Mabilis na naglakbay si Van Grego papunta sa Teritoryo ng Martial Beast Cultivators. Makikitang halos isolated at mala-disyerto ang lugar na ito kung saan ay walang kahit na anong makikita rito kundi mga naglalakihang Rock Formations, landscapes at iba. Mayroon ding lugar na mga masusukal na parte doon na animo'y kagubatan ngunit doon ay alam ni Van Grego na mas delikado at malaki ang tiyansang maligaw pa siya doon. Wala ring nakalagay na mapa patungkol dito at masasabi niyang hindi rin angkop kung sasabak pa siya o susuong sa delikadong sitwasyon kung saan hindi niya alam kung mayroon bang kabuluhan iyon. Mas pipiliin niya lamang ang magpunta sa pinakasentro ng Teritoryong ito na nakalagay sa mapa, ang Vintage Dragon Palace. Ewan niya kung ano ito pero base sa photographic memory niya patungkol sa mapa ay mayroon itong malawak na sukat na Maikukumpara sa isang pamilihan. Hindi niya rin alam kung nandirito ang totoong kapatid ni Stardust Envoy Silent Walker na kilala sa tawag na Red Dragon. Wala rin siyang mukhang nakita rito at tanging isang palatandaan lamang ang maaaring makita rito dahil isa rin itong Flood Dragon na kulay pula na kaibahan kay Stardust Envoy Silent Walker na isang kulay Puting Flood Dragon.
Mabilis niyang tinahak ni Van Grego ang daan na nakasaad sa mapa sa pamamagitan ng kaniyang Fiery Hawk Movement Technique kung saan ay animo'y mabilis siyang naglalakbay sa mala-disyertong lugar na ito. Kaibahan sa inaasahan niyang madamong lugar kung saan ay marami ang mga puno't-halaman kaya pala puro linya lang at walang gaanong nakasaad sa mapa at tanging mga malalaking Rock Formations lamang ang nakasaad rito at may pangalan.
Hindi niya maaaring gamitin ang kaniyang konsepto ng Space sapagkat maaring makalikha siya ng Space distortion at makikita lamang ito ng mga malalakas na mga halimaw o mga malalakas na nilalang sa mala-disyertong lugar na ito. Isa pa ay halata sa malayo kung gagawa siya ng mga bagay na magdudulot lamang sa kaniya ng ibayong panganib. Mabuti ng mag-ingat siya upang hindi siya malagay sa sitwasyong kailangan niyang magbuwis-buhay upang labanan ang mga nasabing mga halimaw na gumagala lamang sa paligid.
Marami ring nakita si Van Grego na mga Martial Beasts o mga halimaw na malalakas ngunit iniiwasan niya lamang ito sa pag-iiba ng ruta at paglayo sa lugar na kinaroroonan nito. Hindi nga siya makapaniwala sapagkat ang pinakamababang nilalang na nakikita niya sa mala-disyertong lugar na ito ay malalakas at mayroong Cultivation Level na Martial Lord Realm Expert hanggang sa Martial Emperor Realm Expert. Meron namang medyo mababa ngunit grupo-grupo naman ito o napakaraming bilang ang mga ito. Hindi na rin ito nakakapagtaka lalo na sa mga pack ng mga lobo na kung maghanap ng kanilang mabibiktima ay full-force kaya ang mga omnivores at mga hindi kumakain ng mga pagkain at tanging tubig lamang kagaya ng mga Stone Camels, Green Cows at Three Stripes Elephants ay pawang grupo-grupo rin o pami-pamilya. Nilampasan niya ang mga ito sa pamamagitan ng pagdistansya. Hindi rin kasi basta-basta ang bilang mg mga ito sapagkat mahigit isang daan hanggang ilang libo rin ang bilang ng mga ito at kung magkakaroon lang ng inaakalang gumgawa ng gulo ang sinuman ay siguradong magiging agresibo rin ang mga ito. Dalawa lamang ang maaaring mangyari, ito ay kung lalayo ang mga ito sa'yo o hahabulin ka ng mga ito hanggang sa mapaslang ka nila. Mahina man na maituturing ang isang Stone Camels, Green Cows ay Three Stripes Elephants ngunit kung magsama-sama ang mga ito ay siguradong malalagay sa delikado ang iyong buhay.
Kasalukuyan siyang nasa Smokey Laccolith kung saan ay nakarating na siya sa paanan mismo ng nasabing Rock Formations na nakasaad sa mapa. Siguro ay tinawag ito na Smokey Laccolith ay dahil sa medyo mainit rito dahil na rin sa namumuong mga ulap rito na humahalik sa ibabaw na parte ng Laccolith. Doble ang init mula rito dahil mayroong magma sa loob mismo ng Laccolith.
Tagaktak ang pawis ni Van Grego dahil masasabi niyang mainit talaga ang lugar na ito sa nasabing Rock Formation na ito. Medyo malaki rin ang sakop ng lugar na ito at masasabi niyang matatagalan siya sa paglalakbay rito.
"Whhooohhhh! Whhooohhhh! Whhoooohhhh!"
umihip ng malakas ang hangin at sa kasamaang palad ay kumalat ang mga usok galing sa itaas na parte ng nasabing Laccolith. Karaniwan na ring nangyayari ito sa mga Laccolith at hindi maitatangging medyo napangiwi si Van Grego sa kaniyang nakikita ngayon.
Puro lamang makakapal na usok ang bumungad sa kaniyang paningin sapagkat ang kaniyang nilalakaran kanina na disyertong ruta ay malabo ng nakikita. Isa pa ay masyadong makapal itong usok na animo'y parang hamog ngunit napakahapdi nito sa mata, masakit sa ilong at mapait ito kapag nahagip ito ng iyong labi o mismong bibig ay halos masuka ka lamang dahil parang sunog na bagay ito. Normal lamang kasing magkaroon ng malakas na hangin sapagkat maladisyerto ito kaya direktang tatamaan rin ang direksyon kung saan papunta ang hangin idagdag pang nagrerelease rin ng hangin ang loob na bahagi ng Laccolith.
"Ano ba to, pag minamalas ka nga naman." Sambit ni Van Grego habang makikitang naging maingat siya. Ito kasi ang oras na karaniwang lumalabas ang mga mababangis na Martial Beast lalo na ang mga gutom na gutom talaga. Mabilis na ginamit ni Van Grego ang kaniyang movement Technique habang mabilis niyang nirelease sa kaniyang buong katawan ang kaniyang protective essence. Hindi na siya maaaring bumalik pa dahil halos kalahati na siya ng nasabing lugar na. Isa pa ay isa rin itong hadlang hindi lamang sa kaniya kundi sa mababangis na mga nilalang ngunit alam ni Van Grego na medyo nasa disadvantage siya sapagkat bago lamang siya o naninibago siya sa ganitong environment.
Agad niyang ipinikit ang kaniyang mata sapagkat mahapdi talaga ang makapal na usok na ito na kung titingnan sa malayo ay parang clouds ngunit hindi naman talaga.
Pinagana niya at pinatalas pa niya ang kaniyang 5 senses.
"WOOOOSSSHHHHHH!!!!"
Isang nakakatakot na dambuhalang kamay ang biglang lumitaw sa likuran ni Van Grego ngunit mabilis niyang iniwasan ito sa pamamagitan ng pagtagilid ng kaniyang katawan. Muntikan na siya ngunit hindi pa dito nagtatapos sapagkat naramdaman ni Van Grego gamit ang kaniyang Spiritual Qi na napakaraming nilalang ang lumabas at pumunta sa loob ng makapal na usok upang mambiktima ng kapwa nila halimaw upang kainin. Nag-iba si Van Grego ng direksyon ngunit yung inaakala niya ng biglang.
"Grrrrrrr!!!!!!!!!"
'rrrr...rrrr...rrr...
Isang sigaw ng halimaw papunta sa direksyon mismo ng binatang si Van Grego habang naririnig niya ang mga malalakas na yabag nito.
"Kung minamalas ka naman oh. Naka-lock na sa akin ang atensyon nito." Sambit ni Van Grego habang mabilis niyang tinahak ang kaniyang direksyon sa pamamagitan ng zigzag pattern ngunit nasa tamang ruta pa rin ang tungo ni Van Grego ayon sa mapa. May photographic memory siya at mabuti na lamang at nakita niya ng klaro ang dulo ng tinatahak niya kaya alam niyang nasa tamang direksyon siya ngunit ang problema ay masyadong dumadami ang mga Martial Beast na pumupunta rito. Inaabot kasi ng isang oras dito at siguradong marami din ang mamamatay sa lugar na ito.
"Bakit hindi na gumagana ang aking divine sense? Masyadong makapal ang lugar na ito ngunit bakit pakiramdam ko masyadong humihina rin ang aking pandinig rito." Sambit ni Van Grego. Tatlong senses niya ang mistulang nawalan ng bisa sa lugar na ito dulot ng phenomenon na nangyayari sa Smokey Laccolith at iyon ay ang kaniyang paningin, pandinig at ang kaniyang divine sense.
Nadama ni Van Grego na mayroong papalapit sa kaniya. Agad na ginamit niya ang kaniyang moon Qi at Spiritual Qi kung saan ay naramdaman niyang mayroong papalapit sa kaniyang isang dambuhalang halimaw agad na ginamit ni Van Grego ang kaniyang natutuhan patungkol sa konsepto ng Space at mabilis siyang nagsagawa ng Skill.
Sambit ni Van Grego kung saan ay mabilis niyang hinati ang kawalan o Space. Mabilis
Siyang pumasok roon.
Whooossshhhh!!!!
Bago pa siya mahagip ng dambuhalang kamay ng halimaw ay nakapasok na siya at sumara agad ang space cut.
"ROOOOAAARRRRRRR!!!!!" Sambit ng di pa kilalang halimaw matapos nitong matamaan mismo ang Space. Umalis na rin ang halimaw nang mawala na ang enerhiya ng binatang si Van Grego na gusto nitong masila.
"Puahhh!!!" Napinsala rin ng konti si Van Grego dahil hindi niya alam na napakalakas rin ng halimaw na iyon. Muntik na siyang madampot ng halimaw kung naging mabagal laamng siya ng kaunti. Hindi rin seryoso ang pinsala dahil mahinang impact lamang iyon sapagkat kung lalabanan niya ng direkta ang halimaw ay siguradong mamamatay siya hindi dahil dito kundi sa marami siyang maaatrak na iba pang malalakas na halimaw.
Uminom siya ng Martial Pill na tinatawag na Smell Decaying Pill kung saan ay pansamantalang mawawala ang amoy niya. Isa rin ito sa mga natutunan niyang gawin noong nakaraang mahigit tatlong taon niyang pagkawala. Mabilis na naramdaman ni Van Grego na nawala ang anumang amoy sa kaniyang katawan tandang umeepekto na ang nasabing pill. Kahit ang dugo niya ay mistulang na-freeze. Yun nga ang seatback dahil hindi niya maaaring magamit ang kaniyang Astral Energies at Essence Energies sa kaniyang katawan.
Nang malaman ni Van Grego na halos dalawang minuto na ay inihanda na nito ang kaniyang biglaang pagkawala ng bisa ng kaniyang skill.
Napangisi na lamang si Van Grego pagkalapag na pagkalapag niya sa mabatong lugar na ito at mabilis niyang pinalibutan ang kaniyang sarili ng mga formation Arrays, Formation Technique at mga malilit na protective seals. Maging ang mga one time used talisman ay ginamit niya rin.
"It's Killing Time!!!!!" Sambit ni Van Grego habang may makikitang kakaibang ngisi sa kaniyang mukha at mabilis na nagsagawa ng pambihirang skill na waang iba kundi ang kaniyang Spiritual Skill.
Unti-unting nararamdaman ni Van Grego na humiwalay ang kaniyang kaluluwa sa katawan at nakita niya lamang ang kaniyang sariling nakangisi habang mabilis na naglakbay sa nagkakapalang hamog. Halos sampong minuto pa lamang ang nakakalipas kung saan siya ang umiiwas ngunit ngayon ay kabaliktaran na dahil siya ang maghahanap at papaslang sa mga mababangis na nilalang rito. Mayroon siyang gagawin sa mga ito na lubos na makakatulong sa kaniyang pag-unlad at kakayahan.
Mabilis pang sinuyod ni Van Grego ang nagkakapalang usok ngunit dahil na rin sa kaniyang Spiritual form ay siguradong mabilis niyang malalaman ang mga halimaw na ito isa pa ay hindi siya makikita ng sinuman kung makita man siya ay siguradong hindi naman siya mapipinsala ng mga ito. Isa pa ay nakikita niya ang totoong anyo ng halimaw dahil na rin sa tulong ng kaniyang Spiritual Qi.
Nakita na ni Van Grego ilang metro mula sa kaniyang kinaroroonan ang isang dambuhalang halimaw na mayroong nakakatakot na anyo. Kung di siya nagkakamali ay ito ang humablot sa kaniya noong bago pa lamang kumapal ang usok. Tandang-tanda ng binatang si Van Grego ang naghahabang kuko nito.
"Hmmm, isang Four-Armed Lion? Nakakamangha ito sapagkat malakas ang paningin nito na siyang bagay na bagay upang hanapin ang kaniyang mabibiktima. Hindi rin pahuhuli ang apat nitong naglalakihan at naglalakasang kamay. Napakatalas rin ng mga kuko nito na siguradong babaon sa laman ng mabibiktima nito. Hindi ko aakalaing ito ang aking unang biktima hehe..." Sambit ni Van Grego habang nakangisi pa ito.
Mabilis na napalitan ang kamay ni Van Grego ng kamay ng isang Flood Dragon. Nakatigas ng kamay niya lalo na ang balat nito na mayroong mga flood dragon scales. Ang mas nakakatakot pa rito ay ang nagtataliman at naghahabaang mga kuko ni Van Grego na animo'y malapit ng sumayad sa lupa. Nakakatakot ang mga kamay nito ngunit hindi ramdam ng mga halimaw na naririto ang maaari nilang kahihinatnan sa pagdating nila rito sa Smokey Laccolith sa araw na ito.
Slash! Slash! Slash!
Mabilis na nahati sa labinlimang piraso ang likod na bahagi ng halimaw na Four Armed Lion. Kitang-kita na parang ilog na dumadaloy ang dugo nito mula sa sariwang sugat na natamo nito mula sa binata.
"ROAARRRRRR!!!!!!"
Isang malakas na atungal ng pagdaing ang biglang umalingawngaw sa bibig ng halimaw ngunit mabilis din itong nadisperse dahil mistulang sound proof ang makakapal na usok.
Lumilinga-linga pa ang Four Armed Lion ngunit wala itong makita o hindi man lang nito nakita si Van Grego.
Bakas ang biglang paghina ng Four Armed Lion dulot ng malalalim nitong sugat sa katawan na siyang halata sa mabagal na pagkilos nito.
Biglang pinahaba pa ni Van Grego ang kaniyang mga kuko na halos sumayad na sa lupa at mabilis niya itong
Maya-maya pa ay bigla na lamang nahati ang katawan nito sa dalawa ngunit ang makikita sa pares na mata nito ang labis na takot bago ito binawian ng buhay.
Bumagsak lamang sa lupa ang dalawang parte ng katawan nito sa magkabilang direksyon.
