Ficool

Chapter 218 - Chapter 48

"Hindi maaari ito, GROOOOAAAAARRRRRRRRRR!!!!!" Galit na galit na sambit ni Veno habang makikita na hindi nito nagustuhan ang ginawang pag-atake ng binata sa kaniyang likod. Mabilis nitong sinuntok ng malakas si Van Grego gamit ang kaniyang kamao.

BANG!!!!!!!

Isang malakas na pagsabog ang biglang narinig mula sa malayo na binagsakan ng binatang si Van Grego.

Hindi pa nakontento si Veno at mabilis niyang pinagsalikop ang kaniyang kamay at ginamit upang atakehin si Van Grego.

BANG! BANG! BANG!

Ang malalim na hukay na kinaroroonan ni Van Grego ay mistulang lumalim at lumalim dulot ng Sunod-sunod na atake ng halimaw.

SLASH! SLASH! SLASH!

Gamit ang matatalas na kuko ng dambuhalang halimaw na si Veno ay pinagkakalmot niya si Van Grego na animo'y gusto nitong balatan ng buhay ang binata.

Todo-depensa naman si Van Grego. Nagulat man siya sa ginawang pag-atake ng dambuhalang Mutated Giant Black Bear na si Veno ay hindi niya hahayaang mapinsala siya ng malubha ng nasabing halimaw. Gamit ang kaniyang Burning Heaven Claws ay mabilis niyang kinalmot si Veno.

Tssssaaaakkkkk!!!!

Maririnig sa paligid ang animo'y biglang pagkalmot ng laman. Nakakangilo at nakakatakot ang itsura ng mismong balat ng halimaw na si Veno ay nadala ng nakakatakot na kamay ng binatang si Van Grego. Napinsala nito maging ang laman ng kamay ng halimaw.

"Hahaha... Ano ang laban mo sa napakalakas na Saint Beast? Kung ako sa'yo ay sumuko ka na lamang Veno. Ang iyong kataksilan at kapalaluan ay malalaman ng lahat ng Martial Beast Cultivators sa lugar na ito. Sumuko ka na!" Sambit ni Van Grego habang pinipilit nitong wag na itong manlaban pa at isuko na lamang ang sarili nito sa awtoridad ng Teritoryong ito na sarili rin nitong lahi.

"Hmmmp! Parang sinasabi mo na rin na isuko ko na ang aking sarili para lumakas pa lalo. Parang sinasabi mong isuko ko na rin ang aking buhay! Hindi ako papayag Grrrr!!!!!!" Galit na wika ni Veno habang makikita na lubos niyang pinagsisihan ang makaharap ang binatang ito. Sa oras na makatakas siya mula rito ay sisiguraduhin niyang kikilatisin niyang masyado ang sinumang bibiktimahin niya. Hahanap siya ng lugar na pagtataguan at gagamitin upang marami siyang mabiktima. Sa oras na iyon ay maaari niya ng mahigop ng buo ang bangkay ng makapangyarihang Saint Beast na walang iba kundi ang Blue Luan.

"Alam ko naman na ito ang magiging desisyon mo. Hindi na nakakapagtaka na hindi nila malaman ang ginagawa mo sapagkat marami sigurong inaasikaso ang mga opisyales ng mga Martial Beast Cultivators kaya ganon na lamang ang pang-aabuso mo sa lugar na ito. Isa pa ay madali mo lamang malusutan ang imbestigasyon dahil sa mga natural na phenomenon na nangyayari sa ilalim ng Smokey Laccolith hindi ba?!" Nakangising sambit ni Van Grego habang makikita ang diin sa bawat sinasabi nito. Talagang tuso at mapanlinlang talaga ang klase ng nilalang katulad ni Veno.

"Mabuti at alam mo. Ang pagsuko sa awtoridad ng lahi naming ito ay nangangahulugan lamang ng isang suicidal act. Kahit sino sa aming lahi ay hindi masisikmura ang pagpapahirap na ginagawa sa kulungan. Sisiguraduhin kong ikaw ang mapapaslang binata bago mo pa ako mahuli! Burn for me!!!!!!!!" May pagkamuhing pagkakasabi ni Veno habang tinitingnan ng masakit ang binatang si Van Grego. Ayaw niya talaga ang mga nilalang na nagsasabi ng patungkol sa batas dahil ang batas ay para lamang sa mga malalakas. Walang batas para sa mahihina. Gusto niyang maging malakas para tapakan at pahirapan ang mga mahihina sa kaniya. Kung wala ng silbi ang mga ito ay papatayin niya ng walang awa at walang panghihinayang.

Ang buong dambuhalang katawan ni Veno ay mistulang dumoble ang laki. Ang mata nito ay wala ng itim kundi purong kulay pulang dugo ito. Ang dating aura nito ay napalitan ng mas nakakatakot na aura at nag-uumapaw na enerhiya na dumadaloy sa buong katawan nito. Hindi maitatangging halos wala na ang dating isang Mutated Giant Black Bear na si Veno kundi isang bagong personalidad.

"Malala ka na talaga Veno o mas mabuting sabihing isang dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear ka na lamang. Inubos mong sunugin ang iyong Blood Essence para lamang sumugal sa last chance mo na patayin ako. Talagang isa kang hangal!" Sambit ni Van Grego habang inikot-ikot nito ang kaniyang ulo. Talagang mali ang desisyon nitong paslangin siya o subukan ko siyang paslangin sapagkat ang lakas at depensa niya ay magkasing katulad lamang kay Veno. Kung gusto niyang paslangin ito ay kailangan niyang gamitin ang Flood Dragon Transformation Skill pero hindi niya maaari itong gamitin. Ilang minuto lamang ang itatagal ng pagburn nito ng Blood Essence kung saan ay lalakas ito ng pansamantala ngunit lubhang manghihina ito ng ilang buwan o baka abutin ng ilang taon depende sa kakayahan ng Martial Artists na magproduce muli ng sarili nitong blood essence. Isang bilyong Essence Energy ay katumbas ng isang Blood Essence kaya ganon lamang kahirap ang magproduce muli ng Blood Essence kung sakaling maubos itong gamitin o aksayahin ng sinuman.

GRRRRROAARRRR!!!!!!

Malakas na atungal ng Mutated Giant Black Bear na walang pansamantalang consciousness. Nakita nito si Van Grego at mabilis niya itong sinugod. Bawat pagtapak nito sa lupa ay nag-iiwan ito ng bakas o hulma ng malahigante nitong paa. Wala ring mararamdaman na anumang emosyon sa dambuhalang halimaw na ito kundi ang galit at pagkamuhi lamang katulad lamang ng mga mababangis o agresibong behavior ng mga Martial Beasts.

Malakas nitong hinatawa ang dambuhala nitong kamay sa kinaroonan ni Van Grego.

Bago pa man matamaan si Van Grego ay mabilis siyang lumundag paatras bago pa pumunta sa kanya ang dambuhalang kamay ng nasabing halimaw.

BANG!!!!!!

Isang malakas na pagsabog ang naganap ngunit wala itong tinamaan kundi ang tipak lamang ng mga bato at lupa kung saan ay sumabog lamang dulot ng pwersa ng kamay ng Mutated Giant Black Bear.

Mabilis itong tumalon sa kinaroroonan ni Van Grego at pinagsalikop ang kamay nito.

BANG!!!!!!!!

Ginamit ni Van Grego ang kaniyang Movement Technique bago pa siya direktang tamaan ng halimaw. Hindi man ito nakakamatay ay siguradong mapipinsala siya nito. Ang lamang niya ay hindi masyadong accurate ang atake ng halimaw at maraming flaws ang atake nito.

BANGGGG!!!!

Sumabog ang lupang natamaan ng atakeng mula sa Mutated Giant Black Bear habang makikita na mas malakas ang atake nito kumpara kanina.

GRRROOOOAARRRR!!!!!!!!!

Malakas na atungal ng Mutated Giant Black Bear nang makitang hindi nito natatamaan ang kaniyang bibiktimahin na si Van Grego habang makikita na masyadong nairita ang nasabing halimaw sa binata.

Mabilis na sumugod ang halimaw na uso sa pamamagitan ng paggamit nito ng kamay at paa nito at gumalaw na parang isang unggoy. Mabilis itong umakyat sa edges ng nasabing Laccolith at mabilis na tumalon sa kinaroroonan ni Van Grego.

"Napakakulit ng dambuhalang halimaw na ito. Hindi talaga ako titigilan nito hmmp!!!" Naiiritang sambit ni Van Grego habang makikitang nagsagawa naman siya ng panibagong Skill.

Mabilis na napalitan ang enerhiyang inilalabas ng katawan ni Van Grego ng nagbabagang apoy ang kaninang tubig na enerhiyang bumabalot at lumalabas sa katawan nito.

Nagmaterialize ang isang napakalaking sibat kung saan ay naglalabas ito ng kakaibang awra, ang awra ng nilalang na hindi matatagpuan sa Lower Realm, Ang Red Fury Dragon. Isa mang Saint Beast na maituturing ang Red Fury Dragon ngunit matagal na itong nawala sa mundong ito dahil sa destructive power nito at matagal ng nilisan ang lugar na ito kasama ang iba pang Saint Beasts katulad ng Blue Luan, Vermillion Bird, Flood Dragon at iba pa.

Maya-maya pa ay pinabulusok ni Van Grego ang Giant Spear papunta sa kinaroroonan ng tumatalon papunta sa kaniya na isang Mutated Giant Black Bear.

Tss... Tss... Tss...!

Nanginig pa ang Giant Spear na animo'y nagagalak itong ipamalas ang taglay nitong kapangyarihan. Maya-maya pa ay nagmanifest rito ang malabong anyo ng Red Fury Dragon at nagrelease ng Spear intent papunta sa Mutated Giant Black Bear.

"GRRROOOOAARRRR!!!!!"

Atungal ng malabong pigura ng Red Fury Dragon habang mas bumilis ang pagbulusok nito papunta sa kinaroroonan ng Mutated Giant Black Bear.

BANG! BANG! BANG! ...!

Nagkasagupa ang Giant Spear at ang dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear sa ere habang makikita na ayaw magpatalo ang sinuman ngunit halatang napinsala ng malubha ang Mutated Giant Black Bear habang nagsasagupaan pa sila.

PENG! PENG! PENG! ...!

Kinokontrol ni Van Grego ang kaniyang napakalaking Giant Spear habsng nilalabanan nito ang halimaw sa ere. Tuluyan na ngang nasasangga ng Mutated Giant Black Bear ang mga atake niya. Mabilis kasi nitong nahaharang gamit ang nagtatalimang kuko ng halimaw ang sibat niya. Medyo hindi sanay si Van Grego sa Aerial Combat at ang controlling ability niya sa mga Creation Technique sa iba't-ibang elements ay hindi pa gaano kahasa kapag nasa ere o himpapawid ang labanan. Hindi lamang ang Cultivation Level niya ang nagpipigil sa kaniya upang mahasa ito kundi maging ang kaniyang natutunan sa bawat konsepto lalo na sa mga elemento kagaya ng apoy at tubig ay masasabi niyang nasa Basic Stage pa lamang. Hindi kasi ito simpleng bagay na kapag may sapat na Essence Energies ka lamang ay makakaya mo ng magawa ito o kung isang araw lamang ay magiging bihasa ka na. Walang ganoon sa mundo ng Cultivation. Lahat ng pinaghirapan mong matutunan at gawin ay nagrereflect sa mga abilidad at kakayahang meron ka kahit na isa ka pang maituturing na genius ng inyong angkan, paaralan o lahing pinagmulan. Walang fairytale dito dahil ikaw mismo ang gagawa noon hindi ang tadhanang sinasabi ng karamihan. Matagal ng namulat si Van Grego sa bagay na ito. Upang makamit ang mabuting layunin para sa mundong ito at sa kaniyang sariling layunin ay hahanapin niya ang kasagutan sa bawat katanungang bumabagabag sa kaniyang isipan.

"Paano kaya kung pagsamahin ko ang Spiritual Qi at ang aking konsepto ng Apoy? Masubukan nga hmmm..." Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan habang makikita ang nagugulumihanang ekspresyon nito ngunit makikita rin na gusto niya itong subukan.

Agad niyang pinadaloy sa kaniyang kamay ang Spiritual Qi kasama ang konsepto ng Apoy na siyang may kasamang totoong apoy ng Red Fury Dragon. Makikita ang paglakas ng enerhiyang inilalabas ang katawan nito.

GROOOOAAAAARRRRRRRRRR!!!!!!

Malakas na atungal ng Mutated Giant Black Bear habang makikitang malapit ng matalo ang Giant ngunit mabilis itong tumusok sa kaniyang tiyan.

Nagulat na lamang si Van Grego nang mabilis naglaho ang Mutated Giant Black Bear at mabilis siyang kinalmot nito sa likod.

"Slash!!!!!!!"

Agad na tumulo ang naoakasaganang dugo sa likod ng binata.

Hindi pa nakontento ang Mutated Giant Black Bear at mabilis nitong sinuntok si Van Grego.

PHEWWWWW!!!!!!!!

Tumalsik ang binata sa malayo. Hindi nito sukat akalain ang biglang pagbago ng kilos at taktika ng nasabing halimaw. Tunay na malakas ito lalo pa't lahat ng blood essence noto ay tuluyan ng nasunog.

Agad na pinawala ni Van Grego ang Giant Spear at ang Spiritual Qi na ginagamit niya sa pagkontrol niya ng Giant Spear. Mabilis niyang pinagana ang kaniyang Protective Essence upang maprotektahan ang kaniyang sarili at pinagana ang kaniyang Diamond Vajra Body sa limitasyon.

BANNGGGGGGGGG!!!!!

Malakas siyang bumagsak sa batuhan ngunit mabilis din itong sumabog dulot ng malakas nitong impact dulot ng kaniyang pagbagsak.

"Hooo! Hindi ko aakalaing wrong move ako sa ginawa kong iyon. Mabilis ang halimaw na iyon at nakalmot ako ng nagtatalimang mga kuko nito. Hindi ko maaaring gawin iyon a susunod at baka ma-sneak attack akong muli ng halimaw." Sambit ni Van Grego. Hindi niya talaga inaasahan na likas na mapangahas ang halimaw na ito maging ang abilidad nitong mawala at lumitaw ay parang isang assasin na mahilig mag-sneak attack.

Aatake na sana si Van Grego sa halimaw ngunit nakita niya lamang ang halimaw na biglang pinuluputan sa lugar na kinatatayuan nito ng mga mahahabang itim na mga animo'y baging. Kung susuriing mabuti ay isa itong darkness element.

Nangamba naman si Van Grego sapagkat vulnerable siya sa enerhiyang ito. Sa lahat ng elemento ay ito ang hindi niya pa natutunang pag-aralan na konsepto. Sa susunod ay pag-aaralan niya ang konsepto ng Liwanag upang sa ganon ay maprotektahan niya ang kaniyang sarili laban dito. Mabuti na lamang at hindi siya ang puntirya ng mga itim na baging na ito kung hindi ay siguradong manganganib naman ang buhay niya.

"Paanong nangyari ito?! Sigurado akong may ibang nilalang na gustong manghimasok sa labanang ito." Sambit ni Van Grego. Nakumpirma niyang mayroong isang kakaibang nilalang na gustong makisawsaw sa takbo ng labanang ito.

GRRROOOOAARRRR!!!!!!!!

Nakita na lamang ni Van Grego na umaatungal pa ang halimaw na Mutated Giant Black Bear ngunit mabilis itong nilamon ng itim na enerhiyang bumabalot sa katawan ng halimaw at biglang naglaho na parang bula.

Naiwan si Van Grego na puno ng pagtataka sa pangyayaring ito.

More Chapters