Ficool

Chapter 3 - 3

Kung dumating man ang panahon na mabasa mo ito. Tanging panalangin ko ay sana naghilom na ang lahat para sayo, na wala ka na mararamdaman pa para sa akin.

At kung dumating man ang panahon na wala na ako, hanggang kamatayan ko ipagdarasal na mapunta ka sa mabuting puso. Alagaan mo ang sarili mo, ipagpatuloy mo ang mga pangarap mo. Nandito lang ako pinagdarasal ang kaligtasan at kaligayahan mo. Hawak ko parin ang rosaryo na pinahiram mo.

Hindi ko na mababalik pa ang oras, mahal na mahal kita pero hindi mo deserve mahalin ng kagaya ko.

More Chapters