Ficool

Chapter 726 - Chapter 726

"Binibining Shuchun? Ano'ng ginagawa mo rito at ano'ng nangyari sa kanang braso mo?!" Seryosong wika ni Wong Ming habang kumakabog ng mabilis ang tibok ng puso niya.

Ngunit hindi siya sinagot ng nasabing binibini at mukhang napagod din ito sa nasabing paglalakbay.

Magkagayon man ay inintindi niya lamang ito.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya at mas lamang ang pangamba sa maaaring pagpunta ng nasabing binibini.

Tiningnan ni Wong Ming ang nasabing binibin at tila nakuha nito ang gusto niyang iparating.

Nakasunod lamang ang nasabing binibini sa kaniyang likuran hanggang sa makapasok sila sa loob ng tinutuluyan ni Wong Ming.

"Hindi ko aakalaing nandito ka pa Li Xiaolong. Paumanhin kung ngayon lamang ako bumisita, masyadong mahigpit ang Vermilion City sa kasalukuyan lalo na sa nangyaring kaguluhan noong nakaraang tatlong buwan." Panimulang pahayag ni Mèng Shuchun habang makikitang sumeryoso ang mukha nito.

"Mahabang istorya Binibining Shuchun. Kamusta pala ang kalagayan ng mga magulang ko at ni Li Zhilan?!" Seryosong tanong ni Wong Ming habang makikitang tila nag-aalala ang boses nito.

"Maayos ang lagay ng mga magulang mo Wong Ming maging ang nakababatang kapatid mo ngunit si Li Zhilan ay tuluyan ng nilisan ang Vermilion City." Sagot naman ni Mèng Shuchun habang makikitang napakagat-labi pa ito na animo'y pinipigilan nito ang sariling bibig upang magsalita.

"Nilisan? Paano'ng nangyari iyon Binibining Shuchun? Hindi iyon magagawa ng kapatid kong iyon kahit na may kagaspangan din minsan ang pag-uugali nito." Pahayag naman ni Wong Ming ukol sa ginawang ito ng nakababatang kapatid niyang si Li Zhilan.

"Ang totoo niyan ay walang pagpipilian ang Vermilion City kung hindi ang ibigay ang kapatid mo sa organisasyong mas aalagaan siyang mabuti dahil sa kondisyon ng pangangatawan nito." Pag-amin naman ni Mèng Shuchun habang makikitang napayuko pa ito at mukhang tutulo na rin ang mga luha nito.

Tila dinamba naman ng takot si Wong Ming at labis na pagkagulat sa kaniyang nalaman.

"Hindi ba't na-suppress na ang Ice Phoenix energy sa katawan nito hindi ba?! Ano namang kalokohan ang pinagsasabi mo Binibining Shuchun." Makikitang galit na galit si Wong Ming na tumingin sa nasabing binibini.

Pinagkatiwalaan niya ito at kabilin-bilinan niyang ingatan at protektahan ng nasabing binibini ang pamilya niya lalong-lalo na si Li Zhilan.

"Nagtataglay ng napakalakas na pangangatawan ang kapatid mo Wong Ming. Tama naman ang sinasabi mo na na-suppress ang cold energies sa katawan nito ngunit bumalik na naman ang kalagayan nito. Sa pagkakataong ito ay masyado ng mabigat at seryoso. Nagigising na ang mismong Ice Phoenix Body nito. Dahil sa physique nito ay halos halati ng mamamayan ang dinapuan ng pambihirang mga sakit na maaaring ikamatay nila." Mahabang salaysay ni Mèng Shuchun.

Agad namang nagbago ang emosyon ni Wong Ming at nagulat sa narinig niya. Hindi nga malabong mangyari iyon. Ikakamatay talaga ng sinuman lalo na ng mga ordinaryong mamamayan o kahit na ordinaryong martial art experts na malapit rito.

"Hindi ko na natago pa sa mismong Konseho namin ang naturang kalagayan ng kapatid mo Wong Ming. Naubusan na ako ng ira-rason at nahuli na 'ko sa akto. Humingi na ko ng tulong sa mismong konseho para masolusyunan ang mismong kalagayan ng kapatid mo. Halos mawalan na kami ng pag-asa noon at buti na lamang ay mayroong isang pambihirang guro ang tumulong sa mismong kapatid mo at nagamot niya nga ito." Seryosong wika ni Mèng Shuchun habang makikita ang labis na pagka-konsensya.

"Buti at naisipan mo pang ipagamot ang kapatid ko Binibining Shuchun. Paano naman nawala ang aking kapatid sa Vermilion City?! Nasa panganib ba ang kapatid kong si Li Zhilan?!" Turan ni Wong Ming habang makikita ang labis na pag-alala at pagtataka na rin sa mga nangyayari.

"Katulad ni Li Zhilan ay nagtataglay din ng Ice Phoenix Body ang nasabing ginang. Tuluyan ng na-suppress ng ginang ang nasabing cold energies sa katawan nito ngunit sa napaka-imposible daw na paraan. Kailangan niyang isama si Li Zhilan sa paglalakbay nito upang maghanap ng ibang lunas para sa lumalalang kalagayan nito." Saad ni Mèng Shuchun habang makikitang maging ito ay namomroblema din.

"Nalaman mo ba binibini kung ano ang nasabing lunas upang tuluyan na ma-suppress ang nasabing cold energies sa katawan ni Li Zhilan?!" Tanong ni Wong Ming habang nakatingin ito ng direkta sa mga mata ni Mèng Shuchun.

"Nalaman ko kung ano ang sinasabing lunas ng nasabing ginang na iyon. Pinaslang lang naman nito ang isang 100,000 year old Pure Bloodline Ice Phoenix upang tuluyan na nitong mapawala ng tuluyan ang cold energies sa katawan nito." Seryosong wika ni Mèng Shuchun habang makikitang kahit ito ay manghihina talaga sa sinasabing lunas para sa pambihirang Ice Phoenix Body.

Agad na napatahimik lamang si Wong Ming sa kinaroroonan niya.

Saan siya hahanap ng ganoong klaseng Magical Beast? Kung makakahanap siya ay mapapaslang niya kaya ito sa kasalukuyan niyang cultivation level? Lahit ubusin niya pa ang kasalukuyan salaping meron siya ay tiyak siyang hindi sasapat iyon.

The moment na ipinanganak pa lamang ang isang Pure Bloodline Ice Phoenix ay maituturing na Level 10 na kung ito ay pagbabasehan sa lakas lalo pa't natural ang lakas nito lalo na sa paggamit ng mga Ice Skills.

Agresibo at mapaminsala ang nasabing halimaw na ito. Kayang-kaya nitong paslangin at maghatid ng delubyo sa mga lugar na madadaanan nito.

Every hundred years lamang napipisa ang itlog ng nasabing Pure Bloodline Ice Phoenix. Napaka-rare ng existence nito at ang iba sy maituturing na napakalakas na halimaw ito.

Hindi alam ni Wong Ming kung maniniwala siya o hindi ngunit sa tingin niya ay walang basehan upang linlangin ng nasabing ginang ang konseho sa Vermilion City para makuha si Li Zhilan dahil kayang-kaya nitong gawin kahit sapilitan.

Ang Ice Phoenix Body ay maituturing na top-tier physique para sa mga kababaihan. Maituturing na isa sa isang million ang magkakaroon nito ngunit mabibilang lamang sa daliri ang mabubuhay ng matagal rito.

Karamihan ay sumusuko na lamang dahil sa tindi ng cold energies na namumuo sa katawan ng nasabing nilalang. Kahit gustuhin man nilang mabuhay ay meron talagang hindi kakayanin ang sakit at pagdurusa na sasapitin nito kapag naouno ng cold energies ang katawan nito maging ang dantian.

Hindi inaasahan ni Wong Ming na walang pagpipilian si Li Zhilan kundi ang sumama sa nasabing ginang na iyon. Kahit na maloko ang kapatid niyang iyon ay alam nito ang makakabuti sa kaniya.

May busilak din itong puso kahit na inuuna pa nito ang mga kalokohan nito. Ipinaliwanag rin siguro ng ginang na iyon ang masamang dulot ng pananatili niya sa Vermilion City kasama ang mga magulang nito.

More Chapters