Umaga.
Pero hindi "normal" na umaga. Parang kulang ang kulay ng paligid , faded, muted, parang half-alive ang lahat.
Elara sat quietly sa maliit niyang kitchen, staring at her cup of coffee na hindi pa rin niya tinatamaan.
Sa loob ng apartment, tahimik. Pero sa likod ng katahimikan, may manipis na tunog ng static.
Minsan mahina lang, minsan lumalakas parang may sumasabay sa tibok ng puso niya.
Habang tumititig sa bintana, napansin niyang may lumang payphone sa kanto ng kalye.
Wala naman talagang payphone doon dati.
Pero ngayon, nandoon ito , kulay itim, may basag na salamin, at may kumikislap na ilaw sa loob.
"Riiiing,Riiiing,Riiiing"
Tumunog.
Napahinto si Elara.
Sino pa ba ang tatawag sa payphone sa 21st century?
At bago pa siya makapag-isip, parang may nagdikta sa katawan niya , tumayo siya, lumabas ng apartment, at tinawid ang kalsada.
Paglapit niya sa payphone, biglang tumigil ang ulan.
Tahimik ang paligid, at ang tanging gumagalaw ay 'yung kumikislap na ilaw sa loob ng phone booth.
Dahan-dahan niyang dinampot ang receiver.
"Hello?"
Static.
Pagkatapos — isang boses.
Mahina, pero malinaw.
> "Elara… stop decoding the file."
Napaatras siya. "Sino ka?"
Walang sagot.
Tanging tunog ng hinga, at tila pagputol ng linya.
Pero bago tuluyang mamatay ang tawag, narinig niya ulit ang boses:
> "You opened it. Now it remembers you."
"Click"
Tumigil ang linya.
Nawala ang ilaw sa payphone.
At nang tumingin siya sa repleksyon ng salamin sa booth, may ibang mukha sa likod niya . Si Elara, pero mas bata, mas malamig ang mga mata.
Pagbalik niya sa apartment, tumutunog ang laptop niya.
Automatic na nag-open ang folder na ECHO_MEMORY_LOGS, kahit hindi pa niya pinipindot.
Isang bagong file ang nag-appear:
Binuksan niya.
At lumabas ang text
"Echo Realm…" bulong niya.
Nang sabihin niya ang salitang iyon, nagflicker ang ilaw sa buong kwarto.
At sa dingding, nagsimulang lumabas ang mga symbol — parehong mga lumalabas sa code niya kahapon.
Tumakbo siya palabas, humihingal, hawak ang cellphone.
Tinawagan niya si Lena, ang best friend niya at kasamahan sa trabaho.
"Lena, may kakaiba sa system natin. May—may mga file na nag-aappear mag-isa. May tumawag pa sa akin—"
Pero naputol ang tawag.
Static.
Pagtingin niya sa phone screen, nagbago ang pangalan ng caller ID:
" CALLING: ECHO_R-2046"
Biglang sumakit ang ulo niya — matindi, parang may nagbubukas na memory sa loob ng utak niya.
Mga flash ng ibang mundo: kulay asul na langit na parang basag na salamin, mga gusaling nakabaligtad, at boses ng lalaking hindi niya kilala —
"Find me, Elara. You left me here."
Nagising siya sa sahig, habol ang hininga.
Madilim na ulit.
At sa laptop niya, naka-type ang bagong linya na hindi niya sinulat:
"Welcome back to the other side."