Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Hindi dahil sa mga lamok o sa tigas ng papag ni Tita Precy, kundi dahil sa mukha ni Mayor Sebastian. Paulit-ulit na nag-e-echo sa utak ko ang sinabi niya: "Not a fashion runway." The nerve of that man! Ininsulto niya ang taste ko sa fashion?
"Hija, gising ka na pala. Halika, mag-almusal ka na rito," aya ni Tita Precy habang naghahanda ng sinangag at tuyo.
"Tita, kilala niyo ba si Mayor Sebastian? I mean... ganoon ba talaga siya kasungit?" tanong ko habang diring-diri na hinahati ang tuyo gamit ang tinidor.
"Ah, si Mayor Seb? Naku, napakabait na bata niyan. Medyo seryoso lang talaga sa trabaho simula nang maupo. Bakit mo naitanong?"
"Wala lang. Parang... kailangan lang turuan ng kaunting manners," bulong ko.
Bumuo ako ng plano. Kung ayaw niya sa "City Girl" look, bibigyan ko siya ng "Probinsyana Sweetheart" version.
Naghanap ako sa maleta ko ng pinaka-simple kong suot—isang white linen dress na mukhang inosente pero kitang-kita pa rin ang curves ko.
Sabi ni Tita, pupunta raw si Mayor sa ginagawang health center malapit sa palengke. Perfect timing.
Pagdating ko sa site, kitang-kita ko agad siya. Kahit naka-puting t-shirt lang siya at maong na pantalon na may kaunting putik, litaw na litaw ang pagiging "alpha" niya. Pawis na pawis siya habang may kausap na mga contractor, at sa totoo lang... it was kind of hot.
Focus, Steph! Focus!
Naglakad ako palapit, dahan-dahan, na parang lulutang sa hangin. Bitbit ko ang isang basket na may lamang malamig na tubig at ilang tinapay na pinaluto ko kay Tita.
"Uhm, excuse me? Mayor?" malambing kong tawag.
Lumingon siya. Naningkit ang mga mata niya nang makilala ako. "Ikaw na naman?"
"I just wanted to apologize for yesterday," pagsisinungaling ko habang pilit na nagpapa-cute. "Masyado lang akong na-stress sa biyahe. And... I brought some snacks for you and the workers. Peace offering?"
Tinitigan niya ang basket, tapos tumingin siya sa mga mata ko. Inaasahan ko na kukunin niya ito, ngingiti siya, at sasabihin niyang, "Salamat, ang ganda mo pala."
Pero hindi.
"Salamat, pero tapos na kaming mag-meryenda," diretsong sagot niya.
"At sa susunod, huwag kang maglalakad dito nang ganyan ang suot. Construction site ito, hindi parke. Delikado may nakakalat na pako."
"But I'm just trying to be nice!" bahagyang tumaas ang boses ko.
"Being nice is staying out of the way of people who are actually working," tugon niya bago muling tumalikod para tignan ang blueprint.
Nanggigil ako. Stay out of the way?! Sa sobrang inis ko, hindi ko napansin ang isang balde ng tubig na ginagamit sa semento sa gilid ko. Sa pag-atras ko, natabig ko ito.
"Oops—!"
Splash!
Imbes na ako ang mabasa, mabilis siyang lumingon at hinarangan ang tubig—pero ang resulta, ang suot niyang puting t-shirt ay naging kulay abo dahil sa tumalsik na maruming tubig at putik.
Natahimik ang buong paligid. Ang mga workers, napahinto sa pagpukpok.
"I... I'm so sorry! It was an accident!"
kinuha ko ang panyo ko at pilit na pinunasan ang dibdib niya.
Hinawakan niya ang pulsuhan ko para pigilan ako. Madiin ang pagkakahawak niya, at ramdam ko ang init ng balat niya.
Galit ang makikita sa mga mata niya, pero may kung anong kuryente akong naramdaman.
"Umuwi ka na," mahinahon pero may banta sa boses niya. "Bago pa kita ma-cite for public disturbance."
"Public disturbance? Accident nga lang, 'di ba?!"
"Umuwi. Ka. Na."
Padabog akong tumalikod. Rinig ko pa ang hagikhik ng ilang mga taong nanonood. Pagdating ko sa isang kanto, napasabunot ako sa buhok ko.
"Argh! Nakakainis ka, Sebastian! Akala mo kung sino ka!"
Pero habang naglalakad ako palayo, naalala ko ang hawak niya sa pulsuhan ko kanina. Masungit siya, oo. Pero bakit parang mas lalo akong na-cha-challenge?
Kung ayaw niya sa mabait na paraan, baka kailangan natin ng mas "aggressive" na approach.
You want a public disturbance, Mr. Mayor? I'll give you one.
