Ficool

Chapter 21 - Malamig o Matamis Part 2

"Hahahahaha, ikaw naman July napaka intense mong kausap. Syempre normal na sa ting mga nasa tamang edad ang mag hotel para magpahinga. Grabe naman at hindi ko rin kase maisip na makaka score ka dun kay Michelle kung si Michelle nga yung nakita ko. Tingnan mo yan, masyadong maganda yan para sayo. I mean hindi kayo bagay. Hahaha," muli nyang tinapik tapik ang balikat ko dahil tagumpay na naman sya sa pang aasar. Ang di nya alam ang daming score ko na talaga kay Michelle. Pero ang tanong kelan kame aamin.

Nakarating na kame dun sa kainan na puro almusal ang offer. Madalas din kumain dito yung ibang kakilala ko. Pare-pareho kame nang inorder na pagkain. Cravings din pala talaga nila yung tapsilog. Di ako makapaniwala na kasama namin sa hapagkainan sa labas si Michelle. Para kay Apple at Brian normal lang ang scenario na to pero para sa kin ay big deal na to. Magkatabi sila ni Apple sa kabilang upuan. Katabi ko si Brian at hindi mawala yung titig nya kay Apple as a friend. May mga bagay ata na sa edad kong to na di ko maiintindihan kahit pa sabihin nila na matalino ako. Tulad na lang ng relasyon ni Apple at Brian, hirap intindihin eh. Habang kumakain kame ay pinagmamasadan ko ng paunti-unti si Michelle. Ang cute nya kumain ng tapsilog at humigop ng sabaw kahit itong cold side na masungit yung kasama namin. Nagpatuloy lang kame sa pagkain na may konting kwentuhan at nabusog naman ang aming umaga.

Humiwalay na sila Apple at Brian samin ni Michelle dahil sa Brian lang may kotse team namin bukod kay TL. Hindi lang basta kotse to, kundi sports car. Anak kase si Brian ng isang mayaman na businessman sa kanila kaya sisiw lang sa kanya yung mga ganyang bagay. Di nga namin alam bakit pa nagwowork yan eh baka mas marami pa yang pera kesa sa boss namin. Kaya hanggang isa lang pwede nya isakay sa kotse nya. Sino pa ba samin pwedeng isakay sa kotse nya? Sabay na kame ni Michelle umuwi at kame na lang dalawa ang side by side magkasama. Wala pa rin syang imik at malapit na kame sa sakayan ng mga jeep. Nandun kame sa waiting shed naghihintay ng sasakyan. Binasag ko ang katahimikan at bigla na lang ako nagsalita kay Michelle..

"Michelle, pwede ka ba yayain mag hotel?"

More Chapters