Ficool

Chapter 205 - Chapter 35

Agad namang lumakas ang bulung-bulungan sa nakatumpok na mga manonood. Hindi lang kasi mga Opisyales ang naririto kundi magingang mga kawal ng dalawang tribo na mahigit apat na raang katao.

"Totoo ba talaga to?! Hindi ko aakalaing ang sikat na Legion na malapit lamang sa ating tribo ang nagpunta rito."

"Hindi ko aakalaing mayroong koneksyon si Kai sa Blue Crane Legion. Talaga namang nakakagulat na pangyayari ito."

"Sinabi mo pa... Hindi na ako nagtataka kung bakit mayroong siyang lakas ng loob na harap-harapang kalabanin at suwayin ang ama niya maging si Ginoong Lorenzo na kapwa mga opisyales ng ating mga kaniya-kaniyang triboat isa pa ay mga Martial Dominator Realm Expert sila na halos magkapantay lamang ang kanilang kakayahan." Sambit naman ng isang kawal habang makikita ang mangha sa mukha nito.

"Kaya nga eh... Kaya tayo rin ay nasurpresa sa hindi natin inaasahang bisita." Sambit ng isa pang kawal habang naghihintay ng panibagong kaganapan.

Palihim namang nagpapadala ng mensahe ang mga nasa hanay ng mga grupo ng mga kawal at maya-maya lamang ay dumating ang iba pang mga martial artists lalo na ang mga mararangyang mga aristocrats. Isama pa na isa sila sa masugid na tagahanga ng Blue Crane Legion na isang Sikat na Legion kung kaya't mas dumami pa ang naki-usyoso at magbulung-bulungan.

Namatay lamang ang ingay at bulong-bulungan nang biglang nagsalita ang lalaking nakasakay sa isang pambihirang Flying Sword.

"Ako'y magpapakilala sa lahat. Ako nga pala si Crispiel na isang miyembro ng Blue Crane Legion. Nandito ako sa layong arestuhin ang nagkasalang si Jinron Fivel dahil sa patong-patong nitong kasong kinakaharap..." Tuloy-tuloy na sambit ng lalaking nakarobang asul na si Crispiel habang makikita ang otoridad sa boses nito. Medyo matapang din ang features ng mukha nito kung kaya't alam mong seryoso talaga itosa bawat sinasabi nito.

Nang matapos itong bumasa ay mabilis na nagsalita si Lorenzo Fivel habang makikita ang ibayong lungkot sa mukha nito ngunit napalitan ito ng ibayong inis sa kaniyang pagmumukha.

"Ano'ng sinasabi mo? Hindi ba pwedeng kami na lamang ang lilitis sa aking anak? Hindi lang iyan dahil babayaran ko ang lahat ng danyos na ginawa ng aking anak. Nakikiusap ako!" Sambit ni Lorenzo Fivel habang hindi nito mapigilang mapakuhod na lamang sa sahig habang lumuluha. Sa oras kasi na nakialam ang Legion sa problemang kinakaharap ng isang tribo o ng marami ay wala silang magagawa dahil mas komplikado ang sangay na ito.

"At talagang nagmamakaawa ka? Isa lamang akong miyembro ng Legion upang ipahatid sa inyo ang mensaheng nais iparating ng Legion. Kung matapang ka ay direkta mo silang kausapin at hindi ako!" Sambit ni Crispiel habang makikita ang medyo inis sa boses nito. Hindi niya aakalaing kinikuwestiyon at nagbibigay pa ng option ang isang opisyales ng maliit na tribong ito. Ang laki din ng apog nito sa katawan.

Napasinghap naman ang karamihan rito. Tahimik silang nag-uusap gamit ang kanilang divine sense lalo na ang mga aristocrats na siyang masasabing mga maharlikang mga tao.

"Hmmp! Ang isang opisyales na katulad nito ay talagang napakalaki ng demand nito at gusto pang makipagnegosasyon sa Blue Crane Legion na sa kanila lamang ang ipalilitis ang anak nito hahaha... Nakakatawa!"

"Kaya nga eh... Parang kini-kuwestiyon nito ang pamamalakad ng Blue Crane Legion. Kahit nga ang ibang malalaking Tribo ay takot na makipagnegosasyon rito."

"Ang kapal din ng pagmumukha nito. Kung siguro'y mainit ang ulo ng ipinadala nito ay napaslang na ang opisyales na ito. Hindi marunong at maalam sa makakabuti sa kanya."

"Halatang guilty nga ang arestadong suspek na iyan. Kung hindi ako nagkakamali ay Jinron ang pangalan nito. Ang naghasik ng lagim sa mga malilit na mga tribo at nayon."

"Hahaha... Eh kung sana ay sa malalaking tribo ito gumawa ng kalokohan nang sa ganon ay makita nila ang gusto nilang makuha hahahaha...!"

"Yan talaga ang larawan ng mga barumbadong anak ng opisyales ngunit mas malala ang isang to hahahaha!"

Patuloy pa rin ang pag-uusap-usap ng mga grupo na tao na nagsisiksikan sa isang lugar gamit ang kanilang divine sense.

"Hindi ba talaga kayo mapapakiusapan ha?! Bilang isang ama ay ayokong ikulong at litisin niyo ang aking anak!" Galit na wika ni Lorenzo Fivel at mabilis niyang sinenyasan ang dalawampong kawal nito.

Ngunit susugod na sana ito nang biglang nagsalita si Kai.

"Wag mo ng ituloy Ginoong Lorenzo Fivel ang iyong binabalak kung ayaw mong buhay mo ang mawala maging ang iyong mga kawal. Bakit parang takot na takot ka ata na ipahawak ang kaso ng iyong anak sa Blue Crane Legion?! Baka naman may itinatago ka na hindi namin alam?" Makahulugang sambit ni Kai habang tumingin ng diretso sa pares na mata ni Ginoong Lorenzo Fivel.

Halos mag-apoy sa galit si Lorenzo Fivel nang banggitin ito ni Kai. Maya-maya ay ngumisi ito.

"Wala akong tinatago pero kapag inosente ang anak ko sa ipinagbibintang mo ay sisiguraduhin kong magbabayad ka Kai sa pang-aapi at panghahamak na dinanas ko sa araw na ito hmmp!" Mapagbantang sambit ni Lorenzo Fivel habang mabilis itong naglakad palayo na siya namang sinundan ito ng dalawang daan nitong kawal. Maya-maya pa ay naglaho ang mga pigura ng mga ito maging ang mga presensya ng mga ito.

Balewala lamang na tiningnan ni Kai ang pagbabantang ito na siya namang ikinasinghap ng marami. Hindi nila alam kung saan humuhugot ng kumpiyansa ang binatang ito.

"Kai anak, ano ba naman ang ginagawa mo?! Parang ginawa mong komplikado ang mga bagay-bagay lalo pa't matalik na kaibigan ko si Lorenzo." Nababahalang sambit ni Kerano sa kaniyang anak gamit ang divine sense. Hindi kasi nito lubos maisip kung ano ang ginagawa nito. Walang siyang kaide-ideya kung ano ang binabalak nitong gawin.

"Alam ko ang ginagawa ko Ama. Tsaka tigilan mo na rin ang komunikasyon mo sa Lorenzo na yun dahil baka mapahamak ka pa." Sambit ni Kai sa tono ng pag-aalala. Hindi kasi nito gusto na makipag-ugnayan ang ama niya rito.

Mabilis na ring nilisan ng ama nito kasama pa ang dalawang daang kawal.

"Ano pa ang ginagawa niyo?! Umalis na kayo sa lugar na ito ngayon din!" Ma-otoridad na sambit ni Crispiel habang tiningnan isa-isa ang tumpok ng mga martial artists na naririto.

Agad namang nahintatakutan ang mga ito at dali-daling nilisan ang lugar na ito. Talagang nakakatakot ang mga miyembro ng Blue Crane Legion.

Mabilis namang nawala ang mga tao sa paligid hanggang sa tanging ang sampong kawal, si Crispiel, Jinron maging sina Kai habang bitbit nito sa balikat ang walang malay na si Van Grego.

"Tinupad ko ang sinabi mo kay na huwag ipasapubliko ang totoong rason kung bakit hinuli ng Blue Crane Legion ang binatang si Jinron. Kami na ang bahala sa ungas na ito!" Sambit ni Crispiel habang mabilis naman itong sumenyas sa hangin.

Bigla namang lumitaw ang apat nitong kasamahan na kapwa suot ang kaparehas na disenyo ng roba nito.

Napasinghap naman ang lahat lalo na ang sampong kawal at ang salarin na si Jinron.

"Bo-boss Kai?! Ba-bakit an-ang da-daming Ma-martial Pre-precognitor R-realm E-expert?!" Sambit ni Felipe habang animo'y nahintatakutan. Kung ang isa pa lamang na Martial Precognitor Realm Expert na si Crispiel ay halos nahintatakutan at namangha sila ngunit paano kapag nalaman ng mga lumisang mga martial artists na mayroon pang apat na Martial Precognitor Realm Expert na halos kapantay lamang ng lebel ng lakas ng nagpapakilalang si Crispiel

"Kami ay nagbibigay-galang sa Blue Crane Legion!" Malakas ngunit magalang na pagkakasabi ni Ronald at mabilis na yumukod.

Agad namang sinunod ito ng pito pang kawal ng White Raven Tribe na sina Ria, Paulo, Jake, Carl, Leah, Julio at Felipe habang yumukod lang ng konti sina Jon at Jason dahil hinahawakan pa rin nila ang salarin na si Jinron.

"Hahahaha... Hindi kami sanay na yumuyuko ang kapwa namin kawal. Hoy Kai... Bakit para atang hindi mo ako kinikwento sa kanila hmmm?!" Sambit ng isang lalaking medyo may katabaan ngunit halatang bata pa rin ito. Mga nasa 20's palang ang edad nito base sa itsura at skeletal age nito.

Napakamot naman ng batok si Kai.

"Ahaha... Nakalimutan ko po eh. Siya nga pala, Siya pala ang Senior Brother ko na si Eric. Isa siyang White Raven Tribe ngunit pinili nilang mamuhay sa teritoryong sakop ng Blue Crane Legion kaya hindi nakakapagtaka kung hindi niyo siya nakita man lang noon." Sambit ni Kai ng masaya.

"Nakakatampo ka naman Kai pero alam kong andami mo ngang problemang kinakaharap. Hindi ko talaga nagustuhan ang ugaling meron ang amang ito." Sambit ni Eric habang makikita ang labis na pagkadisgusto habang tiningnan nito si Jinron. Napayuko naman ito ngunit wala pa ring mababakas na emosyon sa mukha nito. Blangko at walang kabuhay-buhay.

"Hmmp! Palibhasa ay nasanay na sila ay itinuturing na isang opisyales ng kanilang tribo ngunit wala tayong sinusunod kundi ang iniuutos lamang sa atin. Naturingan pa namang Opisyales na nakaupo sa mataas na pwesto ngunit ang ugali at pakikitungo nito sa iba ay parang walang inaatrasan!" Sambit ng isang babaeng kulay asul rin ang roba nito na may disenyo ng Blue Crane Legion.

"Kumalma ka nga Erina. Pagpasensyahan mo nalang iyon. Isa pa ay hindi natin hawak ang pag-uugali ng mga tao sa ating paligid kaya normal normal lang na medyo nagulat ito pero may punto ka pa rin sapagkat hindi naman talaga sa atin nagmumula ang desisyon." Pagsang-ayon ng isang lalaking kasamahan ng babaeng nagngangalang Erina ng Blue Crane Legion.

"Parang sumang-ayon ka yata sa akin ngayon ha?! May ginawa ka bang panibagong kalokohan na naman ha, Helko?!" Sambit ni Erina sa lalIing sumuporta o naghayag ng pagsang-ayon sa kaniyang sinabi. Ngunit alam niyang may ginawa na naman itong kabulastugan dahil alam na alam nito kung may kalokohan naman ito. Yung kunwari aaluin ka at sasang-ayunan pero magugulat ka na naman na mayroon naman itong kabulastugan na ginawa.

"Ah... Eh... Wala naman akong ginawa eh." Sambit ni Helko habang makikita ang labis nitong pagtanggi sa akusasyon ni Erina.

"Magsitigil nga kayong dalawa ha pwede! Magseryoso naman kayo!"suway naman ni Crispiel sa kanila.

"O siya nga pala Kai, pwede ko naman silang i-recruit sa susunod sapagkat nakita kong may potensyal ang sampo mong kawal sa misyon mong ito bilang personal ko ng regalo sa kanila." Sambit ni Eric habang tinitingnan ang bawat isa sa sampong kawal.

Halos manlaki naman ang mga mata ng sampong kawal dahil sa sinabi ni Ginoong Eric dahil parang hindi sila makapaniwala.

Unang nakabawi sa kanila ay si Leah habang makikita ang kagalakan sa mga mata nito.

"Talaga po Ginoong Eric?! Salamat po sa inyong papuri at sa inyong regalo ngunit sa kasalukuyan naming estado ay malamang ay baka hindi kami makapasa sa inyong qualification standards." Sambit ni Leah ngunit medyo nalungkot siya sapagkat naalala niya na mayroong hinahanap na potensyal sa bawat issng Cultivator na pipiliin nilang i-recruit.

Ang siyam na kawal ay kapwa nalungkot rin. Isang Martial Dominator Realm Expert kasi ang dapat na Cultivation Level ng sinumang sasali rito at hindi maaari ang isang Martial Sacred Realm Expert. Hindi sila tanga para hindi paghinayangan ito. Gusto nilang maging miyembro ng Blue Crane Legion ngunit ano ba ang napatunayan nila? Sa Cultivation Level ay sobrang baba at ang talentong meron ang bawat isa at ang kapabilidad ay ini-eksamin rin.

Napatawa naman ng malakas si Ginoong Eric sa sinabi ng magandang binibini na si Leah. Naikwento rin kasi sa kaniya ni Kai ang mga kawal niyang dadalhin o pipiliin para sa misyong ito kaya hindi maipagkakailang matutukoy niya ito sa deskripsyon pa lamang na ikinuwento ni Kai sa kaniya.

"Mayroon pa naman kayong oras at panahon para paghandaan ito. Mga isa hanggang dalawang taon lamang ang palugit na aking ibinibigay upang paunlarin niyo ang inyong sarili lalo na ang pataasin ang inyong Cultivation Level. Iyon lamang ang maaari kong maibigay na regalo para sa inyo." Sambit ni Eric sa sampong kawal. Hindi niya maipagkakailang nakakainggit ang samahan ng sampong kawal na ito. Yung tipong mahahalata mo talaga na isa silang team.

"Maraming salamat po Ginoong Eric. Hindi niyo po alam kung gaano kami kasaya sa inyong regalo. Napakalaking karangalan nito para sa amin." Maluha-luhang sambit ni Leah habang makikita ang sobrang saya at tuwa ng kaniyang puso.

Napatango naman ang siyam na kasamahan nito habang tinitingnan si Eric.

"Hindi ko alam ngunit parang mapapalitan kami sa pinakamahusay at pinakasolid na grupo ngunit masaya ako dahil nakahanap kami ng hahalili sa aming pwesto." Sambit ng lalaking miyembro rin ng Blue Crane Legion na si Regan. Masaya siya dahil alam niyang mapapanatili nila ang kanilang pwesto sa pamamagitan ng panibagong hahalili sa kanila. Naniniwala siyang may potensyal ang sampong kawal na ito dahil alam niyang balang-araw ay malalampasan pa sila ng mga ito. Nalungkot pa ito ng maisip ang nakaraang grupo nila.

"Masyado mo na atang pinapalaki ang mga ulo nila Eric. Sige ka hahaha..." Sambit ni Kai ng pabiro na siya namang ikinatawa ng lahat.

Agad namang tiningnan ni Kai ang sampong kawal habang makikita ang pagdaan ng lungkot sa mata nito.

"Ihabilin niyo na sa Blue Crane Legion ang lahat lalo na sa kasong kinakaharap ni Jinron. Magpalakas kayo at wag niyong hahayaang masira ang inyong grupo." Sambit ni Kai habang mababakasan ng lungkot ang boses nito. Hindi niya aakalaing sa ilang buwang paglalakbay nila sa ibayong dagat at sa mga rehiyon na posibleng puntahan ni Jinron ay sinuyod nila. Naalala niya ang pagharap nila sa napakaraming banta, sa mga bandido, grupo ng mga malalakas na Martial Beasts at iba pa ay walang nalagas ni isa man sa grupo at nagtutulungan sa bawat hirap na dinadamas nila.

Mabilis namang kinuha ng dalawang miyembro si Jinron nang lumapag sila sa lupa at waalng alinlangan naman itong binigay nina Jon at Jason na soyNg may hawak sa salarin o suspek na si Jinron.

Nabalutan ng lungkot ang buong atmospera ng lugar na ito tandang dito na ang huli nilang pagkikita matapos ang ilang buwang paglalakbay.

Ang sampong kawal ay naging emosyunal rin lalo na ang dalawang babae sa kanilang grupo na si Leah at Ria.

"Hoy Felipe, pinaiyak mo na naman ulit si Leah o!" Pang-aalaska ni Jon rito.

"Oo nga kaya pati si Ria ay umiiyak na rin ho!" Dagdag na sambit naman ni Jake rito.

"Huh?! Wala naman akong ginawa ah. Inaano ko ba sila ha?! Anong ganap?!" Sambit ni Felipe habang makikita ang labis nitong pagtataka na siyang tinawanan ng lahat maging ni Kai at ng limang miyembro ng Blue Crane Legion.

More Chapters