Ficool

Not What I Expectedly

Daoist38jtyi
7
chs / week
The average realized release rate over the past 30 days is 7 chs / week.
--
NOT RATINGS
267
Views
Table of contents
VIEW MORE

Chapter 1 - chapter one

Ay, pala demand?" Tugon niya sabay tikwas-kilay.

"Syempre, kung gaano nga lang kataas ang buhay ko rito sa mundo."

Nagpakawala muna siya ng sarkastikong tawa bago nagwika. "So hindi kasali d'yan yung love life mo?"

"Hindi, long life lang." Patunay ko.

Deadpan lamang siyang nakatingin sa akin. "You're so dull, Roxxi-I mean Rossi. No wonder wala kang jowa o baka hindi ka na talaga magkajowa. Alam mo magmadre ka na lang, bagay pa sa'yo,"

Ikinibit ko aking mga balikat. "Oo ako na 'yung dull, malapit na nga akong mag number one sa pagiging dull, boring, o ano pang tawag niyo d'yan,"

"Ang lungkot mo." Nakaukit ang dismayadong reaksyon niya.

Binaliwala ko lang ang sinabi niya. Saglit lang din nang tumunog ang notification bar niya. Nang ngumiti siya, batid kong iisa lang ang suspek rito. Sino pa ba? It's Taya's current crush and classroom neighbor Alexander Stee a.k.a her chatmate, and a whore.

Ako lang ang kinikilabutan sa kanilang dalawa. Ang hirap din kasi ipaglaban ng babaeng ito. Kahit ibalibag pa siya ng ilang milyon, hindi pa rin siya magbabago. Palibhasa, tipo niya talaga ang mga lalaking magaling sa kama.

"Ano na?" Tukoy ko sa kailangan niya. Sinasayang niya lang ang oras ng tanghalian ko. Baka hindi pa ako nakarating sa coffee shop, ubos na ang paninda nila.