa loob ng katawan nito ang Moon Qi's na siyang sasabog ito. Hindi lamang simpleng pagsabog ang mangyayari kundi pinangangambahan kong maladelubyo ang hagupit nito dahil napakapurong enerhiya mula buwan ang pumapasok rito." Sambit ng Head Healer habang nangingilabot sa kaniyang sinasabi ngunit ito ang katotohanan. Kahit umaga ay mayroong Moon Qi sapagkat hindi lamang ito nakikita ng ating mata dahil sa liwanag na nagmumula sa araw yun nga lang ay mas mahina lamang ang maaari nitong mapunta sa mga mayroong abilidad na sumagapa ng Moon Qi. Meron rin namang mga Martial Art Techniques ang pwedeng pag-aralan upang makapagkolekta ng Moon Qi yun nga lang ay hindi ito Maikukumpara sa Moon Qi Gatherer na totoong abilidad at mas puro ang enerhiyang nakukuha ng katawan nito mula sa buwan.
"Kung ganon ay ano ang maaari naming maitulong rito?!" Sambit ni Kai habang hindi nito mapigilang maisambit ng kaniyang bibig. Hindi niya alam kung ano ang maaaring maipalit niya rito.
"Ang masasabi ko lang ay humanda kayo sa maaaring babayaran niyo sa taong magpapagaling sa binatang gagamutin nito. Hindi ko alam kung ano ang hihingiin nitong kapalit baka kahit ang Legion ay hindi kayang tumbasan ang halaga o bagay na hihilingin nitong kapalit." Sambit ng Head Healer habang nakayuko. Ito kasi ang last resort nila para pagalingin ang binatang ito dahil tunay na sobrang lala ng kalagayan nito. Kung simpleng pagkamatay lamang ang resulta nito ay mabuti sana ngunit sasabog ito at maraming buhay ang masasawi kapag mangyari ito. Halos ¼ ng Central Region ang mabubura sa mapa. Ganon kalakas ang magiging epekto kung sakaling sumabog ang katawan nito ng mararahas na enerhiya ng Moon Qi at Spiritual Qi.
"Huh, ganun kalaki?! Paanong---?!" Sambit ni Eric na hindi nito sinasadyang isatinig ito. Kung gayon ay hindi lamang simpleng sakit ito ngunit buhay sa buhay rin ang kapalit nito kung sakaling mamatay ang binatang nitong araw lamang niyang nakilala na si Van Grego. Kung ganon ay isang napakataas at napakalakas na nilalang ito sa Central Region. Ngunit bakit naman naging ganito ang resulta ng pagtulong nila. Yung tipong sila na nga ang tumulong ay sila pa ang naagrabyado. Nang marinig niya na hindi ito matutumbasan ng Legion na siyang kinabibilangan nila ay halos manlaki ang kaniyang mata rito st mistulang nabingi naman si Eric dahil dito.
Nayukot ang kamao ni Kai dahil sa kaniyang narinig. Kung ganon ay ganon kalaki ang dapat nilang bayaran?! Malalim itong huminga at nagsalita.
"Kung gayon ay kayo na ang bahala sa binatang ito. Senior Brother Eric ikaw na munang bahala na magbantay sa binatang si Van Grego." Sambit ni Kai habang mabilis itong naglaho.
Tanging tango lamang ang naging tugon ni Eric habang animo'y pinagbagsakan siya ng langit. Saan sila kukuha ng ganoon kalaking halaga?! Eh isa lamang siyang miyembro ng Blue Crane Legion at masasabi niyang malaki naman ang kita niya rito pero nang sabihin ng Head Healer na hindi mababayaran ng Blue Crane Legion ang maaaring kapalit ng tutulong sa binata ay halos panawan siya ng ulirat. Ang inaakala niyang napakalaking kayamanang at halagang meron siya ay isa lamang barya kung ikukumpara sa buong kayamanang meron ang Blue Crane Legion. Base na rin sa pagsasalita ng Head Healer ay totoo ang sinasabi nito at walang halong biro. Kailan lang nagbiro ang sinumang healer lalo na ang Vermillion Healers Guild? Ang masasabi niya ay hindi kailanman dahil kahit si Kai ay hindi nito sinekreto ang mga bagay-bagay lalo na ang kalagayan ng binatang balak silang gawing pulubi dahil sa kalagayan na meron ang binatang nagngangalang Van Grego na siyang biktima lang naman ng kalokohan ni Jinron.
Nagpadala ng mensahe si Eric sa kaniyang kagrupo lalo na sa kanilang tumatayong lider ng grupo na si Crispiel gamit ang Sound Transmitting Talisman at isinama niya rin sa kaniyang mensahe ang lahat-lahat ng impormasyong kaniyang nalaman dahil nagtitiwala ito sa kaniyang grupo lalo na sa kaniyangtukatayong lider.
...
Sa isang malawak at napakagarang silid ay kasalukuyang nagcu-cultivate ang isang may edad na lalaki habang mayroon na itong tumutubong puting buhok sa ulo nito. Hindi maipagkakailang napakayaman sa enerhiya ang buong silid na ito habang mabilis itong hinihigop ng katawan ng isang lalaking parang vacuum na nahihigop ang enerhiyang papunta sa dantian nito na siyang parteng tiyan mismo.
Ngunit maya-maya pa ay may biglang kumatok sa pintuan ng Cultivation room nito.
Agad namang itinigil ng may edad na lalaki ang kaniyang pagcucultivate sa pamamgitan ng pagdisperse ng enerhiya niya bago ito tumayo at naglakad papunta sa pintuan.
"Pwede ka ng pumasok." Sambit ng may-edad na lalaki.
"Pasensya po Master Orville ngunit nakatanggap po ako ng mensahe galing sa Vermillion Healers Guild na nagsasaad na humihingi ito ng tulong mula sa inyo. Sa katunayan ay isang Red Alert na mensahe po ito at nakaselyo pa. Pangalan niyo po ang nakasaad sa mensahe kaya mabilis ko po kayong pinuntahan kaagad." Nakayukong sambit ng mensahero upang magbigay galang na rin sa may edad na lalaking nagngangalang Orville o Master Orville sa kagalang-galang nitong personalidad.
Mabilis namang pinalutang ng tagatanggap na mensahe ang kulay pulang talisman. Base pa lamang sa itsura at kalidad ng Talisman na ito ay napakapambihira nito kumpara sa ordinaryong Sound Transmitting Talisman at may tatak pa ito ng mismong logo ng Vermillion Healers Guild kung kaya't masasabi mong hindi ito isang biro lamang kundi tunay ang mensaheng ito lalo na at nakakaalarma at nakakaintriga ang loob ng mensahe rito lalo na sa kulay pulang Talisman ito. Isang High Alert.
Makikita rin na hindi ito basta-basta lamang dahil may selyo pa ito at intact pa kaya masasabing isa talaga itong comfidential na mensahe galing sa mapapagkatiwalaang Vermillion Healers Guild.
"Maraming Salamat at makakaalis ka na." Sambit ng may edad na lalaki na si Master Orville.
Agad namang yumuko ang mensahero at mabilis na nilisan ang lugar na ito.
"Hmmm... Matagal na simula ng tumawag sa akin ang Vermillion Healers Guild ngunit ano na naman kaya ito?! Hmmm..." Nagtatakang sambit ni Orville habang mabilis nitong sinira ang mumunting selyo upang mabasa ang mensahe.
Maya-maya pa ay lumitaw ang mga kakaibang letra sa ere habang mabilis nitong binasa at doon niya nalaman ang tunay na laman ng mensahe.
"Ano ito?! Sa aking kakayahan ay hindi ko magagamot ang isang katulad nito. Tanging ang 12 Supreme Lord lamang ang may kakayahan nito at isa na rito si Lord Leland. Hihingi siguro ako ng tulong sa kaniya dahil napakadelikado ng kaso ng isang binatang tagalabas ng Rehiyon pa ito at ang katawan nito ay mayroong iba't-ibang Qi na siyang marahas na naglalaban sa dantian nito na siyang hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Ang mas malala pa rito ay kapag sumabog ang katawan nito ay mawawala sa mapa ang ¼ ng lupain ng Central Region." Halos pigil hininga naman na pagbubuod at pag-aanalisa ng mga impormasyong nakapaloob sa mensahe. Talagang nakakapanindig-balahibo ang mensaheng ito na siya namang ikinabahala ni Orville.
Ang Central Region ay nahahati sa apat na Wings. Ang North Wings, South Wings,West Wings at East Wings. Nasa East Wings ang lugar ng Vermillion Healers Guild at kung mabubura ito ay tatlong wings na lamang ang matitira na magiging sangay ng Central Region. Kung mangyayari ito ay malamang sa malamang ay maaapektuhan ang lahat ng dahil rito. Ang 12 Supreme Lords kasi ang naka-assign na umayos ng mga problema sa bawat Wings at ang mawala ang isang Wings ay siyang pagkawala ng kanilang iniingatang sangay at tungkulin. Matagal ng panahon ng sila ay nagpakita sa publiko pero ngayon ay himdi maiiwasang kailangan nilang muling magpakita at lumitaw dahil hindi na kontrolado ang sitwasyong ito.
"Sana lang ay maresolba agad ang sitwasyong ito sapagkat ang buhay ng nakatira sa East Wing ay nasa bingit ng kamatayan!" Nalulungkot na saad ni Orville habang makikitang kahit siya ay apektado pero paano pa kaya kung malaman ito ng labindalawang Supreme Lords?! Siguradong malaking gulo ito kapag malalaman ito ng publiko at magreresulta pa ito ng Panic Attacks sa mga naninirahan sa East Wing.
