Ggrrrrrooooaaarrrrrrrr!!!!!
Oooaaaarrrrkkkkkkkkkk!!!!!
Shrrieeeeekkkkkkkkkkk!!!!!!
Grrooookkkkkkkkk!!!
Prrrrrrrrrrrrrrr!!!!!!!
Sa loob lamang ng isang minuto ay maraming mga Martial Beasts ang namatay sa bagsik ng pambihirang Flood Dragon skills niya na Burning Heaven Claws na kayang humati ng kahit na matitigas na bagay kahit na kasing tigas ng mga uri ng metal ang balat, laman at mga buto ng halimaw ay walang nagawa sa bagsik ng kamay ni Van Grego na isang kamay ng Flood Dragon. Naisakaturapan niya ito sa pamamagitan ng kaniyang concept of space. Kaya niya ring lumipad gamit ang kaniyang Spiritual energies o Spiritual Qi habang ang atake nito ay kaya niyang mag-exert ng Moon Qi. Yun nga lang ay hindi niya magagamit ang kaniyang Astral Energies na mula sa kaniyang Body Cultivation System at ang Essence Energies mula sa kaniyang Essence Cultivation System. Liban doon ay tumalas rin ang lahat ng kaniyang senses ngunit ang kaniyang divine sense ay hindi niya nagagamit ngunit ang Spiritual Energies ay may kakayahang makita ang sinuman sa malayo ngunit hindi Spiritual Attacks ang maaari niyangi bigay rito ngunit kaya niyang gumawa ng Physical Attacks dahil na rin sa mababang Cultivation Levels nito at wala pa siyang natutunang mahahalagang insights at enlightenment patungkol sa Spiritual Qi at Moon Qi upang mas mapalakas pa ito ng tuluyan.
Tiiissssssss!!!!!!!
Nagliliparan at nagtatalsikan ang mga dugo ng mga malalakas na Martial Beasts sa paligid ngunit hindi ito naririnig ng sinuman dahil sa abilidad ng pambihira at napakakapal na usok mula sa Laccolith. Hindi maitatangging napakabrutal ng pagkakapatay ng mga ito ngunit agaran din namang napapaslang ang mga ito. Hindi rin aakalain ni Van Grego na sobrang delikado pala ang paglalakbay sa Martial Beasts Territory kumpara sa Hybrid Territory lalo pa't kahit ang mala-disyertong lugar na ito ay nagsasabing hindi rin ligtas ang walang kabuhay-buhay na lugar na ito ngunit ang kaibahan ay mas malala pala kumpara sa kaniyang inaasahan. Mas malalakas ang mga halimaw na naninirahan dito kumpara sa nga kagubatan o kapatagan. Dito ay mas malala ang rule of survival dito dahil tanging ang malalakas na halimaw o nakakatakot nilalang lamang ang maaaring makaligtas sa gutom at pagkauhaw lalo na sa labanang nangyayari kung saan ay maaaring manalo ang isang halimaw mula sa kapwa nito halimaw ngunit hindi rin nito nakaligtas sa mas malakas pa rito. Kung titingnang mabuti ang mga pangyayari dito ay tanging ang mga tuso, maparaan at malalakas lamang ang maaaring makaligtas laban sa kapwa nito halimaw o sa kalaban nitong masasagupa.
Tssaaakkkkk!!!!!
Walang tigil si Van Grego sa paghati at pagbaon sa mga laman o karne ng kanyang kakaiba at pambihirang kuko dahil sa nakuha nitong skill mula sa Flood Dragon. Dahil dito ay maaaring maging God of War siya sa labanan lalo na sa sitwasyong ang mga Martial Beasts at kapwa nito mga Martial Beasts ay mga kalaban at walang awa nilang pinapatay ang isa't-isa ngunit ang binatang si Van Grego ang mas naging great threat sa kanila ngunit hindi nila inaasahan ang pagdating ng binatang ito kaya mas naging magulo ang lugar na ito sa ilalim na bahagi ng Laccolith partikular na rito sa malawakang usok nito na maraming mga Martial Beasts ang nakikisabay upang pumaslang at may makain o mabiktima.
Prrrkkkkk!!!!!
Craacckkkkkk!!!!
Tunog ng pagkahiwa ng mga buto ng halimaw o di kaya ay nag-crack ang mga buto nito na nagresulta ng severe damages sa bawat parte na matamaan ni Van Grego. Lubos na napinsala ang grupo ng Martial Beasts sa loob ng usok kung saan ay halos marami ang napatay o napaslang ni Van Grego ang mga ito na animo'y wala man lang kahirap-hirap . Kung nakakaatake ang mga Martial Beasts ay mabilis namang naiiwasan o kaya ay nasasangga ni Van Grego ang mga atake nito.
Sa loob ng isang minuto na ito ay halos nabuwal at napaslang niya ang kabuuang pwersa o bilang ng mga Martial Beasts na naririto sa Laccolith na makikita ang malawak na pambihirang usok sa ilalim na parte nito.
...
Sa kasalukuyan ay napaslang na ni Van Grego ang halos lahat. Malapit na ring magdalawang minuto kaya minabuti niyang magmadali at lumipad-lipad sa pagitan ng napakakapal na mga usok ngunit hindi nito naba-block ang mga enerhiyang nagmumula sa orihinal na katawan niya. Mistual siyang death Reaper habang binabaybay ang mga kasuluk-sulukan upang humanap ng mapapaslang niya na mga halimaw.
"Mabuti at napaslang ko na ang lahat ngunit bakit parang hindi ko ata nakita ang halimaw na muntikan na akong patayin. Saan na kaya iyon." Sambit ni Van Grego habang makikita niya ang labis na pagtataka.
"Kung gayon ay mayroong mga sikretong lagusan rito kapag nagkaroon ng ganitong phenomena kung saan ay bumababa ang usok mula sa itaas ng Laccolith hmmm..." Sambit ng binatang si Van Grego habang makikitang sinusuyod niya amg bawat lugar rito lalo na ang mga edges o dulong bahagi ng mga batuhan.
"Hmmm... ano'ng klaseng Martial Beast ito!" Sambit ni Van Grego nang makita niya ang isang dambuhalang anyo ng nilalang na pamilyar sa kaniya lalo ang balat nito ngunit hindi niya aakalaing ganito pala ang kabuuang anyo nito. Napakakapal ng balat at napakaitim rin ng halimaw na ito ngunit mayroong tinik na nakalinya pababa sa backbones nito. Kasalukuyan itong may kinakaing dambuhalang halimaw na hinihinalang pinatay rin nito.
Mmmnna... Mmnna..Mmmnnna...!
Tuloy-tuloy lanang itong kumakain habang hindi nito pansin na may nakaambang panganib dito.
"Kung siniswerte ka naman hehe... Mutated Giant Black Bear ito. Ngunit parang isa itong nasasailalim sa mutations. Kung siniswerte ka nga naman." Sambit ni Van Grego habang makikita ang saya at pagkagalak sa kaniyang natuklasan. Bihira lang kasi ang mga Martial Beasts na nagkakaroon ng mutations lalo na at ang mutations nito ay sobrang compatible at napakalakas. Kung hindi siya nagkakamali ay maaaring ang lahing Oso ay kinain ang isang hindi pa kilalang halimaw ay nagkaroon ng pagbabago sa katawan nito at nagresulta ng mutations at talaga namang isa itong fortunate encounter para sa Giant Black Bear na ito na matatawag na hindi na ordinaryo kundi ekstraordinaryo. Kaya pala kahit anong pag-iingat niya ay nahanap pa rin siya nito kanina.
"Pasenya nalang siya ngunit ako ang kalaban niya hehehe..." Sambit ni Van Grego habang mabilis niyang pinatalas ang sampong mahahabang kuko niya at mabilis niyang tinungo ang kinaroroonan ng halimaw at doon ay mabilis niya itong sinaksak sa likod gaya ng ginawang pamamaraan ng halimaw ng hinabol siya nito kanina.
GROAAARRRRRRRR!!!!!!!!
Atungal ng Mutated Giant Black Bear habang makikita ang labis at sobrang rahas nitong paggalaw.
Mabilis na tumalsik si Van Grego sa malayo dulot ng paggalaw ng halimaw habang napinsala ng napakalalim ang likod nito.
"Hmmm... Nasa 6-Star Martial Ancestor Realm ang Mutated Giant Black Bear na ito at sa sobrang laki nito ay mahihirapan ako ngunit hindi ko maitatangging o lubos aakalaing mas mahirap itong paslangin kumpara sa mga naunang mga Martial Beast na nasagupa ko sa Smokey Laccolith na ito." Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan habang makikitang gusto niyang mapaslang ang 6-Star Martial Ancestor Realm Beast na ito. Isa pa ay ilang segundo na lamang ang natitira kung kaya't ang maaari niyang gawin ay pinsalain itong mabuti dahil alam niyang hindi niya ito mapapatay lamang dahil sa laki nito ay mahihirapan siyang paslangin o kitlan ng buhay ang halimaw na ito na siyang pinakamalakas na Martial Beasts dito dulot ng kakaibang fortitious encounters nito na nagdulot ng kakaibang ngunit ekstraordinaryong mutations. Kung hindi siya nagkakamali ay ito ang overlord Martial Beast ng Smokey Laccolith.
Mabilis na inayos ni Van Grego ang kaniyang sarili mula sa pagkakatalsik at mabilis niyang pinagsasaksak at pinaghihiwa ng kaniyang mahahabang kuko ng Flood Dragon ang katawan ng Mutated Giant Black Bear habang makikitang halos napuno na ng pinsala ang katawan nito maging ang laman nito.
Crack! Crack! Crack!
Pinunterya ni Van Grego ang mga Acupoints nito maging ang mga buto nito sa kaniyang mga acupoints upang matigil ang pagkakaroon ng pagkahilom na siyang bigla na lamang ikinabagsak ng halimaw.
Poohhhh!
Tunog rin ito ng biglaang pagkawala ni Van Grego sa lugar na kinaroroonan nito kung saan ay mabilis na bumalik ito sa kaniyang main body.
Napabukas ang mata ni Van Grego at mabilis siyang lumabas sa kaniyang ginawang mga barriers mula sa natutunan niyang mga simpleng hand seals, Array Formation, Formation Techniques at iba pa sa pamamagitan ng paghanap ng weakpoints nito kung saan ay mayroong munting mga hindi perpektong pagkakagawa ng mga formations. Tinanggal niya lang ang mumunting hamd seals rito at maingat na lumabas.
Pagkalabas ng pagkalabas niya mula rito ay mabilis niyang ginamit ang konsepto ng Space upang mabilis na maglakbay upang galugarin ang mga lugar kung saan niya pinatay at pinaslang ng walang awa ang mga Martial Beasts na naririto.
Agad niyang tinalupan ang mga balat, laman at mga buto nito upang hanapin ang mga Beast Cores ng mga ito. Habang lumalakas ang Martial Beasts kasi ay mas lalong lumiliit ang kanilang Beast Core. Mula sa dalawang kamaong laki nito ay lumiliit ito ng lumiliit habang nagkakaroon ng pagbreakthrough ang mga nasabing halimaw. Mula sa Martial Lord hanggang Martial Emperor Realm Expert ang mga Beast Cores na nakolekta niya habang sinusuong niya ang mga lugar na ito. Siyempre nahirapan siyang humanap o hanapin ang mga beast Cores ng mga ito lalo pa't malalakas din ang mga ito at hindi rin basta-basta makukuha ang mga Beast Cores dahil nakatago ito sa iba't-ibang parte ng kanilang katawan kaya medyo matagal din ang paghahanap nito.
Limang minuto lamang ang itinagal bago naubos niyang makuha ang mga Beast Cores ng mga ito. Mahirap man ang ganitong klaseng pagkolekta pero bilang isang Alchemist na propesyon ni Van Grego ay alam niyang ang mga sangkap ay napakahalagang suriin at pagmamadali ay hindi option kundi pinapractice ng maayos sapagkat kung padalos-dalos lamang siya ay malamang sa malamang ay mas matatagalan siya sa pagkolekta. Minsan makakatulong din ng malaki ang napakaraming kaalaman upang mapadali ang trabaho lalo na sa pagkokolekta. Kung hindi siguro nagbabasa si Van Grego at hindi siya naging Alchemist ay siguradong buong araw siguro siyang maghahanap ng mga Beast Cores sa loob ng katawan ng mga halimaw na ito na karamihan ay mga dambuhala ang laki. Baka mangapa siya sa kawalan ng pag-asang makolekta ang lahat ng mga ito. Isa pa ay karaniwang hindi naglalakbay ang mga Alchemist at bihira lamang ang mga adventurous na mga Alchemist sapagkat kung titingnang maigi ay makikita lamang sila sa mga Alchemist Gardens o Alchemist Shop maging sa mga Sect na tumatanggap ng ganitong talento at propesyong magconcoct ng mga Martial Pills at mga pambihirang bagay partikular na ang mga ekstraordinaryong mga bagay na kayang magpagaling o magbigay benepisyo sa larangan ng paggamot at medisina. Hindi maipagkakailang napakapambihirang kakayahan at magandang kinabukasan sa mga Alchemist lalo na dito sa Central Region. Maraming oportunidad at benepisyo ang makukuha ngunit sa palagay ni Van Grego ay hindi ito ang kaniyang prayoridad sapagkat ang gusto niya ay maisaayos ang mundong ito at tuklasin ang misteryosong nangyari sa nakaraan maging ang mga katanungang bumabagabag sa kaniyang isipan ay siguradong magiging heart demon niya ito sa hinaharap. Bilang isang bagong Stardust Envoy na siyang humalili sa dating pwesto ni Stardust Envoy Silent Walker ay malaking responsibilidad ang nakaatang sa likod niya at ang paglalakbay ay siyang makakatulong sa kaniya upang mahanap ang mga lugar na maaaring magbukas at magkaroon ng mga insights at enlightenment patungkol sa World Truths. Ang bawat mundo ay mayroong mga World Truth. Once na malaman mo ang mga kaalaman ng mundong ito ay magkakaroon ka ng kalayaan na siyang tunay na kalayaan. Ang mga shackles na nakabalot sa mundo ay hindi ka mapipigilan at hindi lamang iyon dahil nalaman niyang mayroong 85,000 insights na si Stardust Envoy Silent Walker na natuklasan sa mga nakakalat na lugar. Ang tanging kailangan niya ay suriin ang mga lugar at puntahan ang mga ito upang magkaroon ng insights at kung papalarin ay magkaroon siya ng Sudden Enlightenment. Kapag nangyari ito ay maaaring makalaya siya at mapalaya niya ang mundong ito sa hindi pa kilalang pwersang nakapalibot dito. Mahaba-habang panahon pa ang kinakailangan niya upang makuha ang mga bagay na makakatulong sa kaniya ng malaki lalo na sa mga masasamang pwersang nakapaligid lamang sa mundong ito.
