Ficool

Chapter 2 - Dearly Beloved,

I'm sorry you met me when I wasn't the best version of myself. I quietly pray you wont be able to read this for I fear I might reopen wounds you've healed for I know it took you so long to finally love yourself once again.

Alam mo ba mahal ko, may nabasa ako. When it's someone's first time to be treated right, their tendency is to self sabotage it. Not because they don't want it but because it feels too good to be true and their brain can't process that it's happening to them.

Yan ang ginawa ko diba, ilang beses kita tinulak palayo pero ilang beses ka parin bumabalik. Sobrang haba ng pasensya mo, mahal na mahal mo ako.

Alam mo ba bakit kita nagustuhan? Kasi kung pano mo ako itrato para ako isang mamahaling palamuti na hindi pwede mabasag. Grabe kung ingatan mo ako. Ang sakit na alam ko ang mga ito pero wala ako magawa para ipaglaban ka. Patawad at duwag ako, patawad hindi ko masuway utos ng mga magulang ko. Patawad kailangan ko magpanggap na gustuhin yung lalakeng gusto nila para sa akin.

Gustong gusto kita kaso hindi ko kaya makita ka na nasasaktan dahil sa akin. Hindi natin kaya makipaglaban sa magulang ko. Habang buhay ako babangungutin ng katotohanan na hindi kita makakasama habang buhay.

Mahal ko, namimiss ko na mahigpit mong yakap at kung pano mo ipagmalaki sa akin na kaya mo akong buhatin. Namimiss na kita Vinvin ko. Hanggang dito ko lang kaya sabihin lahat ng ito. Duwag ako harapin ka at takot ako na masaktan ka pa ulit. Deserve mo ng babaeng mamahalin ka habang buhay, ipagmamalaki at ipaglalaban ka. Yung taong magpapaligaya sayo, ang babaeng pinapangarap mo ay pinapanalangin kong ingatan ka. Ingatan ang puso mo at hindi saktan gaya ng ginawa ko.

Sa totoo lang, hindi ko kakayanin makita ka sa iba. Pero sino ba naman ako para pigilan ka kung karapat dapat naman sya sayo. Mahal na mahal kita.

More Chapters