Agad na sinugod si Nimbus nang isang libong mga bilang ng mga Human Demons. Mayroong kaniya-kaniyang taktika ang mga ito na halatang iba't iba ang klase ng kanilang fighting styles at fighting skills.
Maya-maya pa ay nagsagawa ang mga ito ng iba't ibang mga skills ng iba't ibang Human Demon Techniques.
Human Demon Crawling Snakes
Human Demon Flying Eagles
Human Demon catching dragons
Human Demon Tiger Strikes
Demon Catching Crows
Great Demon Assassination Skill
Demon Dark Fire Lair
Demon Black Air Blast
At marami pang naglipanang mga skills na para sa sa isang finishing blows.v
Matagumpay na sanang masasagawa ng mga human demons ang kanilang pangkalahatang mga skills ng Human Demon Technique ngunit mabilis silang napigilan ng bilang may sang dambuhalang Martial Beasts ang biglang lumitaw sa kanilang harapan yun nga lang ay naunahan sila nito sa pag-activate ng skill.
«Primal Golden Ape Technique: Destructive Jump Blast Skill!»
Isang malakas na pwersa ng pagyanig ng lupa ang biglang nagpatalsik sa maraming mga Human Demons. Nagkaroon ng makapal na porma ng usok na gawa sa lupa. Masyado kasing biglaan ito at halos lubos na napinsala ang isang libong mga Human Demons na siyang kawal ni Human Demon Chief Frant. Naging kalunos-lunos ang kalagayan nila sa mapaminsang atake ng isang dambuhalang Martial Beast na nahahanay sa lahi ng mga Ape ngunit ngayon lang siya nakakita nito. Ang Martial Beast na ito ay animo'y isang majestic at napakalakas na Martial Beast ito.
Nakita niya rin kung paano sumuka ang mga ito ng sariwang mga dugo ang kaniyang mga alagad na siyang ikinakulo ng kaniyang dugo. Halos mamula siya sa sobrang galit.
"Mga inutil! Paano kayo natalo ng inutil na yan!" galit na galit ni Chief Frant habang mabilis na lumitaw sa kaniyang katawan ang kakaibang papel na sobrang haba habang mabilis na pumulupot ito sa buo niyang katawan habang unti-unting makikita rito angpaglitaw ng kakaibang simbolo.
Nahintatakutan naman ang mga Sect Masters rito maliban kay Sect Master Black Crow. Hindi sila makapaniwalang sobrang makapangyarihan pala ng nilalang na nasa harapan nila. May tyansa silang manalo rito noon ngunit ngayon ay wala na dahil Human Demon Slave Contract pala ang napirmahan nila. Napatahimik na lamang sila sa isang tabi habang nagngingitngit sa galit.
"Tuso talaga ang Human Demon na ito at nagawa pa kaming lokohin na isang Blood Contract iyon eh isang slave contract ang nilagdaan namin. Kung alam ko lang ay sana hindi nalang kami nagpirma nito!" galit na sambit ni Sect Master White Crow. Ang kaniyang kagandahang taglay ay mayroong malungkot na ekspresyon. Lungkot para sa kaniyang lahing pinamumunuan na hindi man lamang niya nalaman ang magiging bunga nito.
"Bakit ang tanga-tanga ko, namin. Masyado kaming nagpauto sa manlolokong ito at sa marumi nitong taktika!" sambit naman ni Sect Master Black Wolf. Kahit malakas sila ay hindi naman sila tanga upang labanan ang Human Demon Chief na si Frant. Wala silang mapapala dahil nakapirma sila sa Slave Contract na nangangahulugan na maaari silang kontrolin nito anumang oras at wakasan ang buhay nila anumang oras.
"Kahit na ako na isang Sect Master ng Vampiric Bat Powerhouse ay naloko nang mapanlinlang na Human Demon Chief at akala ko ay isang blood contract ito yun pala ay isang slave contract iyon. Maghintay ka lang at kung makakawala ako sa sumpa ng slave contract mo dahil ako ang uubos sa lahi mo dito sa loob ng kontinenteng ito o kung saang lupalop man kayo nagtatago." sambit ni Sect Master Vampiric Bat.
Kapwa nagngingitngit lamang sa galit ang lahat ng mga Sect Masters ngunit wala silang magagawa kundi tumayo lamang.
Maya-maya pa ay kapwa nagulat ang mga Sect Masters nang bigla silang tingnan sa isa-isa sa kanilang mata ni Human Demon Chief Frant at nagliwanag ang mga papel na animo'y mayroong kakaibang pahiwatig.
Naramdaman naman ng bawat Sect Masters na parang kinokontrol ang kanilang katawan na animo'y hindi sa kanila ito kundi nasa kontrol ng iba na walang iba kundi si Human Demon Chief Frant na malademonyong nakangisi na nakaharap sa kanila ngayon.
"Ngayon ay ipakita niyo sa akin ang inyong katapatan at lubos na pakikianib sa akin. Ngayon niyo ipakita ito sa pamamagitan ng pagpaslang sa misteryosong nilalang na iyan." sambit ni Human Demon Chief Frant sabay turo sa magiging kalaban ng mga ito na si Nimbus..
"Hahaha... Oo nga naman, masyado kasi silang pasaway chief at nahirapan akong kumbinsihin ang mga iyan kaya siguro naman ay may makukuha ako ng reward mula sa'yo." sambit naman ni Sect Master Black Crow.
"Ah oo naman, matapos nating paslangin ang nilalang na yan ay sisiguraduhin kong malaki ang ibibigay kong pabuya sa iyo." sambit ni Human Demon Chief Frant habang malademonyong nakangisi.
"Paano mo nagawang pagtaksilan ang ating lahi ha, Black Crow?! Isa kang demonyo!" sambit ni Sect Master White Crow.
"Oo nga, masyado kang naging sakim hayop ka! Ipinagkaluno mo kami sa mga Human Demons na ito grrr!" galit na galit na sambit ni Sect Master White Wolf. Halos lumabas na ang tatlong mahahabang puting buntot nito. Ngayon lang siya nagalit ng husto dahil walang kapatawaran ang ginawa ni Sect Master Black Crow para sa kaniya.
"Nagpapatawa ba kayo Sect Master White Crow? Sect Master White Wolf? Taksil daw eh hindi naman ako nagtaksil dahil hindi naman akong purong lahi ng Black Crow. Sa oras na mapaslang na ang nilalang na nanghihimasok sa teritoryong ito ay mapapasakin na ang buong Hybrid Teritory at makikidigma ako sa mga Human Sect at sasakupin ko ang teritoryo ng mga ito. Lalakas pa ko at kayong dalawa ang magiging una kong mga asawa sa harem na aking gagawin hehehe..." sambit ni Sect Master Black Crow sa malademonyong boses nito na may halong kamanyakan para sa dalawang binibining nasa harapan niya.
Halos masuka naman silang lahat lalo na sina Sect Master White Crow at Sect Master White Wolf sa naiisip ng manyakis na si Sect Master Black Crow. Lumabas din ang totoo nitong kulay at baho nito na lubos nilang pinandidirihan.
"Hahaha... Nakakatawa naman ng naiisip mo Sect Master Black Crow. Hindi ko aakalaing madami ka palang bahong iniimbak sa katawan mo. Sa totoo lang ay marami akong nalaman sa'yo at talaga namang nakakapangilabot ang maruming taktika mo na lubos kong kinasusuklaman. Unti-unti mo palang nilalason ang dating Sect Master ng Black Crow para ikaw ang maluklok sa pwesto niya sa kasalukuyan at masasabi kong malinis ang iyong pagkakagawa ngunit nakalimutan mo atang may kasabwat ka na namatay rin kani-kanina. Kawawang Human Demon Maid hahaha..." sambit ni Nimbus sa napakalalim nitong boses. Mas nagmumukha pa siyang masama kaysa sa kaniyang kalaban. Mabuti na lamang at mas nauna nilang pinataob at pinahina ang depensa ng mga Hybrid Sect lalo na ang mga masasamang nilalang na ito. Ginamitan rin ng mga Undead Cultivators ng Soul Searching Techniqueang mga ito para maretrieve ang mga memorya nila bago pa ang mga ito malagutan ng hininga. Hindi pa kasi nila kaya ang mas malakas na technique ng Soul Searching dahil kasalukuyan siyang nasa Peak Martial God Realm. Ang kalaban niya sa kasalukuyan ay ganoon rin na pawang mga Peak Martial God Realm Expert at si Human Demon Chief Frant ay isa ng Peak Martial Demon Realm dahil isang Martial Art Demon Expert ito patunay ang matingkad na Demon Crystals sa loob ng puso nito. Isa rin itong eksperto kagaya niya kaya kailangan niyang mag-ingat rito.
"Bakit hindi ko mapigilan na gumalaw ang aking katawan. Anong ginagawa mo sa akin hmmmm...hmmp... Hmmm!" sambit ni Sect Master Vampiric Bat habang kinakabahan ngunit mabilis na pinuluputan ng mga hindi masukat na haba ng kakaibang papel ang buong katawan nito.
"Ahh, anong nangyayari sa akin bakit hindi ito matanggal! Tulong... Tulungan mo ko! Hmmm... Hmmm... Hmmm..." pagpupumiglas ni Sect Master White Crow habang humihingi ito ng tulong kay Nimbus pero mabilis rin itong pinuluputan ng kakaiba ngunit parang mga buhay na papel na mayroong mga kakaibang simbolo na kinokontrol mismo ni Human Demon Chief Frant.
Ganoon rin ang nangyari sa natitirang labing anim na kasamahan nilang mga Sect Masters rin. Nagkaroon ng mga daing at pagpupumiglas ang karamihan sa kanila ngunit walang nagtagumpay sa mga ito na makaalis mula sa hindi pangkaraniwang papel na pumulupot sa kanilang katawan at balutin sila nito.
Ilang minuto pa ang nakakalipas at nagkaroon muli ng nakakabinging katahimikan sa lugar na ito ngunit nabasag rin ito nang magsalita si Nimbus.
"Kamangha-mangha ang iyong abilidad lalo na ang iyong sandatang papel na tinatawag na Demon Paper. Kung hindi ako nagkakamali ay isa kang Human Demon na eksperto sa paggawa ng mga Mummified Puppetry kung saan ay ang Demon Paper mo mismo ang kokontrol sa magiging mga slaves mo. Malakas man ang puppetry mo ngunit may isa iyang limitasyon at ito ay hindi mo makokontrol ang Demon Paper mo upang gawing Mummified Puppets ang hindi nakalagda sa iyong blood contract lalo na ang mga kalahi mong kapwa mo Human Demon/s kaya ikaw ang itinuturing na pinakamahinang chief hindi ba?!hahahaha!!!!" sambit ni Nimbus habang malakas itong humalakhak sa huli.
"Hmmmp! Ang lakas mong sabihing mahina ako.... Pare-pareho lamang kayo ng sinasabi ng mga kapwa ko Human Demon Chiefs pero sa oras na lumakas pa ko lalo ay pare-pareho ko kayong papaslangin at ikaw ang uunahin ko!" sambit ni Human Demon Chief Frant sa nanggagalaiti nitong boses. Hindi niya hahayaang hamakin lamang siya ng isang nilalang na hindi niya kalahi dahil ang lahi lamang nila ang malakas at hindi ang katulad ng ibang mahihinang nilalang na katulad nito na hinahamak siya.
Agad na lumutang ang hindi masukat na haba ng mga Demon Paper na nakapulupot sa katawan ni Human Demon Chief Frant habang nagliliwanag ito na kasing itim ng kadiliman ng gabi. Nakakamangha ngunit nakakakilabot ang kumakalat na enerhiya sa paligid na siyang ikinaalarma ni Nimbus.
"Oras na para gumising kayo aking mga alagad. Oras na parang paslangin niyo ang aking mga kalaban. «Demon Paper Technique: Rise of Mummies!»" malakas na sambit ni Human Demon Chief Frant habang animo'y isa itong prinsipe ng kadiliman. Kakaiba kasi ang pamamaraan nito ng pagtawag ng skill lalo pa't ang sarili nitong demon crystal na nasa kaniyang puso ang pinagkukunan nito ng lakas. Masasabing isa itong tunay na eksperto na nabibilang sa lahi ng mga Human Demons.
Maya-maya pa nagliwanag ang mga simbolo sa mga papel na bumalot sa katawan ng mga mummies at unti-unting nagmulat ng mga mata ang mga ito na siyang mga kanina lamang ay mga Sect Masters ang mga ito. Ang mga mata ng mga ito ay napakapula ngayon habang ang mga simbolo ng papel ay unti-unting lumulubog sa iba't ibang parte ng katawan ng mga ito habang unti-unting lumalakas ang enerhiya na inilalabas ng mga mummies.
"Shrriiiieeecccccckkkkkkk!!!!!"
"ggggggrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!!!!!""""
"Frirririririrrrriririrririirrrrrrrrrrr!!!!!"
Sari-saring mga tunog o ingay ang nililikha ng mga ito na animo'y mga nilalang na nanggaling sa kailaliman ng lupa maging ang kanilang kabuuang anyo ay nakakakilabot rin dahil mistula silang mga bangkay na binalot sa papel.
Maya-maya pa ay mabilis itong sumugod patungo kay Nimbus.
Agad namang naalarma si Nimbus sa naging kilos ng mga Mummified puppet na siyang kinokontrol ni Human Demon Chief Frant na halos hindi niya aakalain na malakas pala ang taglay nitong kapangyarihan.
Sinubukan niya pang kausapin ang mga mummified puppets gamit ang kaniyang divine sense habang nakikipaglaban siya sa mga ito. Mabilis iniwasan ang mga atake ng mga ito at mabilis niyang binabalik ang mga atake sa pamamagitan ng pagsipa, pagsuntok at iba pang fghting styles ngunit di niya ginagamitan ito ng alinmang skills ng kaniyang Martial Art Technique sa kadahilanang baka mapatay niya ang mga ito.
"Gumising kayo mga Sect Masters, wag niyong hahayaang kontrolin kayo ng Human Demon Chief na ito!" sambit ni Nimbus habang hindi niya malaman kung bakit parang nakikipag usap siya sa kawalan.
Imbes na huminahon ang mga ito ay mabilis na sumigaw pa ang mga ito ng malakas kumpara kanila.
Krrrrrrrrrrrrrrrrtttttttttt!!!!!!!!
Sssshhhhhhhhhrrrrrrriiiiiiiieeeeeeccccckkkkkkk!!!
Grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!!!!!!!!!!!
Halos mabulabog ang buong lugar sa mga sigaw ng mga ito na animo'y gustong bulabugin ang buong gabi. Mas naging agresibo pa ang mga galaw ng mga ito at higit na mas grabe ang pinapakawalan nitong mga atake patungo kay Nimbus ngunit mabilis na kumikilos ang katawan niya upang hindi siya mapinsala ng mga ito.
"Hahahaha... Baliw, walang kwenta ang ginagawa mong pakikipag-usap sa mga iyan dahil nakasarado ang lahat ng senses nila maging ang kanilang 6th sense. Akala mo ay ganon ako kahina pwes nagkakamali ka dahil nag uumpisa pa lamang ako hahaha!!!!" malademonyong sambit ni Human Demon Chief Frant habang may nakakapangilabot na ngisi ang makikita sa kaniyang pagmumukha.