Maraming nawasak na mga establishments at mga gusali ang iba't ibang lahi ng mga Hybrids. Masyadong mabilis ang pangyayari kung kaya't waalng nagawa ang mga ito nang biglang lusubin sila ng napakalaking halimaw na sobrang dambuhala at mapangwasak na walang iba kundi ang Primal Golden Apes. Halos naging mistulang Ground Ruins ang mga lugar na sakop ng mga Hybrids.
Ang mga hybrid Cultivators lalo na ang mga pami-pamilya ay nagsilikas na hindi alam ang gagawin. Hindi rin maiiwasan na maraming nangamatay at nangapinsala dahil sa hagupit ng Primal Golden Apes sa iba't ibang lugar. Idagdag mo pa ang mga misteryosong nakabalabal na itim na mga nilalang na animo'y isang God of Death. Mabilis nitong pinaslang ang mga masasamang nilalang kagaya ng mga kriminal na Hybrids at ang mga mapanlinlang na mga Human Demons. Hindi rin nakaligtas ang mga Commander nito dahil brutal silang pinatay ng mga Undead Cultivators sa mabilisang paraan. Hindi ang mga ito nagpakita ng awa sa mga kriminal dahil alam nilang hindi na ang mga ito magbabago. Kung hahayaan silang gumala ay siguradong madami pa silang papaslangin at kikitilan ng inosenteng buhay. Isa itong utos mula sa nagbigay ng buhay sa kanila upang mabuhay muli kaya ano pa ang maaari nilang gawin kundi sundin ito. Kailangan rin ng oras ng batang si Van Grego at ang mga Beast Horde na tinawag nito ay madali lamang pinaslang ng mga Hybrids sa pinagsama na lakas ng mga ito ngunit nakapinsala rin ito ng malaki lalo pa at marami rin ang mga sundalo ng mga Hybrid Sect pero ang maliliit na grupo ng mga angkan ng Hybrids ay mabilis na nabura sa mapa na parang bula. Sa dami ba naman ng bilang ng mga martial beast sa isang malawakang beast horde ay siguradong hindi maipagkakailang sobrang mapaminsala nito. Ang pinakamasakit ay walang naging survivors ang mga ito.
Ngunit kaibahan naman ang nangyayari sa Vampiric Bat Powerhouse na itinuturing na pinakamalakas na pwersa ng mga Hybrid Sect. Hindi na ito pangkaraniwang Sect at medyo mataas ang antas ng Powerhouse kaysa sa Sect. Maituturing nga na nasa above Average ito kumpara sa mga Sect halimbawa na rito ay ang Soaring Light Sect na mabibilang sa Human Sect.
Mistulang nakakapangingilabot ang eksenang masasaksihan ngayon sa labas ng teritoryo ng Vampiric Bat Powerhouse. Maraming mga patay na mga Martial Beasts ang nakakalat sa mga paligid. Masyadong kakaiba kasi ang naging inaasahan ni Van Grego na resulta ng kaniyang pagtawag ng mga Martial Beast dahil agaran naman itong napuksa ng Vampiric Bat Powerhouse dahil maraming mga eksperto ng lahi ng Vampiric bat ang nagtulong-tulong upang mabilis itong mapuksa ngunit may mangilan-ngilan ay napaslang sa mga ito dahil sa matinding sagupaan nila sa mga Martial Beasts. Nagmistulang ground burial ito ng napakaraming Beasts.
Magsasaya nga sana sila ngunit hindi nila alam na may nauna na palang mga hindi inaasahang bisitang mabilis silang pinaslang. Akala nila ay wala na silang kalaban pero nagtatago lang pala ang mga ito.
Bilang lider ng Undead Cultivators na si Nimbus, hindi siya nagpapadalos-dalos ng desisyon dahil inaasahan siya ng kanilang Master na magiging matagumpay ito. Sa katunayan ay unang misyon nila ito at isang training session kung makakaya nilang labanan ang mga nilalang na naririto sa rehiyong ito, tsaka nalaman niya sa kapwa niya Undead cultivators na mayroong mga Human Demon sa kontinenteng ito. Sigurado siyang nagmula ang mga sa North Demonic Region. Isa itong ancient Hybrids na gustong sumakop noong unang panahon sa buong rehiyon lalo na sa Central Region ngunit dahil sa pamamaraang ginawa ng mga lahing tao na namumuno o nagdodomina ng Central Region ay napigilan nila ang pag-infiltrate ng mga Human Demon kaya lubos na nanghina ang ancient race na hybrid na ito dahil sa pagkamatay ng kanilang pinuno at mga tagapagmana ng lusubin rin nito ang North Demonic Region na teritoryo na nito noon pa ng Human Demon. Kung titingnan mong maigi ay parang normal lamang sila na tao ngunit kapag nagutom ang mga ito ay nangangain sila ng mga tao bilang suplay na rin sa kanilang gutom at cultivation kumpara sa mga Hybrid ng Western Region ay parang tao lamang sila ngunit hindi sila pumapatay para sa kanilang cultivation ngunit ang iba'y lumalabag rito at tinatahak ang Demonic Cultivation Path. Kaya nga maaari silang paslangin.
Ilang daang libo na rin pala ang nakaraan kaya parang namatay na ang karima-rimarim na kasaysayan ng mundong ito dahil sa pagiging hibang at sakim ng mga Human Demon na naging ibinaong kasaysayan na rin dahil hindi matatawaran ang kanilang kasamaan at pagiging gahaman.
May ibinalik na alaala sa kaniya ang kanilang Master sa kaniya at nalaman niyang namatay pala sila dahil sa paglusob rin ng Human Demon sa kanila. Hindi nila alam kung ano ang dahilan ng mga ito upang magsimula muling manghasik na siyang aalamin rin nila. Ang totoong layunin nila sa paglusob sa kasalukuyan ay ibunyag ang existence ng Human Demon at mabalaan ang mga nilalang na naririto lalo na ang mga pamunuan ng mga Central Region. Sigurado siyang mayroong nakaligtas na mga dugong bughaw o maharlika ng Human Demon kaya ngayon ay nakabangon na ito mula sa pagkabigo at magsisimula naman ng giyera sa lahat ng lahi ng mundong ito. Kaya nga lang ay wala pa rin siyang alam sa mga dahilan ng paglusob nito at iba't iba pang bagay patungkol rito. Liban doon ay wala na siyang alam sa iba pang bagay. Kaya masasabing delikadong misyon ito para sa kanila. Ang pagkabigo ay nangangahulugang kulang pa ang kanilang mala-impyernong pagsasanay nila dahil hindi naman nagampanan ng maayos ang kanilang misyon. Sa oras na makalabas na ito at maipamalas na nito ang kaniyang kapangyarihan ay yayanigin niya na ang buong mundo maging ang matataas na mundo. Sa oras na lumakas ang batang konektado sa kaniyang master ay maglilikha ng kaguluhan at malawakang digmaan sa mga mundong kaniyang pupuntahan.
...
Kasalukuyang nakatayo ng taas-noo ang mga Sect Masters at mayroong kasama ang mga ito na mga nilalang na hindi maipagkakailang kakaiba, mukhang mga tao pero ang awra nito ay mala-demonyo lalo na ang katabi ng isang Sect Master. Walang kaide-ideya ang mga ito kung sino ang kasama nila ngayon. Siguradong di pa nila alam kung sino ang mga ito.
Nalaman na rin ni Nimbus na mga Human Demon ito na noong ibinalita sa kaniya ng kasamahan niyang kapwa niya undead cultivators na ikinabigla niya rin ngunit agad rin siyang nakaramdam ng galit sa mga ito. Siguradong may kinalaman sila sa pagkakaroon ng curse seal ang buong lupain ng Hyno Continent. Ito rin ang dahilan kung bakit muntik ng mamatay ang batang pinoprotektahan ng kaniyang Master. Ewan ba niya pero pinapaalala sa kanilang wag silang pangunahan ng galit pero normal lang naman siguro ito lalo pa't ang kalaban mo ay literal na walang awang mga demonyo.
Natigil sa pag-iisip si Nimbus ng biglang tumingin sa kaniyang gawi ang isang lalaking binata na animo'y normal na tao ngunit kung titingnang mabuti ay mayroon lamang kaunting leak sa enerhiya nito na isang darkness-attribute. Halos magulantang naman si Nimbus dahil kung hindi ito sa pambihirang Eye Skill niya ay siguradong hindi niya malalaman kong sino talaga ang nilalang ito.
Medyo mahinahon rin ang pagkakasabi nito ngunit parang kutsilyo itong inihahagis sa direksyon niya. Agad naman siyang nakauma at napangiti na lamang siya. Tunay ngang mapanlinlang talaga ang lahi ng human demon. Nagmumukhang anghel na tao pero demonyo talaga na nagkatawang tao lamang. Kilala ang lahi nito na mapanlinlang kaya hindi na siya magdududa kung gagawa naman ito ng mga madayang taktika.
Agad naman ipinawala ni Nimbus ang kaniyang Invisibility skill at tumawa ng malakas.
"Hahahaha... Hindi ko aakalaing mayroong nagpapanggap na tao na katulad mo na isang Human Demon. Talagang madami pa talaga kayo ha kasama ang mga alagad mo. Di ka ba natatakot sa bagsik ng Central Region? Tingnan kaya natin kung hindi kayo uubusin na parang hayop ng mga pamunuan ng Central Region hahaha... Tingnan kaya natin!" sambit ni Nimbus sa mapang-asar ngunit mapagbantang tono.
Nabigla naman ang binata sa naging asal ng misteryosong nilalang na nakabalabal. Ang pagkakasabi nito ay sobrang prangka at isiniwalat man lang ang kaniyang katauhan ng kaniyang lahing pinagmulan. Galit na galit siya rito dahil sa sinabi nito ngunit hindi niya ipinakita sa kaniyang ekspresyon sa mukha nito.
"Ang lakas ng loob mong pagbintangan ako hahaha... Ano ba ang patunay o ebidensiya mo ha?! Masyado ka na atang sumusobra sa ginagawa mo!" sambit naman ng binatang hanggang ngayon ay mahinahon pa rin.
Nagngingitngit naman ang kalooban ni Nimbus sa pagiging tuso at napakasinungaling na human demon na ito. Talagang ang pagiging best actor nito at ang acting skills nito ay napakagaling. Kung ganito ang labanan ay siguradong hindi siya mananalo rito.
"Hahaha... Wala naman akong patunay ngayon dahil ang lahi niyo ay matagal ng talunan at nilupig ng mga pinuno ng Central Region. Ano ba kasing pinaglalaban niyo? Eh hindi naman kayo manalo-nalo sa lakas at kapangyarihang taglay ng Central Region. Mukha man kayong tao pero ang layunin niyo talaga ay magaya ang lakas ng isang demonyo hahahaha..." mapang-asar na sambit ni Nimbus sa binatang Human Demon. Kung napakasinungaling man nito at tuso ngunit alam niyang hindi hahayaan ng mga ito na yurakan ninuman ang lahi ng mga ito. Likas na mapagmataas ang lahing ito at hindi hahayaan ng mga ito na makaalis siya ng buhay.
Nagngingitngit naman ang kalooban ng binata at ng mga kasamahan nito sa likuran ngunit mabuti na lamang at sumusunod ang mga ito sa kaniyang mga utos dahil kung hindi ay matagal niya ng pinapatay ang misteryosong nilalang na ito na nakaitim na balabal. Maging si Sect Master Black Crow ay nakaramdam rin ng pagkamuhi sa misteryonong lalaking si Nimbus. Hindi niya aakalaing may maglalakas ng loob na labanan sila ng harapan at harapan rin nitong yurakan ang lahi ng Human Demon.
"Alam na namin iyon Ginoo ngunit nagkaroon kami ng Blood Contract ngunit wala na kaming magagawa pa. Tulungan mo kami." Halos ito ang narinig ni Nimbus na sinasambit ng mga Sect Masters na nasa harapan niya gamit ang kanilang mga divine sense. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa Human Demon na ang kalahati ng kontinenteng ito na lubos niyang ikinadismaya. Masyadong tuso ang Human Demon at ginamit talaga ang Blood Contract na ang totoo'y isang mahinang Demon Slave Contract. Kung malakas na Demon Slave Contract ito ay maging ang kanilang isipan ay nakontrol na ito ng walang hiyang Human Demon. Kampante siyang isa lamang itong mahinang Human Demon kaya kampante siyang hindi ito ganon kalakas. Medyo nakampante siya dahil kung kagaya sa Hyno Continent na Human Demon ay baka mamatay na siya. Isa lang naman pala itong Human Demon Chief. May solusyon na siya para rito.
Pinipigilan kasi nito ang galaw nila at kahit ang magsabi. Siguradong kinokotrol sila ng binatang Human Demon na ito na siyang isang Human Demon Chief.
"Hindi ko aakalaing mauutakan sila ng isang mahinang Human Demon Chief para papirmahin ng Blood Contract daw pero isa palang Demon Slave Contract hahahah... mga uto-uto" napatawa na lamang si Nimbus sa kaniyang isipan. Siguradong mayroong ibang kasabwat ito para magawa ang plano nito. Kung hindi dahas ay ano ito? Ito ang naiisip ni Nimbus na dahilan.
"Ano ang ginagawa mo rito nilalang? Isa ka na atang baliw hindi ba? Anong sinasabi mong human demon? Wala naman diba tsaka tigilan mo yang kahibangan mo dahil masyado ka ng paranoid hahahaha..." sambit ni Sect Master Black Crow na animo'y nakikita niya si Nimbus na animo'y baliw.
Tumawa rin ang mga nasa isang libong Human Demon sa likod nito na nagpapanggap na tao. Sila kasi ang pumuksa sa malaking beast horde kani-kanina lamang na katulong ng mga Sect Masters at ng binatang Human Demon.
"Oo nga naman, pwede naman natin tong pag-usapan sa mahinahong paraan. We can take our own time here para ayusin ito ng hindi nagkakasakitan." sambit ng binatang Human Demon habang nakangiti ng matamis.
Parang masusuka naman si Nimbus sa taktika ng Human Demon Chief na ito. Hindi niya aakalaing gusto siyang utakan nito at ng Sect Master Black Crow. Papatalo ba siya? Edi hindi.
"Sige lang, magsi-dramahan kayo diyan dahil sa akin pa rin ang huling halakhak." sambit ni Nimbus sa kaniyang isipan.
"Simple lang naman akong kausap, patingin ng mga likod niyo at ng matapos na 'to tsaka yung mga tao na nasa likod niyo, patingin rin ng mga palapulsuhan niyo ha o kaya braso. Para kasing may patay na ugat diyan eh. Hindi naman to magiging masakit eh kasi titingnan ko lang naman hindi ba?!" masayang sambit ni Nimbus habang may malademonyong ngisi sa kaniyang mga labi.
Ngunit dahil sa sinabi nito. Isa lang naman itong probokasyon sa mga Human Demon dahil alam na nito ang kanilang kahinaan.
"Gusto mo na yatang mamatay pangahas na nilalang. Total ay alam mo na rin ang lahing pinagmulan namin kaya oras na para paslangin ka na rin kasama ang ibang mga kumalaban sa amin!" galit na sambit ng binatang Human Demon Chief na si Human Demon Chief Frant.