Ficool

Chapter 2 - chapter two

Chapter One

Sa isang eksklusibong unibersidad na may halong mga katangi-tanging qualities ng architecture. Mula sa gate, sports ground, exam hall, courtyard, theatre, at ang mga nakapalibot na iba't-ibang klaseng mga bulaklak. Next to the exquisite gardens, well-designed library, there's the coral victorian building-the college department.

Mula sa ikatlong palapag at sa panghuling klasrum, naroon ako nakaupo at nakatingin sa nag d-discuss naming professor na si Ma'am Maria, ang may banal na pangalan ngunit napakaitim ng budhi.

Akala ko nasa elementary, junior, at senior lang ang mga educator na buktot ang ugali, pero hanggang sa college ba naman present parin sila. Dapat sa mga inilihi sa konsumisyon ay ilagay sa registrar, e.

Kung kanina ay nakatuon ako sa kanya, ngayon ay nakapokus na ang tingin ko sa bagay na nasa itaas niya. 30 seconds nalang at makaturo na sa gitna ang malaking kamay ng orasan.

Binalik ko ang tingin kay ma'am bago ko pinunta ulit ang tingin sa orasan. Kunti nalang..

Three.

Two.

One.

Ding.

"Class dismissed." Sabay nang pagwika ni ma'am Maria ay dahan-dahan namang nagsisitayuan ang bawa't isa. Dahil kating-kati na ngang makaalis ay dagli kong hinablot ang kulay itim kong packbag at tinungo ang napakalawak na corridor.

Ako si Rossina, a.k.a Rossi. Maingay sa labas pero tahimik sa loob, syempre good student e. Hindi naman ako sobrang tahimik at hindi rin sobrang ingay na abot ibang bansa ang layo ng boses.

"Roxxi!!!"

Katulad nalang non.

Isusuot ko na sana ang headphone na kanina pa nakasabit sa leeg ko nang napagtanto ko kung kaninong boses ang umalingawngaw sa buong corridor. Napatigil ako sa paglakad. Saglit lang din iyon nang umulit pa ito sa pagtawag na ngayo'y mas nalinawan ko ang pamilyar nitong boses.

"Rossi!"

Nilingonan ko ito. At ha'yun! Ang bruha.

Kitang-kita ko hindi kalayuan ang papalapit na si Taya habang nakaukit ang malaki-laking ngiti sa mukha na parang mapupunit na. "Ang ingay mo 'te. Pwede ba mag text ka naman o mag message ka kung hindi mo gustong ako ang tatapos sa boses mo bago ka pa makapagperform," Patunay kong wika sa kanya.

She cling onto me. "Rossi~ guess what?" Tiningnan lang niya ako saglit at pagkatapos sumulyap sa phone ay parang kiti-kiti na itong umakto.

"Bilisan mo nagmamadali 'yong tao, 'te-Jusmeyomarimar!" Napakurap na lang ako sa biglaan niyang pagtili.

More Chapters