Maya-maya pa ay biglang lumiwanag ng kulay pula ang kaniyang buong katawan maging ang kadenang nakapulupot sa kaniya ay gumalaw ng kusa. Mas naging matalas ito kumpara sa kadena kanina at mas nakapangingilabot ang enerhiyang nararamdaman ng mga nakapaligid lalo na si Starum na nabigla sa pangyayaring ito ngunit mahigpit niyang hinawakan ang kaniyang katana.
"Soul Chain Forbidden Skill: Ultimate Chain Massacre!"
Nakita ni Starum kung ano ang gagawin ni Commander Ros na siyang ikinaalarma niya. Hindi niya aakalain na nasisiraan na ito ng bait dahil gagawin niya ang isa sa forbidden Skill ng Soul Chain Technique na isang forbidden weapon. Magkakaroon ito ng setbacks o backlash sa sinumang magsasagawa nito. Ang blood essence ng sinumang magsasagawa nito ay mabilis na sasairin ng forbidden Technique hanggang sa ilang blood essence lamang ang natitira. Kung magsasagawa ka ng forbidden technique na ito ay kailangan mo ng malawakang suplay ng blood essence. Parang uhaw na soul chain ito at parang buhay na halimaw kung saan ay maghahanap ito ng mga nilalang na buhay at uubusing kunin nito ang blood essence ng sinumang matusok nito hanggang sa maubos nito ang blood essence ng sinuman.
"Hindi lang pala ako ang target nitong patayin kundi pati na rin ang mga mamamayan ng White Crow Clan. Kailangan kung hanapin ang iyong kahinaan bago ka pa makahasik ng lagim dito!" seryosong sabi ni Starum sa kaniyang isipan habang nakikita niyang unti-unting tumataas at nakapangingilabot ang enerhiyang inilalabas ni Commander Ros lalo na ang kaniyang soul chain. Maya-maya pa ay naramdaman niyang para na itong demonyo dahil namumula na ang mata nito at naglalabasan na ang kaniyang mga ugat. Hindi niya aakalaing gagawin nito ang forbidden skill ng isang forbidden Weapon. Alam niyang hindi pa nito gamay ang forbidden weapon dahil ang epekto nito ay hindi nito makontrol kaya ito ang perpektong oras para mapatay niya ito.
Agad na napangisi si Starum ng makita niya ang kaniyang hinahanap. Ngunit bigla na lamang siyang sinugod ng mga hindi mabilang na dami na mga kadena. Agad niya naman itong pinagsasangga hanggang sa kaniyang makakaya ngunit dahil sa dami nito ay nadadaplisan pa rin siya nito sa kaniyang kaluluwa mismo. Medyo nahirapan siya rito kaya mabilis siyang lumayo upang magsagawa ng kaniyang napakalakas na Skill.
"Katana Skill: Myriad of Seven Weapons!"
Mabilis na nahati ang kaniyang katawan sa pitong katauhan. Magkakahawig ang mga ito sa itsura maging sa awra ngunit nakapangingilabot ang enerhiyang bumabalot sa bawat isa.
"Ito na ang pinakamalakas kung skill dahil kapag natalo pa ko nito ay wala akong magagawa kundi ang umatras na lamang. Hindi ko naman layuning ipahamak ang aking sarili para sa mga ito. Kasalanan rin kasi nila ito kung bakit na naman nagpapasok sila sa angkan nila ng halimaw!" sambit ni Starum sa kaniyang sarili habang hindi niya man gustong mapahamak ang lahat ay masasabi niyang tadhana na siguro nila ito dahil unang-una ay kasalanan rin ng mga jto kung bakit malayang nakakagala rito ang mga Human Demon sa angkan nila. Pero Hangga't maaari ay masusulusyunan niyaan lang ito.
Agad namang pinasugod ni Starum ang kaniyang mga clone na mayroong kasing lakas niya. Nasa 7th Level na siya ng kaniyang Katana Technique. Ang Myriad of Seven Weapons ay siyang accumulations niya sa pitong level ng Katana Technique na natutunan niya. Magkakatulad man sila ng awra sa mata ng karamihan pero sa mga eksperto ng katana na kasinglebel niya ay malalaman nila ang kaibahan nila. Bale anim lamang ang clone na lumabas ngunit ang pangpito ay sumanib sa kaniyang katawan bilang suplemento sa kaniyang kabuuang lakas.
"Shh! Shoo! Shing! Shing!"
Nakakarinding ingay na tunog ng nagbabanggaang metal ang biglang umalingawngaw sa paligid. Grabeng mga salpukan ng mga katana at ng soul chains sa iba't ibang direksiyon.
Napuputol man minsan ang mga soul chains ay mabilis rin naman itong nabubo habang kaniya-kaniyang iwas naman ang anim na nilalang na kahawig ni Starum. Samantalang nakatayo lamang si Commander Ros na animo'y tulala lamang ngunit may namumula at nanlilisik na mga mata. Ito ang paunang epekto ng kaniyang forbidden skill na nangangailangan ng sobrang konsentrasyon. Malapit na nitong maisagawa ang kaniyang plano.
Maya-maya pa ay biglang naging agresibo ang hindi mabilang na soul chains na naglalabas ng sobrang nakakasulasok na enerhiya. Nagkakaroon na rin ito ng maiitim na enerhiya na siyang ikinaalarma ni Starum.
"Hindi maaari, kapag nagpatuloy ito ay maaaring maging ground burial itong buong lugar na ito lalo pa't maya-maya pa mawawalan ng bisa ang Cage Trapping Talisman. Kapag nangyari ito ay siguradong walang matitirang buhay liban sa akin." seryosong sambit ni Starum. Sigurado siyang wala rito ang Sect Master ng White Crow Clan dahil kung nandito lang ito ay siguradong hindi nito masisikmura ang kalagayan ng kaniyang pinamumunuang angkan.
Agad namang sumugod ang mga clone ni Starum at siya namang pinaulanan ng mga kadena ni Commander Ros. Unti-unti natatalo ang mga clone ni Starum hanggang sa mayroong hindi inaasahang kaganapan ang bigla na lamang nangyari.
Maya-maya pa ay bigla na lamang tumigil ng kusa ang paggalaw ng kadena ng biglang lumitaw si Starum sa likod nang wala sa sariling kamalayan si Commander Ros.
Tumalsik ang napakaitim na dugo sa likuran ni Commander Ros na walang iba kundi ang Curse Vein nito. Masasabing malakas na pala itong Human Demon dahil sobra na palang napalaki ang curse vein nito na sarili nitong pinagmumulan ng kaniyang kapangyarihan. Buti na lamang at binigyan sila ng Eye Skill ni Nimbus na siyang lider nilang mga Undead Cultivators, kung hindi ay baka hindi mahanap ang weak spot nito ngunit dahil na rin sa kaniyang kakayahan ay naisagawa niya ito ng tama.
"Hi-hndi m-maaari i-ito... Isusumpa kong maghihigante ang aming lahi sa kalapastanganang ginawa mo sa akin! Hehehehe... Mamamatay rin kayo sa hinaharap hahahahaha!" malademonyong sambit ni Commander Ros habang pinipilit nitong magsalita ng diretso. Unti-unti na ring nasunog ang kaniyang katawan dahil sa atakeng ginawa ni Starum na may kasamang attribute ng liwanag. Isang katana Light Cutting Skill ang ginawa niya upang tuluyang mapatay o mapuksa niya ang curse vein ni Commander Ros upang matigil nito ang forbidden skill nito na sobrang mapamuksa.
Nagkaroon ng nakakabinging katahimikan sa paligid na siyang ikinapagtataka ni Starum.
Maya-maya pa ay nagkaroon ng masigabong na mga komentong puro papuri kay Starum.
"Isa talaga siyang magiting na mandirigma! Hindi ko aakalain na meron palang tagapagligtas ang mundong ito na kagaya niya." sambit ng isang dalagang lahi ng White Crow na animo'y kinikilig habang nagpapantasya ng kung ano-ano sa kaniyang isipan.
"Isa ka talagang hibang, hanggang pangarap ka na lamang dahil ang isang magiting na mandirigma ay nararapat na mapasaakin hindi sa iyo na isang ambisyosa!" sambit naman ng isang magandang dalaga habang nagpapacute pa kay Starum habang mahigpit miyang sinabunutan ang babaeng naunang nagsalita.
Marami pang dalagang mga White Crow ang nakipagdebate at nagsabunutan pa na siya namang ikinadismaya ng mga kalalakihan lalo na ng mga matatandang mga mamamayan ng White Crow Clan.
"Maghunos-dili kayo mga dalagita, umaarikingking naman kayo diyan. Kapag nagalit ang ginoong iyan ay baka paslangin pa tayo niyan!" sambit ng isang matanda habang makikitaan ng galit sa mga dalagang kung kumilos ay parang mga bayarang babae na malalandi.
Agad namang umayos ng gawi at kilos ang mga babae at umayos sa pagkakatayo pero may mangilan-ngilan pa rin na nagpapa-cute at nang-aakit.
"Mabuhay ang ginoong ito, isa talaga siyang magiting na eksperto na martial artist. Gusto ko sanang imbitahan ka sa aming tahanan upang makipag-usap sa iyo ginoo upang pormal na magpasalamat." sambit ng isang ginang habang masaya itong nagwika.
"Kagalang-galang na Ginoo, sa aking tahanan na lamang kayo pumunta, mas maganda at talentado ang anak ko kumpara sa babaeng iyan!" sambit ng isang ginang haabng tiningnan ng masama ang isang ginang na nagsalita kanina at nginitian niya ng matamis si Starum.
Marami pang naging mga pahayag ang mga mamamayan ng White Crow Clan ngunit lahat ng ito'y balewala lamang kay Starum.
Agad namang inayos ni Starum ang kaniyang sarili at mabilis na tinungo ang kaniyang mount na isang Primal Golden Ape at mabilis na nilisan ang lugar na ito. Hindi niya aaksayahin ang kaniyang oras para lamang sa walang kwentang bagay na may kinalaman sa mga mortal na bagay. Bilang isang undead cultivator ay lakas ang kailangan nila upang maprotektahan ang kailangan nilang protektahan at hindi kasama roon ang mahihinang nilalang.
END OF VOLUME 3