Ficool

Chapter 6 - Chapter 6

Kung mayroon mang "Walk of Shame," ang sa akin ay "Drive of Silence."

Matapos ang halik na iyon sa gilid ng kalsada, walang nagsalita sa aming dalawa hanggang sa makarating kami sa barangay hall para sa meeting niya.

I stayed in the car, my fingers tracing my lips, still feeling the ghost of his kiss.

What just happened? My heart was doing Olympic-level gymnastics.

Nang ihatid niya ako sa bahay ni Tita Precy, tanging "Take care" lang ang sinabi niya bago humarurot palayo. No "I'll call you," no "Let's talk about it." Just... dust.

Wth

----

Kinabukasan, maaga akong nagising. Hindi dahil sa tilaok ng manok, kundi dahil sa halo-halong emosyon.

"Hija, bakit parang puyat na puyat ka?" tanong ni Tita Precy habang nagtitimpla ng kape.

"At bakit namumula 'yang labi mo? Nakagat mo ba?"

"Ah... opo, Tita. May... lamok kagabi. Malaki," pagsisinungaling ko sabay iwas ng tingin.

Nagpasya akong lumabas para magpahangin. Pero pagdating ko sa tapat ng sari-sari store, tumigil ang mundo ko. Nakaparada ang pamilyar na itim na SUV.

Si Sebastian. Nakasandal siya sa sasakyan, may hawak na kape, at diretsong nakatingin sa akin.

"Steph," tawag niya. Ang boses niya ay hindi na masungit, pero hindi rin ito malambing. It was... guarded.

"Mayor," pormal kong sagot. Should I start calling him his name?

"Ang aga natin, ah? Naghahanap ka ba ng bibilihin o... ako ang hinahanap mo?"

Lumapit siya sa akin.

"Mag-usap tayo. In private."

Sumakay ako sa sasakyan niya. Dinala niya ako sa isang mataas na bahagi ng bayan kung saan tanaw ang buong palayan. Huminto ang sasakyan at bumaba kami.

"About yesterday—" sabay naming sabi.

Natawa kami nang bahagya, pero agad ding naging seryoso ang paligid.

"Let me go first," sabi ni Sebastian, ang mga kamay niya ay nasa loob ng bulsa ng kanyang pantalon.

"I shouldn't have done that. It was... impulsive. At bilang Mayor ng bayang ito, kailangang protektahan ko ang reputasyon ko, at pati na rin ang sa 'yo."

"Reputasyon?" kumunot ang noo ko.

"Is that all you care about? Reputation?"

"Hindi mo naiintindihan, Steph. Transient ka lang dito. Ilang linggo lang, babalik ka na sa Manila. You'll go back to your parties, your luxury cars, and your fancy life. Pero ako? Dito ako nakatira. Dito ako nagtatrabaho."

"So, what are you saying? That yesterday was a mistake?" matapang kong tanong, kahit na sa loob-loob ko ay parang pinipiga ang puso ko.

Sebastian looked away, his jaw tightening. "It was... something that shouldn't have happened. I think it's best if we keep our distance from now on. I'll ask my driver to assist you with whatever you need until you go back to the city."

I felt a sting in my eyes. Distance? Matapos niya akong halikan nang ganoon, biglang distansya?

"Fine," sabi ko, pilit na hindi pinapahalata ang panginginig ng boses ko.

"If that's what the 'perfect' Mayor wants, then fine. Don't worry, hindi na kita guguluhin."

Tumalikod ako para bumalik sa sasakyan, pero bago pa ako makahakbang, narinig ko ang mahina niyang bulong.

"You're the most dangerous thing that ever happened to this town, Steph. Because you make me want to forget everything I've worked for."

Hindi ako lumingon. Pinatigas ko ang loob ko. Kung akala niya ay ganoon lang kadali akong itaboy, nagkakamali siya.

I came here to seduce him. But somewhere along the way, I forgot that in every game of hearts, someone has to lose. And I'll be damned if it's me.

Pagdating ko sa bahay, sinalubong ako ni Tita Precy na may hawak na sulat.

"Hija, may nag-iwan nito para sa 'yo kanina. Mula raw sa Manila."

Binuksan ko ang sulat. Mula kay Dad.

"Steph, I've decided to cut your 'punishment' short. Your new car is ready, and there's a big party at the Peninsula this Saturday. Your flight is booked for tomorrow morning. Come home."

Nabitawan ko ang sulat. Ito na 'yun. Ang tiket ko pabalik sa buhay na akala ko ay gustung-gusto ko.

Pero bakit imbes na matuwa, parang mas lalong bumigat ang dibdib ko?

More Chapters