Nang makarating sila sa pampang ay naunang lumabas ang sampong kawal habang bitbit nila ang nakangising si Jinron na may Nullifying Tie ang pares ng kamay nito. Wala namang pasa na makikita sa balat nito o bakas ng panghihina. Sinigurado ni Kai na maayos ang lagay nito upang hindi naman mapasama ang kanilang naging trabaho.
Agad namang makikita ang tuwa at saya sa mga mata ni Lorenzo Fivel habang nakikita ang anak nitong papunta mismo sa kanila pababa sa kanilang gawi. Animo'y natutuwa itong pumunta sa kaniyang at napayakap ito ng mahigpit.
"Anak ko! Bakit ka naman ha?! Pinag-alala mo ako sa iyong paglalayas. Mabuti na lamang at ika'y natagpuan nila." Malumanay na sambit ni Lorenzo Fivel habang makikita ang kaniyang nawawalang anak dahil naglayas ito. Makikitang tumulo pa ang luha nito.
Ngunit walang naging reaksyong ipinakita man lang si Jinron sa naging turan ng kaniyang ama. Mistulang estatwa lamang siyang malayo ang tingin.
Nang makita naman ito ng karamihan lalo na ng mga Opisyales ng Black Raven Tribe at White Raven Tribe ay hindi mapigilang nag-uusap-usap gamit angkanilang divine sense.
"Ano bang klaseng anak iyan. Napakasuwail talaga kahit kailan."
"Sinabi mo pa kumpare, masyadong naging pusong bato ang batang iyan ewan ko ba kung ano ang nangyari iyan?!"
"Sang-ayon ako dahil siguro wala itong inang tumayo habang lumalaki ito kaya ganito na lamang ang naging resulta ng pagpapalaki mag-isa ng ama."
"Wala akong masabi sa kasuwailan ng anak nito. Masyadong naging barumbado habang lumalaki.
"Ang sabihin niyo ay lumalaki ang ulo nito habang lumalaki at tumatanda. Napakatigas ng ulo ng batang yan!"
"Ewan ko nga lang kung bakit napaka-martir ng ama niyan. Kung ako siguro ang ama nito ay matagal ko ng kinalimutang may anak ako."
"Ako nga rin eh, masyadong mapusok at nagiging rebelde ang mga kabataan ngayon kaya hindi maipagkakailang naging ganito na lamang ang naging resulta ng pagpapalaki."
"Wag na kayong mag-away... Suwail na anak at hindi magandang halimba ito sa kabataan. Bakit pa kasi nila ibalik rito?! Baka manghasik naman ito ng lagim!"
"Magsitigil nga kayo... Aba aba, kapag narinig ito ng iba ay siguradong mamasamain kayo sa publiko. Tinaguriang opisyales pero puro chismis ang alam!" Sabat ng isang boses na siyang iinatigil at ikinatahimik ng lahat.
"Bakit nangangayat ata ang anak kong si Jinron?! Mukha atang hindi ito nagkakaroon ng masaganang kain o sapat na pahinga." Sambit ni Lorenzo Fivel habang tinitingnan ang sampong mga kawal at animo'y nagtatanong ang mata nito.
"Kasalanan po ba namin iyon?! Kung ayaw nitong kumain ay wala po kaming magagawa at hindi namin ito pinapabayaan ngunit napakatigas talaga ng anak niyo. Isang beses nga ay gusto nitong tumalon sa barko ngunit mabuti na lamang ay nahawakan namin kaagad." Sambit ni Ria habang tinitingnan ng diretso ang mata ni Lorenzo Fivel. Animo'y tinitingnan nito ang magiging reaksyon nito.
"Totoo ba iyon anak?! Sinubukan mong tumakas?!" Pataning na pagkakasabi ng ama nito na animo'y hindi ito makapaniwala.
Wala itong naging imik o pagtikab man lang ng bibig.
"Hehe... Pagpasensyahan niyo na ang aking anak ha dahil medyo naninibago siguro ito at idagdag pang masyado pang maaga para sa aking pagtatanong hehe..." Dagdag na sambit ni Lorenzo Fivel habang ipinapawala ang awkward atmosphere sa kanilang lugar na kinaroroonan mismo.
"Siguro naman ay pwede na tayong umalis pareng Lorenzo hehe..." Sambit ng isang Opisyales na kapantay sa posisyon ni Lorenzo Fivel na siyang isang judicial.
"Aba'y oo naman... Salamat nga pala sa inyong tulong upang ibalik sa akin ang aking anak. Dahil diyan ay ipapadala ko na lamang sa inyo ang inyong mga pabuya. Bitawan niyo na ang aking anak at ang Black Raven Tribe na ang bahalang humatol sa kaniya." Nakangiting sambit ni Lorenzo Fivel habang makikita ang animo'y kislap sa mata nito.
"Agad naman nitong hinila ang kaniyang anak upang sana'y dalhin ang anak nito sa kanilang tribo ngunit mahigpit ang pagkakahawak ni Jon at Jason sa magkabilang braso ni Jinron habang nanonood lamang ang walong kawal na animo'y walang balak na makisawsaw.
"Ano ba ang ginagawa niyo?! Sabing bitawan niyo ang anak ko." Sambit ni Lorenzo Fivel habang makikita ang medyo pagtataka nito sapagkat hindi pa binibitawan ng dalawang malalaking kawal ang anak nito habang walang balak rin na lumakad ang anak nito, nakapoker face pa ito at hindi malaman ang emosyon nito.
Umatras ng konti si Lorenzo Fivel at lumabas ang bagsik sa mukha nito.
"Sabing bitawan niyo ang anak ko sabi eh!" Medyo inis na sambit ni Lorenzo ng makita ang pagkayukot ng konti ng pagmumukha nito. Naglabas pa ito ng awra nito na ang papahiwatig na isa siyang Martial Dominator Realm Expert.
Imbes na mangamba at bitawan ng dalawang kawal na sina Jon at Jason ay mistulang napangisi pa ito. Kasabay ng pag-abot ng napakabigat na awra ni Lorenzo Fivel sa kanila ay siya namang pagharang ni Ronald sa harapan nina Jon, Jason at ng nakagapos na si Jinron. Lumitaw din ang isang malaking dambuhala ngunit nakakamanghang pabilog na bagay na gawa sa enerhiya na walang iba kundi ang Defense Array System ni Ria at mistulang nagkaroon ito ng porma at mukha na animo'y isang malaking tigre na walang ibang kayang gumawa sa sampong kawal kundi si Paulo.
Napaatras ng konti si Lorenzo dulot ng pagkaramdam nito ng nakakapandig balahibong matigas na depensang sinakop ng kaniyang awra.
"Ano'ng ginagawa niyong sampong mga basurang kawal kayo ha?! Ano ang karapatan niyo upang pigilan ako at hindi ba kayo nakikinig ha? Kami na ang bahalang humatol sa anak ko!" Medyo inis na pagkakasabi ni Lorenzo Fivel habang makikita ang labis na iritasyon sa mukha nito.
Agad namang lumapit ang sampong kawal ng Black Raven Tribe sa likod ni Lorenzo Fivel habang animo'y naglalabas ang mga ito ng kakaibang enerhiya sa katawan.
"Maaari naman siguro itong pag-usapan kaibigan hindi ba?! Wag ka munang magpadalos-dalos dahil tauhan ito ng aking anak at may rason siguro ang mga ito kung bakit hindi pa nila binibitawan at ipinapaubaya ang iyong anak sa inyong tribo." Mahinahong sambit ni Kerano Alvaroon na siyang ama ni Kai. Gusto nitong wag lumala ang sitwasyon.
"Ano na namang binabalak ng anak na si Kai?! Mukhang hindi talaga susunod ito sa aking plano. Hayst!" Ang tanging nasabi na lamang ni Kerano sa kaniyang isipan. Napahawak na lamang siya sa kaniyang noo.
"Hmmp! Talagang ang anak mong yan ay hindi nagbabago. Mahilig talagang makialam lalo na sa usaping paghahatol." Sambit ni Lorenzo Fivel sa kaniyang matalik na kaibigang si Kerano.
"Hindi ka pa ba nasasanay?! Ang aking anak ay may sariling desisyon at kahit na ako na ama ay hindi nito pinapakinggan. Alam mo namang ang mga kabataan ngayon ay hindi na makokontrol ng maagulang lalo na kapag tumatanda rin ang mga ito hahaha..." Napatawa na lamang si Kerano sa kaniyang sinasabi. Hindi nito lubosang sinabi ngunit alam na rin ito ni Lorenzo Fivel.
"Oo nga eh... Ewan ko ba sa kabataan ngayon. Mayroong iba't-ibang prinsipyo at ipinaglalaban sa buhay." Ang tanging nasambit ni Lorenzo Fivel. Hindi naman niya kasi close ang anak ng kaniyang matalik na kaibigan at hindi niya rin nagustuhan ang pag-uugali nito dahil masyadong matuwid, maprinsipyo at maawtoridad kung kumilos at gumawa ng mga bagay-bagay kaya hindi kataka-taka na malayo ang ugali nito sa ama nito maging sa mga kaedaran nito.
Maya-maya pa ay nakita ng lahat ang paglitaw ng binatang si Kai pababa ng barko. Makikitang may pasan itong isang binatilyo na walang malay ngunit ng masuri nila ito ay buhay pa naman ito yun nga lang ay alam nilang nasa malala ang lagay nito dahil sa abnormal na pagtibok ng puso nito at ang blood flow nito.
"Pasensya na Ama lalo na sa inyo Ginoong Lorenzo pero ang anak niyo ay may mas malalang ginawang katarantaduhang sobrang bigat na kahit kayo ay hindi maaaring makialam dahil baka kayo ay madamay kaya pinapaalalahanan ko kayong wag makialam sa bagay na ito." Seryosong sambit ni Kai sa lahat partikular na rito sa kaniyang ama at sa ama ni Jinron na si Lorenzo Fivel.
Mistulang napasinghap naman ang lahat at namilog ang kanilang mata. Parang tumaas bigla ang kanilang balahibo sa kanilang mga narinig. Hindi nila aakalaing mula sa bibig ni Kai ito nanggaling.
"Ehhh?! Ano na naman to Kai? Nagpi-feeling bayani ka na naman ba ha?! Ano naman ang sinasabi mo anak ha?!" Nagtatakang sambit ni Kerano sa anak nitong si Kai. Hindi niya kasi alam kung sino ang papanigan niya? Isa pa ay buhay ng anak ng matalik na kaibigan niya ang nakapukos rito at kung paano ito maaayos o mareresolba ay hindi niya alam. Masyado kasing magulo kausap ang anak nito.
"Hmmp! Kai, kai, kai, hindi ko aakalaing gaganituhin mo ko matapos kong humingi ng tulong mula sa'yo upang mahanap ang anak ko ay ganito ang resultang ibibigay mo sa amin lalo na sa akin?!" Madamdaming sambit naman ni Lorenzo Fivel na animo'y hindi siya makapaniwala sa mismong anak ni Kerano.
Halos hindi naman gumawa ng ingay ang ibang mga Cultivators na naririto maging ang ilan sa mga opisyales ng White Raven Tribe at ng Black Raven Tribe. Kahit sila ay naguguluhan kaya nag-uusap sila gamit ang kanilang divine sense. Hindi rin nila alam kung ano ang ipinagsasabi ng binatang si Kai.
"Kayo ama at Ginoong Lorenzo Fivel ang hindi nakakaintindi sa sinabi ko. Makakaalis na kayo ngunit hindi niyo maaaring dalhin ang anak niyo Ginoong Lorenzo!" Sambit ni Kai habang may diin na ang boses nito sa huling sinabi nito tandang binabalaan na soya ng binata.
"Pinilit mo talaga akong gawin ito Kai. Pwes kung hindi ka madadala sa maayos na usapan ay dadaanin ko ito sa dahas!" Galit na sambit ni Lorenzo Fivel habang nakatiim-bagang itong tiningnan si Kai ng masakit.
Hindi naman mapigilang biglang lumabas ang nakakatakot na enerhiya at namumuong mabigat na awra sa buong katawan ni Lorenzo Fivel habang mabilis nitong sinugod ang kinaroonan ni Kai.
"Kai!!!!" Malakas na sigaw ng ama ni Kai ngunit huli na ito dahil mabilis na narating ni Lorenzo Fivel ang mismong kinaroroonan ni Kai.
Imbes na matakot ay napangisi na lamang si Kai at muling nagwika.
"Lapastangan!" Malakas na sambit ni Kai habang makikita ang ma-otoridad nitong tono ng boses.
Ang papasugod na si Lorenzo sa tabi lang mismo ni Kai ay mabilis na tumilapon sa malayo na animo'y isang papel lamang itong humagibis patalsik sa ilalim ng karagatan.
BOOGSHHHH!!!!!
Lumikha ng malakAs na pagsabog ng tubig-alat at animo'y ngkaroon pa ng diturbasyon sa ilalim ng karagatan.
"Ppppooosszhhhh!"
Mabilis namang kumulo ang katubigan ng dagat at doon ay lumabas mismo ang galit na galit na si Lorenzo Fivel habang tumalon ito ng malakas at mataas.
"Sino kang pangahas na nilalang ka upang atakehin ako ng palihim?! Magpakita ka!" Galit na galit na sambit ni Lorenzo Fivel habang namumula pa ang mata nito dahil sa nag-aapoy nitong galit.
Nangilabot at nahintatakutan naman ang mga nanonood na Martial Artists na naririto. Ngayon lamang nila nakita na nagalit ang isang Judicial na si Lorenzo Fivel. Ang Cultivation Level nito ay isang 2-Star Martial Dominator Realm.
Maya-maya pa ay biglang lumitaw ang isang nilalang na nakasuot ng kulay asul na roba habang may pulang kulay ng kakaibang disenyo. Nakasakay ito sa isang Flying Sword at naglalabas ng higit na mas mataas na Cultivation Level kumpara kay Judicial Lorenzo Fivel.
"Isang Martial Precognitor Realm Expert? Hindi mapigilang maibulalas ng isang opisyales habang tinitingnan ang biglang dating na Martial Artist.
"Totoo ba ito?! Isang Martial Precognitor Realm Expert ang nakikita ko?!" Hindi makapaniwalang sambit ng isa pa. Sino ba naman kasi ang umasang mayroong lilitaw na isang malakas na eksperto sa lugar na ito idagdag pang halos ang mga malalakas na eksperto ay nasa mga seklusyon, paglalakbay sa delikadong mga lugsr upang maghanap ng swerte at iba pa upang lumakas ngunit naririto ang isang Martial Precognitor Realm Expert sa harapan nila.
"Talagang kakaiba talaga ang Kai na ito. Hindi ko aakalaing mayroon itong tagaprotekta na isang Martial Precognitor Realm Expert. Talagang nakakamangha!" Sambit ng may edad na lalaking opisyales ng Black Raven Tribe. Karamihan sa kanila rito ay mga Martial Sacred Realm Expert pababa at ang paglitaw ng isang Martial Precognitor Realm Expert ay talaga namang nakakamangha sa mata. Dalawang boundary ang agaw nito sa kanila o higit pa kaya ganon na lamang ang paghanga at pagkagulat na makikita sa kanilang mga mata.
"Anong tagaprotekta yang sinasabi mo? Tingnan mong maigi ang robang suot niya!" Sambit ng isang may edad ring martial artist na nanonood at nakasaksi ng nakakamangha na pangyayari.
"Blue Crane Legion?! Totoo ba ito?!" Sigaw ng isang matandang lalaking na isang opisyales. Hindi niya aakalaing may personal na darating na miyembro ng Blue Crane Legion.
