Hàhaha... Akala mo ay maniniwala ako sa iyong simasabi halimaw?! Saan mo naman nalaman ang mga bagay patungkol sa Blue Luan? Tunay na hindi mo alam ang iyong sinasabi. Paano akong maniniwala sa iyo kung wala ka namang pruweba!" Sambit ni Van Grego habang masakit nitong tiningnan si Veno.
"Hehehe... Tunay ngang ikaw ay bata pa at hindi pa alam ang napakaraming sikretong nakapaloob sa mundong ito. Akala mo ba ay walang Blue Luan sa Lugar na ito? Ang kanilang bangkay ay nandirito pa ngunit nakakubli lamang sa marami. Hindi mo ba alam ang mga sinaunang labanan ng mundong ito?!" Sambit ni Veno habang nakangisi. Hindi alam ng binatang ito na masyado pa siyang musmos. Ang kaniyang edad ngayon ay halos apat na beses ang agwat kumpara rito. Kung hindi dahil sa kaniyang fortitious encounter noon ay malamang ay hindi siya ganito kalakas kumpara sa ordinaryong mga Martial Beast na kinakailangan pang hintayin na maging Martial God Realm Expert bago pa magising ang kanilang bloodline para lumakas ngunit siya ay malakas na ngayon paano pa kapag naging Martial God Realm Expert na siya at magigising ng tuluyan ang kaniyang bloodline? Siguradong ito ang pinakainaasam at pinaka-inaabangan ng lahat ng mga nilalang maging ng mga Hybrid, Tao at ng iba pa. Hindi lamang sila maaaring lumipad kundi magigising din ang natutulog nilang mga abilidad dahil sa kanilang bloodline. Mas malakas ay mas talentado. Kaya gagawin niya ang lahat mabuhay lamang siya at makaligtas sa kamatayan. Mahina man siya ngayon pero kapag nakaligtas siya sa pagkakataong ito ay siguradong babalikan niya ang binatang ito at papatayin niya rin ito.
Nagulat naman si Van Grego sa kaniyang narinig mula sa dambuhalang halimaw na si Veno. Kung tutuusin ay walang katuturan ang mga sinasabi nitong mga bagay. Alam ni Van Grego kung gaano kahirap maghanap ng Blue Luan ngunit dahil sa tulong ng kanyang dating master na si Master Vulcarian ay napadali ang kaniyang paghahanap. Idagdag pang malawak ang dovine sense nito at may abilidad pa itong maghanap mg mga pambihirang bagay mula sa malayo. Kung si Van Grego ang tatanungin ay wala namang binatbat at walang kakayahan ang dambuhalang halimaw na si Veno ang gawin ito. Kung isa itong Martial Monarch Realm Expert o Martial God Realm Expert ay maniniwala siya ngunit nag-aalinlangan siya sa kredibilidad ng halimaw na ito.
"Hindi basehan ang edad para sabihin mo sa akin iyan. Sa palagay mo ang isang 6-Star Martial Ancestor Realm Expert na katulad mo ay kayang mahanap ang bangkay ng isang Saint Beast na Blue Luan? Kung tutuusin ay katatawanan lamang ang iyong lebel para sa mga mas matataas na boundary ng Cultivation Ranks." Sambit ni Van Grego habang may inis sa kaniyang boses. Kahit bata na martial artists ay hindi pagkakatiwalaan ang kalaban nitong minsan na siyang subukang paslangin nito.
"Tama ka bata na sa aking Cultivation Level sa kasalukuyan ay maaaring mababa kumpara sa matataas na mga Cultivation Levels ng mga eksperto ngunit yun nga lang ang pagkakamali nila dahil ang isang katulad ko ay mayroong malaking sikreto." Sambit naman ni Veno habang hindi pa rin matanggal-tanggal ang ngisi sa kaniyang mukha. Ang kanyang kasalukuyang lakas ay hindi nga paghihinalaan.
"Sinasabi mo sa akin na isa ito sa dahilan kung bakit hindi ka mahahalata ng iba. Talagang ang iyong istilo ay napakasama. Biruin mong dito ka pa nagpapalakas sa Laccolith na ito, nakakahiya ka!" Sambit ni Van Grego habang makikita ang iritasyon ngayon sa mukha nito. Kaya ngayon ay alam niya na kung bakit nandito ang dambuhalang halimaw na ito.
"Hahaha... I guess alam mo na ang aking mga plano para sa hinaharap. Kung magtutulungan tayo ay siguradong hindi tayo mahihirapan sa hinaharap hehehe..." malademonyong sambit ni Veno habang makikita ang kakaibang ngisi nito na hindi mawala-wala man lang.
"Doon ka nagkakamali halimaw, hindi ko alam kung ano ang iyong punto pero ang makipagtulungan sa iyo ay hindi ko layuning daluhan. Tungkol naman sa Blue Luan ay alam ko na ang iyong ipinapahiwatig. Kung hindi ako nagkakamali ay hindi mo pa tuluyang naabsorb ang bangkay o mga remains ng Saint Beast na Blue Luan at nais mo itong balikan sa oras na mas lumakas ka, tama ba ko?" Sambit ni Van Grego habang nakangisi. Sino ba naman ang tanga para hindi malaman ng sinuman ang binabalak nito.
Mistulang nagulat naman si Veno sa narinig niya mula sa binata at nagkaroon ng nagugulumihanang ekspresyon sa mukha nito ngunit maya-maya pa ay napangiti na lamang ito.
"Kamangha-mangha ang iyong sinabi. Hindi ko aakalaing napakatalino mo pala upang malaman ang aking ipinupunto. Ito nga ang aking plano noong una pa lamang at hindi ko itatanggi iyon mula sa'yo binata." Sambit ni Veno habang makikitang seryoso ito sa kaniyang sinasabi tanda na inaamin nito ang kaniyang layuning magpalakas at lumakas sa hinaharap.
"Ngunit hindi pa rin iyon dahilan para magpalakas ka dito kung saan ay parang inuubos mo ang mga nilalang na naririto. Kung hindi ako nagkakamali ay hindi lamang ako ang unang taong nakapunta rito at marami pa ang nauna. Ngunit ito rin ang iyong layunin, ang patayin sila upang ikaw ang makakuha ng kanilang fortitious encounters. Tama ba ko?!" Sambit ni Van Grego habang makikita ang iritasyon sa mukha nito. Sino ba naman ang matutiwa kubg ganito ba naman ang gawain ng tuso at mapanlinlang na nilalang katulad ni Veno.
"Tama ka binata ngunit ang aking taktika ay nararapat lamang. Hindi ka lalakas kung hindi ka papaslang ng mga nilalang. Kahit ikaw naman siguro ay nakapaslang na rin at hindi mo iyon maitatanggi mula akin." Sambit ni Veno habang may malademonyong ngisi na nakapaskil sa kaniyang mga labi.
"Ginawa ko lamang iyon para protektahan ang aking sarili hindi katulad ng iba diyan na kung pumaslang ay pati mga inosenteng nilalang na nangaligaw o pumasok rito ay pinapaslang ngunit ang mga mas malakas sa kaniya ay hindi niya malabanan. Nabahag na ata ang buntot nito tama ba ko Veno?!" Sambit ni Van Grego habang siya naman ang napangisi sa kaniyang winika.
"Pinariringgan mo ba ko binata? Hindi ko aakalaing mayroon kang matabil na dila. Humanda ka sakin Grrrooooaarrrr!!!!"Sambit ni Veno habang mabilis na lumaki ang katawan nito at mas lalong lumalakas ang kaniyang enerhiyang inilalabas mula sa kaniyang katawan.
"Hahahahaha... Nahihibang ka na ata, upang makaligtas sa akin ay kailangan mo pang sunugin ang iyong napakaraming blood essence, nakakamangha ngunit napakatanga mo hahahaha!" Sambit ni Van Grego habang malakas itong humalakhak na siyang umalingawngaw ngunit hindi siya nangangamba sapagkat hindi ito naririnig sa ibang lugar dulot ng usok. Medyo nagiging manipis na rin ang usok habang tumatagal kaya kailangan niya ng tapusin ang labanang ito sa pagitan nila ng tusong si Veno.
"GROOOOAAAAARRRRRRRRRR!!!!!"
Mabilis na naging kulay Asul ang balat ng Mutated Giant Black Bear habang makikita na mas humaba ang mga balahibo nito sa katawan. Ang kaniyang mga mahahabang kuko ay mas humaba pa at tumulis.
"Matitikman mo ang bangis ng aking galit binata!!!!!!" Malademonyong sambit ni Veno na hindi na ganon ang dating itsura at anyo nito. Mas naging nakakatakot rin ang boses nito na animo'y galing sa ilalim ng lupa.
Mabilis na naglaho si Veno habang hindi maramdaman ng binatang si Van Grego ang presensya nito na animo'y nawala ito na parang bula.
Hindi maaari, ang lakas niya ay dumoble o kaya ay trumiple. Kung hindi ako nagkakamali ay magiging all-out na ito sa laban namin. Masama ito!" Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan habang makikita ang labis niyang pangamba sa magiging laban nila. Isa itong do or die na labanan kaya hindi niya papayagang matalo lamang siya nito.
Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Van Grego at mabilis niyang isinagawa ang kaniyang pangalawang pambihirang skill ng Flood Dragon.
Mabilis na naramdaman ni Van Grego na mistulang naging kasingtigas ng kaniyang katawan ang flood dragon kung saan ang kaniyang astral Energies ay mistulang tumipon sa kaniyang balat.
Pinagana rin ni Van Grego ang kaniyang espesyal na Physique na walang iba kundi ang Diamond Vajra Body. Mistulang naging diyamante ang buong katawan nito.
Maya-maya pa ay naramdaman ni Van Grego ang mistulang pagkaroon ng presensya sa kaniyang likod. Isang malakas na suntok ang naramdaman ni Van Grego.
POOOOWWWWWWW!!!!!!
Nakita na lamang ni Van Grego ang kaniyang sariling tumalsik papalayo. Inaasahan niya ito ngunit hindi niya aakalaing ganon na lamang kabilis ang magiging atake ng halimaw na si Veno.
BOOOOGGGGSHHHHHHH!!!!!
Isang malakas na pagsabog ang naganap matapos bumulusok at tumama si Van Grego sa mga batuhan na siyang naglikha ng napakakapal na usok.
Agad na sumugod si Veno habang makikita ang talim ng mga kuko nito na animo'y handang saksakin ang binatang si Van Grego.
"Humanda ka sakin binata dahil ibabalik ko sa'yo ang pang-iinsulto mo sa akin. Akala mo ay hahayaan kitang mabuhay pero hindi mangyayari iyon, hinding-hindi!" Galit na sambit ni Veno sa kaniyang sarili habang makikitang handa na niyang paslangin si Van Grego anuman ang mangyari.
Ngunit ng puntahan niya ang binagsakan ng binatang nagngangalang Van Grego ay nagulat na lamang siya ng wala ito roon. Tanging malaking hukay lamang ang nakita niya roon pero wala na ang kaniyang kalaban na isang tao.
"Iyon na ba ang pinakamalakas mong atake huh halimaw? Ni hindi mo man lang napanindigan na nakakuha ka ng enerhiya at kapangyarihan mula sa makapangyarihang Saint Beast na Blue Luan hahahaha..." Sambit ni Van Grego na walang tinamong kahit na maliit na sugat mula sa pagkakatalsik niya maging sa pagkakabaon nito sa malaking hukay.
"Talagang minamaliit mo ako binatang tao. Sisiguraduhin kong mapapaslang kita gamit ang aking taglay na lakas!" Sambit ni Veno habang mabilis jitong sinugod ang binatang si Van Grego habang ipinapakita nito ang sampong matatalas nitong mga kuko na naghahabaan.
Slash! Slash! Slash!
Mabilis na nagrelease si Veno ng tatlong Claw intent na mabilis na nagpabulusok sa direksyon ni Van Grego.
Mabilis na nagbago ang kamay ng binatang si Van Grego at naging kamay ng isang nakakatakot na nilalang. Nang makita ito ni Veno ay nagulat siya at nahintatakutan. Sagad sa buto ang dala nitong takot sa kaniya mula mismo sa kaniyang bloodline. Ngunit dahil sa kaniyang nakuhang enerhiya mula sa bangkay ng Saint Beast ay nalalabanan niya ang Suppression na nangyayari sa kaniya.
"Ano'ng klaseng halimaw iyang gawa ang dalawa mong kamay. Kung hindi ako nagkakamali ay hindi nalalayong isa rin itong Saint Beast tama ba ko?!" Sambit ni Veno habang makikita ang alinlangan sa boses nito. Gusto niyang lumabas sa bibig ng binatang nagngangalang Van Grego na hindi ito isang Saint Beast.
"Paano kung sabihin kong isa itong Saint Beast?! Kahit magkaganon man ay alam mong hindi ka na magtatagal sa mundong ito. Palala ng palala ang kalagayan mo at mamamatay ka rin naman dahil rin sa sarili mong kagagawan." Sambit ni Van Grego. Mabilis na humaba ang kaniyang mga kuko mula sa kaniyang pambihirang skill ng isang Flood Dragon na masasabing isa sa pinakamalakas na Saint Beast sa Lower Realm.
Mabilis na naglaho si Van Grego sa kawalan habang ang awra nito ay para bang nawala rin na parang bula.
Naalarma naman si Veno dahil sa kaniyang nasaksihan at nalaman. Hindi niya aakalaing napakalakas ng kapangyarihang taglay ng lahing tao na ito na naka-stumble sa pambihirang halimaw na isang Saint Beast.
"Akala mo ay natatakot ako sa'yo binata hehehe... Kukunin ko sa'yo ang lahat ng fortitious encounters mo katulad ng mga nabiktima kong kalahi mong mga tao hehehe...!" Sambit ni Veno habang makikita ang labis nitong kagalakan. Gagawin jiya ang lahat upang mabuhay at mapaslang ang binatang ito. Kung mapapaslang niya ito at makuha ang lahat ng meron ang binatang ito ay magiging makapangyarihang nilalang siya sa mundong ito. Nang malaman niyang isang pambihirang Saint Beast din ang maswerteng na-acquire ng binata ay halos mamula siya sa excitement na paslangin ito at higupin ang lahat ng enerhiyang meron ito at kainin ang binatang ito.
"Whooosh!"
Biglang lumitaw si Van Grego sa harapan ng halimaw na si Veno. Naalarma naman si Veno at dedepensa na sana ulit ito ngunit nawala na lamang si Van Grego at kumitaw sa gilid nito.
Mabilis naman ang flexes nito ngunit maya-maya pa ay biglang nawala naman ito.
Ganon na lamang ang bigla niya ng lumitaw sa likod niya si Van Grego.
"Slash! Slash! Slash!"
Naramdaman na lamang ni Veno na biglang may umatake sa kaniyang likod. Ramdam niya ang sakit sa kaniyang likod.
