Ficool

Chapter 173 - Chapter 3

Agad na pinagsusuntok ni Nimbus ang mga Acupoints ng mga mummified puppets ngunit bigo lamang siya upang makaramdam ang mga pupoets ng sakit sa katawan na baka sakaling mapatulog ang mga ito ngunit hindi umubra ang kaniyang plano.

"Hahahaha... Napakawalangkwenta mo naman palang kalaban. Masyado mo atang sinayang ang oras ko para dito." Mapanghamak na sambit ni Human Demon Chief Frant habang makikita ang malademonyo niyang ngisi.

"Oh talaga lang ha, paano kaya ito..." Sambit ni Nimbus habang mabilis na may isinulat sa hangin habang mabilis na nagliwanag ang mga letra. Agad niya itong itinulak papunta sa kinaroroonan ng isang mummified puppet.

Agad naman itong pumasok sa loob ng katawan ng mummified puppet.

"Shrrriiieeecccckkkkkk!!!"

Nagpakawala ng tunog ang mummified puppet habang namumula ang mata nito. Mabilis itong sumugod kay Nimbus.

"Pow! Pow! Pow!"

Malakas na pagtunog ng buto nito sa paa habang mabilis itong papasugod kay Nimbus. Agad namang nagbackflip paatras si Nimbus upang layuan ang nasabing mummified puppets. Nagiging agresibo kasi ang mga ito kapag nasasagap nito ang enerhiyang binabato niya rito at napakadelikado para sa kaniya kung mahawakan man lang ito dahil hindi pangkaraniwan ang papel na nakabalot sa mga katawan ng mga ito.

Maya-maya pa ay mistulang napahinto ang mummified puppet na sumugod sa kaniya habang nakataas pa ang kamay nito habang makikita ang napakatalim na kuko nito na gawa sa papel. Nakapangingilabot ang kuko nito kasi naglalabas ito ng napakaitim na awra.

Agad namang inilabas ni Nimbus ang medyo may kalakihang insekto sa kaniyang bulsa at mabilis niyang nilapitan ang nanigas na mummified puppet partikular na ang kuko nito. Agad niyang pinag-contact ito sa kuko at nagimbal siya sa nangyari dahil mabilis na nangitim ang balat ng insekto na tinatawag na Violet Bug. Unti-unti rin itong nangamoy na animo'y nabubulok.

Agad namang inihagis ito bago pa man siya mahawaan ng kakaibang klaseng kamandag na galing sa mga kuko ng mummified puppet.

"Ano'ng klaseng kademonyohan ang ginawa mo para makalikha ng ganyang klaseng lason?!" Sambit ni Nimbus habang mababakasan ng pagkabahala ang boses nito.

"Hahaha... Isa ka pa rin palang ignorante. Bago mo kasi akong banggain ay siguraduhin mo munang kakayanin mo ko. Sino sa atin ang mahina? Isa lang naman yan sa napakamakamandag na lason na tinatawag na demon poison at ilang taon ko rin akong nagcultivate para makamit ang ganiyang kabisang lason Hahaha!!!" Sambit ni Human Demon Chief Frant habang malademonyo itong tumawa ng napakalakas.

"Isa ka ng hibang... Hindi ko aakalaing mas pinili ng lahi niyong lakaran ang Demonic Cultivation dahil ayaw niyo ang lahing taong nananalaytay sa dugo niyo at tanggapin ng buo ang demonyong lahi niyo. Isang napakamangmang na desisyon ang ginagawa niyo!" Galit na sambit ni Nimbus habang makikita ang galit nito kay Human Demon Chief Frant.

"Hibang? Nagpapatawa ka ba? Ano ang makukuha namin sa pagiging kalahating tao ha? Ang lahing tao ang pinakamahinang lahi sa sanlibutang ito na kinasusuklaman naming lahat!" Sambit ni Human Demon Chief Frant na galit na galit. Hindi nila alam kung anong dulot ng pagiging tao sa kanilang lahing Human Demon. Hindi nila magagamit ng buo ang kanilang Demonic Power na nasa loob ng kanilang katawan dahil hindi ito buo kundi kalahati lamang. Hindi nila alam kung paano ito mabubuo dahil sa pesteng lahi ng tao na namumuno sa Central Region sa kasalukuyan. Sa oras na mahanap nila ang alinman sa Ancient Human Demon Technique ay buburahin nila ang lahat ng nilalang na nasa mundong ito at wala silang ititira kahit isa man.

"Pinakamahinang nilalang ang tao? Hahaha... Nagpapatawa ka siguro hahaha... Hindi ko aakalaing galit na galit kayo dahil sa tingin niyong mga Human Demon ay kayo na ang pinakamalakas at laruan lamang ang tingin niyo sa ibang mga lahing kinasusuklaman niyo. Nahihibang nga talaga ang lahi niyo at kailangan niyong puksain bago pa kayo maghasik ng lagim sa buong mundong ito!" Galit na galit sa sambit ni Nimbus. Hindi niya aakalaing nilamon na ang mga ito ng sobrang pagkaganid sa kapangyarihan to the point na kinasusuklaman nila ang lahing tao.

"Hahahaha... Tama ka sinabi mo pero hindi kami hibang, lakas ang kailangan namin at masasabi kong pataba lamang ang lahi mo na lahi ng mga tao at iba pang lahi para makamit namin ang aming layuning lumakas at sakupin ang buong mundong ito at hindi niyo kami mapipigilan kagaya ng nangyari sa Hyno Continent at lalong-lalo na sa mga nilalang o lahi noon sa Northern Region na napabilang na sa aming lahi noon pa man bwahahaha!!!!" Sambit ni Human Demon Chief Frant sa malademonyo nitong boses. Nagmula siya sa Human Demon at hindi niya hahayaan na ang mga mahihinang tao na hamakin ang lahi niya. Ipapatikim niya sa mga ito ang lakas na itinatago nila. Naniniwala siyang balang araw ay sila pa rin ang mananalo at nasa kanila ang huling halakhak.

"Nasisiraan ka na talaga ng bait. Hindi ko talaga alam kung masisikmura ko ang sinasabi mo o masisikmura mo iyan. Alam niyang isa pa rin kayong tao yun nga lang ay mas pinili niyong lakaran ang Demonic Cultivation na siyang ipinagbabawal dahil tanging ang mga totoong Demon lamang ang maaaring magcultivate nito at hindi kayo na pawang mga Half breed lamang. Gusto mo bang klaruhin sa inyo isa-isa na isa kayong tao at hindi isang demonyo. Kahit na itakwil niyo ang sariling lahing nananalaytay sa inyo ay mababawasan ba nito ang hirap niyo nitong mga nagdaang milenya? Huwag kayong magpatawa dahil sa bawat pagcucultivate niyo upang lakaran ang Demonic Cultivation ay pinapatay niyo ang dugo ng taong nananalaytay sa inyo. Ang inyong demon crystal ay hindi nagiging puro at ang curse veins na nasa katawan niyo ay magkakaroon ng buhay at hindi niyo ito makokontrol at babaguhin nito ang sarili niyo na mauuwi lamang sa Qi Deviation o ang pagkawala niyo sa inyong sarili. Dito sy magiging tunay nga kayong demonyo ngunit wala na kayong kontrol sa inyong katawan. Iyon ba ang gusto niyo ha? Kahit itanggi niyo iyan ay hindi na kalahati ang lahing demonyong nasa inyo at hindi na puro ito kapag ganito na lamang ang naging paninindigan niyo ay kayo pa rin ang talo!" Sambit ni Nimbus habang makikita sa boses nito ang labis na pagkaawa sa mga ito. Ito kasi ang nalaman niya dahil ang Human Demon ay tuluyan na talagang nanghina dahil halos lahat sa mga ito ay nakapangasawa ng mga lahing tao kaya ang lahi nila ay halos maging tao na rin. Dahil sa pagcu-cultivate nila ng Human Demon Technique ay alam niyang nakakasama na ito partikular sa curse veins na nasa kanila. Kahit na mayroong enerhiya rito na nakukuha nila ay talagang hindi na ito angkop sa kanilang cultivation. Masakit man isipin pero ang dapat nilang putulin ay ang lahing demonyo at hindi tao.

"Hindi totoo iyan... Ipapakita ko sa'yo ang laks namin. Bawiin mo iyang sinasabi mo dahil hindi kami mahina at hindi kami kaawa-awa!" Galit na galit na sambit ni Human Demon Chief Frant habang halos lumabas ang ugat nito sa kaniyang noo. Hindi siya natutuwa sa sinasabi nito at aaw niyang tanggapin ito.

"Wala akong paki kung ano ang iisipin mo sa sinasabi ko sa'yo pero yun ang totoo. Mahina na ang bloodline ng demonyo at yun ang dahilan kung bakit nanghihina kayo parati. Kung sana ay tinanggap niyo lamang ang lahi ng tao at iwinaksi ang lahi ng inyong pagiging demonyo ay mas malakas pa sana kayo!" Sambit ni Nimbus habang makikita ang pagkagalit sa mga ito. Ang tunay na magagalit ay dapat sila dahil sino bang lahi ang gusto silang kamuhian. Kasalanan bang ipinanganak na tao?! Kasalanan bang maging mahina? Nakakatawang isipin ito dahil Martial World ito at hindi isang ordinaryong mundo.

"Oo, at kung hindi dahil sa tao ay malaya sana kaming gumagala at nagpapalakas. Kaya kasalanan niyo iyan!" Sambit ni Human Demon Chief Frant.

"Malala ka na tsk! Tsk!..." Sambit ni Nimbus habang mistulang inikot-ikot ang ulo.

"Tama na ang satsat at laban na!" Sambit ni Human Demon Chief Frant sa paasik na tono. Ayaw niya talagang sinesermunan ng kahit na sinumang nilalang.

Mabilis na kinontrol ni Human Demon Chief Frant ang mga Mummified puppets na kaniyang sariling mga alagad ngayon. Hindi siya magpapatalo sa kahit na sinumang nilalang kahit na kalahi niya pa ito. Nasa life and death situation siya ngayon kaya magpapatalo ba siya sa mababa mng nilalang na ito? Malamang ay hindi at hindi iyon mangyayari man.

"Mummified Puppet Skill: Battle Formation Assault!"

Agad na nangitim ang buong mata ng mga mummified puppets at nagkaroon sila ng Battle Formation na animo'y isang semi-octagonal shaped battle formation kung saan mayroong layers. Labinlimang mummified puppets kung saan ang pinakasentro ay isang core ng battle formation.

"Hindi ko aakalaing mayroon ka na palang skills sa iyong mga mummified puppets. Isang Human Demon na eksperto sa puppetry ang aking kalaban hahaha... Pero bakit hindi ko man lang makayang matablan ang kahit na sinuman sa mga buhay na puppets mo. Papel lang naman pala iyan paano kaya kong paapuyin ko kaya ang mga papel mo?!" Malademonyong sambit ni Nimbus. Ano'ng akala nito? Siya lang ang kayang maging masama rito?

"Hahaha... Nagpapatawa ka ba?! Edi subukan mo ng ma-litson ng buhay ang mga Hybrid Sect Masters na yan. Tutal ay wala ring mga pakinabang ang mga iyan at hindi mo rin kalahi ang mga iyan. Pwede mo namang gawin iyan hahaha!" Malademonyo ring sambit ni Human Demon Chief Frant. Anong akala niya magpapatalo siya? Kung masama nga itong tunay ay malamang sa malamang ay gagawin niya ito pero naniniwala siyang di niya gustong patayin ang mga ito. Pero kinakabahan rin siya dahil natural na kaaway ng apoy ang papel pero naniniwala siyang makakaya niyang sugpuin ito.

Mabilis na sinugod siya ng mga mummified puppets na nasa Battle Formation habang makikita ang nakakakilabot na presensya ng mga ito. Makikita ang sobrang solid na pormasyon ng mga ito na animo'y nasa isang malawakang digmaan.

Agad ring naalarma si Nimbus sa pangyayaring ito. Hindi niya aakalaing mayroong pormasyon ang mga ito at mahusay niyang nakokontrol ito na nasa mataas na lebel. Walang dudang ang cultivation level nito na isang Martial Demon Realm at ang pagcultivate nito ng mga Demon Paper para gumawa ng buhay na mga puppets na tinatawag na mummified puppets ay nakakamangha.

Inilabas niya ang kaniyang pana at pinaulanan niya ng mga palaso ang mga grupo ng mummified puppets ngunit bigo siyang magalusan lamang ang mga ito. Inatake rin ni Nimbus ang pinakasentro ng mummified puppets gamit ang kaniyang pana ngunit bigo siya dahil animo'y buhay ang mga nakarolyong papel sa katawan ng mga ito at nakakamangha ang depensa nito.

Halos nakokorner na siya ng mga mummified puppets habang todo-iwas siyang mahawakan o magalusan siya ng mga makamandag na kuko ng mga ito. Isang pagkakamali niya man lang rito at katapusan niya na.

More Chapters