Ficool

Chapter 211 - Chapter 41

Makikita ang napakalaking pagbabago sa kabuuang anyo ni Van Grego. Hindi lamang iyon sapagkat mayroong tatlong beads ang biglang umiikot sa misteryosong puting ibon na Martial Soul ng binata na isang indikasyon na na-absorb nito ng tuluyan ang Martial Spirit na isang Flood Dragon. Kakaiba lang sapagkat White Gold itong mga bead na indikasyon na isang Million year old Martial Spirit ito. Kung malalaman ito ng marami ay siguradong mamamatay sila sa inggit at siguradong manghihinayang pa ang mga ito ngunit umaayon ang swerte sa binatang si Van Grego dahil kumpara sa iba ay konti lamang o bilang lamang sa kamay ang nagkakaroon ng ganitong klaseng Martial Spirit.

Agad na sinuri ng divine sense ni Van Grego ang kaniyang Martial Soul sa kaniyang likuran at nagulat siya sa kaniyang natuklasan at isa pa rin itong 10th Grade Huang Rank na siyang labis niyang ikinapagtataka. Tiningnan niya ang iba pang aspeto nito at wala na siyang napansin. Nanghinayang talaga siya ngunit ng mapadpad ang mata niya sa bagong tatlong Martial Spirit Skills niya na nakuha mula sa Martial Spirit na isang Pambihirang nilalang na Flood Dragon ay hindi niya lubos maisip na isa itong nakakamanghang skill.

"Hindi ko lubos maisip na tatlong pambihirang skill ang makukuha ko mula sa million year old o millennium Martial Spirit na ito." Sambit ni Van Grego habang makikita ang labis na tuwa at saya rito. Sino ba naman kasi ang nag-eexpect na isang milyong taon ng nabubuhay ang flood dragon na si Stardust Envoy Silent Walker dahil akala niya ay noong nakaraang Era lamang ito ngunit siguro ay nakaapekto rin ang oras mula sa separate dimension na kinaroroonan nito.

" Offensive Skill 1 Acquired: Burning Heaven Claws" It is a skill transforming your hand especially your fingers into sharpest claws of the flood dragon. Combined with your Qi will definitely be fatal attacks to your enemy. It depends on your Essence Energies of your body.

"Defensive Skill 2 Acquired: Flood Dragon Ultimate Defense" This skill is for defense only and it depends on your Astral Energies in your body.

"Transformation Skill 3 Acquired: Flood Dragon Transformation" This skill will turn yourself into a Flood Dragon and it depends on the amount of Moon Qi and Spiritual Qi you have. It also requires an Astral energies for the Defense and Essence Energies for the creation of a true dragon and fpr additional attack power.

Ganito lamang ang nabasa ni Van Grego habang mabilis na pinagmamasdan ang tatlong mga pambihirang skills ng napakalakas na Flood Dragon.

"Mabuti na lamang at magagamit ko ang tatlong pambihirang skills na ito. Kung nilabanan ko si Jinron na iyon ngayon ay sigurado akong makakaya ko siyang labanan at maprotektahan ang aking sarili laban sa mga atake nito." Sambit ni Van Grego habang makikita ang sobrang saya nito sa kaniyang mukha. Kahit na hindi man tumaas ang Cultivation Level niya o ang Ranggo ng kaniyang Martial Soul na isang misteryosong puting ibon ngunit alam niyang lahat ng nilalang ay may limitasyon at kailangang pagsikapan at paghirapan ang lahat ng bagay sa mundong ito upang lumakas at humaba pa ang buhay ng bawat indibiduwal na nangangarap na maging napakalakas na nilalang sa hinaharap.

Mabilis na niyang tinahak ang daan papunta sa hangganang teritoryo ng Hybrid Territory.

Meron mga cultivators na naririto lalo na ang mga Hybrid Cultivators na kung titingnan ay hindi maganda ang gagawin sa'yo dahil matalim kung tumingin ang mga ito at mayroong savage aura o yung awra ng mga taong pumapatay o killers. Malalaki din ang katawan ng mga ito na Maikukumpara sa mga sumo wrestler ngunit kaibahan lamang dahil ang kanilang mga katawan ay batak na batak sa maskulo at may mga metal na mganakasabit sa kanilang katawan. Sa tenga, sa ilong sa bibig at iba.

Nang mapadaan si Van Grego sa kanilang gawi ay biglang tumahimik ang lugar na ito ngunit ang mga mata nila ay nakatuon kay Van Grego na parang isang maliit na putaheng kayang-kaya nilang katayin anumang oras.

Makikita din na lahat sila ay 1-Star hanggang 5-Star Martial Ancestor Realm Expert.

Ang labinlimang katao na ito ay mabilis na nag-uusap-usap.

"Gusto ko ulit pumatay boss hehehe... Ang bubwit na yan ang aking papatayin hehe..."

"Basta akin ang kayamananh meron iyan. Sa balat pa lamang nito ay halatang mula ito sa maharlikang pamilya."

"Tama ka. Bagay na bagay patayin ang mga taong iyan hehehe..."

Nag-uusap pa sila ngunit Lalagpasan na sana sila ng binatang si Van Grego nang bigla siyang hawakan ng isang miyembro ng grupong ito.

"Wag kang pumalag bata dahil isa ka lamang Martial Emperor Realm Expert hahahaha... Anong laban mo sa aming labinlima kung ni isa sa amin ay hindi mo kakayaning labanan."

"Ibigay mo sa amin ang iyong mga kayamanan kung ayaw mong ako mismo ang kukuha niyan!"

"Oo nga, mukhang konting suntok lang at pasa ay umiyak ka na hahahaha!!!"

Ngunit kalmado lamang si Van Grego at mabilis na nagsalita.

"Hahahaha... Hindi niyo kinikilala kung sino ang kinakalaban niyo." Sambit ni Van Grego at mabilis na naglaho sa kawalan.

Agad namang nagulat ang labinlimang lalaking isang grupo ng mga bandidong mahilig mangikil ng pera at kumitil ng buhay.

"Boss Ano na?! Kasalanan mo ito!"

"Ayoko pang mamatay!"

"Kasalanan niyo itong mga buwiset kayo, dinamay niyo pa ko!"

WOOSH! WOOSH! WOOSH!

Mabilis na tiningnan ng labing-apat ang isa nilang tumatakas nilang kasama.

"Anong tingin-tingin niyo sakin ha?! ---AHHHHHHHHH!!!!!!" Isang nakakatakot na kamay ng isang halimaw ang biglang bumutas sa katawan ng bandidong gustong tumakas.

Halos mahintatakutan naman ang lahat ng bandidong ito sa kanilang nakita. Nakikita nila ang patpating binatang lalaking may puting buhok kanina na isang maharlikang tao ngunit ngayon ay iba na dahil isa pala itong mapagbalat-kayong halimaw maging ang dalawang kamay nito ay napakalaki at may nagtatalimang mga kuko na animo'y isang uri ng kukong mula sa nakakatakot na halimaw na nilalang.

"Halimaw, isa kang halimaw! Tumakas na tayo!" Sambit ng isa pang miyembro nito na mabilis ding umalis.

Ngunit yun ang akala niya dahil wala pang sampong minuto ay bigla na lamang nahati ang katawan at ulo nito sa dalawang bahagi.

"Anong klaseng nilalang ito?! Bakit niyo kasi inistorbo ang kagalang-galang na nilalang na ito yan tuloy n------AHHHHHH!" Sambit ng isa pang bandido na sumakay pa sa Flying Sword nito ngunit mabilis na sumabog ang katawan nito at nagkapira-piraso. Huli na nila nakita na nandoon na pala ang binatang si Van Grego sa likod ng papalipad nilang miyembro.

"Hindi ko alam na napakalakas ng unang Skill na nakuha ko mula sa aking Martial Spirit. Kakaiba at kayang-kaya kong lagyan ang aking atake ng pinasamang moon Qi at Spiritual Qi upang pasabugin ang katawan ng aking kalaban. Talagang nakakamangha!" Sambit ni Van Grego sa kaniyang sarili lamang habang nakatingin pa rin sa labindalawang bandidong may bakas ng sobrang takot ang kanilang nararamdaman.

Mabilis na lumipad ang anim na mga bandido sa magkakaibang direksyon gamit ang kanilang flying sword at tatlo naman sa gubat. Ngunit yun ang inaakala nila sapagkat hindi nila alam na kayang-kaya ni Van Grego makipagsabayan sa kanila sa pamamagitan ng kaniyang konsepto ng hangin at ang napakalakas at napakamisteryosng konsepto, ang konspeto ng Space.

"Spiritual Mark!!!!"

sambit ni Van Grego at lumipad ang labindalawang mga marka sa magkakaibang direksyon at mabilis na pumasok sa katawan ng mga bandido lalo na ang mga tumatakas.

"Kung akala niyo ay makakatakas kayo ay nagkakamali kayo dahil ako mismo ang kikitil ng buhay niyo!"

Agad na naglaho ang pigura ni Van Grego sa kinaroroonan nito at hindi makita sa alinmang lugar na naririto hanggang sa isang sigaw ang bigla na lamang maririnig sa paligid.

"AHHHHHHHH!!!!" Huling sigaw ng tumatakas na bandido nang maramdaman nitong lumatay sa kaniyang katawan ang sobrang sakit na animo'y hindi niya pa nararasanan sa buong buhay niya.

Bigla na lamang nagkapira-piraso ang katawan nito na animo'y karne habang mabilis itong nangahulog ang walang buhay na katawan nitong nagkapira-piraso sa ilalim.

"Tssaaakkkkk!!!!"

Tunog ng pagkapisa ng mga pira-pirasong karne ng taong pinaslang ni Van Grego nang nakaabot ito sa lupa. Tumilamsik din ang sariwang dugo nito sa ibang direksyon habang mabilis ring nalaglag ang Flying Sword nito at tumuhog mismo sa sariwang karne ng namatay na bandido.

Agad namang binilisan ng iba na makatakas sa demonyong binatang itinuturing nilang halimaw.

"Hindi ako mahahabol ng binatang iyon hehe... Nakalayo na ako ng ilang kilometro. Tama hin---------Arrrrghhhhhhhh!!!!!" Isang malakas na sipa ang biglang naramdaman ng lalaki na siyang ikinadurog ng buto nito sa leeg ngunit bumulusok pa ito sa isang napakalaking bato.

Tssaaakkkkk!!!!

Animo'y isang meat paste ang katawan nito. Mabilis na hinawakan ni Van Grego ang flying sword na pagmamay-ari ng bandido at Pinabulusok ito sa bahaging puso mismo ng bandido.

BOOGSHHHH!!!!

Lumikha ito ng malaking pagsabog na siyang umalingawngaw sa buong lugar.

Maya-maya pa ay bigla na lamang naglaho si Van Grego sa pamamagitan ng paggamit nito ng kaniyang natutunan tungkol sa konsepto ng Space.

Sa isang direksyon naman ay napatawa na lamang ang isang bandido habang hindi alintana ang panganib na kaniyang kinakaharap ngayon.

"Heh! Sa araw na ito ay hindi na ko sasama sa pesteng grupo na iyon. At ang binatang ay talagang mahihirapan siyang paslangin kami isa-isa. Sino ang tinatakot niya sa amin dahil isa lamang siya marami kami hehehe..." Nakangising sambit ng isang malaking tao na bandidong tumakas at mas binilisan pa nito ang kaniyang paglipad at pag-alis sa lugar na ito upang magpakalayo-layo ngunit ganon na lamang ang gulat at pagkatakot nito ng biglang makita niyang may isang nakakatakot na kamay ang lumitaw sa kawalan.

"Paano ito nangyari?! Hindi ito maaari!!!!!!"

Iiwas pa sana ang bandido at gumawa ng skills nito ngunit mabilis siyang kinalmot ng nakakatakot na kamay ng isang halimaw.

"AHHHHHHH!!!!!!!"

Huling sigaw ng bandido bago mawarak ang dibdib nito ng nakakatakot na kamay na alam niyang kamay ito ng binatang gusto nilang kikilan at kitilan ng buhay ngunit bumaliktad ang sitwasyon dahil sila ang biktima nito na hindi nila maibabalik pa ang kanilang katarantaduhang gustong gawin. Ika nga nila ay nasa huli ang pagsisisi. Nakita nito kung paano dukutin ng nagtatalimang kuko ang tumitibok nitong puso at mabilis na pinisa na walang pag-aalinlangan.

Agad na nalaglag ang walang buhay na katawan ng bandido at malakas na bumagsak sa lupa habang nakadilat pa rin ang mata nito na bakas ang labis na pagkatakot dahil sa karumal-dumal at hindi inaasahang agarang kamatayan. Ang sayang nakapaskil sa mukha nito na inaakala nitong nakaligtas siya ay nagkakamali pala siya.

Ang medyo may kasukalang lugar na ito ay naging mistulang massacre area hindi ng mga ordinaryong mga martial artists na napapagawi dito kundi ang mga bandidong mahilig mismong gumawa ng krimen ang siyang naging biktima ng karumal-dumal na kamatayan rito. Nakita ng ilan kung paano pinatay ng binatang si Van Grego ang mga masasamang mga bandido sa ere habang lumilipad ito at kung paano nito pinaslang ng walang awa ang mga bandidong ito sa lugar na matatawag na paboritong spot ng nasabing mga masasamang martial artists na mahilig mangikil at kumitil ng buhay ng sinumang bibiktimahin nila lalo na ang may mabababang Cultivation Levels.

Nang makita ito ng ilan ay halos hindi sila makapaniwala sa pangyayaring ito at kunv paano mismo walang awang pagkitil ng buhay ng mga bandido ay nagpatindig ng kanilang mga balahibo at hindi nila maiiwasang makaramdam ng takot at magbitaw ng kanilang sariling mga komento at opinion lalo na ang isang grupo ng martial artists na masugid na pinapanood ang bawat galaw ng hindi pa nila kilalang martial artist na nakaasul na robang butas-butas pa ito.

"Hindi ko aakalaing mayroong lumaban sa kanila ng patayan. Hindi ko aakalaing mahahabol nito ang tumatakas na mga bandido na tinatawag na Green Bandits."

"Kung alam lang ng binatang ito na hindi lamang labindalawa ang miyembro nito ay siguradong magsisisi itong pinaslang nito ang kasamahan ng mga ito."

"Estranghero siguro ito kaya hindi nito alam ang maaaring mangyari sa kaniya sa oras na magtipon-tipon sa lugar na ito ang iba pang mga kasamahan ng Green Bandits grabe magalit ang mga ito!"

"Kaya nga eh, brutal pa nitong pinatay at mag-isang pinaslang ang mga ito. Hindi lamang iyon dahil patuloy na hinahabol ang tumatakas na miyembro ng grupo na ito."

"Bahala siya. Dapat ay hindi niya na lamang nilabanan ito at hinayaan na lamang. Mahalaga pa ba ang prinsipyo niya kung buhay na niya ang kapalit nito?!"

"Nakakamangha ang abilidad nito an halatang hindi isang ordinaryong martial artists ngunit nakakaawa lamang dahil hindi nito alam na paparating na ang hindi mabilang na miyembro ng bandidong ito mula sa iba pang mga lugar sa East Wing."

"Sinabi mo pa at alam na nating brutal na pagpapahirap at kamatayan ang ipapataw ng grupong ito na mga sworn brothers ng mga ito. Nakakaawa talaga dahil imbes na umiwas sa gulo ay gulo mismo ang nilapitan niya estupido!!!!! hahaha..."

More Chapters