Ficool

Chapter 727 - Chapter 727

Marami pa silang pinag-usapan ni Mèng Shuchun patungkol sa nangyari noon.

Buti naman at ligtas ang mga magulang ng binata.

Nalaman niyang walang pagpipilian ang konseho kundi ang ipasama mismo si Li Zhilan sa nasabing ginang.

Kinatatakutan daw ang nasabing ginang dahil napakataas ng cultivation level nito maging ang kasanayan nito sa pakikipaglaban ay masasabing mala-halimaw din.

Malakas na daw ang nasabing ginang noong hindi pa nagagamot ang cold energies sa katawan nito dulot ng cold energies sa katawan nito. Ngunit noong gumaling at nalunasan na ang problema nito patungkol sa Ice Phoenix Body niya ay tila mas higit na lumakas pa ito.

Agad na napamangha si Wong Ming sa kaniyang narinig. Hindi niya aakalaing nakatadhana na palang maging malakas ang nasabing kapatid niya noong una pa lamang.

"Pwede ba akong pumunta sa Vermilion City?!" Tanong ni Wong Ming habang makikitang seryoso siya sa katanungang ito.

"Pwede naman binata ngunit wala ka bang responsibilidad sa lugar na ito?!" Tanong naman ni Mèng Shuchun habang makikitang nagdadalawang-isip pa ito sa tanong ni Wong Ming.

"Nagawa ko na ang dapat na gampanin ko rito. Isa pa ay Wong Ming na ang pangalan ko." Saad ni Wong Ming habang kitang-kita na gusto niyang tawagin siya nito sa kasalukuyang pangalan niya.

Napatango na lamang si Mèng Shuchun habang makikita pa rin na nagtataka ito.

Sa araw ding iyon ay nagpaalam si Wong Ming upang lisanin ang lugar na ito. Nagpadala na rin siya ng mensahe sa Flaming Sun Sect na ipinangalan niya mismo kay Punong Maestro Duyi.

Alam ng lahat na malayo ang lalakbayin ng nasabing binata. Kitang-kita na nalungkot ang Ate Jianxin niya maging ang kasalukuyang pinuno ng Green Martial Valley Union na si Li Mo.

Pagkatapos na magpaalamanan ay tuluyan ng nilisan ni Wong Ming ang lugar na ito habang sakay siya ng nasabing Vermilion Bird paalis ng lugar na ito kasama si Mèng Shuchun.

...

Naglakbay sila ni Wong Ming ng napakalayo. Marami silang nadadaanang mga lugar na mapa-anyong tubig at lupa pa ito.

Simpleng magical beasts man kung ituring ang Vermilion Bird ngunit hindi lapitin ng nasabing panganib ang nasabing ibong ito.

Mayroon ding nakakabit sa leeg nito bilang proteksyon nila. Naniniwala naman si Wong Ming dahil kung hindi ay baka natagalan silang maglakbay at tawirin ang mga iba't-ibang lokasyon at pormasyon ng mga natatanaw nilang kapaligiran mula sa himpapawid.

Hindi namalayan ni Wong Ming na magta-tatlong araw na silang naglalakbay hanggang sa tuluyan na nilang natanaw ang isang pambihirang siyudad na walang iba kundi ang Vermilion City.

Napakaganda ng nasabing siyudad. Kitang-kita ang isang napakalaking estatwa ng isang Vermilion Bird na nasa tapat mismo ng tarangkahan ng nasabing siyudad.

Hindi makapaniwala si Wong Ming na mararating niya ang lugar na ito. Hindi alam ng sinuman na meron na siyang totem mark.

Nasisiguro niyang magagamit niya at mahahasa niya ang totoong potensyal ng Totem mark niya.

Mabilis namang bumaba ang sinasakyan nilang Vermilion Bird sa tapat ng tarangkahan na siyang ikinagulat naman ni Wong Ming.

Sa ibang siyudad ay alam niyang pwede namang lumipad ngunit sa Vermilion City ay hindi. Tiyak siyang may dahilan ito.

Nakita naman ni Mèng Shuchun ang nagtatakang mukha ng binata kung kaya't nagsalita ito.

"Mahigpit na ipinagbabawal ang paglipad sa mismong Vermilion City para na rin sa seguridad. Ang Vermilion City ay nananatiling nakatayo kung saan man ito dahil sa disiplina at patakarang ipinapatupad rito kahit na ano pa ang pinagmulan o estado mo sa buhay. Tanging ang mga maharlika lamang o may mataas na katungkulan lamang ang maaaring gumamit ng flying weapons o lumipad gamit ang Vermilion Bird sa loob ng mismong siyudad." Sambit naman ni Mèng Shuchun habang makikitang seryoso ito.

Pag sinabi niyang mahigpit ay talagang mahigpit talaga.

Mabilis na napalinga-linga si Mèng Shuchun nang tila may napansin itong may nagmamatyag sa kanila.

Ngunti pagharap niya sa kapaligiran ay wala naman. Parang guni-guni lamang nito.

"May hinahanap ka ba Binibining Shuchun?!" Tanong ni Wong Ming nang mapansin na tila aligaga ang nasabing dalaga.

"Ah eh, wala... Sige pasok na tayo sa loob ng Vermilion City." Ani ng dalaga habang nakatingin sa binata.

Napatango na lamang si Wong Ming lalo pa't napagod siya sa mahabang paglalakbay nila patungo sa mismong kinaroroonan ng Vermilion City.

Hindi nakatakas sa kaniyang sariling paningin ang mga pigura ng mga nilalang na nakasunod sa kanila.

Sigurado si Wong Ming na alagad ng Red Skull Alliance ang mga iyon.

Mataas ang cultivation level ni Binibining Shuchun kung kaya't hindi tanga ang mga ito upang harapin nila ang dalaga maging siya mismo.

Hindi pa rin siya tinatantanan ng mga ito. Siya pa rin talaga ang plano nilang kunin.

Hindi na alintana ni Wong Ming ang maaari niyang kahahantungan lalo na at mukhang magsisimula na ang panibagong paglalakbay niya sa labas ng Wasteland.

....

Naging masaya ang unang linggong pamamalagi niya sa Vermilion City. Nakapiling niyang muli ang mga magulang niya.

Nakausap niya ang mga ito sa mga bagay-bagay. Hindi siya masyadong nagkwento patungkol sa mga nangyari sa buhay niya.

Masasabing nalulungkot pa rin ang mga magulang nito sa pagkawalay nila kay Li Zhilan. Ramdam niyang hindi rin nila gustong mawalay sila sa nasabing kapatid niya ngunit hindi nila inaasahan na ikakapahamak pala ni Li Zhilan ang pagkakaroon nito ng Ice Phoenix Body.

Hindi aakalain ni Wong Ming na isang linggo na ang nakalilipas ay nagbreakthrough siya at isa na siyang Middle Golden Bone Realm. Isang patunay na naging matagumpay ang puspusang pagcu-cultivate nito.

Ramdam niya ang pangungulila ng mga magulang niya sa kapatid nitong si Li Zhilan. Mabuti na lamang at andito pa ang nakababatang kapatid nito at anim na taong gulang na ito.

Kasalukuyan na nag-aaral ang nakababatang kapatid niyang si Li Ying sa Vermilion Institute. May potensyal din itong maging malakas na martial arts expert.

Nakapasok na rin siya sa loob ng nasabing institusyon at masasabi niyang ibang-iba nga ito sa mga paaralan sa mismong Wasteland.

Hind siya nagdalawang-isip na pamahagian ng mga nakolektang mga bagay o kayamanan na meron siya lalo na ng mga cultivation herbs para kay Li Ying.

Masaya siya sa naging takbo ng buhay nila at masasabi ni Wong Ming na hindi pa rito natatapos ang mga dadanasin niyang pagsubok.

Gusto niyang paghandaan ang nasabing recruitment para makapasok sa Vermilion Sect. Hindi na kasi kakayanin ng mga nakolekta niyang bagay ang mga gagamitin niya upang umunlad.

Nasa labas siya ng Wasteland at kailangan niyang magkaroon ng suporta galing sa mismong pwersa mula sa labas.

Limitado lamang ang suportang maibibigay ng Flaming Sun Guild sa kaniya at ang cultivation resources na ibinigay sa kaniya ay talagang hindi na rin angkop sa cultivation level niya.

Akala ni Wong Ming ay napakataas na ng cultivation level niya ngunit mukhang pasado lamang ang lebel ng cultivation niya para sa standard requirement ng Vermilion Sect.

Si Mèng Shuchun ay miyembro na ng Vermilion Sect at talagang nagulat siya ng sabihin nitong isa pa rin itong outer disciple. Kaibahan sa Flaming Sun Guild, talagang binabasehan ang kanilang mga ranggo base na rin sa contibution points.

Ang contibution points ay ang mismong ambag o nagawa mo para sa mismong Sect na kinabibilangan mo bilang disipulo.

Ang contibution points ay pwedeng makuha sa pakikipaglaban sa kapwa mo martial art experts sa loob ng Ring or Field, mga cultivation herbs o treasures, pagtanggap ng mga importanteng mga misyon at iba pa.

Malaya din silang makalabas sa mismong siyudad upang mangalap ng ipagpapalit sa contribution points.

Marami pa si Wong Ming na dapat matutunan. Talagang hindi basta-basta ang recruitment process ng Vermilion Sect dahil mapanganib ang bawat pagsubok na ibibigay nila sa mga martial art experts na gustong sumali sa Sect nila.

More Chapters