Ficool

Chapter 212 - Chapter 42

Ilang minuto lamang ay napatay na ni Van Grego ang lahat ng mga lumilipad na mga bandido sakay ng kanilang flying sword ngunit ang lider lamang nito ang natira. Halos karumal-dumal ang naging pagpatay sa mga ito yung tipong kahindik-hindik tingnan.

Sampong kilometro na ang layo ng tumatayong lider ng nasabing grupo ng bandido sa kinaroroonan nila kanina.

"Heh! Anong akala ng binatang iyon na maaabutan niya ako?! Huwag niyang mamaliitin ang aking kakayahan sapagkat ako ang pinakamabilis na magpalipad ng aking Flying Sword hehe..." Sambit nito nang mabilis niyang pinaharurot ang kaniyang Flying Sword.

Poooohhhhh!!!

Ngunit nagulat at namilog ang mata ng tumatayong lider ng bandido ng makita niya ang pamilyar na pigura ng isang binata sa hindi kalayuan habang may hawak itong maliit na patalim.

"Hindi ito maaari, paano niya ako nahanap ng ganito?" Sambit ng bandidong ito habang makikita ang nahintatakutan nitong ekspresyon sa mukha.

Mabilis niyang nilihis ang kaniyang direksyon papunta sa ibang direksyon ngunit ganon na lamang ang pagkabiglaniya ng makitang muli ang binatang nag-aabang doon. Namamawis at namumutla na soya sa takot.

"Hmmmp! Isa ka lamang kutong-lupang bata. Sino ka para katakutan ka namin!" Sambit nito habang nakatingin sa binata. Naka-steady lamang siya sa isang lugar sa himpapawid kung saan ay mabilis itong nagsagawa ng skill.

"Tikman mo tong skill ko totoy na kayang-kaya gawing abo!" Sambit nito at mabilis na gumawa ng skill.

Lumabas ang kakaibang apoy sa katawan ng lider ng bandido na ito maging ang enerhiya nito.

Mistulang nagulat naman si Van Grego sapagkat hindi niya aakalain na ang isang lalaking tumatayong lider ng bandido na ito ay kayang gumamit ng konsepto ng apoy at isama ito sa kaniyang Technique.

"Isa rin pala itong eksperto. Hindi ko aakalaing ang isang bandido ay may ganito kalakas na Technique.

Napangisi naman ang kalaban ni Van Grego dahil sa naging reaksyon niya.

"Katapusan mo na!!!!!!"

Mabilis na lumabas ang Martial Soul ng bandido na isang Uri ng Fire bird at mabilis na lumakas ang enerhiya nito. Lumitaw din ang espada nito na balot na balot ng apoy.

Bigla nitong sinugod ang binatang si Van Grego sa hindi kalayuan.

"Whoosh! Whoosh! Whoosh!"

Mistulang naging linya na lamang ang espada sa bilis nitong paghagibis papunta sa katawan ng binatang si Van Grego ngunit mabilis itong naiwasan ni Van Grego.

Umatras si Van Grego ngunit mabilis siyang sinundan ng lider ng bandido at Pinabulusok nito ang espada nito sa bandang puso ng binata ngunit agad na tumagilid si Van Grego.

"Muntikan na ko doon ah. Masyadong marahas makipaglaban ang bandido na ito! Kailangan ko itong mapaslang bago pa ako nito mapaslang." Sambit ni Van Grego at mabilis na umatras ng malayo. Gamit ang kaniyang konsepto ng Hangin at Space ay nakakaya niyang bumalanse sa himpapawid at madistort ang space.

Nang sinugod siya ng bandido ay mabilis itong napatalsik sa malayo. Hindi kasi nito inaasahan na nagkaroon ng distorsyon sa space na siyang ginawa ni Van Grego.

Agad namang gumawa si Van Grego ng Fire Creation Technique.

Agad na dumaloy sa kaniyang kamay ang kakaibang apoy na walang iba kundi ang apoy ng Red Fury Dragon Seeds at mabilis na nagmaterialize at naging isang mahabang espada.

"Hahahaha... Kahanga-hanga dahil isa ka ring Fire Attribute na Martial Artists. Kayang-kaya kitang pisain anumang oras dahil papatunayan ko sa'yo na mas magaling ako!!!!!" Natatawang sambit ng lider ng bandido ngunit mabilis ding napalitan ng kakaibang ngisi ang kaniyang ekspresyon. Hindi kasi siya papayag na malamangan ng binatang ito.

"Talagang minamaliit mo ako bandido. Nahiya naman ako sa kabulastugang ginagawa niyo upang lumakas lang. Ang mangikil at kumitil ng buhay ng iba ahahaha!!!" Sambit ni Van Grego habang makikita ang inis sa mukha nito.

"At sino ka naman para pagsabihan ako ng ganyan ha?! Isa ka lamang ordinaryong martial artists. Mas malakas pa rin ako ng hindi hamak sa iyo!" Sambit ng lider ng bandido.

"Dami mong satsat laban na!!!!" Sambit ni Van Grego. Putak kasi ng putak ang kalaban niya.

Agad namang naging mabagsik at nanlisik ang mata ng lider ng bandido na ito. Ngayon lamang siya nakaharap ng isang binatang kung umasta ay parang sino.

"Yan nga bata, kaya ka mapapahamak ay dahil na rin sa kawalang-hiyaan mo. Ako na isang kagalang-galang at respetadong indibiduwal dito ay anlakas mong bastusin ako ha, humanda ka sakin dahil ito na ang huling araw mo sa mundong ito!!!!" Galit na galit na sambit ny lider ng bandido habang makikita ang sobrang inis at iritasyon sa binatang ito. Sagad sa buto kasi ang galit niya rito.

Agad nitong sinugod ang binatang si Van Grego habang sinalubong naman siya ni Van Grego.

"Peng!!!!!!!"

Isang malakas na tunog ng pagkiskisan ng espada ng magtagpo ito na siyang nagbigay ng pagnginig ng kamay nilang dalawa. Kapwa ayaw magpatalo ang mga ito.

"Akong si Riv ay hindi mo ko matatalo binata hahaha!!!!" Sambit ni Riv na siyang nagpakilala at nanghamak sa kakayahan ni Van Grego.

Mabilis itong lumayo at mabilis na umatake.

Agad na nagpalit ang espada nito sa isang pana na kagaya kay Van Grego na siyang ikinagulat ni Van Grego.

"Paanong nasa Level 5 na ang iyong natutunan sa konsepto ng Apoy?!" Sambit ni Van Grego habang biglang naalarma. Hindi niya aakalaing parehas sila ng lebel ng konsepto ng Apoy at medyo mas advance ito sa kaniya ng ilang margin.

"Hahaha... Nagulat ka ba binata?! Kung ako sa'yo ay tumakas ka na dahil hindi magtatagal ay darating na ang aking mga kasamahan at siguradong katapusan mo na!" Sambit nito kay Van Grego habang pinapakita nitong hindi siya mapapatay ng binatang ito.

"Hahaha... Nagpapatawa ka yata... Kahit ano'ng sabihin mo ay alam kong malapit ng masaid ang iyong enerhiya mo dahil sa iyong paggamit ng Flying Sword. Halos mag-iisang oras na at alam kong nalalapit na ang iyong paghina lalo na ng iyong stamina hahaha!" Sambit ni Van Grego habang makikita ang saya sa kaniyang mukha.

"Kung gayon ay wala akong pagpipilian kundi ang patayin ka binata hahahaha... Tikman mo to!" Galit na galit na sambit ni Riv habang mabilis nitong pinaulanan ng nagbabagang palaso si Van Grego.

"Eeecckk! Eeecckk! Eeecckk!...!"

Malakas na tunog ng mga palaso na animo'y nagpopormang ibon habang bumubulusok ito papunta sa kinaroroonan ni Van Grego. Halos hindi namamatay ang apoy kundi ay lumalakas pa ito.

"Never-ending Fire? Paano ito nangyari? " Sambit ni Van Grego habang makikitang mas lumalakas ang nasabing nagbabagang atake ng lider ng bandido na si Riv.

Agad na nawala ang nag-aapoy na espada ni Van Grego at nagmaterialize ang isang nagbabagang panangga na gawa sa apoy.

BANG! BANG! BANG! ...!

Nasangga ni Van Grego ang lahat ng atake ni Riv na paso at agad namang pinalaho ni Van Grego ang kaniyang panangga at nagsagawa ng panibagong bagay ngunit mas nakakamangha ito.

"Water Creation Technique: Blue Luan Spear!"

Agad na lumabas sa katawan ni Van Grego ang kakaibang tubig at biglang namuo ang isang malaking Spear. Isa ito sa pinakamalakas na sandatang kayang i-materialize ng binatang si Van Grego at hindi lamang ito karaniwang konsepto sapagkat mayroon siyang Blue Luan Blood Essence sa kaniyang katawan maging ng Vermillion Bird Blood essence ngunit alam niyang mapapawalang bisa lamang kapag apoy ang kanyang gagamitin sa kalaban niyang apoy rin ang kayang gamitin.

Dito ay hindi alam ng bandidong lider na si Riv ang nakakatakot na enerhiyang nagmumula sa spear. Wala siyang kaalam-alam na ang kapangyarihang nakapaloob sa pambihirang spear na ginawa ni Van Grego ay mayroong kapangyarihang mula sa isang Saint Beast, Ang Blue Luan.

"Hahaha... Tingin mo ay natatakot ako sa sandatang ginawa mo hahaha... Wala pa rin yang binatbat sa aking Never-ending Fire hahaha!!!!" Natatawang sambit ni Riv habang makikitang hindi ito natatakot sa sandatang hawak ng binatang si Van Grego.

"Okay, madali naman ako kausap... Itong sayo!!!!!"malakas na sigaw ni Van Grego habang buong pwersa nitong ibinato ang kaniyang sariling sibat.

Biglang namuo ang isang kakaibang simbolo hanggang sa nagkaroon ng malaking anyo ng isang kulay asul na ibon habang mabilis itong bumulusok papunta kay Riv na halos hindi ito nakapaniwala.

"Ano'ng klaseng halimaw iyan?! Hindi maaari ito!!!!" Nahintatakutang sambit ni Riv habang mabilis itong nagsagawa ng panibagong skill.

Namuo ang isang hulmang ibon sa fire shield na ginawa ni Riv.

SHRIIEEEECCKKKKKKKK!!!!!!!!!!

sabay na huning pinakaawalan ng animo'y dalawang ibon na naglalaban at nagbabanggaan.

BANNGGGGGGGGG!!!!!!!

Isang malakas na tunog ng pagsabog ang umalingawngaw sa paligid at bumulusok pailalim si Riv sa kalupaan habang makikitang naapektuhan ito sa pagsabog.

"BOOOOGGGGSHHHHHHH!!!!"

Isang malakas na pagbagsak ni Riv ang bigla na lamang nagresulta ng pagkaroon ng usok sa isang parte ng kalupaang binagsakan nito.

Ilang segundo lamang ay nakita na lamang ang resulta ng naging labanan. Si Riv ay nakandusay sa lupa patihaya habang butas ang kaliwang dibdib nito kung saan wala na itong puso. Nakita ni Van Grego kung paano nahihirapang huminga si Riv.

"Huhhhhh....Huuuhhhhhh...! Malalalim na paghinga ni Riv habang makikita ang labis na nahihirapan ito.

"Hindi a-ako ma-makapa-ni-walang m-mata-talo mo-mo ak-ako." Huling sambit ni Riv habang mabilis itong nalagutan ng hininga habang nakadilat ang mata. Pagsisisi, paghihirap at pagkagalit ang makikita sa mata nito na nakatingin sa direksyon ni Van Grego habang makikita ang labis na pagkamuhi sa binata. Hindi nito aakalaing mamamatay siya sa isang binatang estranghero.

Peng!

Nalaglag na lamang sa lupa ang Flying Sword ni Riv sa hindi kalayuan mula sa malamig na nitong bangkay. Nawala rin ang enerhiya maging ang blood mark nito sa kaniyang flying sword tandang wala na itong pagmamay-ari.

"Hindi ko aakalaing mahihirapan ako sa iyo. Sa lahat ng bandido ay ikaw ang nakikita kong may pinakamakapal na savage aura at bagay lamang na namatay ka sapagkat ikaw ang lider ng grupong ito. Hindi ko aakalaing isa kang lahi ng tao. Nakakahiya ka!!!!" Sambit ni Van Grego habang makikita ang sobrang inis at galit rito.

Agad naman niyang nilisan ang lugar na ito at puntahan ang mga nangagtago na iba pang galamay o kasamahan ni Riv. Mayroon pa siyang ilang oras bago makarating ang mga sinasabi nitong mga kasamahan nila. Talagang umigting ang panga ni Van Grego sa sinabi nito. Kung gayon ay nakapagpadala na ang mga ito ng Sound Transmitting Talisman sa mga kasamahan nila. Isa pa ay puro Martial Ancestor Realm Experts ang mga ito kaya nahihirapan siyang hulihin at paslangin ang mga ito. Ang mga galamay nitong mga bandido ay mayroong mga lahi ng Hybrid at mayroon ding lahi ng mga tao. Kaya't kailangan niyang bilusan upang hindi siya maabutan ng mga ito.

Pumunta siya pabalik sa kaniyang kinaroonan kanina. Nakita niyang naroon ang isa sa isang tagong lugar na mayroong Rock Formation sa hindi kalayuan ang isang bandido na nilagyan niya ng Spiritual mark na hindi nalalaman ng bandido. Akala siguro nito ay hindi siya mahahanap ni Van Grego ngunit nagkakamali ito.

Agad na namuo ang limang naglalakihang kulay itim na tubig sa paligid ni Van Grego. Mabilis niyang kinontrol ito gamit ang kaniyang enerhiya at pinabulusok ito ng Sunod-sunod sa pinagtataguan ng kasamahan ng sumakabilang-buhay na si Riv. Pumormang ibon na Blue Luan ang itim na tubig at doon ay mabilis na bumulusok pailalim ang mga Water Bombs.

"BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!

Malakas na pagsabog ang biglang yumanig sa kalupaang bahagi ng tinataguan ng bandidong tumakas kani-kanina lamang.

"AHHHHHHHH!!!!!!"

*Tsssakkkkk!!!!!

Malakas na sigaw ng bandido na maya-maya pa ay bigla na lamang narinig ang tunog ng pagkapisa ng mga katawan nito sa nagbabagsakang mga malalaking tipak ng mga bato.

Makikita ang biglang pagtalsik ng mga dugo nito na kitang-kita ni Van Grego ng paganahin niya ang kaniyang divine sense at ang kaniyang paningin ay mas naging sobrang linaw dahil na rin sa isa na siyang Martial Ancestor Realm Expert.

Ganon rin ang nangyari sa ibang mga bandidong nagsitago. Naging kalunos-lunos ang kamatayan nila. Umalingawngaw sa paligid ang kanilang mga nakakapanindig-balahibong sigaw ngunit walang sinuman ang tumulong sa kanila dahil walang sinuman ang nakaligtas sa kanilang kahindik-hindik na kamatayan.

More Chapters