Kabanata 63: para sa Pamilya.
Isang oras lamang ang lumipas mula nang magpaalam si Romeo kay Flora sa kanyang dorm sa Maynila. Matapos ang kanilang mga pag-uusap at maikling sandali ng koneksyon, muli siyang nagtungo sa Cavite, ang kanyang puso ay puno ng pag-aalala kay Flora, pero kahit marami syang inaasikaso bilang heneral ay kinakailangan nya paring siguruhin kung nasa maayos na kalagayan ang kanyang pinakamamahal na kapatid.
Ang dilim ng gabi ay nagbigay ng katahimikan sa kalsada. Habang binabaybay nila ang daan, sa loob ng kanyang sasakyan,. Kasama ni Romeo sa sasakyan sina Abby at Peter, dalawa sa kanyang pinagkakatiwalaang tauhan at itinuring na kapatid.
Habang umaandar ang sasakyan, ang tunog ng makina ay nagbigay ng banayad na ingay, ngunit mararamdaman ang tensyon sa loib dahil sa katahimikan ng tatlo.
Mas matanda si abby kay romeo kaya madalas itong laging prangka at mausisa, madalas sya ang unang nag sasalita kung may nakikita syang problema sa kanilang pamilya, ang kanyang boses ay may bahid ng pagtataka at pag-aalala. "Heneral, hindi ko maintindihan kung bakit bigla mo kami ipinatawag sa kalagitnaan ng gabi? Akala ko ba't pupuntahan mo lang si Flora sa Maynila?" tanong ni Abby, ang kanyang mga mata ay nakatitig kay Romeo, na nakatuon ang paningin sa kalsada sa harap.
Ngumiti si Romeo, isang ngiting may halong pagod at lungkot. "Dinalaw ko nga siya kanina," sagot niya, ang kanyang boses ay kalmado ngunit may bigat. "Pero hindi ko kailangang magtagal. Alam mo naman si Flora, ayaw niyang natutulog ako sa apartment niya. Matanda na raw kami para matulog pa sa iisang bahay."
Kinuha niya ang isang folder mula sa kanyang tabi at iniabot ito kay Peter, na nakaupo sa likuran. Agad naman nito binuksan ang folder para alamin ang nilalaman nito.
Ngunit nang basahin niya ang laman nito, ang kanyang mga mata ay nanlaki sa gulat, at hindi makapaniwala. "Teka, Heneral, ano'ng ibig sabihin nito?" tanong ni Peter, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala habang hinihintay ang sagot ni Romeo.
"Last will and testament ko 'yan," sagot ni Romeo, ang kanyang tono ay seryoso at walang bahid ng pag-aalinlangan.
"Gusto kong itago mo 'yan, Peter, kung sakaling tumutol ang pamilya ko sa desisyon ko."
Sa dokumento, malinaw na nakasaad na sa oras ng kanyang kamatayan, kalahati ng kanyang mga ari-arian, kabilang ang mga negosyo at labing limang property sa ibat ibang sulok ng bansa , ay ililipat sa pangalan ni Flora, ang kanyang itinuring na nakababatang kapatid. Ang natitirang bahagi ay paghahatian ng kanyang limang mga kapatid.
Alam ni Romeo na hindi magiging madali ang desisyong ito para sa kanyang pamilya. Kilala niya ang kanilang impluwensya at kapangyarihan—tiyak na gagawa sila ng paraan upang baguhin ang kanyang nais at maibalik sa pamilya nila ang yaman ni romeo. kaya't mahalaga sa kanya na manatiling lihim ang dokumento.
Agad na sumabat si Abby, ang kanyang boses ay puno ng protesta. "Heneral, bakit kailangan mo pang gumawa nito? Napakabata mo pa para isipin ang last will! Ano ba'ng nangyayari sa'yo?" Ang kanyang mga salita ay may halong galit at pag-aalala, at ang kanyang mga mata ay nagsimulang magkislap dahil sa emosyon.
Napabuntong-hininga si Romeo, ang kanyang mga kamay ay itinaas para patahimikin si abby. "Alam ko, bata pa ako, Abby," sagot niya habang ang kanyang boses ay mahinahon. "Pero gusto ko lang maging handa. Humihingi rin ako ng tawad sa inyo dahil mas malaki ang makukuha ni Flora. "
"Hindi kagaya ng ibang kapatid natin, wala siyang trabaho at nag-aaral pa siya. Alam ko rin na malaki ang sahod ng mga sundalong tulad natin na may kapangyarihan ng diwata, kaya hindi ko iniisip na kailangan nyo pa ang pera ko."
Umiling naman si abby pag katapos itong marinig, bakas sa mukha nya ang pagkadimaya. "Heneral, wala akong pakialam sa pera o ano pa man," sabi niya, ang kanyang tono ay matigas. "Pero parang mali na isipin mo 'to ngayon. Bakit parang nagpapaalam ka na saamin?"
Hindi agad sumagot si Romeo. Sa halip, tinitigan niya ang madilim na kalsada sa harap, ang kanyang isipan ay puno ng mga pag aalala tungkol sa hinaharap.
Pagkatapos ng ilang sandali, nagsalita siya, ang kanyang boses ay puno ng diin.
"Mali, Abby. Dapat na natin itong paghandaan dahil nakapagpasya na ako. Sa susunod na laban, kailangan na mahuli na natin si Martin, kahit anong mangyari."
Ang mga salita ni Romeo ay parang kidlat na tumama sa loob ng sasakyan. Isang biglang katahimikan ang bumalot sa kanila, at ang kalungkutan ay halos nadama sa bawat sulok ng sasakyan.
Tahimik lang na nakikinig si peter at biglang inabot ang dokumento sa isa nilang kasamang tauhan sa likod. "Pasensya na, Heneral," sabi ni Peter, ang kanyang boses ay matapang ngunit may bahid ng emosyon.
"Pero hindi ako ang dapat magtago nito. Hindi ako naniniwalang mamamatay ka ng maaga lalo na sa isang katulad lang ni martin at kung sakaling magsimula ang labanan, isinusumpa ko na mananatili ako sa tabi mo, kahit anong mangyari. "
" Nakahanda akong ibuwis ang buhay ko para samahan kayo sa laban na ito. ." seryosong sambit ni Peter.
Napabuntong-hininga si Romeo, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalala habang tinititigan si Peter sa rearview mirror. "Peter, hindi mo kailangang samahan ako hanggang sa huli," sagot niya, ang kanyang tono ay mahinahon ngunit may diin.
"Mas marami ka pang magagawa sa hinaharap. Mas mahalaga ang buhay mo kaysa sa akin."
Agad na sumabat si peter, ang kanyang boses ay tumaas dahil sa intensidad ng kanyang damdamin. " Paki usap, hayaan mo akong gawin ito!" sigaw niya, ang kanyang mga mata ay nagniningning sa determinasyon. "Kung hindi dahil sa'yo, wala na ako rito. Wala na ang pamilya ko. Kung hindi mo kami tinulungan noon, malamang patay na kami. Kaya sana, Heneral, hayaan mo akong makabawi sa lahat ng kabutihan mo sa akin!"
Napailing si romeo ng marinig ito, ngunit ang kanyang ekspresyon ay nagpapakita ng pag-unawa. "Matagal ko nang sinabi sa inyo," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng sinseridad, "kung gusto n'yong makabawi sa akin, mamuhay kayo ng masaya, sa paraang gusto n'yo. Hindi ko tinulungan ang bawat isa sa inyo para isakripisyo n'yo ang buhay n'yo para sa akin. Kung sakaling mamatay ako sa laban, huwag n'yong sisihin ang sarili n'yo."
Ipinaliwanag niya na bilang sundalo, matagal na niyang tinanggap ang posibilidad ng kamatayan. Sa mga panahong ito, habang lalong nagiging agresibo ang mga rebelde ng Katipunan, alam niyang hindi niya kontrolado ang hinaharap.
Alam nila na may katotohanan ang sinasabi ni romeo ngunit ang mga ito ay nagdulot ng mas malalim na kalungkutan sa kanyang mga kasama. Naramdaman ni Romeo ang mabigat na kalungkutan sa kanyang mga kapatid habang nakikinig sila.
Napabuntong-hininga siya at sinubukang gumaan ang usapan. "Huwag kayong mag-alala," sabi niya, ang kanyang boses ay bahagyang naging magaan.
"Wala naman akong balak mamatay ng maaga. Hindi rin ako magpapabaya sa mga laban. Hangat maaari gusto ko parin makasama kayo hangang sa pagtanda."
" Ate abby, kuya peter. Sa mga kapatid ko kayo lang ang pinagsasabihan ko ng problema ko dahil alam ko mauunawaan nyo ako. Alam nyo rin na hindi ko nanaisin mamatay na lang sa laban kaya ipanatag nyo ang loob nyo. " Dagdag ni romeo.
Ngunit kahit sinubukan niyang magbiro, ang katahimikan sa loob ng sasakyan ay nanatiling mabigat. Ilang oras ang lumipas habang patuloy ang kanilang paglalakbay pabalik sa Cavite.
Biglang napahinto ang sasakyan dahil sa matinding trapik na dulot ng dami ng mga pasaherong gustong makasakay pauwi.
Malamig ang hangin sa labas na tila ba babagsak ang ulan, at ang kalsada ay naging mas magulo dahil sa mga taong nag-aagawan ng masasakyan.
Sa gitna ng paghihintay, napansin ni Romeo ang isang pamilyar na mukha sa napakahabang pila ng mga pasahero. Isang babae, nakasuot ng simpleng jacket at maong, na may kasamang matanda at isa pang dalaga.
Agad niyang napagtanto na si Adelina ito, ang babaeng nakilala niya kamakailan sa Cavite. Inutusan niya ang driver na igilid ang sasakyan at tumigil sandali.
Binuksan niya ang bintana ng sasakyan at tinawag ang dalaga. "Adelina!" sambit niya,
"Tignan mo nga naman, hanggang dito magkikita pa rin tayo!"
Nagulat si Adelina, ang kanyang mga mata ay nanlaki sa pagkabigla. Kasama niya ang kanyang lola at isang kaibigang babae na nagngangalang Aries, labing dalawang taon.
Ang tatlo ay kasalukuyang nasa pila, naghihintay ng sasakyan pauwi sa Kawit, ngunit dahil sa haba ng linya ay nakakatiyak silang magtatagal pa ang kanilang paghihintay sa lugar na iyon.
"Mukhang matatagalan pa bago kayo makasakay," sabi ni Romeo, ang kanyang tono ay magaan ngunit may malasakit.
"Gagabihin kayo sa pag-uwi kung maghihintay kayo rito. Gusto n'yong sumabay sa amin?"
Dahil likas kay delina ang katigasan ng ulo, ay agad syang nag-sungit. "Tch, bakit ba basta ka na lang sumusulpot? Hindi ko kailangan ng tulong mo, kaya umalis ka na!" Ang kanyang boses ay puno ng inis, ngunit ang kanyang mga mata ay nagpapakita ng kaba.
Nagtaka si Romeo sa kanyang reaksyon na tila ba tensyunado ulit ito. "bakit ba galit ka nanaman? gusto ko lang makatulong," sagot niya, sinusubukang pakikalmahan ang dalaga.
Ngunit bago pa siya makapagpaliwanag, sumabat ang kaibigan ni Adelina na si Aries, ang kanyang boses ay puno ng kasiyahan. "Woah! Teka, ikaw ba 'yung lalaking nababalitaan naming kasama lagi ni ate Adelina?" tanong ni Aries, ang kanyang mga mata ay nagniningning sa tuwa.
"Akala ko nag-iilusyon lang si Adelina sa mga kwento niya, pero totoo ka pala!"
Napangiti si Romeo, na naaliw sa pagiging masigla ni Aries. "Hindi ako sigurado sa sinasabi mo, pero siguro nga ako 'yon," sagot niya, ang kanyang tono ay magaan.
Biglang hinila ni Adelina si Aries, sinusubukang pigilan ang kaibigan sa pag-uusap. "Tama na, Aries! Huwag mo siyang kausapin!" sigaw niya, ang kanyang mukha ay namumula sa kahihiyan.
Tumingin siya kay Romeo at idinagdag, "At ikaw, umalis ka na!"
Ngunit bago pa makapagreact si Romeo, sumabat ang matandang kasama nila, na siyang lola ni Adelina. "Pagpasensyahan mo na ang apo ko, ginoo," sabi ng matanda, ang kanyang boses ay puno ng kababaang-loob.
"Teka, totoo ba na ikaw ang nobyo ni Adelina?" Ang tanong ng matanda ay parang bomba na nagpagulat sa lahat.
Halos napahinto si adelina sa kanyang kinatatayuan, ang kanyang mga pisngi ay namula sa sobrang kahihiyan. Habang si Romeo, na mabilis na nakabaw sa pagkagukat ay napangiti at piniling sumakay sa sitwasyon.
"Nobyo? Kung gano'n, 'yon na pala ang pagpapakilala saakin ni adelina sainyo?" tanong niya, ang kanyang tono ay may bahid ng pagbibiro.
" Nobyo. " Dagdag nya habang nakatingin kay adelina na tila nang aasar.
Agad na kinuha ni Adelina ang kanyang cellphone at nagpadala ng text kay Romeo. Nang basahin ito ni Romeo, nakita niya ang mensahe: *"Kaya ko 'tong ipaliwanag sa'yo mamaya, pero huwag mong sabihin sa lola ko na sumasama ako sa'yo kahit hindi kita kilala, magpangap ka na lang na nobyo ko kahit ngayong gabi lang!"*
Napangiti si Romeo at nagpasya na sakyan ang kwento ni Adelina. "Tama po, ako nga ang nobyo ng apo n'yo," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng kumpiyansa.
"Pero teka, alas-nuwebe na ng gabi. Bakit kayo nasa kalsada pa rin?"
Nagulat ang lahat sa narinig mula kay romeo kabilang sina Abby at Peter, na hindi makapaniwala sa narinig. "Ano, teka, totoo ba yun? May nobya ka na heneral—este, ni Romeo?" sabi ni Abby, ang kanyang boses ay puno ng pagtataka.
Itinaas ni romeo bahagya ang kamay nya para patahimikin si Abby at binulungan na magoapaliwanag sa ibang pagkakataon.
Ikinuwento naman ng lola ni Adelina na galing sila sa ospital dahil inatake ng hika ang matanda. Ang problema, dinala sila sa malayong ospital dahil walang libreng pagamutan na malapit sa Kawit. Habang nag-uusap, biglang lumakas ang ambon, at ang ulan ay nagsimulang bumuhos nang mas malakas.
Agad na binuksan ni Romeo ang pinto ng sasakyan. "Pumasok na kayo," sabi niya, ang kanyang tono ay puno ng malasakit. "Hindi magandang maghintay kayo rito sa ulan."
Agad naman na hindi pumayag si Adelina. "Hindi ko kailangan ng tulong mo!" protesta niya. "Kaya na namin ang sarili namin!"
Ngunit nabigka sya ng biglang sumakay sa sasakyan si aries upang sumilong. "Hoy, Aries, bumaba ka d'yan!" sigaw ni Adelina. "Hindi ka ba nahihiya?"
"Pero mababasa tayo kung hindi tayo sasakay!" sagot ni Aries, ang kanyang boses ay puno ng lohika. "Siya naman ang nag-alok!"
Bumaba si Romeo mula sa sasakyan at inalalayan ang matanda na makapasok. "Huwag kayong mahiya," sabi niya, ang kanyang boses ay magaan.
"Mas nakakahiya sa pamilya n'yo kung makikita nilang hinayaan ko lang ang nobya ko na mabasa ng ulan." Ang kanyang mga salita ay may bahid ng pagbibiro,
Namula sa hiya ang mukha ng dalaga ng mabanggit ulit ni romeo ang pagiging magkasintahan nika at hinila ang binata sa damit, agad nyang binulungan ito.
"Sinabi ko na, ipapaliwanag ko sa'yo mamaya! Huwag mo akong pagtripan!" bulong niya, ang kanyang boses ay puno ng inis.
Imbis na sumagot, biglang binuhat ni Romeo si Adelina at isinakay ng sapilitan sa sasakyan. Wala siyang nagawa kundi sumunod, at napilitan siyang umupo sa loob, ang kanyang mukha ay pulang-pula sa kahihiyan.
Napahinto sya sa pag pupumiglas nang makita niya sina Abby at Peter sa loob ng sasakyan, napailing siya at naramdaman ang dagdag na hiya.
"Pwede naman kaming maghintay do'n," sabi ni Adelina, ang kanyang boses ay mahina na. "Hindi n'yo kailangang mag abala para saamin. "
Komontra agad si Romeo sa sinabi ni adelina. "Hindi maganda kung mauulanan ang lola mo," sagot niya. "Kailangan na niyang magpahinga. Alam mo bang may sakit siya? Mas maganda kung sumabay na kayo."
"Tama!" sabat ni Aries. "May sakit si Lola, kaya hindi siya pwedeng mapagod. Mabuti nga't nasalubong natin ang boyfriend mo!"
"Tumigil ka, Aries!" sigaw ni Adelina, ang kanyang boses ay puno ng frustrasyon.
"Hindi tayo pwedeng basta humingi ng tulong sa kanila at magka-utang na loob!"
Nagtaka naman agad si Aries . "Kung nobyo mo siya, normal lang humingi ng tulong!" sagot niya, at tumingin kay Romeo. "at mukha nama syang mabait."
Ikinuwento ni Aries na madalas umalis si Adelina at
nagpapaalam na mamamasyal kaya ilang beses na ito hindi pumapasok sa trabaho sa karinderya.
Sinabi nito sa kanila na may mabait siyang nobyo na nagyayaya sa kanya. Noong una, hindi naniniwala si Aries, pero nang makita niya si Romeo, gumaan ang pakiramdam nya dahil totoo ang kwento ng kapatid.
Ipinaliwanag niya na pinapayagan ng lola nila si Adelina na umalis dahil sinasabi nitong mapagkakatiwalaan ang lalaking kasama niya.gayunpaman natatakot sila na kung sino sino lang ang kasama nito.
"Ginoo, talaga bang bukal ba sa loob mo ang pagpapasakay sa amin?kung hindi ay pwede mo naman kaming ibaba." tanong ng matanda, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala.
"Wag kayong mag-alala," sagot ni Romeo. "Maliit na bagay lang ito sa akin. Uuwi rin naman ako sa Kawit, kaya maaari ko kayong isabay."
Habang si Abby, napatuloy pa rin na hindi makapaniwala, ay nagtanong kay Romeo.
" romeo, totoo bang may nobya ka na? Hindi ka naman mahilig makisalamuha! Paano mo nagawang manligaw?" Ang kanyang tono ay puno ng pagtataka, at halos natawa siya sa ideya.
Napangisi si Romeo. " ate Abby, parang nagdududa ka na magkakanobya ako," sagot niya, ang kanyang boses ay may bahid ng pagbibiro. Agad nyang kinuha ang phone nya at nag-text sa dalawa, at nang basahin ni Abby ang mensahe, napangiti siya.
Sinabi ni Romeo sa dalawa na itago nila ang kanyang pagkakakilanlan bilang heneral at sundalo dahil hindi dapat malaman ng pamilya ni Adelina ang tungkol sa kanila. Inulit nya sa mga ito na kaya nyang ipaliwanag ang sitwasyon nya kaya naman wag na silang masyadong magtanong pa.
"Oo nga pala," sabi ni Romeo sa tatlo. "Sila sina ate Abby at kuya Peter, mga kapatid ko. At yung mga nasa likod, mga kaibigan ko sa trabaho. Huwag kayong mailang sa kanila."
Habang nagpapatuloy ang pagbyahe, patuloy na nakikipag-usap si Aries kay Romeo, na nagdulot ng matinding kaba kay Adelina. Tinanong ni Aries kung paano sila nagkakilala ni Adelina.
"Nagulat ako na nagkakanobyo si ate Adelina! Galit na galit sya sa mga Hilaw, kung makikita mo isa syang boyish kaya paano ka nagkagusto sa tomboy na kapatid ko?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng kuryosidad.
Nairita si adelina sa narinig kay aries at hinawakan ang ulo ni aries para patigilin ito. "Tumahimik ka nga dyan aries. "
Ngumiti si Romeo. "Magandang tanong 'yan," sagot niya. "Ang totoo, masyadong mabilis ang pangyayari. Una kaming nagkita sa isang bus station, at inaway niya agad ako. Napakatapang niya, kahit wala na sa lugar ang mga sinasabi niya."
Agad na umangal si Adelina at siniko si Romeo. "Tama na!" sigaw niya. "Aries, huwag ka nang magtanong kay Romeo ng kung ano-ano!"
"Wala naman kaming masamang pinag-uusapan!" sagot ni Aries. "Nag-aalala lang kami sa'yo, ate Adelina. Maraming masasamang tao ngayon, lalo na ang mga Hilaw. Mayayabang at mapang-abuso sila dahil lang may pera sila."
Ipinaliwanag ni Aries na lumaki sila sa lugar kung saan maraming mayayamang mapang-abuso na itinuring silang mga alipin at walang pinag aralang mga tao.
"Pero sabi ni Adelina, iba ka raw dahil nirerespeto mo ang mga pilipino. Kaya naniniwala akong pwede kitang kausapin bilang kapwa tao," dagdag niya.
"Wag kang mag-alala," sagot ni Romeo. "Wala akong pakialam kung Pilipino o Kastila ang kausap ko. Tinatrato ko ang mga tao base sa kung paano nila ako itrato."
Natuwa si Aries sa sagot ni romeo at nagtanong ulit. "gusto kong malaman paano ka ba talaga nagkagusto kay ate Adelina? Boyish siya, at galit na galit sa mga lalaki. Ilang beses na siyang nakipagsuntukan sa mga lalaking nakakausap niya!"
Namula ulit si adelina ng marinig ang sinabi ng kapatid. "Aries, tama na!" sigaw niya. "Kaya ko ang sarili ko, kaya wag mo akong pakialaman sa ginagawa ko!"
Sumabat ang lola nila, humihingi ng paumanhin.
"Pasensyahan mo na ang mga apo ko, ginoo," sabi niya. "Kahit brusko at matapang si Adelina, babae pa rin siya. Nag-aalala kami sa mga ginagawa niya at kung sino ang mga taong sinasamahan nya."
Ipinaliwanag ng matanda na masipag si Adelina at matiyaga, ginagawa ang lahat para sa pamilya at kahit na nahihirapan ay hindi ito kailanman sumusuko.
"Kailanman hindi siya nagpakita ng kahinaan, kahit nahihirapan na siya," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng pagmamalaki at pag-aalala.
"Ginoo, paki alagaan mo ang apo ko, at huwag mo siyang sasaktan."
"Lola naman !" protesta ni Adelina, habang ang kanyang mukha ay pulang-pula sa sobrang hiya. "Huwag kayong magsalita ng ganyan sa harap niya! Nakakahiya!"
Napangiti si Romeo. "Wag kayong mag-alala," sagot niya. "Kahit may pagka-marahas si Adelina, kaya ko siyang intindihin tuwing may mood swing sya."
Nagpasalamat ang matanda, at sinabi na napakabata pa ng kanyang mga apo. "Matanda na ako at may karamdaman, kaya hindi ko na sila masusundan palagi. Mas mapapanatag ako kung mabubuting tao ang kasama nila," dagdag niya.
Biglang hinawakan nina Aries at Adelina ang kamay ng kanilang lola, at dahil sa nakitang pagmamahal ng mga ito ay naramdaman ni Romeo ang malalim na koneksyon at pag-aalala sa kanilang pamilya.
"Nauunawaan ko po ang pag-aalala n'yo," sabi niya. "Ang totoo, wala akong alam tungkol sa pamilya ni Adelina, at ayokong makialam sa mga bagay na wala akong kinalaman. Pero kung may maitutulong ako, sabihin n'yo lang."
Agad na sumabat si Aries. "Seryoso ka ba, ginoo?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng pag-asa. "Kung gano'n, pwede mo ba kaming bigyan ng pera?"
Biglang binatukan ni Adelina si Aries. "Hindi ka ba nahihiya?" sigaw niya. "Hindi tayo pulubi! Hindi ako papayag na mamalimos tayo sa iba!"
Ngunit hindi nagpatinag si Aries. "Ate adelina, bakit ba mas mahalaga pa rin sa'yo ang pride mo kaysa sa katotohanan na mahirap lang tayo?" sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng frustrasyon. "Isang taon na mula nang magkasakit si Lola, pero hanggang ngayon, hindi natin siya maipapagamot. Naawa na ako sa mga kapatid natin, hindi man lang makapag day off kahit may nararamdamang sakit!"
Ipinaliwanag ni Aries na hindi niya gustong magmakaawa, pero kailangan nila ng tulong dahil baon na sila sa utang. "At isa pa, siya naman ang nag-alok! Kung ayaw niya na tulungan tayo, hindi ko siya pipilitin!" dagdag niya.
Dahil sa pagtatalo ng dalawa, inawat sila ng kanilang lola. "Tama na, mga apo," sabi niya, ang kanyang boses ay mahina ngunit puno ng awtoridad. "Huwag kayong magtalo sa harapan ng iba."
Pumagitna si Abby sa usapan. "Nauunawaan ko ang sitwasyon n'yo," sabi niya. "Pero hindi n'yo masosolusyonan ang problema kung mag-aaway kayo. Huwag kayong mag-alala, hindi problema kay Romeo ang tumulong gamit ang pera. Marami siyang pinopondohang charity works mula pa noon."
"Palagi siyang bukas sa pagtulong sa mahihirap," dagdag ni Abby. "Kung karapat-dapat kayong tulungan, tiyak na tutulungan kayo ng kapatid namin."
Napabuntong-hininga si Romeo. "Hindi ako basta-basta tumutulong," sabi niya, ang kanyang tono ay seryoso. "Ayokong makialam sa problema ng iba, pero kung may sapat na dahilan, hindi ako magdadalawang-isip na tumulong."
Biglang hinawakan ni Aries ang kamay ni Romeo, ang kanyang mga mata ay puno ng pasasalamat. "Kuya, kailangan ng Lola ko ng operasyon," sabi niya, ang kanyang boses ay nanginginig.
"May bukol siya sa lalamunan, at sinabi ng doktor na lumalala na ang kalagayan nya. Pero hindi kami sigurado sa kalagayan niya dahil hindi namin naiintindihan ang mga nasa papel. Sabi ng doktor, kailangan ng dalawang daang libo para sa operasyon at gamit sa ospital."
"Hindi namin kaya 'yon," dagdag ni Aries, ang kanyang boses ay puno ng lungkot. "Kaya naghahanap kami ng libreng pagamutan."
Sumabat naman si peter sa pag uusap. "Iilan lang ang may libreng pagamutan para sa mahihirap," sabi niya, ang kanyang tono ay puno ng pagsisisi.
"Nakakalungkot na walang ospital na nag-aalok ng libreng operasyon."
Nalungkot sina Aries at Adelina, agad na yumuko sa harap ni Romeo ang batang babaeng si Aries. "Kuya, handa akong gawin ang lahat para mapagamot si Lola, kung gusto mo pwede akong magtrabaho para sayo," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng desperasyon.
Ikinuwento niya na mabuting tao ang kanyang lola, na nag-ampon ng mga batang kalye at tinulungan sila kahit sa gitna ng pang-aabuso sa mga Pilipino.
"Alam ko na malaki ang kailangan namin, pero pangako, babayaran namin ang utang namin sa'yo kapag nakaluwag kami."
Nanatiling tahimik naman si adelina kahit na tutol sya sa ginagawa ni aries ay tila ba umaasa syang may tutulong sa kanyang lola, mababakas sa kanyang mga mata ang kalungkutan.
Alam niya na ginagawa nila ang lahat para kumita, pero hindi sapat ang kanilang naipong pera para sa operasyon ng lola nila.
Humihingi naman ng paumanhin ang matanda sa kanyang mga apo. "Huwag n'yo akong isipin," sabi niya. "Ayokong mahirapan kayo dahil sa akin."
"Wag kayong magsalita ng ganyan, Lola," sabat ni Aries, ang kanyang boses ay puno ng emosyon. "Utang na loob namin ang buhay namin sa inyo. Kayo ang nagpalaki sa amin, nagbigay ng pagkain at matutulugan. Hindi namin kayo pababayaan."
Biglang hinawakan ni Romeo ang kamay ng matanda. "Wag kayong mag-alala," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng kalinga habang nangangako.
"Bukas na bukas, dadalhin ko kayo sa doktor para maayos ang operasyon n'yo."
Nagulat ang matanda, at ang kanyang mga mata ay napuno ng luha sa pasasalamat. "totoo ba yan ginoo? Naku, maraming salamat, ginoo," sabi niya.
"Marami pang bata ang nangangailangan ng tulong ko, pero mahina na ako para magtrabaho. Kung gagaling ako, makakabalik ako sa pabrika at makakatulong ulit sa mga apo ko."
"Wag muna kayong mag-isip ng tungkol sa pagtatrabaho," sagot ni Romeo. "Magpagaling muna kayo para sa mga apo n'yo."
Sinilip ni Romeo ang labas at nakita ang mabigat na trapik dulot ng malakas na ulan. "Deretso na tayo sa condo ko," sabi niya sa driver. "Doon na lang magpalipas ng gabi sila lola para makapunta ng maaga sa ospital bukas."
Tinawag niya si Peter para utusan. "Tawagan mo ang opisina, Peter. I-set natin sa tanghali ang meeting para bukas."
"Maraming salamat," sabi ng matanda, ang kanyang boses ay puno ng pasasalamat. "Totoo ngang mabuti kang tao, kagaya ng sinasabi ng apo ko."
Hindi makapaniwala si adelina gayunpaman hindi sya makapagsalita, ayaw nya tumanggap ng utang na loob pero alam nyang kailangan nila ng tulong.
Pagdating sa condo ni Romeo, inihatid ng driver sina Abby at Peter, at nagpaalala si Romeo na maghanda para sa susunod na araw.
Inayos niya ang sala at naghanda ng maiinom para sa tatlo. "Pasensya na, wala akong pagkain dito, pero nag-order na ako, kaya hintayin na lang natin," sabi niya.
Namangha si Aries sa ganda ng condo. "Ang ganda ng bahay mo, totoo ngang mayaman ka pero bakit ang tahimik dito, Kuya," sabi niya.
"Bakit parang walang tao?"
"Ako lang ang nakatira rito," sagot ni Romeo. "ang totoo Minsan lang ako pumupunta dito para sa mga meeting sa trabaho ko." "
Teka, paano 'yung mga kapatid mo, yung mga kasama natin kanina?" tanong ni Aries.
Ipinaliwanag ni Romeo na hindi nakatira ang kanyang mga kapatid sa iisang bahay at may kanya-kanya silang tinutuluyan.
Nabanggit niya rin na tulad nila Adelina, hindi rin niya kadugo ang kanyang mga kapatid kaya may sari sarili itong mga bahay, pero itinuturing niilang pamilya ang isat isa.
Hinawakan ni aries si romeo sa braso at nagbiro kung maaari nya rin bang gawing kapatid ito, handa rin si aries na maging mabuting pamilya para sa binata.
" Mabait naman ako at masipag. " Dagdag nito.
Biglang hinila ni Adelina ang braso ni Romeo at nagmadaling pumasok sa kwarto, padabog nyang isinara ang pinto.
Nagulat si Romeo sa naging aksyon ng dalaga. "Ano'ng ginagawa mo?" tanong niya.
"Pwede ba, wag kang masyadong malapit kay Aries," sabi ni Adelina, ang kanyang boses ay puno ng inis. "Ako ang magbabayad ng utang namin sa'yo. Huwag mo na siyang idamay dito."
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Romeo. "Bakit ba parang napakasama kong tao kung ituring mo?"
Umiling si Adelina. "Hindi ako tatanggap ng utang na loob sa mga Hilaw," sabi niya. "Maraming pang-aabuso ang dinaranas namin dahil sa utang. Marami kaming nakilalang mayayaman sa lugar namin, at itinuturing kaming mga kagamitan na inaalipin bilang kabayaran sa mga kakampot na itinulong nila."
Napangiti si Romeo, ngunit ang kanyang ngiti ay puno ng pag-unawa. "Inaakala mo ba na may masama akong motibo sa pagtulong?" tanong niya.
"Hindi ko kailangan ng kapalit. Ang totoo ang lola mo talaga ang tinutulungan ko at hindi ikaw."
Napailing si Adelina. " Ewan ko, pero siguro nga mabuti kang tao," sabi niya. "Pero ayoko lang magka-utang na loob."
Ikinuwento niya na ang kanyang mga kapatid ay nagtatrabaho sa mga mayayamang Hilaw na pinagkakautangan nila, at wala silang magawa kundi sumunod sa mga utos.
"Dahil wala kaming pambayad, nagtitiis ang mga kapatid ko sa mga kawalang-hiyaan nila," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng galit.
Naramdaman ni Romeo ang sakit sa likod ng mga salita ni Adelina. "Kaya ba galit ka sa mga Hilaw?" tanong niya.
"Kung may nais kang ikwento saakin, handa akong makinig."
Nanahimik lang si Adelina, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalinlangan. Ilang sandali pa ay lumapit si Romeo sa cabinet at kumuha ng isang lumang larawan.
"Alam mo, noon, marami rin akong problemang pinagdaraanan," sabi niya. " matinding pangungulila at kawalan ng pag-asa ang naramdaman ko. Natatakot ako noon, hindi ko alam ang gagawin ko.
Wala akong mapagkatiwalaang tao na nasa paligid ko. Lahat sila ay nakahanda akong gamitin at alam ko na kaya nila akong iwan at pabayaan ano mang oras. Pero nagbago ang lahat nang makilala ko ang mga kapatid ko. Kahit hindi kami magkadugo, alam ko na mapagkakatiwalaan sila."
"Nalaman ko na kailangan ko ng tulong ng iba, hindi kasalanan ang humingi ng tulong sa ibang tao. " Dagdag ni romeo.
Binanggit nya na bagamat sinasabi ng mga kapatid nya na malaki ang naitulong nya sa mga ito ay alam nya na higit pa sa kayamanan ang naibigay sa kanya ng pagkakaroon ng kaibigan, kapatid at pamilya.
"Hindi kita pipilitin kong hindi mo ako pinagkakatiwalaan pero hindi mo kailangan na problemahin ang motibo ko sa pagtulong dahil wala kang dapat bayaran saakin. "
Nagbuntong hininga si adelina at yumuko para humingi ng tawad. Sinabi nya na ilang beses na silang nag tiwala kaya ayaw nya na maulit ang pagkakamali nila lalo na kay aries.
Naikwento ni adelina na napaka bata pa ni aries para makaranas ng pang aabuso kagaya ng nangyari sa iba nyang kapatid. Kung pati si aries ay maaabuso ng ibang tao dahil lang sa hindi nya kayang pangalagaan ito ay napaka laking kahihiyahan ito bilang nakakatandang kapatid nya.
Naikwento nya na ang lola nya ay nag ampon ng batang kalye at dahil sa hirap ng buhay sa lansanagan ay pinasok ng mga kapatid nya ang ibat ibang trabaho.
Karamihan sa mga pinagkakautangan nila ay mga may ari ng mga beer house at night club.
Nang gagalaiti sa galit si adelina habang ikinukwento na sapilitang pinagtatrabaho ang mga kapatid nyang babae sa mga night club para mabayaran ang utang nila.
Umuuwi na may pasa at madalas nyang makitang umiiyak sa sulok ang kanyang mga kapatid pero nagpapatuloy parin ito sa pag pasok sa trabaho. Nadudurog ang puso nya kapag naiisip nya na wala syang magawa para sa mga ito.
" Wala kaming magawa, pinagbabantaan nila ang mga kapatid ko at tinakot na ikukulong kung hindi susunod sa mga utos nila. Mga demonyo sila."
" Balang araw makakaganti rin ako sa kanila, ibibigay ko sa kanila ng doble ang sakit at kahihiyan na idinulot nila saakin at sa pamilya ko. " Dagdag ni adelina.
Nag alala si romeo sa mga pagbabanta ni adelina at sinabi na hindi makakatulong ang pag hihiganti. Magdudulot lang ito ng kapahamakan sa buong pamilya. Nauunawaan man nya ito ay hindi nya nakikita na makakabuti sa dalaga ang gumawa ng maling aksyon.
Ipinaalala nya kay adelina na kung sa kaling makaganti sya ay hindi nito kayang solusyunan ang problema nila tungkol sa kahirapan.
"Mahirap na mabuhay sa bansang ito bilang pilipino kaya wag mo ng gawing komplikado ang lahat para sayo." Sambit ng binata.
Nagbuntong hininga sya at tinanong kung may nalalaman si adelina na ilegal na kinasasangkutan ng mga umaabusong Hilaw sa pamilya nya ay pwede nya itong sabihin sa binata.
Hindi sya nangangako ngunit alam nyang may magagawa sya para mapahuli ang mga ito kung sakaling gumagawa ito ng labag sa batas.
"Tch, para naman kaya mong pigilan ang droga at prostitusyon sa cavite. Malakas sila sa mga kapulisan at parokyano nila ang mga kastila kaya walang kahit na sino ang may kakayahan na hulihin sila. " Sambit ni adelina.
" Tama ka, hawak nila ang batas sa lugar nila at magiging komplikado nga ang paghuli sa kanila. Gayunpaman. Kailangan mong magtiwala saakin. Marami akong kilala sa gobyerno Sabihin mo ang nalalaman mo at baka may magawa ako para sainyo. " Sagot ni romeo.
Biglang may kumatok sa pinto kaya binuksan ito ni Adelina at nakita si Aries sa harap nito habng nagsabing dumating na ang inorder na pagkain.
Kumuha si Romeo ng pera sa pinaka nya at iniabot kay Adelina. "Kunin mo na ang pagkain, at maghanda ka ng hapunan," sabi niya.
"Teka, bakit ako?" protesta ni Adelina. Tinulak siya ni Romeo palabas. Pag-alis ni Adelina, isinara ni Romeo ang pinto at tumingin kay Aries.
"May dapat kang gawin para sa akin," sabi niya kay aries, ang kanyang tono ay seryoso habang hawak ang balikat ng batang babae.
Kinabukasan, inasikaso ni Romeo ang matanda sa isang pribadong ospital. Mabilis na na-check-up ang lola, at binigyan ito ng mga gamot.
Ilang minuto pa ang lumipas kinausap ni Romeo si Adelina sa may pinto. "Hindi ko na mahihintay ang mga test, kailangan ko nang pumunta sa trabaho," sabi niya. "I-text mo ako kapag natapos kayo, para mapabalik ko ang driver ko at maihatid kayo sa condo."
Tumanggi si Adelina sa alok nito. "Kaya na naming umuwi sa bahay," sabi niya. "Hindi na namin kailangang abalahin ka pa."
"Hindi nakakatulong ang pride mo sa kalagayan ng lola mo," sagot ni Romeo. "Minsan lang ako maging mabait, kaya gamitin mo 'to pagkakataon para gumaling siya."
Wala nang nagawa si Adelina kundi pumayag.
"Salamat," sabi niya ng may mahinang boses.
Habang pinagmamasdan ang papalayo si Romeo, hindi niya maiwasang mag-alinlangan. Natatakot siyang magka-utang na loob, pero sa kaibuturan ng kanyang puso, umaasa siyang hindi tulad ng ibang tao si Romeo.
Gusto nyang maniwala na hindi ito isang mapang-abusong honorary Spaniard, kundi isang tunay na mabuting tao.
End of chapter.
