Ficool

Chapter 213 - Chapter 43

Bigla na lamang lumitaw si Van Grego sa harap ng tatlong nilalang na kasa-kasama ng labindalawang bandido na walang-awang pinaslang ni Van Grego. Nakita nila kung paano kabrutal na pinatay ng binata ang mga tumakas. Ngunit ngayon ay halos natigalgal sila sapagkat buhay pa rin ang binata at halos wala man lang itong kahit anong gasgas man lang ang robang suot nito o ang balat man lang ni Van Grego.

"Bakit narito pa rin kayo? Hindi niyo ba alam na delikado na sa lugar na ito?!" Sambit ni Van Grego sa tatlong nakatayo lamang habang tinitingnan siya na parang namimilog ang mata.

"Ah e-ehh Gi-ginoo, hindi ko aakalaing napaslang mo ang iba sa kanila. Hindi ko aakalaing mayroong magliligtas sa amin mula sa mga masasamang bandido na iyon?!" Sambit ng medyo may katandaang lalaking may Cultivation Level lamang na 8-Star Martial Emperor Realm Expert. Maluha-luha pa ito habang mabilis pa itong lumuhod sa harap ng binata. Ngunit makikita mong hindi ito mapakali na animo'y mayroong nangyayaring kakaiba rito.

"O-oo nga eh, hindi ko aakalaing i-ililigtas mo kami." Sambit ng isang binatang lalaking hybrid na lumuhod rin sa harap ng binata. Kapwa may luha rin ang mata nito.

"Maraming Salamat sa iyo Ginoo dahil tinulungan mo kami. Utang namin ang buhay namin sa'yo." Sambit ng isang binatang lalaki. Mayroon itong 5th Level Martial Emperor Realm. Lumuluha-luha pa ito na animo'y hindi makapaniwala na lugtas na sila.

"O siya, mag-ingat kayo ha." Sambit ni Van Grego at mabilis na naglaho sa kawalan.

"Kriicckkkk! Kriicckkkk!"

Agad na binali ni Van Grego ang leeg ng dalawang binatang Hybrid at ng tao sa hindi inaasahang pangyayari.

Aktong bubunot pa sana ng patalim ang dalawang binata na kapwa nasa likod nila ang maliit na sandata ngunit mabilis na nalagutan ito ng hininga.

"Pa-paano mo nalaman binata?! Akala ko ay katapusan ko na huhuhu..." Maluha-luhang sambit ng matandang lalaki habang makikita ang kagalakan nito sa kulubot nitong mukha. Hindi niya aakalaing maililigtas siya sa kamay ng tusong mga kalalakihan na siyang bandido rin.

"Walang anuman po yun Lolo. Nalaman ko kasi dahil sa savage aura nila kung saan ay namumuo lamang kapag mamamatay-tao ka. Yun rin ang dahilan kung bakit nagiging bayolente ang isang martial artists. Pero ang ipinagtataka ko lamang po Lolo ay kung bakit pala kayo dinakip ng mga bandido na iyon? Hindi naman po sa nakikialam ako ha pero maaari ko bang malaman?!" Sambit ni Van Grego habang makikita ang labis na kuryusidad sa kaniyang nalaman.

"Hindi mo kasi naintindihan iho. Ang lupain namin kasi ay mayroong mga mineral na hindi maaaring gamitin sa pagcucultivate, ang Black Minerals na kayang magcripple ng sinumang Martial Artist. Aksidente lamang nila kaming nakitaan ng ganong bagay ngunit dahil sa bagay na black minerals ay nangamatay ang lahat ng mga tao sa amin dahil inalipin nila kami upang kolektahin ang mga itim na minerals na siyang minimina namin. Ang tanging natira na lamang ay ako at ang aking apo ngunit nakapagtago pa ang aking apo sa isang maliit na bahay ng aming alagang manok. Hindi na rin tatagal ang aking buhay sapagkat nasaksak nila ako noong maglaban ako sa kanila kahapon ngunit ganon rin naman ang kakahantungan ko kapag sumama ako. Tulungan mo ang aking apo. Inihahabilin ko na siya sa'yo." Sambit ng matanda habang mabilis rin itong nalagutan ng hininga.

"Hmmm... Kung hindi ako nagkakamali ay ang Cripple Stone ang tinutukoy nito. Ngunit hindi naman iyon nakakamatay sa Martial Ancestor Realm Expert ngunit napakalethal nito sa mga Martial Emperor Realm Expert pababa. Kahit na masaksak ako nun ay hindi naman tatalab sa akin dahil sa aking Defensive Capability at Healing ability yun nga lang ay isa pa rin itong mineral na napakalala ang toxin kaya kahit konting sugat lamang ay siguradong mamamatay ang Martial Emperor Realm Expert pababa na ganon ang nangyari sa mga taga-baryong sinasabi ni Lolo. Talagang napakasakim ng mga bandidong ito. Sa susunod na magtagpo ang landas namin ay bibigyan ko ng katarungan ang buhay ng mga inosenteng nilalang na taga-baryo na pinagmalupitan nila at inalipin sa pamamagitan ng bawal na pagmimina ng mga Cripple Stone." Sambit ni Van Grego sa kaniyang sarili habang nangangako. Sa ngayon ay hindi niya kayang labanan ang buong pwersa ng mga bandidong ito.

Agad niyang inilibing ang matandang lalaki sa isang lugar na angkop libingan nito habang makikita ang lungkot sa mukha ni Van Grego. Napakalupit talaga ng mundong ito lalo na dito sa Central Region. Talagang kawawa ang mga mahihina at humahari ang kasamaan at masasamang nilalang sa mga lugar na maraming inosenteng nilalang gusto lamang mamuhay ng tahimik.

Agad na umalis si Van Grego habang makikita ang labis na lungkot habang mabilis siyang pumunta sa lugar na sinasabi ng matandang lalaking kinaroroonan ng kanilang baryo. Hindi niya aakalaing pagkakatiwalaan siya ng matandang iyon.

Marami siyang nadaanan lalo na ng mga mababangis na nilalang ngunit kusang lumalayo ang mga ito sapagkat Martial Lord Realm lamang ang Cultivation ng mga mababangis na halimw.

Maya-maya pa ay nakita niya ang isang mataas na burol at nang sinuyod niya ito at pagkarating niya rito ay tiningnan niya sa ilalim at doon niya nakita ang isang bmmaliit na baryo na mayroong mga maliliit na mga bahay roon ngunit kapansin-pansin na maraming nakakalat na mga bangkay ng mga bata, matanda, mga kalalakihan,mga kababaihan at mga mag-asawang halatang namatay ang mga ito sa kahindik-hindik ns pangyayari habang nakadilat pa rin ang mata ng mga ito at ang iba ay naaagnas na. Halatang dumanas pa ang mga ito ng paghihirap bago mamatay. Makikita rin na may mga maliliit na sugat ang mga ito sa katawan o gasgas. Hindi mapigilang mapaluha na lamang si Van Grego sa kaniyang nakita. Halatang napilitan ang mga ito na magmina dahil bakas pa ang mga lupang nasa kamay at paa ng mga ito dulot na rin ng pang-aalipin sa kanila ng mga bandido.

Agad niyang inilibing ng maayos isa-isa ang mga ito sa lugar na ito. Hindi niya kasi gustong makitang hindi man lang mabigyan ng maayos na burol ang mga ito at baka maging ferocious ghost pa ang ito na siyang nakakatakot na mangyayari rito at hindi magtatagal ay maging Death Burial din ito o Forbidden Areas kung pababayaan niya lamang ito. Isa pa ay nangako siya sa matanda bago siya pumunta rito.

Nang matapos niyang mailibing ang lahat ay hinanap niya na ang sinasabing isang survivor at apo ng matandang lalaki.

Sinuyod niya ang buong kabahayan at chineck lahat ng mga maliit na tirahan ng mga manok at maya-maya nakita niya ang isang medyo may kalakihang kulungan ng manok at mabilis niyang nakita ang isang bata na base sa bone structure nito ay limang taong gulang pa lamang ito at hindi pa nag-uumpisang magcultivate.

Naisip ni Van Grego na siguro ay itinago ng kaniyang lolo ang katauhan o pagkakakinlanlan ng batang lalaking ito upang hindi ito madamay sa kanilang malupit na sinapit. Natuwa talaga si Van Grego na may ganitong klaseng taong magmamalasakit sa kaniyang apo na bihira lang makita sa maliliit na baryo. Ayaw siguro nitong gawing alipin at magmina ang kaniyang apo ng Cripple Stone pero kahit ganon ay maaapektuhan ang pagcucultivate kung sakaling maging martial artists ang batang ito.

"Hhrrockk! Hhhhrooockkk! ...!"

Tunog ng mahimbing na pagtulog ng batang lalaki habang makikita ang natuyong luha nito sa mukha. May hitsura naman ang batang ito ngunit mataba rin ito na halata na lumulubo rin ang pisngi nito na talagang cute pisil-pisilin.

"Kung andito lang si Fatty Bim ay siguradong magkakasundo sila ng batang ito hahaha..." Sambit ni Van Grego habang makikita na gusto niya rin makita ang magkapatid na sina Breiya at Fatty Bim.

Agad na ginising ni Van Grego ang bata habang medyo nahirapan din siyang gisingin ito.

Maya-maya lamang ay nagising ang bata sa pagkalabit ng binatang si Van Grego. Nang makita nito si Van Grego ay pumalahaw ito ng iyak.

"Huhuhu... Nashaan shi lolo khow?!" bulol na sambit ng batang lalaki habang mas lumakas pa ang pag-iyak nito habang naglulupasay sa sahig.

Nataranta naman si Van Grego sa inasal ng batang lalaking ito. Hindi kasi nito alam kung paano patahanin ito at isa pa ay ngayon lamang siya nakakita ng ganitong senaryo liban sa kaniyang karanasan noon. Nakikita niya ang batang ito sa sarili niya at naaawa siya rito.

"Ahh...eh... Wag kang umiyak bata okay. Sinabi ng lolo mo na ako muna mag-alaga sa'yo habang umalis siya." Sambit ni Van Grego habang ipinakita ang maraming pagkain na kaniyang bitbit na dalawang basket. Mga lutong karne at mga prutas at gulay ang laman nito kaya

Agad namang tumahimik ang batang ito habang makikita ang labis na saya at pagkatakam sa dala ni Van Grego.

Mabilis itong hinablot ng bata at inumpisahang kainin ang mga ito.

"Hahahaha... Ewan ko lang kay Fatty Bim at sa sarili ko mukhang hindi lang kami ang matatakaw hahahaha..." Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang makikitang masaya niyang tiningnan ang batang lalaking mabilis kumain halatang matakaw rin sa pagkain.

Matapos kumain at mabusog ang batang lalaki ay saka na lamang nagtanong si Van Grego dito.

"Ano'ng pangalan mo bata?!" Sambit ni Van Grego ng kalmado. Ayaw niya kasing biglain ang bata baka ngumawa naman ito ng ngumawa at magutom na naman. Wala na siyang natirang pagkain. Ang normal na pang-isang lingguhan ng ordinaryong martial artists ay isang kainan lamang nila. Hindi naman sila ganon katakaw diba?!

"Ako po si Horo Silver." Pagpapakilala ng limang taong gulang na bata na nagngangalang Horo Silver.

"Hindi na ligtas dito bata. Gusto kong sumama ka sakin. Madaming laruan at pagkain sa kabihasnan at pupunta tayo sa lolo mo." Sambit ni Van Grego habang may halong pagsisinungaling o kasinungalingan sa dulo. Ayaw niya man gawin ito ngunit wala siyang pagpipilian. Isa pa ay mamamatay sa gutom ang batang ito kung hahayaan lamang ni Van Grego na dumito o manatili ang batang ito. Nangako pa naman siya sa matangdang iyon na hindi niya pababayaan ang apo nito at ito rin ang huling hilig ng matanda bago ito malagutan ng hininga. Medyo nalungkot siya dahil nahuli siya ng dating dito dahil liban sa batang ito ay halos nagkaroon ng total annihilation ang maliit na baryong ito malapit sa hangganan ng Hybrid Territory. Isa pa ay purong tao ang mga ito na siyang ikinapagtataka ni Van Grego. Palaisipan pa rin sa kaniya kung bakit naririto ang isang maliit na baryo ng mga lahing tao.

Nawala ang iniisip ni Van Grego at nagbalik siya sa reyalidad ng biglang nagsalitang muli ang batang lalaking nagngangalang Horo Silver.

"Talaga po Yehheyyyy!!!! Hindi na ko magugutom at mayroon na kong laruan hehehe..." Sambit ng batang si Horo habang makikita ang saya sa mukha nito habang bumubungisngis pa ito.

Napangiti na lamang si Van Grego sa kaniyang nakitang kasiyahan ng bata. Kung maaari lamang ibalik ang panahon kung saan ay normal na bata lamang siya ay mas pipiliin niya iyon ngunit isa lamang iyong pantasya para sa kaniya. Kailangan niyang lumakas upang mahanap ang kaniyang totoong mga magulang.

"Ano po ang pangalan niyo Ginoo?!" Sambit ng batang si Horo Silver habang makikita ang ngipin nitong mayroon pang mga bungi.

Hahahaha... Wag mo na kong tawaging Ginoo Horo, pwede mo naman akong tawaging Kuya Van dahil di pa naman ako ganon katanda." Sambit ni Van Grego na animo'y medyo natawa siya sa pagiging pormal ng batang si Horo.

"Opo Ginoo este kuya Van hehehe..." Sambit muli ni Horo Silver at hindi nito mapigilang muling bumungisngis.

Napatawa na lamang si Van Grego. Mahilig kasing bumungisngis ng batang ito kaya nakakatuwa lamang. Wala rin itong pakialam na ngumiti habang may ilang piraso na ngipin itong nabungi.

"Bwarcckkkk!!!" Tunog ng malakas na dighay ni Horo Silver ang umalingawngaw sa paligid.

"Bwahahahahahaha!!!!!!!"

Humagalpak sa kakatawa si Van Grego dahil sa malakas na dighay ng batang si Horo Silver. Nakakatuwa talaga ang batang ito at halatang bibong bata.

"Sowwiiieee ppoooww!" Pabulol na Sambit ng batang si Horo Silver. Limang taong gulang pang kasi ito at medyo utal at bulol ito kung magsalita.

"Kung di ka lang cute. O sige, Kailangan na nating umalis pero bago yan kailangan mo munang pumasok dito." Sambit ni Van Grego habang pinagana nito ang isa sa kaniyang Interstellar Dimension. Dito ay biglang makikita ang isang portal.

Medyo natakot naman ang batang ito sa kaniyang nakita. Ngayon lamang siguro ito nakakita ng portal kaya ganon na lamang siguro ang takot nito.

"Hindi ka sasaktan ng kuya Van mo. Mayroong mga gabundok na pagkain doon pero wag mong uubusin ha?! Mayroon ding mga laruan diyan hehe..." Sambit ni Van Grego habang nakangiti.

Halos kumislap naman ang mata ng batang si Horo Silver dahil sa narinig nito. Mabilis itong kumaripas ng takbo sa loob ng Portal ng Interstellar Dimension.

"Bata nga naman." Sambit ni Van Grego habang nagkakamot ng kaniyang batok. Hindi niya kasi alam kung matatawa siya o maiiyak. Imbakan kasi ng mga pagkain niya iyon na kinakain niya paminsan-minsan isa pa ay mayroong benefits iyon sa katulad niyang martial artists.

More Chapters