Pagkalabas na pagkalabas ni Wong Ming ay kitang-kita niyang kakalabas lang din ng iilang mga disipulo ng Dark Oath Guild.
Katulad niya ay nay mga pasa rin ang mga itong natamo mula sa mahabang paglalakbay nila.
Mukhang hanggang doon lamang siguro ang araw na maigugol ng nasabing pambihirang lugar na iyon.
Mabuti na lamang at maraming mga healers ang dumating kung kaya't maging si Wong Ming ay nagkaroon ng pagkakataon upang mapatawan din ng paunang lunas at alalayan ng mga ito.
...
Makalipas ang isang buwan...
Tuluyan na ring gumaling ang mga sugat ni Wong Ming at kasalukuyan siyang bumalik sa Green Valley kung saan ay nasa proteksyon ito ng Hollow Earth Kingdom.
Mabilis na kumalat ang balitang bumalik na si Little Devil na akala ng lahat ay patay na.
Maayos siyang tinanggap ng Li Clan maging ng Clan Chief nilang si Li San.
Masyadong agaran ang pagbabalik niya at sa tingin niya ay maipagmamalaki niya na isa na siyang inner disciple ng Flaming Sun Guild na siyang ipinagbunyi ng angkan ng mga Li maging ng lahat ng mamamayang sakop ng Green Valley.
Nakarating din sa mismong pamunuan ng Hollow Earth Kingdom ang nasabing pagbabalik ng batang akala nila noon ay napaslang na ngunit ngayon ay mukhang malapad dahil nalagpasan nito ang nasabing kamatayan noon.
Nalaman niyang maayos na ang lagay ng Dou City at hindi totoong magkakaroon muli ng digmaan sa pagitan ng Hollow Earth Kingdom at Wind Fury Kingdom.
Sila na lamang ang kahariang namamayagpag at maituturing na pundasyon ng Dou City.
Plano ni Wong Ming na bisitahin ang bawat pwersang bumubuo sa Dou City. Sigurado si Wong Ming na maraming mga espiyang nakaantabay lamang upang manghasik ng malagim na kaguluhan sa nasabing malaking siyudad lalong-lalo na sa dalawang natitirang kaharian.
Ngunit sa susunod na linggo pa mangyayari iyon. Gusto niya munang tingnan ang mga teritoryo ng mga maliliit na sangktwaryo ng mga rebelde o mga grupo ng mga bandido.
Sigurado siyang mayroong nag-uudyok sa mga ito upang pumaslang ng mga inosentent mga buhay ng mga mamamayan ng dalawang kaharian.
Anuman ang mga layunin ng mga ito ay siguradong ikakapahamak ng dalawang natitirang malakas na pwersa ng Dou City.
Sumapit na ang dilim at handa na si Wong Ming na manugis ng mga demon na ginagawang kasangkapan ng Red Skull Alliance upang gawing host ang sinumang nilalang na maaari nilang kontrolin.
WHOOSH! WHOOSH! WHOOSH!
Agad na lumipad si Wong Ming sa himpapawid kasabay niyon ay ginamit niya ang Totem Mark niya upang mas lalong ikubli ang sarili niya mula sa mga ibang mga nilalang na malalakas.
Hindi aakalain ni Wong Ming na malaki na ang pinagbago ng sarili niya. Kaya niya ng i-detect ang mga Demon Race na nasa katawan ng sinuman
SLASH! SLASH! SLASH!
Pinugutan ni Wong Ming lahat ng mga nilalang na alam niyang kinokontrol na mismo ng demon host ang katawan ng nasabing mga individwal na mga lahi ng tao.
Karamihan sa mga ito ay mga normal na tao lamang na sa tingin niya ay walang kalaban-laban na pinaslang at ginamit ang katawan ng mga ito upang maghasik lagim.
Walang kahirap-hirap na pinagtataga at pinagpapaslang ni Wong Ming ang mga ito.
Hindi aakalain ni Wong Ming na napakarami palang naging biktima ng mga demon race na iyon.
Alam na rin pala ng Hollow Earth Kingdom at Wind Fury Kingdom ang mga ito dahilan upang malusaw ng tuluyan ang natitirang teritoryo ng Sky Flame kingdom noon.
Akala ng dalawang kaharian na ito ay bukal sa loob ni Wong Ming lahat ng mga ginagawa nito ngunit isa rin itong taktika ni Wong Ming upang lumakas pa lalo at umunlad ang Demonic Power bawat pagpaslang niya sa mga demon host na ito.
Isa hanggang limang patak lamang ng demonic blood essence ang nakukuha niya mula sa napapaslang niyang mga demon host.
Napuno ang gabing ito ng maraming hiyaw ng paghikbi at walang awang pagpaslang ni Wong Ming sa mga demon hosts.
Nasundan pa ito ng nasundan hanggang sa mahigit isang buwan ng ginagawa ito ni Wong Ming.
Naalarma na din ang lahat dahil maging ang ilang mahahalagang mga tauhan ng dalawang kaharian maging sa siyudad ng Dou City ay napapaslang rin at napatunayang mga espiya ang mga ito.
Ngunit agad ding nakatanggap ng positibong komento ang mga mamamayan sa loob ng siyudad lalo na sa dalawang namamayagpag na kaharian, ang Hollow Earth Kingdom at Wind Fury Kingdom.
Marami na rin palang kaalaman ang dalawang magkasanggang kaharian upang puksain at malaman kung sino ang mayroong demon hosts sa katawan.
Malaki rin ang ambag ng Green Valley sa pagsuplay ng mga Bloody Gem Ores upang gawing sangkap sa paggawa ng mga matitibay at malalakas na sandatang kayang puminsala rin sa mga demon hosts.
Hindi pa nakatagpo si Wong Ming ng sobrang lakas na mga demon hosts. Siguradong alam na rin nila ang ginagawa ng mga indibidwal na gusto silang paslangin at pag-eksperimentuhan.
Mga tuso at matatalino din ang mga ito. Hindi na niya ibinahagi ang pagpaslang niya sa isang prinsipe ng Sky Flame kingdom.
Ayaw niya kasing pag-usapan pa at patuloy na yurakan ang walang kalaban-laban na prinsipeng iyon sa pambihirang demon hosts sa katawan nito na tila matagal ng nakatira sa mismong katawan nito.
Anuman ang rason ng mismong huling hari ng Sky Flame kingdom bago ito bumagsak ay siguradong may malaking rason ito.
Malaki pa rin ang banta ang natitirang prinsipe ng dating Sky Flame Kingdom dahil baka ang mga ito ay mayroong demon hosts sa katawan ng mga ito.
Tuluyan mang bumagsak at nalusaw ang buong pwersa ng Sky Flame Kingdom ay hindi pa rin sila dapat na makampante. Masyado pang maaga upang magdiwang sila.
Hindi pa rin nila alam ang pinagmulan ng mga demon hosts na ito ngunit nabubuhay sila sa katawan ng mga nilalang sa mundong ito ng Martial World.
Nagpatuloy pa si Wong Ming sa pagpuksa ng mga banta. Marami na rin ang tumutugis sa mga demon hosts at ang mga bandido maging ang mga rebelde ay tuluyan ng natakot at unti-unting nililisan ang siyudad ng Dou City.
Palaisipan pa rin sa lahat kung sino ang pumapaslang ng mga demon hosts. Hindi nabahala si Wong Ming lalo pa't malaki na rin ang naging pagbabago sa Dou City.
...
Isang araw, habang nag-eensayo si Wong Ming sa malaking manor na nagsisilbing tirahan niya kung saan nakatayo noon ang bahay nilang nasira na dulot ng napabayaan na ito matagal na ay agad na napahinto ang nasabing binata.
Nakaramdam siya ng malakas na presensyang paparating sa kaniya.
Mula sa ere ay isang malaking ibon ang papalapag sa mismong teritoryo ng manor niya.
Isang Vermilion Bird!
Marami naman ang nakakita sa nasabing kakatwang pangyayari.
Karamihan ay namangha lalo pa't hindi lingid sa kaalaman ng lahat na direct descendant ang nasabing ibon na ito ang makapangyarihang bloodline ng pambihirang ibon na tinatawag na Phoenix.
Agad na bumaba rito ang isang babaeng napakaganda habang nakasuot ito ng napakatibay na baluti.
Kapansin-pansin na natigilan ang lahat ng mga nakakita lalong-lalo na si Wong Ming.
Kitang-kita kasi niya na putol ang mismong braso ng nasabing babae.
Agad na namukhaan ito ni Wong Ming habang naglalakad ang nasabing babae patungo sa kaniya habang may labis na kalungkutan sa mukha nito.
Kumabog naman ng mabilis ang dibdib ni Wong Ming. Matinding takot, iyon ang nararamdaman niya sa mga oras na ito. Hindi niya makakalimutan ang nasabing mukha ng nilalang na ito.