Ficool

Chapter 210 - Chapter 40

Naglalakad na si Van Grego malayo sa pamilihan. Nang makita niyang walang tao o umaaligid sa paligid ay agad niyang binuksan ang mapa. Nakita niyang may tatlong malalaking linya ang nakaguhit sa buong mapa ng East wing ngunit blangko ang isang mapa ng lugar ng Human Teritory.

HUMAN TERRITORY

HYBRID TERRITORY

MARTIAL BEAST CULTIVATORS TERRITORY

Ito ang nakasulat sa loob ng tatlong bahagi ng bawat malalaking linya.

Nagulat naman si Van Grego dahil sa pangyayaring ito. Hindi niya aakalain na ang tatlong linya ay nagsisilbing borders o boundaries ng tatlong magkakaibang nilalang. Ang Hybrid teritory ang nasa gitnang parte at sa kaliwa naman ang Human Teritory at nasa kanang bahagi naman ang teritoryo ng Martial Beast Cultivators.

"Hindi ko aakalaing nagkaroon ng pagkakabaha-bahagi ang tatlong bumubuo sa lahi na nakatira sa mundong ito kaya siguro maliit na porsyento lamang ang nakikita kong Martial Beasts o mayroong consciousness ang naninirahan dito o napapagawi dito maging ng mga tao. Kung gayon ay isa palang hybrids sina Eric at Kai dahil ang kanilang tribo ay nagngangalang White Raven Tribe at ang kadugo nitong lahi na Black Raven Tribe. Kung gayon ay nasa Hybrid Teritory ako ngayon?! Hindi kaya ang nagbebenta na matanda ay isa ring Hybrid at halos lahat ng naririto ay Hybrids?!" Sambit ni Van Grego habang naglalakihan ang kaniyang mata. Kaya ganoon na lamang ang sistema rito pero hindi naman siya nangangamba dahil alam niyang walang sinuman ang mangangahas na gumawa ng gulo rito.

Agad na pinag-aralan ni Van Grego ang kaniyang mapa na hawak upang sa gayon ay hindi siya maligaw. Naglagay siya ng Concealment Ring sa kanyang hinlalaki upang bumaba ang kaniyang lebel ng Cultivation.

Agad niyang tinahak ang daang papunta sa boundary ng Martial Beasts na siyang hangganan ng boundary ng teritoryo ng mga Hybrids. Medyo namangha rin siya dahil marami siyang makikitang mga mababangis na Martial Beasts sa kasukalang bahagi ng Hybrids ngunit wala pang consciousness ang mga ito. Ang alam niya kasi ay nag-uumpisang mamuo ang consciousness ng mga mababangis na halimaw kapag nakatungtong na ang mga ito sa Martial Emperor Realm pataas o nagkakaedad ng isang daang taon na nalampasan ang normal na boundary ng mga Martial Beasts at tinatawag na silang mga Martial Beast Cultivators.

Naghanap muna si Van Grego ng tagong lugar upang isagawa ang kaniyang plano, ang makipagsanib sa kaniyang Martial Soul ang Martial Spirit. Matagal ng panahon ni Van Grego na hinihintay ang pagkakataong ito.

Maya-maya pa ay maingat siyang pumunta sa kasukalang bahagi ng tinatahak niyang lugar at mabilis naman siyang nakahanap ng abandonandong kwebang puro maliliit na insekto na lamang ang naninirahan rito.

Nilagyan niya ng napakaraming uri ng mga arrays at mga formations ang piligid nv kweba upang hindi siya makaagaw ng atensyon sa iba.

Mabilis siyang umupo ng maayos at dito ay mabilis niyang inilabas ang isang kakaibang garapon na mayroong lamang isang kulay puting dambuhalang nilalang na maihahalintulad sa isang dragon na walang iba kundi isang Flood dragon na walang consciousness o bakas ng dating Stardust Envoy Silent Walker na isa na lamang ngayong Martial Spirit.

Mabilis na pinalabas ni Van Grego ang kaniyang enerhiya sa katawan at mabilis na nabasag ang lalagyan ng Martial Spirit.

Animo'y sumasayaw sa hangin ang Martial Spirit habang animo'y kilalang-kilala niya ang enerhiyang nagmumula sa katawan ni Van Grego. Hindi ito parehas sa Martial Spirit noon ni Van Grego ngunit masasabing mong napakalakas rin nito. Isang flood dragon na siyang isa sa pinakamalakas na Martial Demonic Beast sa mundong ito.

Ngunit maya-maya pa ay nagtransform ang Martial Spirit sa nakakatakot na totoong anyo ng Flood Dragon. Mabilis na pinagana ni Van Grego ang kaniyang sariling enerhiya sa katawan at pilit na kinokontrol nito ang Martial Spirit lalo na ang kaniyang Moon Qi at Spiritual Qi.

"ROOOOAAAARRRRR!!!!!"

Isang napakalakas na atungal ng flood dragon ang biglang umalingawngaw sa buong paligid. Maging ang mga Hybrid Cultivators at ang mga halimaw na nasa malapit ay nanginig ang kanilang mga katawan sa narinig nila.

"Isang malakas na bloodline ng isang di kialalng halimaw?! Anong nangyayari?!" Sambit na lamang ng mga ilan sa mga ito lalo pa't isa sila o mayroon silang bloodline ng mga Martial Beast. Kung kaya't ang sigaw o atungal ng mas malakas na bloodline ay kahinaan ng mas mahinang nilalang. Ramdam nila ang biglang pagkagulo ng kanilang mga enerhiya sa katawan.

"Umalis na tayo at lisanin na ang lugar na ito dahil baka mayroong gumambala sa malakas na halimaw na iyon." Sambit ng isang Hybrid Cultivator na nanginginig sa takot. Mabilis siyang umalis sa lugar na ito upang lumayo sa lugar na ito na pinaghinalaan nilang pinamamahayan o teritoryo ng malakas na nilalang na iyon.

...

Mabilis na kinontrol ni Van Grego ang Spiritual energy at Moon Qi sa kaniyang katawan at malasinulid itong tinatalian ang nagpupumiglas na flood dragon. Napakalakas ng martial spirit na ito. Hindi niya aakalaing isa itong Millennium Martial Spirit. Isang napakapambihirang martial Spirit na maaaring gamitin ni Van Grego upang baguhin ang mundong ito ngunit sa pagsubok niya na pag-isahin ang kaniyang Martial Soul at ang Martial Spirit na ito ay siguradong malaki ang pagbabagong magaganap sa kaniyang kapalaran.

"Handa na ko sa desisyong aking gagawin. Para baguhin ang mundong ito at ibalik ang kaayusan nito ay isang napakagandang pangyayari na maaari kong gawin." Sambit ni Van Grego habang makikita na seryoso siya rito. Sa oras na makasanib na ang kaniyang Martial Soul sa Martial Spirit na Flood Dragon ay gagapang na ang sumpa, mababago ang kapalaran niya maging ang responsibilidad niya sa mundong ito ay napakalaki.

Mabilis na pinalitaw niya ang kaniyang Martial Soul na nagulat na lamang si Van Grego na dambuhala na ito. Nagulat pa siya ngunit gumalaw ang dambuhalang puting ibon papunta sa Flood Dragon.

"Shhrriiiieeecckkkkkkk!!!!"

Sumugod ang puting ibon papunta mismo sa Flood Dragon at pinilit nitong kinalmot ng kinalmot habang ang Flood Dragon naman ay nagpupumiglas na animo'y nasasaktan.

Maya-maya pa ay nagulat na lamang si Van Grego nang biglang umagalpas ito at lumipad paitaas.

Yun ang akala ng Flood Dragon sapagkat mabilis itong sinundan ng puting ibon habang mabilis nitong tinuka at kinalmot ng kinalmot ng Puting ibon.

"ROAARRRRRR!!!!!" Malakas na atungal ng Martial Spirit na Flood Dragon at nakipagsagupaan na sa Puting ibon.

Peng! Peng! Peng!

Mabilis na pinaghahampas ng Flood Dragon gamit ng puting pakpak nito na patulis at pinagkakalmot ang puting ibon na gusto itong higupin siya.

Agad namang napaatras ang misteryosong puting ibon habang mabilis naman itong sumugod at animo'y nagalit ito at pumagas ng pumagas ng malakas ang pares ng pakpak nito at pumaitaas ito.

"Ssshhhhhriiiiiiieeeeeccccckkk!!!!!!!!

Paikot-ikot pa itong bumulusok sa lugar ng Flood Dragon. Halos nagulat naman ang flood dragon. Halos magkapareho lamang kalaki ang flood dragon at ang misteryosong puting ibon kaya hindi na kataka-taka na halos parehas lamang ang lakas ng mga ito.

Tumalsik naman ang maliit na Flood Dragon sa lapag. Ganon na lamang ang gulat ni Van Grego nang mabilis na lumapag ang misteryosong ibon at hinigop ng tuluyan ang hinang-hinang flood dragon gamit ang bibig nito. Ngayon lamang siya nakakita ng ganitong klaseng kabrutal at kapalaban na Martial Soul.

Ngunit bigla lamang si Van Grego nakaramdam ng panlalabo ng kaniyang mata. Nakita niya kung paano uminit ang kaniyang pakiramdam na animo'y nasa isa siyang nakakapasong lugar at nag-uumapaw ang enerhiyang biglang pumasok sa kaniyang katawan.

"AHHHHHH!!!!!!"

biglang sambit ni Van Grego habang makikitang gumuhit sa gwapong mukha nito ang ibayong sakit na ngayon niya lamang nararamdaman. Karaniwang Martial Spirit lamang ang nakukuha at hinuhuli niya mga 1000 year hanggang 10,000 year old lamang ngunit ang One million year old na Martial Spirit ay isang suicidal act.

Nakita na lamang ni Van Grego ang kaniyang sariling nasa loob ng isang kakaibang ngunit nakakatakot na lugar na punong puno ng mga nakakalat na mga kakaibang simbolo habang makikita ang isang kamukhang-kamukha niya na nakagapos at nakatali ang kamay nito sa magkabilaan. Nakaramdam siya ng takot rito sa hindi niya malamang dahilan.

Mabilis na bumulas ang pares ng kulay ubeng mata ng lalaking kamukhang-kamukha niya at maya-maya pa ay napangisi ito ng makahulugan isama pang tumalim ang tingin nitong kasingtalim na kutsilyong animo'y mabilis na nakaturok sa iyo.

Tiningnan niya si Van Grego ng masama habang nguniti pa ito ng matamis.

"Hahahahahahahahahaha... Hindi ko aakalaing ngayon mismo ako makakawala sa pesteng lugar na ito hahahaha... Ako si Valc Grego na iyong kakambal. Sumama ka sakin Van dahil ikaw ay ako at ako ay ikaw. Tayong dalawa ang maghahari sa mundong ito at nakatakdang sumakop sa iba pang malalaking mundo. Wawasakin natin at papaslangin ang sinumang humadlang sa atin. Wag mong hayaan ang sarili mong alipinin ng mga responbilidad ng mundong ito. Halika at sabay nating makakamit ang imortalidad at buhay na walang hanggan hahahahahahahaha!!!!!!"

Isang malakas na halakhak ang biglang alingawngaw sa lugar na ito habang mabilis na nakita ni Van Grego na nakawala na si Valc sa kaniyang pwesto at doon ay nawalan ng buhay ang mga simbolo at unti-unting namuo sa paligid ang nakakatakotn a anyo ng kadiliman nang nagsasabing kambal nito na si Valc na hindi niya alam kung maniniwala siya rito. Gulong-gulo siya sa pangyayaring ito.

Maya-maya pa ay bigla na lamang nararamdaman ni Van Grego na bumalik siya sa kasalukuyang lugar na nasa kuweba habang nakaupo ng maayos ngunit bigla na lamang siyang napatayo.

Lumabas sa katawan niya mismo ang kamukhang-kamukha niya at kasing tangkad at payat niya ito ngunit nakasuot ito ng itim na kasuotan habang makikita ang itim na enerhiyang bumabalot sa buong katawan nito. Hindi lamang iyon dahil isa rin itong 1-Star Martial Ancestor Realm Expert katulad niya.

Napaluhod na lamang si Van Grego habang makikita ang pagdaloy ng masaganang dugo sa bibig nito. Makikitang halos nawalan ito ng lakas.

"Hahahaha... Hindi ko alam na napakahina mo. Inaasahan ko ang iyong sagot at magiging desisyon mo sa oras na magtagpong muli ang ating landas at sana ay malampasan mo ang katangahang ginawa mo. Ako na si Valc Grego ang maghahari sa mundong ito kung hahadlang ka sa aking plano ay ihanda mo na ang iyong sarili sa iyong nalalapit na kamatayan hahahahah!!!"malakas na pagkakasabi ni Valc Grego habang makikita ang malademonyong ngiti nito na napalitan ng halakhak. Mabilis itong naglaho sa lugar na ito habang naiwan si Van Grego na hinang-hinang nakaluhod at tanging ang dalawang kamay lamang nito ang Sumusuporta sa kaniya.

Pinilit ni Van Grego na umupo ng maayos habang ipinikit nito ang kaniyang puting pares na mata habang ipinasasailalim ang kaniyang sarili sa pag-absorb ng Martial Spirit ng Flood Dragon. Ang puting ibon ay muling nagpakita sa likod ni Van Grego na animo'y nakayakap ito sa binata hanggang sa tuluyan nitong nilukob at binalutan ang binata na animo'y nagsusumamo rin ang misteryosong puting ibon sa master nito.

...

Isa, dalawa tatlo... Hanggang sa isang linggo nang naging ganito ang pwesto ng binata at ang Martial Spirit nito. Wala pa ring pagbabago ang nangyari sa mga nagdaang lumipas. Yung tipong nasa isang lugar lamang sila ngunit ano kaya ang pagbabagong nangyayari sa binatang si Van Grego?!

Maya-maya pa ay bigla na lamang gumalaw ang dambuhalang puting ibon na makikita mong mas tumingkad ang kulay nito at dumoble ang lumaki nito maging ang pakpak nito ay animo'y mas naging prominente at makkitang halos tumulis ito.

Nang matanggal ang pares ng pakpak nang nasabing puting ibon ay lumitaw ang binatang si Van Grego na mas pumuti pa ang balat nito at naging parang jade-like structure ang katawan nito na may noble aura. Kung titingnang maigi ay parang isa siyang prinsipe sa itsura nito ngunit ang damit nito ay ganon pa rin ngunit wala kang makikitang anumang peklat o sugat man lang maging ng kumapit na dumi ay wala kang makikita.

Hindi lamang iyon ang nakakamanghang pangyayari sapagkat isa ng ganap na 3-Star Martial Ancestor Realm Expert si Van Grego. Mas humaba din ang pilikmata nito na bumagay sa kanyang kaanyuan.

Bigla na lamang nagmulat ng mata si Van Grego at makikita ang kakaibang tingin sa pares ng mata nito.

"Hindi ako sigurado kong sino ka Valc ngunit kung maghahasik ka ng lagim sa mundong ito ay ako ang makakalaban mo. Hindi kita aatrasan lalo pa't isa na akong ganap na successor ng nag-iisang Stardust Envoy Silent Walker. Ako na ngayon ang bagong Stardust Envoy Silent na siyang magsasaayos sa mundong ito. Tutuklasin ang misteryong nagaganap noon at susupilin ang sinumang nasa panig ng kasamaan. Puputulin ko ang sumpang itong dumadaloy sa aking katawan maging ang pwersang bumibilanggo sa mundong ito!" Sambit ni Van Grego habang makikita ang kakaibang kislap sa mata nito na nagsasabing babaguhin niya ang mundong ito sa paraang alam niya. Hindi niya hahayaang mangyari muli ang kinakatakutan na pangyayari noong nagdaang mga Era, Ang Great War.

More Chapters