"Michelle, pwede ka ba yayain mag hotel?" matapang ko na tanong sa cold side nya ngayong araw bago umuwi. Iniisip ko na baka makatsamba at ganun pa rin ang kalabasan na pumayag sya. Bigla syang lumapit sa distansya namin na dalawang metro at bigla nya akong sinampal ng malakas. Malakas na parang may babakat na palad sa mukha ko sa lakas.
"Anong pinagsasabi mo diyan July! Ano bang tingin mo sa babaeng tulad ko? Easy to get na babae!?" galit na galit syang nakatingin sa kin at di ako makapagsalita sa takot. Parang eto na pinakanakakatakot na side ni Michelle. Hindi na ako nakapagsalita at yumuko na lang dahil hiyang hiya sa sinabi ko. Bigla bumalik yung matatakutin ko na side nung nakita ko yung galit sa mukha ni Michelle.
"Sa susunod na sabihin mo pa yan irereport na kita kay Sir Arthur. Nakakasuka yang ugali mo!" dagdag ni Michelle na galit na galit. Buti wala masyadong tao nung oras na yun sa waiting shed. Nakita ko na may paparating na jeep. Nakayuko pa rin ako pero nakita ko si Michelle na papaalis na.
"Sorry sa sinabi ko," sinabi ko sa kanya habang naglalakad sya at habang haplos haplos ko tong side ng mukha ko na nasampal nya. Di nga lang ako sigurado kung narinig nya.
Nakauwi na ko na iniisip yung mga nangyari kanina. Kapag may nangyari talaga na maganda sayo, di pwedeng walang kapalit na di magandang mangyayari. Ano ba kase pumasok sa isip ko at nasabi ko yung mga salitang yun kanina? Nababaliw na ata ako sa kanya. Parati na sya ang nasa isip ko. Yung cold side at sweet side nya yung parati kong iniisip. Pag-ibig na talagang totoo ito, hindi basta libog lang.
Lumipas na ang mga araw na ganun pa rin ang routine namin ni Michelle.
"Bukas na pala yung team outing, Rosy, dadalhin mo ba si bf mo?" tanong ni Karina.
"Oo eh, unwind na rin yun para sa ming dalawa kase pareho kameng busy sa work. Sana maging maayos lang yung panahon bukas para makapag outing tayo ng masaya," dagddag ni Rosy.
"Sana nga wag umulan. Ngayon na lang tong team outing natin baka next year na naman ulit. Balita ko may budget daw satin yung upper management di ba? Ang saya baka masarap yung mga pagkain," sobrang excited ng tono ni Katrina na parang gusto nya mamaya na yung team outing. Nasa likod lang kase ako nila naka station kaya rinig ko kwentuhan nila.
Kasama ko today yung sweet side ni Michelle. Mukhang may mangyayari na naman later bago umuwi na pangmalakasan. Dalawang oras na lang bago mag uwian. Busy si Michelle na may sinusulat sa tabi ko. Di ko lang alam kung ano yung pinagkakaabalahan nya. Inabot nya sa kin yung papel at binasa ko yung papel. As expected, details na naman ng pupuntahan namin na hotel yung nakasulat sa papel. Ganun ulit yung setup namin. Mauuna sya mag book dun at susunod na lang ako.
