Ficool

Chapter 216 - Chapter 46

Maya-maya pa ay nakita na lamang ni Van Grego ang huling destinasyon niya at yun ay ang lugar na kinaroroonan ng Mutated Giant Black Bear. Mabilis niya itong pinuntahan at nakita na lamang niya ito sa isang sulok habang hinang-hina. Ngunit nagulat siya ng naglaho ito at mabilis itong nakarating sa pwesto niya.

Whooossshhhh!!!!

Isang pamatay na atake ang biglang ipinalasap jito kay Van Grego. Nanlaki ang mata ni Van Grego ngunit napangisi pa siya sa inasta ng mabangis na halimaw na ito.

BOGSSHHH!

Isang malakas na pagsabog ang biglang nangyari sa kinaroroonan ni Van Grego habang makikita ang malaking hukay na nagsisilbing resulta ng atake ng halimaw.

"Hahaha... Hindi ko aakalaing isa kang mapanlinlang halimaw. Kung hindi ako nagkakamali ay mayroon ka ng kamalayan hahaha... Ano ang ginagawa mo rito gayong isa kang Martial Beast Cultivator hahaha!!!!" Sambit ni Van Grego habang makikita na animo'y sigurado ito sa kaniyang sinasabi. Base na rin sa kaniyang obserbasyon ay malakas na nilalang ito.

"Hahaha... Hindi ko aakalaing mayroong makakapansin sa aking kinikilos. Wala ka ng pakialam kung ano ang ginagawa ko rito hehe... Sino ka para kwestiyunin ang pamamalakad at batas ng Martial Beast Cultivators Territory?! Isa ka lamang estranghero sa lugar na ito." Sambit ng Mutated Giant Black Bear habang nakatingin ng masama sa binatang si Van Grego.

"Hindi ako tanga para hindi mapansin na isa ka ng ganap na Cultivator. Isa ka ng Martial Ancestor Realm Expert kaya alam kong namuo na ang iyong kamalayan. Isa pa ay kataka-taka naman na ako ang unang pinuntirya mo hahaha!!!" Sambit ni Van Grego habang isinasalarawan ang kaniyang naging obserbasyon sa kaninang pangyayari.

"Akong si Veno at masasabi kong kahanga-hanga ang iyong obserbasyon na nagpapatunay lamang na mataas ang iyong persepsyon. Kung hindi ako nagkakamali ay gusto mong manghimasok sa teritoryo namin pero binabalaan kita na huwag ka ng pumunta sa aming teritoryo lalo na kung pupunta ka sa mismong sentral na bayan ng Martial Beast Cultivator Territory. Ngunit nakakaawa ka, sa kasalukuyan mong lakas na isang 1-Star Martial Ancestor Realm ay isa ka lamang langaw sa harap ng kapwa ko Martial Beast Cultivators hahaha!!!!" Sambit ni Veno na may mapanghamak na tingin at pangmamaliit sa binatang kaharap nito.

"Akong si Van Grego ay mula sa lahi ng mga tao ay hindi aatras sa aking paglalakbay na isinasagawa. Sa iyong inaasta ay parang sinasabi mong napakalakas ng inyong lahi. Kung hindi ako nagkakamali ay isa ka lamang ordinaryong mamamayan ng Martial Beast Cultivators Territory. Mapagsamantala ka lalo pa't ang mga halimaw na naririto ay mga mahihina at wala pang kamalayan. Sinasamantala mo pa ang oportunidad na ito upang magpalakas pa lalo. Mas nakakahiya ka!" Sambit ni Van Grego. Kung pwede lang sabihin na siya ang bagong Stardust Envoy ng mundong ito ay siguradong matatakot ang sinuman sa kaniyang titulo ngunit magiging isa rin itong dahilan upang maghatid sa kaniya ng ibayong panganib. Ang mga kalaban ng dating Stardust Envoy Silent Walker ay hindi pa tukoy o kung mas dumami pa at lumakas. Tanging ang kapatid niya lamang ang pinakakatiwalaan nitong lubos.

Mistulang nagulat naman si Veno sa narinig niya lalo na sa inasta at sinabi ng binatang tao sa kaniya. Makikitang biglang tumalim ang tingin nito sa binatang si Van Grego.

"Ang lakas ng iyong loob binatang tao na nagngangalang Van Grego. Hindi mo ata nakikita ang iyong sarili na nasa teritoryo ka namin kaya ayusin mo ang tabil ng iyong dila. Ang lakas ng loob mong tawagin akong isang ordinaryong mamamayan hahaha... Sa kasalukuyang lakas mo ay siguradong hindi mo ko kakayanin hehehe..." Sambit ni Veno habang makikita ang galit nito sa sinabi ng binatang nagngangalang Van Grego. Isa itong pang-iinsulto kung tutuusin ngunit para sa kaniya ay hindi siya ordinaryo dahil mas malakas siya ng limang lebel sa binatang ito sa parehong boundary.

"Hahaha... Nagpapatawa ka ata halimaw, kahit ano'ng sabihin mo ay hindi mo pa rin maipagkakailang lubos kang napinsala ngayon at hindi mo iyon maitatagp mula sa akin. Ang dapat umayos sa atin ay ikaw at hindi ako." Sambit ni Van Grego at mabilis na nagsagawa ng Skill.

Mabilis na nagmaterialize sa kaniyang kamay ang isang kakaibang arrow na gawa sa tubig. Mabilis na lumitaw rito ang isang napakatalim na palaso na animo'y gawa sa isang Saint Beast.

"Blue Luan Bird?! Hindi ito maaari?! Sino ka estranghero at ano'ng ginagawa mo rito?!" Sambit ni Veno habang makikita ang pagkagulat sa kaniyang mata. Hindi niya aakalaing pinag-aaralan ng binatang ito ang isang makapangyarihang Saint Beast na walang iba kundi ang pambihira at napakalakas na Blue Luan. Sa tanang buhay niya ay ngayon lamang siya nakakita ng martial artist na mangangahas pag-aralan ang konsepto ng tubig sa likod ng isang makapangyarihang Saint Beast. Isa itong napaka-rare talent.

"Wala akong nais sabihin sa'yo. Isa akong estranghero at mananatili akong estranghero. Kailangan mo ng mamatay dahil sa panlalamang na ginagawa mo!" Sambit ni Van Grego habang matalim na tinitingnan si Veno. Hindi nito aakalaing napakawalanghiya ng mga ginawa nito. Isa kasi itong kataksilan at isang pang-iinsulto sapagkat ang ganap na Cultivator na Martial Beast ay hindi na maaaring makipaghalubilo pa sa mga Martial Beasts na walang kamalayan. Sa inaakto ni Veno ay ginagawa niyang oportunidad ang bagay na ito.

"Hahaha... Pwes hindi kita hahayaang mangyari ang gusto mong mangyari. Isasama kita sa hukay!" Sambit ni Veno habang makikita ang labis nitong pagkamuhi sa binata ngunit nagsisi siya kung bakit kinalaban niya ito. Ngayon ang tanging magagawa niya ay labanan ang mga ito sa paraang alam niya.

"Subukan mo at humanda ka sa hagupit ng aking lakas hehehe..." Nakangising sambit ni Van Grego. Hindi niya pagsisisihan na patayin o paslangin ang nilalang na katulad ni Veno isa pa ay magiging hadlang ito sa kaniyang plano. Marami itong alam sa teritoryo ng mga Martial Beast Cultivators kaya makakatulong rin ang bloodline nito para sa gagawin niya sa hinaharap.

Agad na binitawan ni Van Grego ang isang Blue Luan Deathly Arrow.

Whooossshhhh!!!!!!!!

Isang malakas na tunog ng pagbitaw ni Van Grego ng isang palaso maya-maya pa at bigla na lamang humati ng humati ang mga palaso sa ilang magkakatulad na itsura ng mga palaso.

Tss... Tss... Tss...!

Animo'y may buhay ang mga pana na animo'y nagsusumigaw ang mga ito sa galak habang papunta ito sa direksyon ni Veno. Nasa isang daan ang bilang ng mga ito. Sa kasalukuyan ay ito ang pinakamalakas na abilidad ni Van Grego at limitasyon niya sapagkat hindi ganoon kadaling ensayuhin at pag-aralan ang bawat konsepto lalo na ang mga pangunahing elemento ng mundo.

"Hmmp! Hindi mo ko mapapaslang ng mga atake mong yan! Break for me!" Sambit ni Veno. Kinagat nito ang habang mabilis na nagkaroon ng kakaibang enerhiya na lumalabas sa katawan nito. Nagmistulang nagkaroon ng pagbabago sa katawan nito. Naging nakakatakot ang itsura nito at pulang-pula ang pares na mata nito.

Mabilis na nawasak ang mga pana at nabasag isa-isa habang natunaw ang mga ito.ang iba ay tumama sa dambuhalang katawan ni Veno ngunit natunaw lamang ito.

"Hindi ko aakalaing desperado kang makaligtas sa iyong nalalapit na kamatayan at kailangan mo pang sunugin ang iyong blood essence hahaha!!!" Natatawang sambit ni Van Grego habang bigla siyang lumikha ng mga maliliit na hand seals.

Sa totoo lamang ay hindi niya inaasahan ang biglaang paglakas ng halimaw. Sumara na rin ang mga malalang mga sugat ni Veno sa kaniyang katawan na kagagawan ni Van Grego ngunit alam niyang halos nalalapit na rin ang limitasyon ni Veno. Sinuri ni Van Grego ang katawan ni Veno ngunit nakita niya lamang na hindi na stable ang lagay ng enerhiya nito sa katawan dahil sobrang gulo na ito

Whooosh! Whooosh! Whooosh! ...!

Ang mga maliliit na seals ay nagkaroon nagmaterialize at lumutang sa ere. Mabilis rin na bumulusok sa kinaroroonan ni Veno ito.

Nagulat naman si Veno sa kaniyang natuklasan.

"Isa kang formation Master?! Hindi maaari ito. Isa ka lamang walang kwentang nilalang na naligaw sa teritoryo namin!" Sambit ni Veno habang makikita ang galit nito. Hindi siya naniniwalang isa itong formation Master dahil bilang lamang ang mga ito. Karamihan dito ay mga nasa mga Sect.

"Paniwalaan mo ang dapat mong paniwalaan. Hyahhhhh!!!!" Sambit ni Van Grego habang makikita na nagsagawa ito ng panibagong Skill.

Nagbago ang anyo ng kaniyang pana at naging isang malaking espada. Mabilis na naglaho sa ere si Van Grego at mabilis na iwinasiwas ang kaniyang espada papunta kay Veno na isang dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear.

Nagulat naman ang Mutated Giant Black Bear na si Veno ngunit huli na dahil nasa kaniyang harapan na ang binatang nagngangalang Van Grego.

Ang tanging nagawa na lamang ni Veno ay iharang ang kaniyang dambuhalang dalawang wrist. Makikita ang labis na pagkabahala sa mukha nito.

Tssaakkkkk!!!!

Isang tunog ng pagkahiwa ang biglang maririnig sa kanilang pwesto.

"Grrrrroaarrrr!!!!!!!!"

Umalingawngaw sa lugar na ito ang sigaw ng dambuhalang oso na animo'y lubhang dumaing sa pinsalang natamo nito.

Nakita niya mismo kung paano tumalab at bumaon sa kaniyang wrist ang talim ng dambuhalang espadang hawak ng binatang si Van Grego.

Agad na binalikwas ni Veno ang kanyang dambuhalang wrist at doon ay napabulusok paatras si Van Grego kung saan ay naglikha ng malaking pagsabog. Hindi rin ito inaasahan ng binata sapagkat ang

"Ggrrrrrooooaaarrrrrrrr!!!!! Akala mo ay mapapaslang mo ko ng iyong pipitsuging sandata na gawa lamang sa konsepto ng tubig, kung isang ganap na Law yan ay ikakamatay ko pa iyan pero sa kasalukuyan mong lakas ay mabibigo ka lamang hahahaha... Kayang-kaya kitang paslangin gamit lamang ang aking pisikal na lakas hahaha!!!!" Sambit ni Veno habang kapansin-pansin na lumalaki ang katawan nito kumpara kanina.

"Hahaha... Daming mong dada pero hindi mo naman ako mapapaslang sapagkat ang iyong sariling katawan ay nasa limitasyon na at ang iyong emerhiya ay sobrang gulo na haha... Bakit mo ginawa iyon sapàgkat alam mong nanganganib ang buhay mo sa hinahamak mong lahing tao na kinabibilangan ko hahahaha!!!!!" Natatawang sambit ni Van Grego habang makikita niyang nagsisinungaling lamang ang halimaw na si Veno.

"Hahaha... Alalahanin mo pa rin na limang lebel ang agwat ng ating Cultivation Level. Kung ordinaryong 6-Star Martial Ancestor Realm Expert ay malamang ay matatalo mo ko pero ang aking lakas ay hindi rin pangkaraniwan. Nagkaroon ako ng mutation kaya alam mong hindi kailanman mapapantayan ang aking fortitious encounters kaysa sa ordinaryong mga nilalang lamang hehe..." Sambit ni Veno habang makahulugan itong nakangisi habang kaharap si Van Grego habang makikita ang mapang-inggit nitong tingin sa binatang si Van Grego.

"Kung inaakala mo ay interesado ako sa masuwerte mong mga encounters ay nagkakamali ka. Ang iyong bargain na ginagawa ay isa lamang kahangalan. Nagpapakita lamang na napakatuso mong nilalang na hindi na dapat mabuhay pa." Sambit ni Van Grego habang makikita ang pagtalim ng tingin nito kay Veno.

"Sigurado ka ba binata?! Hindi mo ba naitatanong kung ano ang aking fortitious encounters noon bago ko nakamit ang aking kasalukuyang lakas sa kasalukuyan?!" Nakangising sambit ni Veno na animo'y mayroong pinupunto na kong ano.

"Wala akong paki sa iyong sinasabi. Kung ano man iyon ay h--------!" Sambit ni Van Grego habang makikita na animo'y hindi ito interesado sa sinasabi ng halimaw na si Veno.

"Paano kung sabihin ko sa'yo na isang bangkay ng Blue Luan ang aking natagpuan noon lamang hehehe..." Sambit ni Veno habang makikita ang kaniyang kakaibang ngisi sa kaniyang mukha.

Mistulang nagulat naman si Van Grego sa kaniyang narinig lalo pa't ang sinasabi nitong Saint Beast ay bibihira lamang makita sa mundong ito. Sinong maniniwala sa isang dambuhalang nilalang na isang mapanlinlang at tuso pagdating sa bagay na magkakaroon ito ng malaking benepisyo. Mas gugustuhin nitong linlangin ang kaniyang sariling kalaban sa isang pambihirang nilalang na Blue Luan. Hindi nito siguro alam ang maaaring mangyari sa katusuhan nito. Ang bagay na patungkol rito o lalo na sa maalamat na nilalang kagaya ng mga Saint Beast ay hindi maaaring gawing katatawanan lamang. Kung Overlord ang mga Warrior Beasts katulad ng mga Primal Golden Apes at iba pa, ang mga Saint Beast naman ang parang True Overlord ng Lower Realm.

More Chapters