Third person's POV
Bumukas ang malaking tarangkahan ng silid-pagpupulong at pumasok ang may katandaan nang lalaki, mapapansin ang karangyaan na mayroon ito dahil sa pananamit ng matanda. Nang umupo ito sa pinakagitnang dulo ng lamesa ay umupo na rin ang labing-apat pang naroroon na may matataas na posisyon sa organisasyon.
"Meroon akong natanggap na ulat," panimula nito bago uminom sa kaniyang kupita. Hindi man nakakatakot ang boses nito ay hindi naman sumasang-ayon ang totoong ugali ng lalaki. Halatang ang mga naroroon ay kinakabahan sa anumang ulat ang natanggap ng kanilang pinuno.
"The name Earl Layson ay may katangi-tanging kakayahan. An interesting one." nakahinga nang maluwag ang mga nasasakupan nito na siyang ikinangiti ng matanda na parang pinaglalaruan ang kapwa Exorcist, napansin naman ng mga ito na meroon pa itong sasabihin maliban sa pangalang Earl Layson kaya ang kabang naramdaman kanina ay nanumbalik.
Samantala napabangon ang pinakabata sa kanila na kanina ay nakadukdok ang ulo sa mahabang lamesa ng marinig ang kaniyang code name. "Exorcist Eleven, You know what to do but this time make sure you control yourself. I have a feeling that he's not what we think he is," ani ng matanda.
Tumango ang nasabing Exorcist bilang pagtanggap ng iniatas na mission kahit na labag sa kaniyang loob. "bakit ba sa tuwing meroong pinababantayan ay sa akin lagi pinapagawa, samantalang ang matatandang ito ay nagpapakasarap lamang." sa isip ng binata.
"Exorcist Nineteen, totoo bang nagpatali ka sa isang ordinaryong babae. Alam mo ang mangyayari sa mga sumusuway sa aking mga itinalang batas," lahat ng naroroon ay napatingin sa lalaking nasa katanghaliang gulang na. Napayuko ito at hindi makapagsalita dahil Hindi niya lubos maisip na mabubunyag ang sikreto nito ngayon pang kabuwanan ng kaniyang asawa sa ikalawa nilang anak.
"Magaling Roberto, naitago mo sa akin ng mahabang panahon pero Isa kang mangmang, sayang lang at Hindi na kita mapapakinabangan pa. Alam mong walang sikretong Hindi nabubunyag," saad nito.
Agad na napalayo ang mga katabi ni Exorcist 19 ng banggitin ng kanilang pinuno ang totoong pangalan ng lalaki dahil alam na nila ang mangyayari. Sa isang kisapmata ang tumatakbong nagngangalang Roberto ay bigla na lamang lumiyab pagkaraan ay naging abo. Ito na ang naging katapusan ng kaniyang buhay, Hindi man lamang siya nasilayan ng kaniyang ikalawang anak na malapit ng masilayan ang kasamaan ng mundo.
Naalerto ang lahat ng naroroon maliban sa pinunong prenteng nakaupo lamang. Mula sa abo ay unti-unting nabuo ang pigura ng naka-itim na lalaki.
Kapansin-pansin ang pagiging pormal nito mula sa pagtayo, pananamit, at ayos ng buhok.
"Sino ka at paano ka nakapasok!" tanong ng isang synthesis na hindi tinugunan ng misteryosong lalaki.
"Isa lamang ang posibleng dahilan, our system is hacked!"
"Anong kailangan mo!"
Ngumiti ang misteryosong lalaki bago nagwika, "Paano nga ninyo gamitin ang system, ahhh, ganito pala." itinaas nito ang kanang kamay at nagwika "System call: thermal energy, ball shape. Discharge," simpleng salita nito na sinunod agad ng system.
Tumama ang atake nito sa ginawang barrier ng mga Exorcist pero hindi ito nakayanan ng barrier kaya dere-deretsong tumama sa kanila ang nagliliyab na bolang apoy.
Nang mawala ang apoy dahil sa kakayahan ng pinuno nilang magmanipula ng apoy ay wala na ang misteryosong lalaki subalit isang transparent screen ang nakita nila.
MY LORD CALLS ME WILLIAM AND HE SAYS 'KUMUSTA NA FUNTOM EXORCIST, Nalalapit ng magtapos ang pag-iral ng inyong pinakamamahal na organisyon. Ang inyong masamang hangarin ay aking wawakasan kasama ninyong mga halang ang bituka
Nabasag ang screen pagkaraan ng ilang segundo saka lamang nila napansin ang naging dulot ng atake. Meroon pang napuruhan, halos Wala ng suot dahil nasunog ang robang suot.
Napakuyom ng kamao ang pinuno nila at tuluyang sinunog ang mga naghihingalong Exorcists sa sobrang galit nito. Sa dami nila kanina sa loob ng silid-pagpupulong ay anim na lang silang natira.