Hindi namamalayan ni Wong Ming na dumating na ang araw na pinakahinihintay niya. Walang iba kundi ang Recruitment Day ng Vermilion Sect.
Akala niya noong una ay napakasimple lamang ng recruitment process ngunit hindi pala.
Maraming pagsubok ang pagdadaanan nila para makapasok sa Vermilion Sect. Pagsubok na maaaring magdulot sa kanila ng pagtamo ng mga sugat o di kaya ay kamatayan.
Vermilion Sect established for almost 1000 years. Isa ito sa namamayagpag na organisasyon na binubuo ng malalakas na mga Elders maging ng mismong Sect Leader.
Sect Leader Vermon, ito ang mismong tawag ng lahat sa nasabing leader ng martial arts sect. Mahilig itong maglakbay sa iba't-ibang lugar kasama ng pinagkakatiwalaan nitong mga indibidwal upang mangolekta ng mga pambihirang mga kayamanan.
Napakalawak pala ng Vermilion City at hindi maipagkakailang sobrang laki nito kumpara sa kabuuang teritoryo ng Golden Crane City.
Akala ni Wong Ming ay progresibong siyudad na kung maituturing ang Golden Crane City noong wala pa siyang kaide-ideya sa pamumuhay sa labas.
Agad na bumalik ang isipan ni Wong Ming sa mismong reyalidad. Nakapila sila para pumasok maya-maya sa mismong teleportation Array na inihanda talaga ng Vermilion Sect para sa mga gustong lumahok at sumalang sa matitinding pagsubok.
Bawat kalahok na papasok sa Teleportation Array ay binibigyan ng kulay pulang tali sa kamay.
Talagang matinding pagsubok nga ito dahil mag-uunahan lang naman na makarami ang bawat manlalahok para magkaroon ng ranking spot.
Hindi maipagkakailang napakarami ng mga kalahok at umabot ito ng sampong libong indibidwal na mga martial art experts.
Nasa Golden Realm boundaries lamang ang maaaring sumali at nagkakaedad ng labing-apat hanggang tatlumpo ang maaaring sumali.
Hindi aakalain ni Wong Ming na napakarami pala ng mga martial art experts na nasa Golden Realm boundaries na dito mismo sa Vermilion City.
Isa pa ay isa sa nangungunang Sect ang Vermilion Sect na hango mismo sa pangalan ng siyudad. Lahat ng attributes ay pwedeng sumali lalong-lalo na ang mga cultivators na mayroong fire-type attributes.
Kitang-kita ni Wong Ming na bawat isa sa mga manlalahok katulad niya ay gusto ring manalo.
Pasalamat siya kay Mèng Shuchun dahil naisali pa ang pangalan niya kahit na medyo huling oras na ng registration.
Ang opotunidad na ito ay hindi niya sasayangin. Akala niya noon ay okay na ang pagsali niya sa Flaming Sun Sect ngunit hindi pala.
Sa Great White Region na ito kung saan nabibilang ang Vermilion City ay kailangan mo ng malakas na background kung gusto mong mabuhay at may pumrotektang organisasyon para sa iyo.
Marami siyang nalaman dahil na rin kay Binibining Shuchun. Ang kamangmangan ay maaaring ikapahamak niya.
Hindi rin naman sukat aakalain ng Flaming Sun Sect Leader na pupunta siya sa labas ng teritoryo ng Wasteland mismo.
Ikakapahamak lamang ng Flaming Sun Sect kung tutulungan siya ng mga ito sa labas ng Wasteland. Ang pinakamataas lamang sa mga ito ay nasa Golden Realm boundaries at iilan lamang ang maaaring mabilang sa mas mataas na lebel ng cultivation kagaya ng Sect Leader ng Flaming Sun Sect.
Sa katotohanan, wala silang laban kung sakaling atakehin sila ng kahit na anumang Sect sa labas ng Wasteland.
Naniniwala naman si Wong Ming na isang magandang ideya ang naisip niyang sumali sa mas malaking Sect lalo na at ayaw niyang bumagsak ang Flaming Sun Sect na di pa masyadong stable ang pundasyon nito bilang isang Sect na maituturing.
Hindi namamalayan ni Wong Ming na siya na ang susunod sa pila at malapit na siya.
Agad na tinanggap na nito ang isang tuyong baging na tila putol kasabay nito ay pumasok na siya sa loob ng Teleportation Array.
Nabalot ng nakakasilaw na liwanag si Wong Ming kasabay nito ay ang pag-teleport nito sa isang di pamilyar na lugar.
Hindi aakalain ni Wong Ming na ang ordinaryong putol na baging na hawak nito kanina ay naging isang kulay asul na tali. lumaki at humaba ito ng doble na hindi niya inaasahan.
Napakalakas naman ng simulation na inihanda ng Vermilion Sect para sa mga manlalahok. Tiyak si Wong Ming na hindi magiging madali ang lahat ng ito.
Lumitaw sa ere ang nasabing rules. Bawat kulay na ito ay nagsisimbolo ng kulay ng bawat team. Bawat parehas na kulay ay magkakampi at hindi maaaring maglaban ayon na rin sa nasabing rule ng pagsubok na ito.
Kung sakaling bitiwan o i-surrender ng nasabing kalahok ang taling meron ito ay awtomatikong mawawala na ito sa lugar na ito.
Ang sinumang hindi gagawin ito ay mate-teleport pabalik sa labas ng lugar na ito at uuwing talunan.
Kahit anong mangyari ay kailangan niya itong ingatan. Kailangang nakatali ito sa kahit saang parte ng katawan niya.
Ngunit maaaring mamatay ang sinuman dito kung sakaling di nito isusuko ang nasabing taling meron ito.
Paramihan ng makokolektang tali ang bawat kalahok at makakapasok sa ranking ng bawat pagsubok.
Bawat pagsubok ay may iba't-ibang ranking kung kaya't maaari pa ring makabawi sa susunod na pagsubok.
Agad na itinali ni Wong Ming ang kulay pulang tali sa mismong hita nito. Alam niyang mas mainam na dito ilagay upang hindi agad mahablot.
Naisip niyang sa siko, braso o sa paa itinatali ng karamihan ang kanilang mga tali ngunit isa iyong pagkakamali dahil madali iyong mahablot ninuman. Iyon ang magiging advantage niya sa bawat kalahok na makakasagupa niya.
Agad na inihanda ni Wong Ming ang sarili niya para sa gagawin niyang plano.
Kakaiba din ang lugar na kinaroroonan niya ngayon. Masyadong patag at hindi rin mapuno ngunit hindi ibig sabihin niyon ay magiging madali ito.
Hindi siya maaaring lumipad. Iyon ay dahil na rin sa mayroon ding mga magical beasts na maaari nilang makasagupa sa ere o sa lupa man.
Mabilis na paglakad ang ginawa ni Wong Ming hanggang sa napahinto ito at napatago sa kaniyang kinaroroonan na puno.
Hindi aakalain ni Wong Ming na sa limang minuto niyang paglalakad ay may natanaw siyang dalawang kalahok at sa tingin niya ay magkakampi ang mga ito. Mayroong tali na kulay pula na nakatali sa braso ng mga ito.
Aalis na sana si Wong Ming sa pinagtataguan nito ngunit napakatalas ng senses ng isa sa kalahok na agaran nitong natukoy ang kaniyang kinaroroonan.
Agad na ibinato ng kasama nito ang nasabing hawak na palakol sa kinaroroonan ni Wong Ming na puno.
BANG!
Buti na lamang at nakaiwas si Wong Ming bago pa sumabog mismo ang nasabing puno.
Malalakas ang mga kalahok lalo pa't nasa Golden Realm boundaries ang mga ito.
Isang Early Golden Blood Realm Expert ang kalahok na may matalas na senses habang nasa Middle Golden Blood Realm Expert naman ang isang kalahok na may sandatang palakol.
Napakalaking nilalang ito na nasa lahi ng tao at talagang bihasa ito gumamit ng sandata.
Hindi maaaring maliitin ni Wong Ming ang dalawang kalaban niya at kasalukuyang naka-limit ang cultivation level nito dahil sa concealment ring bilang Middle Golden Blood Realm Expert.
"Akin na iyang tali mo totoy, ilabas mo na at ibigay mo sa amin ng hindi ka na masaktan pa!" Pasigaw na utos ng nasabing malaking mama na animo'y parang may pinapatago ito.
Ngumisi naman si Wong Ming at nagsalita. "Akin na iyang tali niyong dalawa nang hindi na kayo masaktan pa!" Panggagaya naman ni Wong Ming sa tono ng pananalita ng kalaban nito.
Tila bumusangot ang mukha ng dalawang kalaban nito kasabay nito ay napasugod sa kaniya ang may sandatang palakol na kalahok.