Ficool

Chapter 7 - Chapter 7

Napahawak ang infernal shadow sa ulo na animo'y nawawala sa sarili. This is the use of my bell. Maya-maya, ang infernal shadow ay bigla na lamang sumabog, nawala na parang bula.

I closed my eyes dahil kumirot ito kapag I used my ocular power para mapagana ang power ng bell na mayro'n ito. How I wish I can surpass my limits o mas mabuting maging normal na lang tulad nila. Strange things might not happen kung wala ang kakayahang mayroon ako.

I immediately soaked myself on the bathtub nang makarating ng manor. Hindi ko ugaling tumingin sa salamin pero sadyang may nakalagay na kalakihang salamin sa harap mismo ng bathtub kung saan ako nakababad. I close my eyes and open it again. I stared myself but, no matter what, hindi ko makita kung ano mang nakikita ko sa ibang tao. Emotions, health status, at moral alignment to name a few of my eye ability.

When I blink muling bumalik sa normal ang kulay ng aking mata. Hinila ko ang telang nakatakip sa kabilang paningin ko, there I saw, ang dahilan ng pagkawala nila. Simula nang mangyari ang aksidenteng iyon ay hindi ko na magawang ibalik ang normal na kulay nito. Daddy, Mommy... Patawad.

Kinaumagahan, kakapasok ko pa lang sa loob ng campus ay napansin ko agad ang mga estudyanteng nagkukumpulan malapit sa senior high building.

Since doon din naman ang punta ko ay dere-deretso akong naglakad para malaman kung anong pinagkakaabalahan nila. Halos malukot ang pagmumukha ko ng makita ang babaeng tinulungan ko kagabi. Paanong nakaratay siya sa sahig kung napatay ko na ang infernal shadow na humahabol sa kaniya? hindi ito maaari. Hindi maaari ang aking iniisip na dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Sa isang kisapmata, I saw what I want to see. Hindi ko alam kung paanong nangyari pero the infernal shadow succeeded in taking over her.

Napalingon kami nang marinig ang pagdating ng police force along with an ambulance. Since obvious naman kung anong gagawin nila, dumeretso na ako sa classroom. Maghihintay na lang ako ng news about their investigation.

The bell rang kaya 'yung ibang mga kaklase namin na nasa labas pa ay nagmamadaling pumasok. Napakunot naman ang noo ko nang mapansing Hindi pa dumadating si Alexa. Dati naman bago mag-time ay kausap ko na ito dito sa loob. Hindi na ako mapakali nang pumasok na sa loob ang science instructor namin slash our advisor na si Mr. Lopez.

"Class meet your new classmate," aniya na hindi man lamang nangiti.

"Hi, Zack Luther here. Nice to meet you all."

Third Person's POV

Karamihan sa mga babae ay hindi maitago ang pagkamangha sa tinataglay na kagandahan at kakisigan ng binata. Zack Luther, mula sa marangyang pamilya na tinitingala ng nakararami dahil sa mabuti at maayos nilang pamamahala, Ang pamilyang Luther ang kasalukuyang Mayor ng Cebu City. Inilibot nito ang paningin at nang makita ang nakatingin ding si Earl ay malawak itong ngumiti na animo'y nakita ang isang kaibigan na matagal nang hindi nakita.

"Early in the morning, wazzup!" napasimangot naman si Earl sa paraan ng pagtawag sa kaniya ng bagong kaklase. At isa pa, ni hindi niya kilala ito at kung umakto ay parang matagal na silang magkakilala. Pagkaraan ng ilang minuto ay nakatingin lamang sa kaniya si Earl samantalang siya ay nakatayo at naghihintay na maki-fist bump ito pero walang nangyari.

"Ehem Mr. Luther you can sit beside Mr. Santiago from the back," agaw atensyon ng instructor nila to smooth up the tensyon. Sinunod naman ito ni Zack na agad nakita kung saan ang tinutukoy ng guro dahil bakante ang isang upuan.

Nakangiti pa rin siyang umupo kahit na nagmukha siyang tanga sa bagong mga kaklase.

More Chapters