Tanaw na nila ang malaking pampang sa tabing-dagat nang matanaw nila na maraming mga bilang ng taong animo'y masugid na naghihintay sa pampang.
Natanaw ni Kai at ng sampong mga kawal ang mga ito at hindi sila magkamayaw at maluha-luha pa ang iba dahil sa wakas ay nakabalik na sila sa kanilang sariling lupang kinalakhan. Ito yung tipong nawalay man sila sa kanilang mga pamilya ng matagal dahil sa kanilang misyong dapat gampanan dahil sa tungkuling pasan nila at propesyong kanilang pinili. Hindi nila lubos aakalaing magiging emosyunal sila liban na lamang sa kanilang Boss Kai na mahilig maglakbay sa alinmang panig ng mundong gusto nitong lakbayin at tuklasin kung kaya't sanay na ito pero sila na hindi naman gaanong kasanay sa paglalakbay malalayong rehiyon ay naninibago rito. Mabuti na lamang at ang barkong sinasakyan nila ay masasabing isa sa pinakamabilis na barkong panglayag sa malalawak na karagatan kaya't hindi rin kataka-taka na mabilis silang nakarating rito. Yun nga lang ay hindi rin matatawaran ang essence stones na gamit upang patuloy na umandar ang nasabing barkong sinasakyan nila.
Sinuri ni Kai ang mga taong nasa malapit ng pampang at nasa unahang bahagi. Base sa mga roba nila ay bigla itong nagulat.
"Mga Opisyales?! Kung hindi ako nagkakamali ay si ama ang isa sa mga iyon na nakasuot na puting roba at ang kakaibang kulay asul na disenyo at ang nakarobang itim na may ginintuang disenyo ay ang ama ni Jinron kasama pa nito ang iba pang mga opisyales. Bakit silang lahat ay naririto?!" Sambit ni Kai sa kaniyang isipan lamang habang hindi nito alam kung bakit nag-aabang ang mga ito rito.
"Sino ang naghatid ng mensahe sa aking Ama?!" Seryosong sambit ni Kai habang mabilis niyang tiningnan ang sampong kawal sa kaniyang likuran. Naglabas ito ng mabigat na awra na siya namang ikinasinghap ng sampong kawal.
Tila naalarma at nakaramdam naman ng takot ang sampong kawal. Hindi nila aakalaing hindi natutuwa ang kanilang boss dahil sa ganitong klaseng probisyon.
Napakagat-labi naman si Ria dahil sa tanong na kaniyang narinig mula sa kanilang Boss na si Kai.
"A-ako p-po B-boss, kinompronta kasi ako ng iyong ama tungkol dito kung sakaling mahanap natin si Jinron ay ipagbigay-alam daw ko kaagad sa kaniya. Kaya nagpadala ako ng mensahe ng palihim kagabi pa sa pamamagitan ng pambihirang Sound Transmitting Talisman na aabot papunta sa Sentral na Rehiyon lalo na sa iyong ama." Sambit ni Ria habang ipinapakita ang mensaheng galing mismo sa ama ni Kai sa kaniyang palad.
"Agad namang kinuha ito ni Kai at nakita kung ano ang nakasaad sa mensahe. Dalawa lamang ang proposals ng ama nito sa kai Ria na nakasaad sa sulat habang may pirma pa ito ng kaniyang ama. Dalawa lamang ang pagpipilian ni Ria at yun ay ang hindi siya sumunod ngunit pamilya naman nito ang babalikan at ang pangalawang pagpipilian nito ay ang ipagbigay-alam alam sa kaniya kung sakaling nadakip na ito.
"Hmmm... Napakatuso talaga ng aking ama. Hindi ko aakalaing gagawin niya ito ng hindi man lang ikinokonsidera ang aking sariling pamamaraan. Kung sakaling mapunta sa paghahatol si Jinron sa Black Raven Tribe ay malaki ang tiyansang maprotektahan ito ng ama niya at magbabayad lamang ng kaukulang danyos. Ano na lamang ang mangyayari sa ginawan nito ng mga masasamang bagay lalo na sa mga oinaslang nito?!" Sambit ni Kai sa kaniyang isipan. Hindi niya aakalaing makikipagnegosasyon ang kaniyang ama sa matalik nitong kaibigan. Ewan ba niya pero nakaramdam siya ng ibayong inis sa kaniyang ama lalo sa Black Raven Tribe.
Agad namang ipinawala ni Kai ang kaniyang mabigat na awra sa paligid at nakakatakot na enerhiyang bumabalot sa kaniyang katawan.
"Sa susunod kung may mahalagang misyon ay ipagbigay-alam niyo agad sa akin lalo na sa mga taong gustong makialam sa misyong ating gagawin. Kahit pa ang ama ko ay maaari niyong sabihin ang ginagawa niyang ito dahil labag ito sa batas ng ating tribo maging sa alinmang malalaking tribo at mga Sect!" Paalala ni Kai sa sampong kawal na ito. Plano niyang isama ang mga ito sa kaniyang paglalakbay upang hindi na siya mahirapan pa sa mga misyong gagawin niya ngunit sa mga personal na gagawin niyang paglalakbay ay hindi niya maaaring dalhin ang mga ito sapagkat napakadelikado maging siya ay hindi niya alam kung makakaligtas siya.
"Masusunod po Boss Kai!" Sabay-sabay na sambit ng sampong kawal. Naguguluhan man si Felipe dahil hindi nito masyadong nakukuha ang nais na ipahiwatig ng kanilang boss ay sumang-ayon na lamang pero ang siyam na mga kawal ay alam na alam nila ang mga ito. Ngayon ay alam nilang may pagkakaiba ang ugali ng kanilang boss Kai sa ama nito at may namumuong tensyon sa mga ito ngunit nanahimik na lamang sila dahil hindi na sakop ng kanilang tungkulin ang personal na away pamilya ganon din sa bawat isa sa kanila na may personal na problema sa kanilang mahal sa buhay. Ito ang isa sa golden rule nilang mga kawal "don't ever make yourself involve to other's personal conflicts." Pero may isang exception rito halimbawa ay public scandal, public rumors at iba pang impormasyon kung saan ay pinag-uusapan ng publiko lalo na sa tumagas o leak na mga impormasyon. Dito ay pumapasok ang usaping seguridad, paghahatol at pagbeberipika ng mga impormasyon.
"Mabuti at nagkakaintindihan tayo lalo na sa'yo Ria. Wala ka bang tiwala sa akin at itinago mo ito sa akin?! Paano kung ang Black Raven Tribe mismo ang nagblackmail sa iyo o gumawa ng liham kung saan ay pipirmahan mo siguradong hindi lamang ikaw ang mapapahamak kundi ang pinakapuno ng lahi niyo maging sa pinabatang mga miyembro ng pamilya mo ang mapapahiya sa publiko at sa ibang mga sangay at grupo ng mga Cultivators. Maituturing kang isang traydor sa tribo natin. Hindi sa tinatakot ko kayo pero sana magtiwala kayo sa akin kahit sa ganitong bagay lamang." Sambit ni Kai na puno ng paalala at babala sa sampong nakayuko na ngayong mga kawal.
"Opo Boss!" Sabay-sabay muling tugon ng sampong kawal ngunit hindi naman mapigilang mapaluha na lamang si Ria at napahagulgol na nga ito ng iyak. Nalaman niya kasi ang kaniyang malaking pagkakamali rito. Kung sakali mang ginawa ito noon sa kaniya ng isang Black Raven Tribe ay siguradong malaki talaga ang problemang kakaharapin niya lalo na kapag nalaman na may koneksyon siya sa ibang tribo o nakipagsabwatan siya sa anumang paraan. Isa pa ay naanalisa niya ang mga bagay-bagay lalo na at pakiramdam niya ay pinangunahan niya ang kanilang Boss lalo pa't wala naman silang ginawa o nagawa para mahuli si Jinron. Nahihiya siyang humarap sa kahit na sinuman lalo na sa kaniyang boss na si Kai maging sa siyam niya pa nitong kasamahan.
Napatakbo na lamang palayo si Ria papunta sa kanilang silid. Hindi kasi nito makaramdam ng guilt sa lahat ng kaniyang ginawa na alam niyang maling-mali. Ewan ba niya pero pakiramdam niya ay ang sama-sama niya.
Susundan pa sana ng siyam na kawal so Ria ngunit mabilis silang inawat ni Kai na siyang boss nila.
"Huwag niyo na siyang sundan pa baka makagulo pa kayo sa kaniya. Hayaan muna natin siyang kumalma at resolbahin ang mga pagkakamali niya. Paghandaan niyo nalang ang pagsalubong natin sa mga matataas ns opisyales ng White Raven Tribe at ng Black Raven Tribe." Seryosong sambit ni Kai habang mahihimigan ng pag-uutos sa mga ito. Gusto niyang ipaalala sa mga ito na dito ay muli na namang babalik sila sa dati nilang tungkuling inaatang o nakaatang sa kanila.
"Pero boss paano po si Jinron at ang binatang tulog na tulog parin hanggang ngayon?!" Nag-aalalang sambit ni Jon. Hindi kasi nito alam kung ano ang mangyayari kapag naabutang walang malay lalong-lalo na si Jinron. Baka kasi pagkamalan pang sinaktan nila ito at sila pa ang mapasama.
"Wag kang mag-alala... Gising na iyan maya-ya lang." Sambit ni Kai habang mabilis nitong pinuntahan si Jinron
Habang ang siyam na kawal ay pumunta muna sa ibang parte kung saan ay sinusulit na nila ang ganitong tagpo dahil magiging abala na rin sila sa kanya-kanya nilang tungkuling gagampanan.
...
Nagising na lamang si Jinron habang nakikita ang kaniyang sariling nakahandusay pa rin sa sahig. Una niyang nasilayan pagkagising niya ay ang pagmumukha ng kaniyang kaaway na ayaw na ayaw niyang makitang muli.
"Hmmmm...mmmmm..!!!" Pilit na magsalita si Jinron ngunit tanging ungol lamang ang inilalabas nito tandang hindi siya pinapagsalita ni Kai.
"Wag mo ng subukan pang sumigaw. Siguradong maririnig ka ng iyong ama hahaha... Hintayin mo nalang na magkita kayong muli maya-maya lang!" Sambit ni Kai gamit ang kaniyang divine sense. Hindi siya tanga para hayaang makasigaw man lang ang suwail na anak na ito na isang spoiled brat dahil sa opisyales ang ama nito ng Black Raven Tribe. Kung sakaling sisigaw ito ay maaaring sugurin siya ng ama nito at ang mga kasamahan nitong mga Black Raven Tribe at siya ang mapapasama.
"Humanda ka sakin Kai. Kala mo ay papalampasin ko ang ginawa mong pagpapahirap sa akin dahil sa nilagay mong Violent Qi sa katawan ko? Pwes hindi dahil isusumbong kita sa ama ko at siya mismo ang papaslang sa'yo kasama ang mga tauhan nito!" Mapagbantang sambit ni Jinron habang animo'y tagos sa buto ang galit na nararamdaman nito kay Kai. Naalala kasi niya kung paano inilabas ni Kai ang kakaiba ngunit napakabayolenteng enerhiyang ngayon niya lamang na kita. Kulay pilak ito na animo'y parang kuryente o kidlat ngunit hindi niya matukoy ito ngunit hindi naman siya tanga na isa itong uri ng Violent Qi na kasabay na kino-cultivate ng mga malalakas na Martial Artist. Tanging ang malalakas na martial artists lamang ang kayang i-cultivate ito hindi lamang sa napakabayolente nito ngunit mayroon itong benepisyo sa kanila. Sa pagtatanim nila sa katawan ng mga nilalang na nais nilang pahirapan at patayin ay ang bagong host nito ang kukunan nito ng enerhiya upang patuloy itong mabuhay. Tanging ang naglagay sa katawan ng host ang maaaring magpalabas ng Violent Qi sa katawan nito o kaya ay humanap ng panlunas upang ma-dispell sa katawan ang violent qi na ito. Tinatawag din itong Curse Qi dahil maaaring kontrolin ito ng may-ari na Cultivator at gawin itong taning sa buhay ng sinuman. Mas malakas na violent qi ay mas mahirap puksain. May iba't-ibang uri ng violent Qi at karaniwang nakukuha ang mga ito sa Martial Beasts na malalakas halimbawa na lamang ay ang Frost Qi, Venom Qi, Demonic Qi at iba pa. Mas malakas at mataas ang Cultivation Level ng nasabing mga Martial Beast na mayroong Violent Qi ay mas malakas ang Violent Qi.
"Sigurado ka ba?! Alam mo ba kung ano'ng klaseng violent qi na kino-cultivate ko?! Baka kapag sinubukang i-dispel ng ama mo ang violent qi na nilagay ko sa iyong katawan ay baka sumabog lamang ang iyong katawan. Dapat ay maging good boy ka para humaba pa ang buhay mo dahil sa isang maling kumpas lamang ng aking kamay ay baka nakadilat na lamang sa sahig ang iyong mata hahahaha!!!" Sambit ni Kai na may mapagbantang pahayag gamit ang kaniyang divine sense papunta sa isipan ni Jinron. Gusto niyang ipakita rito kung sino ang humahawak sa buhay ng suwail na si Jinron na ito. Kung sino ang boss at kung sino ang alipin na tinatapak-tapakan lamang. Nagtitimpi lamang siya rito dahil kung siya lang ang masusunod ay kinitilan niya na ito ng buhay dahil para sa kaniya ay hindi na dapat ito nabubuhay pa.
Hindi naman agad nakapagsalita si Jinron halatang natakot siya sa sinabi nito. Kaya nga siya nahimatay ay dahil sa pesteng violent Qi na nasa loob ng kaniyang dantian na prenteng naghihintay lamang sa utos ni Kai na siyang ikinaiinis niya kung bakit hindi niya matanggal ito sa sarili niyang kakayahan.
"Hmmmp! Humanda ka sakin Kai dahil sa oras na ma-dispel ang pesteng violent qi mo sa aking dantian ay ikaw ang una kong papaslangin kapag nakalaya ako mula sa pang-aalipin mo sakin!" Sambit ni Jinron sa kaniyang isipan lamang habang hindi nito mapigilang magalit ng sobra.
Tiningnan niya lamang ang naglalakad palayo na pigura ng taong kinaiinisan niya at sagad sa buto ang galit niya rito. Hindi niya mapigilang magpadyak-padyak ng malakas at maglupasay sa sahig sa sobrang galit. Sino ba naman kasi ang gugustuhing manatili pa rito at ipamukha sa kaniya na napakahina at napakalampa niya sa mga oras na ito.
