"Mabuti naman at nagising ka na rin." Mataman kong tinitigan ang lalaki sa aking harapan. Base sa pagkaka-alala ko ay nasa loob kami ng jeepney bago ako hindi sinasadyang makatulog at managinip pero ngayon ay parang nasa loob na kami ng isang kantina.
"Anong … anong nangyari? Nasaan tayo?" tanong ko kay Jeremia.
Nakapangalumbaba lamang s'ya at halatang-halata ang kanyang inis. I didn't even know what happened. I have no faintest idea why he seemed irritated. Tinaasan ko lamang s'ya ng kilay bago muling nagsalita, "Jeremia?"
"Huh?!" malakas n'yang pagkaka-sabat na ikinagulat ko ng kaunti. "Sino bang Jeremia? Ako si Rainier. Rainier. Ang bumuhat sa'yo pababa sa jeep kasi bigla kang nakatulog at natumba. Akala ng mga senior citizen na kasabay natin ay magkakilala tayo. Nakakainis."
Hindi ko nagustuhan ang paraan ng kanyang pagkakasabi kaya imbes na magpasalamat ay iba ang mga nabitawan kong salita. "E, sino bang nagsabi sa'yo na ibaba ako ng jeep? Dapat iniwan mo ako do'n para hindi ka naiinis d'yan."
"Tapos ano? Iisipin ng ibang pasahero na wala akong kwentang lalaki kasi iniwan kita doon na biglang nag collapse?"
Sasagot pa sana ako nang biglang may naglapag ng tubig at pagkain sa aking harapan. Ngayon ko lang naalala na hindi rin pala ako nakapag-almusal kaya agad akong natakam sa hinain na adobo at kanin. Nginitian ako ng batang babae na siguro'y nasa labing-isang taong gulang na s'yang nag silbi ng mga pagkain bago s'ya bumalik sa counter. I was about to touch the spoon and fork pero bigla na lang kinuha ni Jeremia ang plato ng pagkain sa akin at mapangasar na ngumiti. "Ako ang nag order. Akala ata ng bata para sa'yo 'yan. Nagugutom na ako. Hindi ako nag order ng para sa'yo kasi akala ko mamaya ka pa gigising."
Talk about being a gentleman. Hindi na ako nagsalita pa at aktong tatayo na para um-order ng maunahan ako ni Jeremia. "D'yan ka lang. Ako na ang mag-oorder para sa'yo."
Wala akong maintindihan. Hindi ko s'ya maintindihan. Saglit ko lamang na nasilayan ang kanyang mukha sa aking panaginip pero siguradong s'ya iyon. Mas mahaba nga lang ang kanyang buhok roon. Kakaiba rin ang aura ni Jeremia sa aking panaginip dahil tila mas positibo ang presensya n'ya roon samantalang rito ay hindi ko pa mawari kung ano. Pilit ko pang inalala ang iba pang detalye ng aking panaginip sa loob ng classroom kanina pero wala na akong iba pang makita. Ang alam ko lang, s'ya si Jeremia. Nakita ko s'ya sa aking panaginip.
Sunod ko namang inalala ang aking sumunod na panaginip. May naipanalo akong laban. Hindi pa nawawala ang aking kakayahan na kontrolin ang aking panaginip. Hindi pa nawawala ang aking talento sa paglikha ng mas magandang mundo.
"Ikaw ang magbabayad ng kakainin mo," agad na sabi ni Jeremia pagkabalik. Hindi na rin s'ya nag-atubili pang kumain na kaagad. Kung panaginip lang sana ito ay nabulunan na s'ya. "Bakit ganyan ka makatingin? Magpapalibre ka ba? Okay lang naman sa—"
"Nakita kita sa panaginip ko."
Napatigil s'ya sa pagnguya at uminom ng tubig. "Anong sinasabi mo?"
"Nakita na kita sa panaginip ko bago pa kita makasabay sa jeep."
Agad na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi ko lubos na mabasa ang kanyang emosyon pero tila ayaw n'ya itong pag-usapan. Ipinagpatuloy n'ya ang pag-kain at itinuon ang buong atensyon dito. "Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko—"
"Narinig kita. Ano naman?"
"Nakita kita sa panaginip ko. Siguradong may ibig sabihin 'yon."
"Edi nakita. Nakita mong magkakakilala tayo sa jeep ngayon? That's good. Maybe you can see the future."
"Hindi ko nakita ang future. Iba ang nangyari sa panaginip ko."
"Ganon?" tanong n'ya na may halong pang-iinis. Kaunti na lamang ay mauubos na ang aking pasensya. Nagpatuloy s'ya sa pagsasalita. "Ano bang gusto mong ibig sabihin no'n? Destiny?"
Nang marinig ko ang kanyang tawa ay hindi ko napigilan ang aking sarili. I suddenly slammed my hands on the table just to stop myself from fully turning it over on his side. Napatingin ang ilang customer sa amin at doon ko lamang napansin na bumalik na pala ang batang babae bitbit ang aking pagkain. Kung kanina ay nginitian n'ya ako bago umalis, ngayon nama'y yumuko s'ya ng kaunti at patakbong bumalik sa counter.
Pilit kong pinakalma ang aking sarili at dahan-dahang nagsalita, "Alam mo kung bakit ako nagtatanong."
"Hindi. Hindi kita maintindihan."
"Nakatitig ka sa akin sa loob ng jeep! Imposibleng wala yung koneksyon sa panaginip ko."
Umiwas s'ya saglit ng tingin at napahawak sa magkabilang bahagi ng kanyang ulo. Lubhang pinapahalata sa akin na hindi s'ya natutuwang kausap ako. Nagulat ako ng biglang binilisan n'ya ang pagpapatuloy sa pagkain at ilang subo pa lamang ay natapos n'ya ito. Pagkatapos n'yang makainom ng tubig ay doon s'ya nagsalita, "Alam mo, tumigil ka na. Hindi kita tinitigan kanina, ha. Napatingin lang ako sa direksyon mo."
Kulang na lamang ay tusukin ko s'ya gamit ang tinidor dahil hatang s'ya ay nagsisinungaling. Kung nasa panaginip lang sana kami ay napasabi ko na s'ya ng katotohanan.
"Aalis na ako. Ako na magbabayad n'yang kinain mo. Baka nagkakaganyan ka lang kasi gutom ka."
Nang aktong patayo naman s'ya ay muli akong nagsalita, "Subukan mo lang na iwan ako dito at gagawa ako ng eksena. Hahabulin kita habang umiiyak at magmamakaawa na huwag akong iwan pati ang sanggol na nasa tiyan ko. Tingnan lang natin ang maging reaksyon ng ibang tao."
"Baliw ka ba?!" pasinghal n'yang tugon habang sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo o hindi. Nang masiguro n'yang may balak talaga akong gawin ang sinabi ko ay padabog s'yang bumalik sa pagkaka-upo. Tatlong beses n'ya ring naipukpok ng mahina ang kanyang ulo sa mesa bago s'ya muling tumingin sa akin at nagpangalumbaba.
Nagsimula na rin ako sa pagkain.
* * * *
"You're not really doing this to me, right, woman?" Pang ilang ulit na ring tanong sa akin ni Jeremia habang tinatahak namin ang isang maduming kalye ng Bagong Silang, Caloocan, ang pinaka-malaking barangay dito sa Pilipinas.
"Susundan kita hanggang hindi mo ako sinasagot ng maayos."
Mag-iisang oras na rin kaming magkasama at wala kaming ibang ginawa kundi ang maglakad pagkatapos naming kumain sa karinderya. Ilang beses ko na ring kinulit si Jeremia na sagutin ang mga tanong ko pero palagi lang n'ya itong tinatanggi. Hindi ako pwedeng magkamali. S'ya yung nasa panaginip ko. Curse me if that didn't mean anything.
Napatigil lamang ako sa paglalakad ng mabunggo ako sa kanyang likuran nang bigla s'yang tumigil. Dali s'ya tumalikod at humarap sa akin. "Bakit?" Nagulat na lamang nang bigla n'ya akong hawakan sa magkabila kong balikat at saka inuntog ang kanyang ulo sa aking noo.
Napamura ako sa sakit dahil bigla na lang akong nahilo, narindi rin ang aking tenga dahil sa impact at nawalan pa ako ng balanse. Mabuti na lang ay inalalayan n'ya ako. Napakabilis na ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung dala ba ito ng takot sa kanya o ng dahil sa kahihiyan na masyado na akong nangungulit ng taong hindi ko naman kakilala. Sa kabila noon, hindi ko pa rin napigilan ang aking sarili at nasampal s'ya ng malakas.
Kaunti na lamang ay maluluha na ako sa takot na baka saktan ako ng tao sa aking harapan. Kaunti na lamang ay maluluha na ako sa sobrang kahihiyan sa lahat ng pang-iinis at kagaguhan na ginagawa ko sa loob ng halos dalawang oras makakuha lang ng sagot mula sa estrangherong hindi ko alam kung masasagot ba ako o hindi.
"Are you always this reckless?" tanong ni Jeremia habang hinihimas ang pisngi n'ya. "Ganyan ba kakitid ang utak mo na bigla ka na lang mangungulit at susunod sa taong hindi mo naman kilala?"
"Titigil naman ako kapag sinagot mo ang mga tanong ko." Matapang kong sagot. Alam ko! Hindi ako pwedeng magkamali. Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero nararamdaman ko na may pagbabagong nangyayari hindi lang sa mga panaginip ko kundi na rin sa totoong mundong ginagalawan ko. Alam ko na isa s'ya sa mga mahahalagang elemento na may kinalaman sa pagbabagong iyon. Nararamdaman ko. May kung anong nagsasabi sa akin na masasagot n'ya ako. Kailangan ko ng sagot.
Nang umayos sa pagkakatayo si Jeremia ay napaatras naman ako ng ilang hakbang dahil sa bago n'yang tinuran. Nagbago ang kanyang postura at tingin. Buong lakas kong tiningnan lang s'ya sa mga mata at wala akong ibang naramdaman kundi takot. Hindi ko mabasa kung anong iniisip n'ya. Napaatras pa ako ng kaunti dahil dahan dahan s'yang humahakbang papalapit. Sinasabi ng utak ko na kailangan ko ng tumakbo pero ayaw sumunod ng aking katawan. Tiningnan ko ng mabuti ang paligid. Nasa isa kaming makipot na eskinita at napalilibutan kami ng dalawang pader sa magkabilang gilid. Makipot lamang ang eskinita na kung susumahin ay hindi maaaring maglakad ng magkatabi ang sinumang dadaan dito.
I've been too powerful in my dreams for as long as I remember. Yesterday was the first time I felt weak in my dreams. I couldn't shake it off. Pinipilit kong balewalain ang panaginip na iyon pero pauli-ulit kong naririnig ang iyak at pagmamakaawa ng babaeng hindi ko nailigtas. Sa loob ng ilang oras na gising ako ay hindi mawala ang kaba at takot na naramdaman ko sa mga panaginip na iyon. Sa mga oras na gising ako ay may dalang takot at kaba na sa aking pagtulog ay wala na akong kakayahan sa aking mga panaginip.
I am already weak in the real world. I refuse to be weak in my dreams.
Ibinaling ko ng kaunti ang aking tingin sa ibaba upang maghanap ng kung ano mang pwedeng magamit kung sakaling atakihin ako ni Jeremia. Mga upos ng sigarilyo, balat ng mga candy at chichirya, mga plastic at lata lamang ang naroon.
Nang tumingin akong muli sa kanya, doon ko kasabay na naramdaman ang pagtama ng kanyang kamao sa aking sikmura. Unti-unti nandilim ang aking paningin. "Dear god, woman, what if I'm a kil⸺"
