Ficool

Seduce the Mayor

Bebe_X_Sai
14
chs / week
The average realized release rate over the past 30 days is 14 chs / week.
--
NOT RATINGS
131
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

"Are you kidding me, Dad?! Isang summer sa probinsya? This is not a vacation, this is a death sentence!"

Iyon ang huling linya na binitawan ko bago ako tuluyang iniwan ng driver namin sa harap ng isang bahay na gawa sa kawayan at nipa. At ngayon, habang tinitignan ko ang paligid, gusto kong maiyak.

Ang init! Pakiramdam ko ay matutunaw ang foundation ko sa mukha sa loob lang ng limang minuto.

"Welcome to the real world, city girl!" bulong ko sa sarili ko habang hila-hila ang aking giant rose-gold luggage.

Dapat ay nasa Boracay ako ngayon, naka-bikini at humihigop ng cocktail. Pero dahil sa "wild party" na nauwi sa paglubog ng bagong kotse ni Dad sa swimming pool, heto ako ngayon—pinatapon sa kuta ng mga lamok.

"Hija? Ikaw na ba 'yan?" Isang matandang babae na may malapad na ngiti ang lumabas mula sa kubo.

"Tita Precy?" pilit ang ngiti ko. Siya ang dating kasambahay namin na itinuring na ni Dad na kapamilya.

"Naku, ang ganda-ganda mo pa ring bata ka! Halika, pasok ka. Pasensya ka na at ganito lang ang bahay namin, pero masarap ang hangin dito."

Masarap ang hangin, yes. Pero wala silang aircon. Pagpasok ko, agad kong nilapag ang gamit ko. Ang higaan? Papag na may banig. I wanted to scream, pero pinigilan ko. I have to play nice para mapabilis ang pag-uwi ko sa Manila.

Kinabukasan, nagpasya akong maglakad-lakad para mag-explore.

------

Sabi ni Tita Precy, may piyesta raw sa town plaza at nandoon ang lahat ng tao. Nagsuot ako ng floral sun dress at ang pinakamataas kong wedges—kailangang pak na pak pa rin ang awra kahit nasa gitna ng bukid.

Habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada, napansin ko ang kumpol ng mga tao sa tapat ng isang covered court. May mga banner na nakasabit: "Serbisyo Publiko, Hatid ni Mayor."

"Matalino talaga 'yan si Mayor, 'no? At napakamatulungin pa," narinig kong sabi ng isang ale habang bitbit ang isang bag ng relief goods.

"At ang gwapo pa! Sayang lang at parang walang balak mag-asawa," sagot naman ng isa.

Mayor? For sure, matanda na 'yan na may malaking tyan at makapal na salamin. 'Yun naman ang madalas na itsura ng mga politiko sa probinsya, 'di ba?

Dahil sa kuryosidad, lumapit ako. Sumingit ako sa gitna ng maraming tao para makita ang "sikat" na Mayor nila. Pero sa kamalasan, naisabit ang dulo ng wedges ko sa isang biyak na semento.

"Wait—oh my god!"

Nawalan ako ng balanse. Dire-diretso akong natumba pasulong. I closed my eyes, expecting the hard ground to hit my face. Pero sa halip na semento, isang matigas na dibdib ang sumalo sa akin. Amoy mamahaling perfume na hinaluan ng amoy ng malinis na labada.

"Miss, ayos ka lang?"

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Ang unang nakita ko ay ang matangos na ilong, makapal na kilay, at mga matang tila nangungusap. He's not old. He's... god-tier handsome.

"I... I think so," nauutal kong sagot.

Inalalayan niya akong makatayo nang maayos. Pero nang mapansin niya ang suot ko—ang maikling dress, ang makapal na make-up, at ang 5-inch wedges ko sa gitna ng maalikabok na plaza—biglang nagbago ang expression ng mukha niya.

Mula sa pagiging Concerned Citizen, naging malamig at masungit ang tingin niya.

"The plaza is for public service, not a fashion runway, Miss," malamig na sabi niya. "Next time, wear something appropriate. Nakakaabala ka sa pila."

Nalaglag ang panga ko. What did he just say?!

"Excuse me? I just fell and you're lecturing me about my clothes?" matapang kong sagot.

Hindi niya ako sinagot. Tinalikuran niya lang ako at bumalik sa pakikipag-usap sa mga matatanda na tila ba wala akong kwentang kausap.

"Sino ba 'yon?!" inis na tanong ko sa isang batang nakatayo sa tabi ko.

"Si Mayor 'yun, Ate. Si Mayor Sebastian," sagot ng bata habang kumakain ng ice candy.

Tinitigan ko ang likod ng lalaking 'yun. Gwapo nga, pero daig pa ang ice cube sa kedingan. No one treats me like that. No one!

Naningkit ang mga mata ko habang pinapanood ko siyang ngumiti sa ibang tao pero manatiling seryoso tuwing titingin sa direksyon ko.

Sebastian, huh?

Tsk!