Ficool

Chapter 2 - CHAPTER 1:The dream that woke me

ACT | - The glitch in reality

PROLOGUE – The Static Between Worlds

May tunog ng static.

Hindi 'yung normal na ingay ng TV o radyo — mas malalim. Parang bulong ng mga alaala na matagal nang gustong makawala.

"Do you remember your name?" tanong ng boses mula sa dilim.

Tahimik.

Ang tanging naririnig ay click… click… click ng mga tumatakbong code sa screen.

Sa isang sulok ng madilim na silid, nakaupo si Elara Vance — magulo ang buhok, nanlalalim ang mata.

Ilang oras na raw siyang gising, pero hindi niya maalala kung kailan siya huling natulog.

Sa harap niya, nagpa-flash ang mga linyang hindi niya naiintindihan:

Pinindot niya ang Y.

At doon nagsimula ang lahat.

Mabilis na nag-flicker ang ilaw. Sa bawat kisap, nag-iiba ang paligid — parang nagmi-mix ang dalawang magkaibang mundo.

Ang office niya ay nagiging abandonadong gusali.

Ang keyboard ay nagiging typewriter.

At sa kabilang salamin, may babae —

Mukhang siya.

Pero hindi siya.

"Who are you?" tanong niya.

Ngumiti ang babae sa salamin.

"Hindi mo naaalala?" sagot nito. "Ako si Elara… the real one."

Pumikit siya. At sa pagdilat niya, wala na ang babae.

Pero may naiwan na mensahe sa screen:

From that moment on, hindi na niya alam kung saan nagsisimula ang katotohanan — at kung saan nagtatapos ang panaginip.

Kasi sa mundong ito, ang mga alaala ay hindi lang basta nakaraan.

Pwede silang code.

Pwede silang sandata.

At pwede rin silang bitag.

End of Prologue

More Chapters