RATED SPG AHEAD!!!! VIOLENCE!!!
[ Read at your own risk! ]
_____________________________________
Hindi pa nakontento ang nasabing Shadow Demon at pinagtataga niya ito ng nasabing halberd na sobrang talas ng mismong naghahabaang patalim nito ng walang katiting na awa.
SLASH! SLASH! SLASH!
Sumuka ng sumuka ng masaganang dugo si Wong Ming maging ang mga natatamaang mga parte ng katawan nito ay sumisirit ang mga dugo nito sa katawan.
SLASH!
Sa ksang iglap ay kitang-kita kung paano'ng naputulan ng mismong ulo nito si Wong Ming.
Roll! Roll! Roll!
Kitang-kita kung paanong gumulong pa ang mismong ulo nito sa lupa.
Napangisi na lamang ang Shadow Demon sa naging resulta ng ipinamalas nitong lakas mula sa binatang taong may dugong isang demonyo.
"Nararapat lamang na mapaslang ka binata. Masyado mong pinainit ang dugo ko sa iyong kaalaman. Ang taong katulad mo ay nararapat na mapaslang! Magiging banta ka pa sa aking mga planong makalaya sa lugar na ito! Hahahaha!!!" Seryosong wika ng Shadow Demon kasabay nito ay napahalakhak pa ito ng malakas.
Ngunit maya-maya lamang ay biglang napatid ang mga ngiti sa labi ng Shadow Demon nang makitang unti-unting naging yelo na lamang ang lasog-lasog at punong-puno ng tadtad na katawan ng binatang tao maging ang mismong ulo ng binata.
"Masyado ka atang masaya ngayon mababang uri na Shadow Demon. Talagang ginamit mo pa ang mahinang katawan ng ginang na iyan para pakinabangan mo?! Isa kang malaking kahihiyan sa Demon Race!" Mapang-uyam na saad ni Wong Ming habang kitang-kita na tila wala man lang itong natamong galos o bakas ng pinsala ng Shadow Demon.
"Paano'ng nabuhay ka pa binata?! Sigurado akong ikaw ang napaslang ko! Hindi maaari ito!" Galit na galit na wika ng Shadow Demon at handa na itong paslangin muli si Wong Ming.
"Kahit ano'ng klaseng atake ang gagawin mo ay hindi mo ako mapipinsala man lang. Mababa man ang lebel ng cultivation ko ay siguradong nag-aaksaya ka lamang ng lakas para mapaslang mo ko sa mismong teritoryo mo!" Seryosong turan ni Wong Ming habang nakalutang ito sa ere na nasa anyo ng isang Ice Demon Race.
Agad namang napabuntong-hininga lamang ang nasabing Shadow Demon. Malamang ay tama ang sinasabi ng binatang ito. Aminin niya man o hindi ay sigurado siyang maalam ang nasabing binatang nilalang na ito sa mismong kalagayan at katauhan niya.
"Hmmm... ano ang maaari mong suhestiyon upang mapanatili ko ang aking kaluluwa sa mundong ito? Hindi ko nais na maging mahina lamang habambuhay at mas lalong ayaw kong mawala na lamang na parang bula sa mundong ito." Seryosong sagot naman ng nasabing Shadow Demon habang bakas sa mukha nito ang pagsuko.
"Wala ka namang pagpipilian kundi ako hindi ba? Masyado ng mahina ang pangangatawan ng babaeng host mo at ilang buwan na lamang ay tuluyan ng magiging immune ang katawan nito mula sa pagkontrol mo rito. " Pasimpleng wika ni Wong Ming habang sinasabi nito ang katotohanan.
Mukhang ilang dekada na ang pamamalagi ng dalagang ito sa loob ng mala-kastilyong lugar na ito. Hindi na rin ata ito nagcu-cultivate at wala na rin sa wisyo upang gumawa ng sarili bitong pamamaraan.
Kagaya niya ay alam niyang isang estudyante lamang ito noong mapadpad ito rito.
Sa uri ng pananamit ng ginang ay masasabing pati ang life source nito ay maaaring masaid kapag patuloy itong kinokontrol ng walang awang Shadow Demon na ito.
Kapag nangyari iyon ay pareho silang mamamatay.
Kagaya ng nakalaban niyang demonyo noon sa katauhan ng prinsipe ng Sky Flame kingdom ay nangangailangan din iyon ng Host upang patuloy na mabuhay sa mundong ginagalawan nila. Ang mundong ito ay hindi nararapat sa mga katulad nila. Masyadong hindi angkop ang lugar na ito na mayroong mababang lebel ng demonic energy.
"Wag kang mag-alala, Kung yan lang ang problema mo ay sisiguraduhin kong mabubuhay ka at magkakaroon ka pa ng sariling lugar na maaari mong iyo mismo." Nakangiting saad ni Wong Ming.
"Talaga ba? Paano mo gagawin iyon? Hindi ako naniniwala sa pinagsasabi mo binata. Ano'ng klaseng lugar ba ang sinasabi mo?" Ani naman ng Shadow Demon habang makikitang nakakatakot pa rin ang kaanyuan nito. Kung makikita lamang ito ng normal na mga martial art cultivators ay siguradong papanawan sila ng ulirat idagdag pang napakabagsik ng enerhiyang nakapalibot rito.
Walang ano-ano pa ay mabilis na ipinamalas ni Wong Ming ang mismong totoong kaanyuan ng artifact na nasa loob ng katawan niya.
Bumukas ang isang kakaibang lagusan sa harap mismo ng Shadow Demon at kitang-kita na namangha ito.
Tila ngayon lamang ito nakakita ng pambihirang artifact na ito.
Tila kinikilatis pa nito ang nasabing binata at ang pinagsasabi nito ngunit inismiran lamang siya ni Wong Ming.
Wala namang nagawa ang Shadow Demon dahil alam niyang hindi niya malalamangan ang kaalaman at presensya ng binatang ito.
Tila ba wala itong takot sa kaniya at mukhang hindi ito ang unang beses na may nakaharap itong nilalang na napakalakas kagaya niya.
Inismiran din siya ng Shadow Demon bago nito pinakawalan ang nasabing katawan ng babaeng ginang at pumasok na sa loob ng lagusan.
Nang maisarado na niya ito ay agad naman na napahinga ng maluwag si Wong Ming kasabay nito ay napahandusay na lamang ang nasabing ginang sa sahig.
Buti na lamang at sa bandang mga gintong barya ito bumagsak at hindi sa mismong sahig.
Ramdam ni Wong Ming ang pag-agos ng dugo niya sa bandang bisig niya.
Aminin niya man o hindi ngunit mayroong limitasyon ang nasabing kakayahan ng Ice Domain niya. Ang unang sugat na matatamo niya ay talagang babakat mismo sa katawan niya. Tanging ang sunod na mga atake nito ang hindi.
Mabuti na lamang at nautakan niya ang nilalang na iyon dahil kung hindi ay siguradong mahihirapan siya.
Talagang namangha siya sa nilalang na iyon. Biruin mo yun at mataas pa rin ang cultivation level nito kahit na isang remnant soul na lamang ito.
Talagang napakalakas nito ngayon at hindi lubos maisip ni Wong Ming kung gaano ito kalakas noong nabubuhay pa ito.
Agad na dinaluhan niya ang nasabing ginang at binigyan ng paunang lunas.
Hindi pa nakontento si Wong Ming at talagang gusto niyang dalhin lahat ng mga kayamanang nasa loob ng mala-kastilyong lugar na ito kaya naman agad na ginamit niya ang mga nakoletang mga interspatial rings mula sa mga nakaaway niya maging ang mga interspatial rings na mismong galing pa sa Golden Crane City.
Natuwa naman si Wong Ming dahil hindi lamang mga alahas ang nasaid niya sa mala-kastilyong lugar na ito dahil lahat ng mga importanteng mga bagay katulad ng mga scrolls, chests weapons at iba pang pambihirang bagay ay isinilid niya sa loob ng mga interspatial rings.
Walang pagsidlan ng tuwa si Wong Ming.
Siyempre hindi kinalimutan ni Wong Ming na bunutin ang mismong kakaibang espadang tila kinakalawang na nakabaon ang pinakatalim nito sa lupa.
Walang kahirap-hirap nitong binunot at isinilid sa interspatial rings niya.
Sinubukan niya pang upuan ang mismong ginintuang trono ngunit wala man lang nangyari. Di na pinagkaabalahan na bungkalin at dalhin ito ni Wong Ming. Para sa kaniya ay walang kwenta ang tronong ito.
Masasabi niyang naging produktibo ang pagpunta niya sa lugar na ito. Napakaraming benepisyo ang nakuha niya lalo na ang mga materyal na mga bagay.
Agad niyang inakay ang nasabing ginang palabas ng mala-kastilyong lugar na ito.
Sigurado siyang dito na natatapos ang paglalakbay niya lalo pa't nakita nito ang isang lagusan sa hindi kalayuan.