Ficool

Chapter 209 - Chapter 39

"Mahirap sagutin ang mga tanong mong yan binata, dahil baguhan ka ay sasabihin ko sayo ang isang bagay na alam namin. Mayroong napakaraming pwersa ang bumubuo sa Central Region at hindi maitatangging ito ang bumubuo sa bawat sangay sa lugar rito. Mayroong apat na bahagi ang Central Region at mayroong mga Wings na tinatawag na tumutukoy sa apat na direksyon. Ang South Wing, North Wing, East Wing at West Wing. Ang kinaroroonan mo ay ngayon ay East Wing kasi magkaiba ang direksyon dito kumpara sa ibang rehiyon sa hindi malamang dahilan. Maraming mga masasamang nilalang ang naririto at nagkukubli ngunit ang paborito nilang kublian at pagpapalakas ng pwersa ay sa labas ng Central Region. Kaya nga hindi naaasikaso ng mga opisyales ng Central Region ang ibang mga Rehiyon sapagkat dito ang ugat ng problema at maraming suliraning kinakaharap ang mga otoridad dito. Kaya nga hindi kataka-taka na doon pumunta si Jinron sa labas ng teritoryong sakop ng sentral na rehiyon." Mahabang salaysay ni Eric habang makikitang malungkot rin ito. Tanging ang mga kriminal na pinapahanap lang sa kanila ang nahuhuli at ang ibang mga malalakas na nilalang ay hindi nila mahuli-huli sapagkat hindi naman ganoon kalakas ang pwersang kaniyang kinabibilangan upang humuli ng mga kriminal na mayroong matataas na Cultivation Level.

"Ganon ba? Paumanhin talaga sa aking sinasabi. Salamat at isinama at ipinagamot niyo ako kahit hindi niyo ako ganoon kakilala. Dito din kasi ang punta ko at nandito din ang mga kaibigan ko ngunit ako lamang ang naiwan sa Arnigon Continent. Maaari ko bang malaman kung alam niyo kung saan matatagpuan ang Raining Cloud Academy?!" Sambit ni Van Grego habang makikita ang pag-asa nito na matagpuang muli ang kaniyang mga kaibigan.

Mistulang nagulat at natahimik sina Kai at si Eric na mistualng gumuhit sa kanilang mata ang kakaibang tingin.

"Kung ako sa'yo ay wag mong balakin ang pumunta pa roon. Isa pa ay tapos na ang kanilang pagre-recruit." Simpleng sagot ni Kai na animo'y nagbababala.

"Bakit naman, bibisita lang naman ako doon ah. Isa pa ay isang estudyante sila doon kaya may karapatan silang bisitahin sila ng kahit na sino. Yan ang nakalagay sa karatulang ipinadala nila." Pag-iinsist ni Van Grego habang makikita ang malaking katanungan sa kaniyang isipan.

"Hindi ka ba nakakaintindi ha, delikado ang lugar na iyon. Hindi mo alam ang hirap para makapasok doon. Ang Raining Cloud Academy ay mayroong Martial Dominator Realm Expert na founder ng nasabing Akademya at naoakaraming Martial Ancestor Realm Expert at Martial Sacred Realm Expert. Ang kaibigan mo ay nasa maayos pang kalagayan ngunit kapag nagkamali sila ng galaw ay mapapaslang sila." Direktang sambit ni Kai sa binatang si Van Grego. Hindi niya alam na napakatigas ng ulo ng binatang ito. Maski nga siya ay hindi maaaring makialam sa usapin patungkol roon kahit na may kakayahan siyang pumunta roon ngunit napakarami ng bilang ng mga martial artists na naroroon.

"Bakit, ano bang klaseng pamamalakad ang ipinapatupad sa loob ng Raining Cloud Academy?! Bakit napaka-istrikto nila sa kanilang mga estudyante roon?!" Sambit ni Van Grego habang labis na nagtataka.

"Walang sinuman ang makakapasok roon kahit na sinuman. Napapalibutan ang paaralan ng napakalaking Formation na kayang pumatay ng Martial Precognitor Realm Experts at masusugatan nito ang isang Martial Monarch Realm Expert. Kaya kung may binabalak kang masama sa kanila o pumasok doon ng walang pahintulot ay nagsasayang ka lamang ng iyong panahon sapagkat ang mangyayari alam na ang magiging resulta." Sambit ni Eric habang nagpapaalala ng mga bagay-bagay.

"Hmmm... Hindi naman siguro Demonic Cultivation Path ang sinusunod nito hindi ba?!" Sambit ni Van Grego habang nagtatanong ito kay Eric.

"Hindi, sapagkat kapag mayroong demonic path school dito ay malalaman agad ng karamihan ngunit hindi man isang Demonic Cultivation Path ang Raining Cloud Sect ay mayroon naman itong sinusunod na patakaran. Weakest to Strongest Tier kung saan ang mga mahihina ay nasa ilalim at sila yung inaalila sa akademya at ang mga malalakas ay sila ang pinakasikat at pinakamaraming Cultivation resources pero ang mahihina ay siguradong wala ring nakukuhang Cultivation resources sapagkat ang kanilang Cultivation resources ay kinukuha rin ng mas malakas sa kanila. Karaniwan sa mga nasa weakest tier ay ang mga baguhan lalo na ang mga bagong recruit sa iba't-ibang rehiyon. Walang kaalam-alam ang mga newbie kaya sila ang siguradong aalilain ng mga dati ng mga estudyante o mga estudyante mula sa Central Region mismo." Seryosong pagkakasabi ni Eric habang tiningnan nito ang reaksyon ni Van Grego na makikita ang labis na inis sa nalaman niya.

"Bakit ganon na lamang ang ginawa ng Raining Cloud Academy, bakit hindi nito sinabi ang patungkol sa sistema ng paaralan nito?!" Sambit ni Van Grego habang makikita ang labis na pagkadismaya mula sa nasabing akademya.

"Bakit nila iyon sasabihin? Gusto nilang humakot ng maraming estudyante sa iba't-ibang rehiyon kaya hindi na rin kataka-taka na hindi nila ito sasabihin. Paano sila magrerecruit kung sasabihin nila?abuti na lamang at hindi ako napunta rito kundi sa normal na akademya lamang na walang rules na ganito pero di rin maiiwasan ang pagkadamay sa gulo. Ang Raining Cloud Academy kasi ay isang bagong tayo lamang na paaralan kaya ganon lamang ang kompetisyong nangyayari sa loob ng paaralan. Hindi parehas sa malalaking mga Akademya na walang quota, walang minimum requirements at higit sa lahat ay hindi na kinakailangan na magrecruit ng maraming estudyante mula sa iba't-ibang rehiyon para dito." Sambit ni Eric habang nakikita ang sobrang lungkot at habag sa naloko ng Raining Cloud Academy at iba pang bagong Akademya.

"Ganon ba?! Saan ba ang pinakamagandang Akademya na maaaring mag-aral ang isang baguhang estudyante?!" Sambit ni Van Grego habang makikita ang kalmadong ekspresyon nito sa kaniyang mukha.

"Sa Star Wrecking Academy. Hindi sila nagmakaroon ng Weakest to Strongest Tier System kundi Contributions at Achievements ang basehan nila para dito ngunit ang kanilang basehan ay mayroon kang mataas na background at tanging mga elite class lamang o mga maharlika lamang ang nag-aaral dito at ang mga malakas at talentadong mga martial artists ang nag-aaral rito. Bakit mag-aaply ka ba dito upang mag-aral? Pero base sa Cultivation Level mo at sa talento mo ay siguradong hindi ka papasa. Kahit si Jinron ay talentado ngunit ang background nito ay hindi pasado maging ako rin.

"Hindi ako ang mag-aaral doon kundi ang mga kaibigan ko hehe..." Kakaibang ngiti ang nakapaskil sa mukha ni Van Grego matapos niyang sabihin ang mga salitang ito.

"Hahaha... Nahihibang ka na nga. Ako nga na isang one in one thousand year Genius ng White Raven Tribe na aking pinagmulan ay hindi nakapasok sa Star Wrecking Academy pero tanging si Kai lamang ang nakapag-aral doon hahaha... Nangangarap ka ata ng gising binata." Sambit ni Eric habang hindi nito mapigilang tumawa. Parang naiisip niyang nahihibang o nasisiraan na ng bait ang binatang ito upang pumunta sa lugar na iyon at paano niya ipapasok ang sarili nito sa Star Wrecking Academy diba lalo na ang kaibigan niya raw?! Kahit sino ay masasabing nahihibang na ang binatang nasa kaniyang harapan na si Van Grego.

Mistulang nagulat naman si Kai sa sinabi ng binatang nagngangalang Van Grego. Hindi niya alam ngunit nararamdaman niyang may kakaiba sa binatang ito at kung paano ito nagkaroon ng mataas na confidence sa sarili nito.

Napangisi na lamang si Kai sa sinabi nito.

"Patunayan mo yan binatang Van Grego hindi yung nagsasabi ka lamang ng mga bagay na napakaimposible lalo na at isa ka lamang ordinaryong martial artists mula sa waoang kwentang rehiyon at kontinente. Kapag nagawa mo yang pinagsasabi mo ay quits na tayo at huwag kang magsasalita o makikialam sa kaso ni Jinron. Niligtas ko ang buhay mo at dinala ka rito sa Central Region kaya palagay ko ay hanggang dito na lamang ang ating huling pagkikita." Seryosong sambit ni Kai habang mabilis itong naglakad na siya namang sinundan ni Eric.

Nasa pintuan na sina Eric at Kai nang muling nagsalita si Van Grego.

"Maraming salamat at niligtas mo o niyo ko. Utang ko sa inyo ang buhay at tatanawin kong utang na loob itong malaking tulong niyo sa akin. Alam ko ang aking limitasyon kaya makakaasa kayo na tutupad ako sa usapan." Sambit ni Van Grego.

"Mabuti at nagkakaintindihan tayo. At maaari ka ng umalis ngayong araw." Sambit ni Kai habang dire-diretso itong lumabas sa pintuan na siyang sinundan ni Eric at sinarado ang pintuan.

Naiwan naman si Van Grego na nakatingin sa pintuan. Hindi niya aakalaing may tutulong sa kaniya sa delikadong sitwasyon na kinakaharap niya noon. Alam niyang mabuting Cultivator ang lalaking Kai na iyon patunay na niligtas siya nito mula sa bagsik ng lalaking nagngangalang Jinron.

...

Isang oras ang ginugol ni Van Grego habang namamangha sa kaniyang natuklasan sa kaniyang katawan partikular na sa kaniyang Cultivation Level.

"Hindi ko aakalaing makakamit ko ngayon ang ganitong lebel ng Cultivation na walang iba kundi ang Martial Ancestor Realm. Hindi lamang iyon sapagkat nakokontrol ko ng maayos ang aking mga enerhiya sa katawan. Talagang ang lebel na Cultivation na ito ay talagang nakakamangha. Ang dating huwad kong lebel ng Cultivation ay akin ng nakamit." Natutuwang sambit ni Van Grego sapagkat hindi na lamang ito panaginip kundi totoo na. Ngayon ay mahihirapan na siyang mapinsala ng sinuman lalo na ng Jinron na iyon. Napansin niya rin kasi na napakatibay na ng kaniyang katawan at nag-improve rin ang toughness ng kaniyang katawan na mayroong body Cultivation System Level na Perfect Diamond Rank. Ang susunod na lebel ng Body Cultivation Level ay hindi niya pa nasusubukan. Siguro ay kapag makahanap siya ng lugar para sa bagong pamumuhay o buhay niya sa malawak na lugar na ito. Yung tipong nababahala at nag-aalala siya sa kalagayan ng kaniyang mga kaibigan.

Mabilis na inayos ni Van Grego ang kaniyang sarili habang tiningnan niya ang kaniyang mga Interstellar rings at iba pa na napahinga siya ng maluwag sapagkat kompleto naman ito at walang mga nawala sa kaniya. Masasabi niyang mapagkakatiwalan talaga si Kai at Eric na nagbantay sa kaniya at nagdala rito.

Agad na rin niyang nilisan ang lugar na ito na nalaman niyang isa palang paggamutan ito at hindi lang basta isang basta-bastang paggamutan kundi isang Guild na tinatawag na Vermillion Healers Guild.

Nakita na lamang ni Van Grego ang kaniyang sarili sa isang malawak na panilihan. Kung di siya nagkakamali ay isa ito sa dinarayo ng iba't-ibang martial artists sa East Wing. 

"Nakalimutan kong itanong kung saan matatagpuan ang Martial Beasts Alliance hayst." Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan lamang. Imbes na tumunganga ay mabilis niyang inilibot ang kaniyang paningin upang malaman kung saan mayroong siya makabibili ng mapa.

Nakita ni Van Grego ang mga tindang napa ng isang matandang nagtitinda sa gilid lamang ng bangketa sa may lilim ng puno. Kumpara sa iba ay ito lamang ang may pinakamaliit na pwesto. Nakita niyang nagtitinda ito ng scrolls kung kaya't ito ang una niyang pinuntahan sapagkat puno na rin at siksikan ang mga tao sa iba't-ibang stall ng mga scrolls na may malawak na pwesto.

Walang atubiling pinuntahan niya ito sabay lapit rito habang mabilis siyang nagtanong.

"Maganda umaga ginoo, maaari ko bang malaman kung may mapa ka diyan papunta sa lugar na tinatawag na Martial Beasts Alliance?" Diretsang tanong ni Van Grego kung saan ay mabilis niyang nakita ang reaksyon ng matandang lalaki.

Talagang nagulat ang lalaking nagtitinda sa maliit na stall kung saan ay halos walang bumibili rito. Isa pa ay isa itong lahing tao at halos lahat naman dito ay lahing tao. Konti lamang ang makikita mo ritong mga hybrid at halos wala namang nakikita si Van Grego na isang Martial Beast na nag-anyong tao. Karamihan sa mga naririto ay mga Martial Dominator Realm Expert pababa. Marami ding mga karatula na bawal ang lumikha ng gulo rito na siya namang sinusunod ng lahat.

"Iho?! Totoo ba ang naririnig ko tungkol sa sinabi mo na tinatanong mo ko sa mapang kinaroroonan ng Martial Beasts Alliance?! Hindi mo ba alam na napakadelikado ng lugar na iyon at tanging ang malalakas na Human Martial Artists lamang ang pumupunta o kaya ay bumibisita roon. Halos lahat ay alam ang lugar na iyon lalo na ng mga lahi ng mga tao sapagkat iniiwasan nila iyon. Kung hindi ako nagkakamali ay hindi ka tagarito at isa kang manlalakbay." Sambit ng matandang lalaking nagbebenta.

Napakamot na lamang ng batok si Van Grego.

"Tama po kayo Lolo, nais ko lang naman pong malaman ang mapa upang maiwasan ko ang lugar na iyon. Pwede po ba?!" Sambit ni Van Grego. Ayaw niyang ipaalam rito na layunin niyang pumunta sa teritoryo ng Martial Beasts Alliance dahil baka hindi pa siya nito pagbentahan eh.

"Tama yan iho. Dahil medyo maingat ka at isa kang manlalakbay ay kailangan mo talaga ang mapang ito. Ibibigay ko ito sa halagang dalawang pilak." Sambit ng matandang nagbebenta.

Agad namang nagbayad si Van Grego sapagkat nakita niyang mas okay pa ang mapang ito kumpara sa ibinigay ni Master Soaring Light na halos walang kaguhit-guhit iyon.

More Chapters